Episode Two

2025 Words
Xavier's Point of View             “Ang guwapo ni Mikael ngayon, in fairness,” ang komento ni Samantha.             “Palagi naman, eh,” ang tugon ko.             “Asus!” ang tukso naman nila sa akin.             “Pero mas guwapo pa rin si Xander,” ang komento naman ni Samantha. Napatingin ako kay Xander. Napasimangot naman ako.             “Maghahanap pa kayo ng gwapo, eh narito naman ako,” ang hirit naman ni Nico.             “Iinom mo na lang yan,” ang reaksyon naman ni Samantha sabay abot sa kanya ng inumin. “Kulang ka lang sa alak.”             “Alam mo, minsan hindi ko alam kung kaibigan talaga kita,” ang reaksyon niya na nagpatawa sa amin. Napatingin naman siya sa akin. “Isa ka pa, Xavier. Hindi mo man lang ako suportahan.”             ‘Oo na. Iinom mo na lang yan, Nico,” ang komento ko sabay tawa.             ‘Mukhang nagkakasiyahan kayo rito ah,” ang komento ng isang boses. Natigilan naman kami at napatingin naman kami. Si Mikael. ”Sorry, I just dropped by to say hello.”             “Ang pogi mo ngayon, Mikael,” ang puri ni Samantha sa kanya.             “Ngayon lang?” ang tukso naman ni Mikael.             “Ngayon lang ba, Xavier?” ang mapanuksong tanong sa akin ni Nico. Napatingin sila sa akin. Ang sarap suntukin nitong si Nico. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mga pisngi.             “So?” ang tanong sa akin ni Mikael.             “Araw-araw naman eh,” ang tugon ko. Napangiti naman ng nakakaloko sila Sam at Nico samantalang napangiti rin si Mikael at tumango.             “Kasama pala lahat ng miyembro ng Soccer Team,” ang komento ni Samantha.             “Ah,oo. Lahat isinama ni Xander,” ang paliwanag naman ni Mikael.             “Ang bait naman niya,” ang manghang komento ni Samantha.             “Oo, mabait siya,” ang pagsang-ayon naman ni Mikael. “O,siya. Pasensya na kung naabala ko ang kwentuhan niyo. Babalik na ako sa table ng Soccer Team.”             “Enjoy!” ang paalam namin sa kanya. Pinanood ko siyang maglakad lumayo pabalik sa soccer team. Hanggang ganito lang ako. Hanggang tingin lang sa malayo. Napabuntong-hininga naman ako. Tatlong taon na akong nagkakagusto kay Mikael. Una ko siyang nakita nung Freshmen Orientation namin. Palagi ko siyang nakikita sa loob ng Campus, sa una ay hindi ko napapansin ang kagandahang lalaki niya ngunit isang araw ay nagkaroo ng outing ang department naming. Nagtungo ang lahat sa isang waterpark. Doon ko rin unang nakilala sila Samantha at Nico. Napansin nilang nakaupo lang ako sa isang tabi kaya naman linapitan nila ako. Yinaya pa nga nila akong lumangoy sa swimming pool. Hindi naman talaga ako ganun palakaibigan ngunit merong kung ano man ang dalawa kaya kaagad ko silang naging ka-close. Nagkayayan kami sa slide habang nasa pool. Kaagad naman kaming pumila para makagamit ng slide. May ibang estudyanteng naghaharutan sa harap namin. Parang tumigil ang aking mundo nang may biglang humarap sa akin, nakangiti. And it was one of the sweetest and brightest smiles I have ever seen.             “Itulak ko?” ang tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kasama niyang nakaupo sa gilid ng slide. Tumango naman ako. Sa ngiting yun niya ako nakuha. Sa ngiting yun ako nagkagusto sa kanya ng ilang taon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang nagiging attractive. Malungkot nga lang isipin na hindi niya ako napapansin. Minsan gusto ko na lang siyang lapitan at magtapat ako ng nararamdaman… pero natatakot ako. Natatakot masaktan, natatakot marinig sa kanya na hindi pwede kasi pareho kami ng kasarian. Natatakot ako na mahusgahan ng taong gusto ko. Mahigit isang taon pa bago ko matapos ang kurso ko. Sa pagkakataong yun ay magkakahiwalay din kami. Hindi ko na muling makikita pa ang mga ngiti ni Mikael. Makakalimutan ko rin siguro siya. Ngunit sa ngayon hanggang titig at sulyap lang ako. Tatlong taon na ang lumipas ngunit hindi kami naging malapit sa isa’t-isa.                  Medyo nakainom na kaming lahat kaya mas naging energetic sila Nico at Samantha. Pinilit nila akong sumayaw kasama sila sa dance floor. Wala naman akong nagawa kundi sumama. Ginaya ko na lang ang paraan kung paano sumayaw ang dalawa. Awkward.             “Babalik na ako sa upuan ko,” ang paalam ko. “Pagod na ako.”             “Ang KJ,” ang komento naman ni Samantha.             “Pagod na kao,” ang pag-uulit ko. Nagtungo naman ako sa aking upuan. Pinagpatuloy ko ang pag-inom habang pinapanood ang ibang tao. Kinuha ko naman ang aking phone mula sa aking bulsa at nagbrowse ng pictures sa **. May mga post si Xander ngunit ang mukha lang naman ni Mikael ang tinititigan ko.             “Bakit mag-isa ka lang?” ang tanong ng isang boses. Natigilan naman ako at napatingin. Si Mikael.             “Ah, nasa dance floor pa sila Nico at Samantha,” ang tugon ko naman.             “Pwedeng maupo sa tabi mo?” ang paalam naman niya. “Wag kang mag-alala. Hindi ako nangangagat.”             Natawa naman ako sa aking narinig.             “Pwede ka hong maupo,” ang tugon ko. Napangiti naman siya bago umupo sa tabi ko.             “We are not properly introduced to each other yet, hindi ba?” ang tanong niya. Napakibit-balikat naman ako.             “Ako nga pala si Mikael,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “Ka-block ko si Samantha.”             “Ako naman si Xavier,” ang pagpapakilala ko sa aking sarili. “Kaibigan ni Samantha.”             He offered his hand for a handshake. Hinawakan ko naman yun at nakipagkamay sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Masaya ako na nakaka-usap ko siya ngayon. Sana maka-usap ko pa rin siya sa susunod.             “Napansin ko sobrang close kayo ni Samantha,” ang out of the blue niyang sinabi. Natigilan naman ako sa sinabi niya. “Liniligawan mo ba siya?”             “Bakit? Gusto mo ba siya?” ang tanong ko pabalik.             “Ah, hindi,” ang tugon niya. “Curious lang ako, kasi palagi kayong magkasama.”             “Tulad nga ng sinabi ko kanina, magkaibigan lang kami,” ang paglilinaw ko naman.             “So, may girlfriend ka?” ang sunod naman niyang tanong. Umiling naman ako.             ‘Bakit naman?” ang sunod naman niyang tanong.             “Kailangan ba?” ang tanong ko pabalik. Natawa naman siya. “Eh, ikaw? Sigurado ako, meron.”             “Wala,” ang simple naman niyang tanong. Napatingin ako sa kanya.             “Bakit naman?” ang tanong ko.             “Kasi wala pa akong nakikitang taong may nararamdaman akong malalim na koneksyon,” ang tugon naman niya.             “Malalim na koneksyon,” ang pag-uulit ko sa sinabi niya. Napatango naman siya. Sa totoo lang ay hindi malinaw sa akin ang ibig niyang sabihin.             “Hindi ko alam na napakalalim mo palang tao,” ang komento ko.             “Bakit hindi ba halata?” ang tanong niya. Umiling naman ako. Natawa naman siya. “So, you think I’m a player?”             “Hindi ba?” ang tanong ko naman pabalik.             “Of course not!” ang reaksyon naman niya. “I like deep talks and cuddles on a lazy Sunday Morning while listening to Lauv Songs”             Napanganga ako sa aking narinig. Napakunot naman ang noo niya nang makita ang reaksyon ko.             “Sorry,” ang paghingi ko ng paumanhin. “Gustong-gusto ko ang mga kanta ni Lauv”             “Really? Favorite Song?”             “Uhm, ang hirap naman. Lonely Eyes?”             “Nice! Same!” ang tugon niya. Napatingin kami sa mga taong sumasayaw. Naramdaman ko na lang na linagay niya ang isang airbud sa tenga ko. Pinapatugtog niya ang Lonely Eyes. Maingay ang paligid ngunit ang kanta lang ang naririnig ko.             “Cause I’m lonely just like you,” ang pagsabay niya sa lyrics. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din naman siya sa akin. “Cause I’m lonely just like you.”             Napangiti ako at iniwas ang aking tingin. Bumibilis ang t***k ng puso ko. Sana hindi na matapos ang gabing ito. Ayokong umasa… wala rin namang mangyayari. Pero siguro, kailangan ko nang tapusin ito. Kailangan ko nang sabihin sa kanya. To end my misery. Napatingin ako sa kanya.             “Mikael,” ang pagtawag ng isang boses. Hindi ako. Natigilan kaming dalawa at napatingin. Isang babae. Pinatay naman niya ang music player.             “Paige,” ang pagbanggit ni Mikael sa pangalan niya. “Narito ka rin pala.”             “As soon as I heard na narito ka, gumawa ako ng paraan para maka-attend dito,” ang paliwanag naman nung Paige. Napailing naman si Mikael.             “You flatter me too much, Paige,” ang komento naman ni Mikael.             “Can we talk privately?” ang tanong naman niyong Paige kay Mikael sabay sulyap sa akin. Napatingin naman sa akin si Mikael. Pinilit kong ngumiti.             “Go ahead,” ang sabi ko sabay tanggal ng airbud sa tenga ko at abot kay Mikael.             “See you later then,” ang paalam ni Mikael. Tumango naman ako at pinanood siyang tumayo at naglakad palayo kasama yung Paige na yun. I know very well that his later is his goodbye. Sayang. Hindi ko talaga siguro magagawa pang magtapat sa kanya. Kinuha ko naman ang bote ng beer at pinagpatuloy ang pag-inom habang muling kinalikot ang aking phone. Napabuntong hininga naman ako. In-update ko ang f******k status ko; I’m lonely just like you. Mukhang ako na lang yung nag-iisa. Bumalik naman sila Nico at Samantha kasama si Emma. Naupo sila sa tabi ko.             “Parang nakita ka naming kanina na kausap si Mikael,” ang sabi ni Nico.             “Ah, oo,” ang walang enerhiya ko naming pagkumpirma.             “Eh, bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan?” ang tanong naman ni Samantha.             “Nagka-moment nga kami; kaagad naman siyang kinidnap ng kung sino mang babaeng yun. Kung kailang magtatapat na dapat ako.”             “Sino?”             “Uhm, Paige ata pangalan nun,” ang tugon ko.             “Paige?” ang sabay nilang tanong. Tumango naman ako. Natigilan naman kami nang makarinig ng kaguluhan sa malapit. Kaagad naman kaming napatayo at lumapit sa kumpulan ng mga tao. Pinilit naming sumingit upang makapunta sa harap. Natigilan kami nang makita si Xander. Lasing at galit na galit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Blue sa sahig.             “What the hell, you fag!” ang sigaw ni Xander. “Kahit kailan hindi ako magkakagusto sa isang tulad mo! Isang salot sa lipunan!”             “Xander, tama na,” ang pag-awat ni Jace sa kanya.             ‘No. I won’t stop. Titigil ako hangga’t masatisfy ako,” ang tugon naman ni Xander. “People like you should not exist. Mas masahol pa kayo sa hayop. Nakakasuka!”             “Xander, the f**k!” ang reaksyon naman ni Mikael. “What the hell are you saying?”             “What?! Bakit bakla ka rin ba?” ang tanong pabalik ni Xander.             “I’m not but that doesn’t give you the right to discriminate!” ang argyumento naman ni Mikael. “You should have just rejected him calmly.”             “The hell to that!” ang komento naman ni Xander.             “Pagsisihinan mo 'to,” ang komento ni Blue.             “Ano bang magagawa ng lalampa-lampang katulad mo? Get lost, fag!” ang sigaw ni Xander. Geez, this homophobic twin of mine. Ang sarap ibitin ng patiwarik. Inalok ni Mikael ang kanyang kamay para tulungan si Blue ngunit hinawi lang ni Blue ang kamay niya. Tumayo naman siya at mabilis na lumabas ng gusali. Napailing naman ako sabay layo. Sumunod naman si Nico at Samantha.             “Totoo nga ang kasabihang may katotohanan sa alak,” ang sabi ni Nico. “Lumabas din ang tunay na kulay ni Xander. Ganung tao pala siya.”             “Oo nga,” ang pagsang-ayon ni Samantha. “Naturn off ako sa kanya big time.”             “Yung mga sinabi niya kay Blue; masakit yun,” ang komento namam ni Nico. Nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Na marinig ang ganung bagay mula sa sarili kong dugo. They will hate me. “Xavier, okay ka lang?”             “Gago talaga yang si Kuya Xander,” ang komento ko dahil sa kalasingan.             “Kuya?” ang tanong nila.             “Huh?” ang reaksyon ko.             “Tara na nga,” ang yaya ni Nico. “Balik na tayo sa dorm. Baka maabutan pa tayo ng curfew. Ikaw Samantha? Magpapaiwan ka pa ba?”             Napatingin naman si Samantha kay Emma.             “Oo, wag kayong mag-alala magtataxi na ako pauwi.”             Napatango naman si Nico. Inalalayan naman ako ni Nico pasakay ng isang taxi. Ramdam ko ang hangin mula sa labas ng bintana.             “Xavier,” ang pagtawag niya sa akin. Naririnig ko pa rin siya. Nakasara na ang mag mata ko ngunit pilit kong binuksan ang mga ito. Nakita ako ang mukha ni Mikael. “Bakit mo tinawag na Kuya si Xander?”             “Mikael, ikaw ba yan?” ang tanong ko. “Bakit mo ako iniwan kanina? Gusto kong sabihin na  matagal na kitang gusto. Simula nung nakita kita sa waterpark pero bye na. Bye.”             Hindi ko na kinaya ang bigat ng mata ko. Sinara ko ang aking mga mata at kaagad akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD