Chapter 2

2033 Words
"I am positive that I failed this time!"   "Please Lord!"   "Patay ako neto kay mama!   "Oh my God!"   "Teka diko makita name ko!"   "A....A....Alvarez, Adan, Arcilla..."   "s**t! Dos lang sa Economics!"   Napatingala ako sa pagkakatungo habang nagbabasa ng libro ko. Ilang dosenang Vasquers ang nagkakagulo sa tapat ng isang malaking flat screen na nadikit sa pader ng lobby.   Napakunot ang noo ko at pinilit kong alalahanin ang date ngayon.   If I'm not mistaken, November 21st.   Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo na din ako sa kumpol ng mga babaeng naka summer hats at mga lalaking may suot na mga rayban at nakipagsiksikan na din hanggang sa tuluyang nakarating sa unahan kung saan ko hinanap ang aking pangalan.   Ilang saglit pa at nakita ko na din sa wakas at nakahinga na ako ng maluwag. Umalis na ako sa tapat ng screen at bumalik na sa naiwan kong paglalakad papunta sa labas ng school compound namin.   Sa halip na magbasa ay pinili ko na munang igala ang aking mga mata sa paligid.   Sa halip na kalangitan at mga ibon na nalipad ang nakita ko pag silip ko sa isang bintana ay isang malawak na lawa at mga isdang naglalanguyan ang aking nasulyapan.   Yes, underwater ang building ng Vasque. Sa ilalim ng artificial lake matatagpuan ang building ng mga pinakamatatalinong bata sa Versalia University.   It's one of a kind at talaga namang pinagmamalaki namin ang aming school building. We also have the largest library in the island at protektado ng state of the art materials at mga makakapal na salamin na kahit missile ni Mother Superior Sherri ay hindi man lang magagasgasan ang aming building.   Bawat room sa building na ito ay selyado at may mga escape pods kung sakaling pasukin ng tubig ang aming building ay madali kaming makakapag evacuate.   Nakarating na din ako sa wakas sa foyer kung saan pitong glass tube elevators ang taas-babang naghahatid ng mga estudyante mula surface to underwater and vice-versa. Sumakay ako sa pinakadulo sa kaliwa at napangiti ako ng makasabay ko ang isang grupo ng mga Phidoch na babae na may bitbit na mga libro na mukhang hiniram sa library.   Naalala ko bigla si Stellar, ang Representative Councilor ng Phidoch sa kanila.   They are also wearing intricate gloves at nahalata kong may nakaconceal na mga taser, baton at stun gun sa kanilang mga palda.   Typical Phidochs, never go anywhere unarmed same as Vasque that never goes anywhere without their books, tablets, laptops, wrenches etc.   Habang pataas ang elevator ay hinayaan ko ang aking sarili na tingnan ang blue na tubig at iba't ibang klase ng mga isdang makikita mo lang sa ilalim ng dagat.   Konektado sa dagat ang artificial lake namin kaya come and go ang mga lamang dagat gaya ng mga pawikan, pusit, jellyfish at octopus na nandito.   Nakaramdam ako ng pride bilang Vasquer.   What do they got on the other factions? A lot of snow, sand and dust? Dito napapaligiran ka ng tubig at mga isdang naglalanguyan! Only Zymeth can rival our closeness to nature.   Bumukas na ang elevator at naglabasan na ang mga Phidochians na kasabay ko habang nasa likuran nila ako.   Tumingin ako sa aking taas at nakita ko ang isang grand spiral staircase leading to the top of our lighthouse na ginagamit na observatory ng astronomically inclined Vasquers.   Inayos ko ang aking nakatabinging blue and white summer hat at tumapak na ako palabas ng building at lumakad papunta sa pinakamalapit na bench sa labas ng aming school compound at umupo.   Binuksan ko ang aking libro at nagsimula na ulit magbasa.   Basa, basa, basa. Dyan lang ako magaling. Kaya napasa ako sa klase ko dahil may mala-library akong utak. Pagkabasa ko ng isang libro, automatic na tatanim sa aking utak iyon at hindi na mawawala pa.   Dito na lang ako nakakatakas, nagiging malaya at masaya. Sa aking pagbabasa dito ako nakakakuha ng kahit tikim lang ng pag-asa.   Sobrang malungkot ang realidad ko kaya lumiligaya lang ako sa mundo ng pantasya.   Ang bata-bata ko pa lang naulila na ako. Parehong namatay nung gyera ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung paano at kung saan. Basta ang sabi sa akin ay isinakripisyo nila ang sarili nila mailigtas lang ako. Na pareho silang alumni ng Vasque at nangunguna sa kani-kanilang propesyon. Na wala silang naiwan sa akin kundi ang pamana nilang katalinuhan.   Salamat sa ginawa ni Mannaflora ay hindi ako nagtagal sa ampunan.   Pagtapak ko ng kinder ay kinuha na ako ng Vasque at inilipat sa kanilang dormitory for orphaned children of Vasquers sa Hippocampi, ang village ng faction namin.   From then on doon na ako tumira hanggang sa ako na lang ang natira sa mga kasabayan ko. Either nakuha sila ng mga kamag-anak nila or napalipat na sa ibang factions.   I don't have friends nor enemies which I'm at least thankful for. Masyado akong tutuok sa mga libro ko na hindi ko pala napapansin na detached na ako sa mga tao sa paligid ko.   Mabuti na din siguro na sa Vasque ako napapunta. It's also branded as a faction with factions.   Why?   Kasi kahit pare-pareho kaming Vasquers, nahahati pa din kami sa mga sub-groups based on our intellectual inclinations. There are the techs, scientific, educational, mechanical and literary group.   As you can guess, sa literary group ako kasali. Mannaflora, the famous pre-war era Representative Councilor of our factions ay kabilang sa tech group. While the present Councilor Paladia, the one I'm serving, belongs to the mechanical group.   Kakaisip ko sa aking buhay ay hindi ko na napansin na papalubog na pala ang araw. Ipinasok ko sa dala kong shoulder bag ang aking hawak na libro at naglakad na papunta sa bus stop kung saan thankfully ay may nakahintong sasakyan.   Umakyat ako at nakita kong halos puno na ito ng mga Vasquers from all educational levels and groups.   Umupo ako sa tabi ng isang mechanical guy na mukhang may kinakalikot na calculator at parang minomodify ito.   I just shrugged my shoulder and took out my book. Magbabasa na lang ako habang nabyahe.   All of us Vasquers have this unwritten rule na taboo ang pambwibwisit sa ginagawa ng ka-faction mo maliban na lang kung emergency. I mind my business, you mind yours.   Huminga ako ng malalim at sinimulan na ang next chapter ng story na binabasa ko.   -0-   Nakahiga ako ngayon sa loob ng kwarto ko.   Kayang i-accommodate ng building na tinutuluyan ko ang isang daang tao pero ako lang ang nakatira dito.   Nakakapanglaw sa una pero nasanay na din ako. At least tahimik at makakapagbasa ako ng walang istorbo.   Tumingin ako sa paligid ng aking kwarto at napangiti.   Puro poster kasi ng Disney Princesses ang nakadikit at madaming stuff toys na inspired ng mga fairy tale stories. Gaya na lang ng seven dwarves, si Gus, Chip, Olaf at madami pa. Sa isang sulok ng room ay isang bookshelf na punong-puno ng mga fairytale at love stories.   Siguro nagtataka kayo bakit parang iisa lang ang genre na binabasa ko?   Ang sagot diyan ay ang salimuot na nga at boring ng buhay ko, bakit pa ako magbabasa ng mga istoryang iisa lang ng genre sa buhay ko diba?   I believe in true love and happy endings. Na balang araw may isang prinsipe na mamahalin ako at syempre mamahalin ko din siya. Mabubuhay kami at makakamit ko na ang inaasam kong masayang ending na bata pa lang ay pinapangarap ko na.   Ang forever na matagal kong hinihintay.   Basta ang alam ko, kung patuloy akong maniniwala at hindi mawawalan ng pag-asa makakamtan ko din ang minimithi kong ending ng istorya ko.   Just trust in your heart and your dreams will shine on forever and ever.   Biglang naputol ang pangangarap ko ng mag-ring ang cellphone sa bedside table ko.   Isang tao lang naman ang may alam ng number ko kaya alam ko na agad kung sino ang natawag.   "Good Evening Councilor Paladia," bati ko sa kasuap ko sa kabilang linya.   "Evening Verna. I need you to fetch the papers that Sylvie wants me to study tomorrow after lunch. May meeting ako with the parents of our faction around the same time so I can't make it. Are you available?"   Napangiti na lang ako. Formality na lang ang pagtatanong nya kung pwede ako kasi trabaho ko talaga na suportahan siya sa trabaho niya. At least makatao at hindi abusado ang amo so I can't complain.   "Anytime Councilor Paladia. Saan ko dadalhin ang papers after that?"   "Sa Office of the Representative Councilor of Brigantys Verna. Don't worry about your afternoon classes. I will excuse you myself from them. Take the rest of the day off after that."   Napangisi ako at muntik nang mapasigaw ng yes sa tuwa. Makakapagbasa na naman ako!   "Thanks Councilor Paladia!" masaya kong sagot dito without even trying to hide my excitement.   Tumikhim naman ito at huminga ng malalim, "Of course. And please naman Verna. Mamasyal ka man lang sa city proper for a change. I bet magbabasa ka lang maghapon after that."   Napangiwi ako at hindi ko malaman ang isasagot ko, "Ahhm, wala naman kasi akong ibang gustong gawin."   "There are so much more to do besides reading fairytale and romance stories. Get a life Verna."   "This is my life Councilor Paladia. Ang magbasa at mangarap," depensa ko sa sarili ko.   Bumuntong hininga na lang ito, "Fine we'll talk about this when we meet next week. For now, ikaw muna ang bahala sa mga papeles ko ha?"   "As always naman Councilor," seryosong tugon ko dito.   I take pride at my work at isang malaking honor ang maging coordinator ng isang Representative Councilor not to mention the perks that comes with being one.   "Good. Stop reading, which I know exactly what you are doing before I called you and get a sleep. Good night Verna," paalam nito sabay hikab.   "Good night Councilor Paladia. Bye," iyon lang at nag end call na ako at ngumiti bago humiga ulit at binuksan ang libro sa tabi ko.   Nasaan na nga ba akong part?   -0-   "Ano nangyari pagkatapos?"   Napangiti ako sa isang bata from Zymeth na nakikinig sa akin.   "Well, nagkatuluyan sila ng prinsipe at namuhay silang masaya habang buhay," masaya kong sagot sa kanya.   Tiningnan ko ang mahigit isang dosenang mga babaeng grade 2 students from all factions na nakaupo sa sa damuhan habang nakaupo ako sa bench at binabasahan ko sila ng isang fairytale story.   Nagpalakpakan ang mga ito at nagsimula nang magsitayuan.   "Balik na kayo sa mga school compounds ninyo ok? We'll do this again next Friday. So come back here and if you want bring your friends with you also!" masaya kong paalala sa kanila na mga nagsitanguan at nagkanya-kanya nang takbo pabalik sa kani-kanilang mga faction.   Ibinabalik ko ang colored story book na ginamit ko sa storytelling sa bag ko ng mahalata ko na may nakatayo pa ring mga bata sa harap ko.   Tumingala ako at nakita kong nakangiti ang tatlong cute na mga bata from Rayse, Phidoch at Fenrir.   "Why are you still here? You'll be late if you don't go back now," masayang paalala ko sa kanila.   "We want to become princesses," sabi ng taga Phidoch na bata at napatingin ako sa cute nyang leather gloves.   Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa narining ko, "Well, you can be one if you continue to trust in your heart, be kind and believe that it will happen someday, then you will surely become one!"   "Really?!" excited na tanong ng petite na girl from Rayse.   Hinawakan ko ang kanyang pisngi at tumango, "For sure. Just don't lose your hope okay?"   "We will not! Bye Coordinator Verna!" sagot ng chubby girl from Fenrir at magkakahawak kamay silang umalis na sa harapan ko.   Napapailing akong ngumiti at niyakap ang aking bag. The hopes and dreams of children are really enough to keep me believing that true love and happy endings really exists in this world.   That dreams and wishes are enough to see you through in this harsh and wicked world.   Tiwala lang at dasal at lahat ay maaabot mo.   Tumunog bigla ang notification alert ng phone ko at nawala ang saya ko. May kukunin nga pala akong mga papers from Councilor Sylvie.   Nagsimula na akong maglakad ng mabilis at hindi nagtagal ay napatakbo na din ako.   I hate being late!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD