bc

The 6th Girl

book_age16+
83
FOLLOW
1K
READ
dark
second chance
friends to lovers
kickass heroine
independent
self-improved
royalty/noble
bxg
highschool
first love
like
intro-logo
Blurb

Naulila ng nakaraang digmaan si Verna. Sa larawan lamang niya nakilala ang kanyang mga magulang. Naranasang tumira sa isang ampunan na siya lamang ang bata.

Hindi normal ang kanyang buhay, sa libro lamang siya nakakahanap ng kaligayahan. Lahat ng ginagawa niya bilang estudyante ng Versalia University ay parang wala lang sa kanya.

Ganito na lamang ba ang buhay niya o meron pang mga taong darating na magpapagulo sa buhay niya sa Versalia?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Buti na lang hindi masyadong maiinit kundi kanina pa ako hinimatay sa paglalakad.       Ngayon pa kasi nasira ‘yung carpool service ng Vasque!       Kung kelan kailangang-kailangan ko ng masasakyan. Kaya heto ako naglalakad papunta sa Zymeth faction para magpapirma ng ilang papeles sa kanilang Representative Councilor.       Madami akong nakakasalubong na iba't ibang estudyante from all colors of factions of Versalia University's diverse students.       There are eight factions here in Versalia University na nag-sesegregate sa mga estudyante base on different qualities, backgrounds and of course social standing.       All of us wear armbands on our left arm and brooches on our right chest depending on what factions we belonged to.       Ako ay taga Vasque faction, the seventh class of the faction home of the sons and daughters of intellectuals. If they are children of rocket scientists, writers, doctors, I.T specialists, mechanical geniuses or education professionals ay dito sila automatically mapapapunta.       Me? My mom and dad were both Doctors of Education. Doctor of Literature si tatay samantalang Doctor of Librarian Works si nanay kaya dito ako automatically napapunta ng mag-enroll ako dito.       I don't resent my faction. Actually kabaligtaran, masayang-masaya ako at dito ako napunta.       "Ay sorry miss," paumanhin sa akin ng isang babae na nakabangga sa akin.       Hindi na ako nakaiwas dahil it's either tatalon ako sa talahiban or sa buhanginan na pinaglalaruan ng mga bata.       Napatingin ako sa kanya at napangiti. She is wearing these cute Chinese sticks on her hair and she looks very cute and petite. A student from Feng faction, fourth class. Nakasuot siya ng gold armband at cat brooch which complements her very asian feature.       "Ok lang. Kung tatakbo ka pa rin, make sure to take the right route. May isang klase ng Phidoch sa Leftarian Ave." paalala ko sa kanya at nagpasalamat naman agad siya bago tumakbo ulit na animo'y hinahabol ng multo or something.       Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad and not after a minute or two ay mukhang nakasalubong ko ang dahilan ng pagtakbo ng taga Feng kanina.       Isang magandang lalaki na naka-salakot, pink armband at maya brooch. Mukhang may hinahanap ito at sigurado akong si Ate kanina ang target nito.       "Miss cute, may nakita kang babaeng taga Feng na dumaan dito kanina?" nakangising tanong niya sa akin sabay kindat.       Pinigilan kong umikot ang mga mata ko bago seryosong itinuro ang daan sa likod ko, "Dumeretso sya sa Leftarian Ave."       Ngumisi ulit ito sa akin at nagpasalamat bago tumakbo sa dereksyon na itinuro ko.       Call me a b***h but wala akong balak traydurin ang kabaro ko sa oras ng pangangailan. Tiyak nililigawan o pinipickup ng Brygantysian na iyon ang pobreng babaeng Feng. Pwes, dumaan muna sya kamay ng mga 10th grader na mga Phidochians for all I care.       I took a deep breath again at binilisan ko ang paglalakad ko. I can't afford to be slow now. Hectic ang schedule ng Councilor ng Zymeth at inabot ng tatlong linggo bago ako nakasangat. I need to get these papers signed at no cost.       Nasa border na ako ng Fenrir at Zymeth faction at napangiti ako ng maamoy ko ang mabangong halimuyak ng libo-libong mga bulaklak na nakatanim sa compound ng Zymeth. Even though I can't see them yet, I can already imagine the lilacs, lavanders and sampaguitas in the air.       I looked around and I can hardly believe until now na nasira ng lubusan ang Versalia University nung Terror War, isang gyera na nangyari nung bata pa lang ako.       I have read the history books and I still can't believe na buong Pilipinas ang nasakop at nasira, even Versalia Island was not spared from the devastation.       But with the help of heroic Filipinos ay nabawi ang Pilipinas. Pero vital ang naging papel ng mga estudyante ng Versalia University na naging susi sa maagang pagkapanalo ng mga Filipino.       At the cost of dozens of lives of students and bloods of the resistance fighters ay natalo ang mga mananakop.       Such a wonderful story.       Hindi ko namalayan na kaka imagine ko sa nabasa kong libro ay nakarating na ako sa bukana ng Zymeth Compound.       Smelling the flowers is one thing. Seeing the compound with your own eyes is really something breathtaking. Kahit lang beses na akong nakakarating dito ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mapahinga ng malalim at manlaki ang mata sa tuwing nakikita ko ang scenery na ito.       Thousands upon thousands of flowers of different variety. From Ylang-ylang to white roses. Every imaginable variants of flowers are all here. Humangin pa bigla at lalong naamoy ko ang pinaghalo-halong scents ng flowers na talaga namang relaxing.       "Hoy mga bata! Wag kayo diyang maglaro! Hindi niyo ba nakita ‘yung sign?! It say's "Feets off the flowers"! Kahapon pa kayo ah!" nanggagalaiting sigaw ng isang lalaki na naka boutonniere, purple armband at butterfly brooch na sumugod sa kumpol ng tatlong bata na puro mga naka pang winter jackets, brown armband at walrus brooch.       Nagtilian ang mga ito at nagsipulasang nagtatakbo palayo sa direksyon pabalik sa kanilang school compound na laging may blizzard.       Naiiling na lumakad na ako papunta sa main trail papunta sa isang malaking brick manor sa gitna ng mga nagtataasang mga puno sa hindi kalayuan sa gitna ng flower field.       Ilang mga Zymeth students ang nakakasalubong o nakakasabay ko papasok at palabas ng kanilang mga compound.       Most of them are celebrities or famous kids on their own right. Ang iba ay anak tiyak ng mga prominenteng politiko o di kaya ay anak ng mga miyembro ng alta sociedad though not the same level as the Fenrir's almost aristocrat student’s status.       It never failed to amaze me na pre-war ay mga Zymeth lang halos ang nakakatapak dito sa kanilang compound.       Now after the war tuluyan nang naging united ang mga factions. There are few accidents or misunderstandings here and there but not the same magnitude as the one they describe as isolationist in the history book that I read.       Dati ay kanya-kanya talaga daw ang mga faction at madalang pa sa patak ng ulan mo makita ang isang estudyante na napunta sa ibang faction maliban kung saan sila nakatoka.       But now, looking at several groups of Fenrir, Feng and Almorican students who are going in and out of the compound really says a lot of being open and how welcoming each factions are to their counterparts.       May mangilan-ngilan na mga taga Phidoch na nalabas samantalang kasabay ko papasok ang isang Brigantysian hawak ang kamay ng isang taga Rayse.       Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa bakuran ng Zymeth at nakita ko ang dalawang estatwa na gawa sa ginto.       What is funny about these statues is that may hatak na sako ang babae na nakayuko at nakangisi habang hawak ang isang bote ng gin na kung di ako nagkakamali ay isang dinamita na ginagamit sa illegal fishing.       Ang matangkad na lalaki naman na katabi niya ay nakaluhod ang isang tuhod na may hawak na limang kwitis at mukhang nasa kalagitnaan ng pagsisindi nito.       The plaque under them said...       "The siblings Alyssa Mari at Dennis Steven Maranan, Deputy Representative Councilor and Representative Councilor the Second Class Zymeth Faction of their time respectively ay dalawang magigiting na bayani na lumaban para sa Zymeth faction, Versalia University at para sa Pilipinas noong panahon ng giyera gamit ang mga paputok ng faction para talunin ang mga mananakop"       Napatingin muli ako sa dalawang estatwa at napangiti. Sana one day mameet ko sila. From what I heard napaka eccentric ni Alyssa at seryoso naman ang kapatid niyang si Steven.       "Random security check. State your name, faction and reason for visiting our faction."       Napalingon ako sa isang gwapong Zymeth student na around my age lang siguro at may hawak na purple iPad. Nakikita ko ito sa mga clothing commercial sa t.v. Hindi ko lang alam ang name niya.       Inayos ko ang aking beach hat at inilapit sa aking dibdib ang malaking plastic folder na puno ng papeles.       "Verna Ferta, Seventh Class Vasque Faction, Coordinator to Representative Councilor Paladia. I'm here to have these papers signed by your Representative Councilor," sagot ko sabay turo sa mga papel na hawak-hawak ko.       Tumango-tango ito habang tinatayp ang mga sinabi ko sa kanyang tablet bago tumingin sa akin at itinuro ang malaking pinto sa likod ng mga estatwa at ngumisi.       "Kung ako sa'yo mamaya na ako magsasightseeing. Papirmahan mo na agad yan dahil maya-maya ng konti ay mawawala na namang parang bula ang Representative Councilor namin."       Mabilis na nagpasalamat ako at tumakbo na ako ng tuluyan papasok sa school building.       Isang malaking foyer ang tumambad sa akin at may mga gumagapang na vines sa mga pillars at may mga bulaklak sa hindi mabilang na vases sa paligid.       Sa takot ko na malayasan ni Councilor Mystina ay tiniis ko nang hindi muna mag-sight seeing at dumeretso sa office ng Representative Councilor ng Zymeth sa second floor ng school building.       Dumating ako sa tapat ng isang impressive looking na pinto at kumatok.       Wala pang isang segundo ay may tumugon ng "Come in."       Huminga ako ng malalim at pinihit ko ang door knob at ang tumambad sa akin ay isang malawak na office type room at nakita kong nakangiti ang isang magandang babae na nakaupo sa isang butterfly-carved chair at malapad na lamesa sa unahan niya na decorated ng mga bulaklak na carvings.       "Oh, buti naabutan mo ako. Is that the papers I need to sign that Paladia mentioned?" tanong niya sa akin habang itinuro niya ang isa sa dalawang upuan sa harap niya.       Tumango agad ako at nag-bow muna sa kanya bago tuluyang umupo na sa silyang inooffer niya sakin.       Lagi kong nakikita si Mystina sa mga billboards, television shows, sari-sari store posters, signages and movies pero ngayong nakita ko na siya ng malapitan. All I can say is she is breathtakingly beautiful.       Very plump and voluptuous body. Ung tipong cross ng isang model at isang soprano singer ang katawan every movement is flowing and very attractive.       And her eyes, her charcoal grey eyes she got from her father is really mesmerizing. However, the way she looks and the smiles ay talagang hawig na hawig sa nanay niya.       She is wearing the purple scarf of the Representative Councilor of Zymeth faction together with the butterfly brooch. Medyo awkward nga lang ung tatlong gumamela na nakapatong sa ulo niya.       "You're Verna, correct? Paladia's Coordinator?" tanong niya sa akin.       Tumango agad ako at iniabot ang malaking folder na hawak ko. Actually, iilan lang naman talaga ang kailangan nyang pirmahan. Madami lang talagang mga details kaya kumapal ung laman ng folder.       "Councilor Paladia needed that papers sign before five this afternoon. Bukas na daw ang deadline niyan,"magalang kong pasa ng message ng amo ko.       "Of course, Verna. Let me just review these papers. This might take a few minutes. Gusto mo bang lumabas muna?" seryoso niyang tanong sa akin.       Umiling agad ako, "No it's okay. May dala naman akong libro dito. Magbabasa na lang ako while I wait Councilor Mystina."       "Good. Let me just get these papers fixed..."       Iyon lang at binuklat na nito ang mga papel na dala ko at pinag-aralan.       I opened my book and started where I left off.       Gustong-gusto ko talaga ang mga happy endings. They are just fun, fulfilling and full of hope. Kaya kahit anong libro na mabuklat ko basta't happy ending papatusin ko.       Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng sulyapan ko si Mystina.       Nakasalamin na ito at tila seryosong-seryoso sa pagbabasa ng mga papeles. Binabalik-balikan pa niya ito at kumukunot ang noo na parang may hindi naantindihan.       Bakit siya ganito?       The Mystina I know is the exact opposite. Maingay, taklesa, parang loka-loka at super hyperactive. Even on t.v and movie guesting ay parang pinakawalang baliw sa mental ang ugali niya.       Hindi nga kaya public release lang iyon at eto ang totoong Mystina?       Bumukas bigla ang pinto ng office at tumambad sa harap namin ang isang matangkad at payat na babae na may kurba ang katawan. Maputla ang balat niya at brown na brown ang mga mata. Even her hair color is the same hue as her eyes.       She is about six feet tall wearin a billowing white scarf, swan brooch and a mean looking black gloves studded with spikes bearing a skull and cross metal.       "Mystina, ilang minutes na lang lunch break na. Baka nakakalimutan mo na ililibre mo ako?" malamig na tanong nito.       Napalingon ako at nakita kong namutla si Mystina at mukhang hindi mapakali, "Naku, ate... Ikaw naman bakit ko makakalimutan? Pipirmahan ko lang itong papers ni Paladia at gora na tayo sa gotohan," palusot nito na mukha namang hindi kinagat ng babae sa pinto.       Namamawis ng malagkit si Mystina and I can't really blame her. Ako ngang hindi niya pinapansin ay sobra nang bilis ang puso at kinakabahan na, siya pa kayang nasa direct line of sight nito?       Nang mahalatang hindi pa rin naimik ang ate niya ay mabilis na tinuro ako ni Mystina.       "Syanga pala ate, meet Verna, Coordinator to the Representative Councilor of Vasque. Verna, meet my sister, Stellar Mari Maranan. Representative Councilor of the Third Class Phidoch Faction."       Sa sobrang takot ko ay tumayo agad ako at tumalsik ang hinahawakan kong libro at bumagsak thankfully sa paanan lang ni Stellar.       I immedietly bowed, "It's an honor to finally meet you personally. Puro papuri ang sinasabi sa inyo ni Councilor Paladia," nauutal kong bati.       She didn't replied. Instead tumungo siya at dinampot ang bumagsak kong libro bago iniabot sa akin at ngumiti. She's as beautiful as her sister albeit magkaiba sila ng category.       "Favorite ko din ang story ni Cinderella. Pahiram mo sakin minsan Verna," nakangiti niyang sabi sa akin.       I let out a sigh of relief. I'm saved. For now...       "Ay naku walang kwentang istorya! Tanda mo na binaba---- AY eto na nga ate eto pinipirmahan ko na nga diba? Ayan na, ayan na!" mabilis nitong segway sabay pinagpipirmahan ang mga papeles na dala ko dahil masama ang tingin na itinapon sa kanya ni Stellar sabay abot sa akin, "There finished. I studied most of it but I'm sure I can trust Paladia's proposals. Sa kanya lang ako hindi naloloko," she told me kindly before she stood up and ran at the side of her sister.       "Ate tara na. Alam ko naman na daig mo pa ang minemenopause na matandang dalaga pag gutom! Let's eat," masaya nitong sabi sabay lakad palabas ng office hatak-hatak ang kapatid.       Naiwan na lang akong nakanganga at nakinig ko ang isang malakas na tili na parang galing sa mangkukulam.       "I'm finally free bitches! Mwahahahahahaha!"C

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook