Episode Three

2308 Words
Xavier's Point of View            MINULAT ko ang aking mga mata. Kaagad kong naramdaman ang sakit ng aking ulo. Napaupo ako at napatingin sa paligid. Nasa kuwarto na ako. Hindi ko gaanong maalala kung paano ako napunta rito. Napatingin ako sa kama ni Nico. Naroon siya, mahimbing na natutulog. Bumaba ako ng kama at dumeretso ng banyo para maligo. Pagkabihis ay nagtungo sa veranda para magpahangin. Naalala ko ang naging usapan namin ni Mikael kagabi. Napangiti ako nang maalala ang mga mata niya… ang ngiti niya… ang maikling usapan naming at ang awiting nagbigay ng koneksyon sa aming dalawa. Naalala ko rin ang muntikan ko nang pagtatapat sa kanya.  Nakakadismaya ngunit mas naramdaman ko ang lungkot at awa nang maalala ang nangyari kay Blue kagabi. Hindi ko lubos maintindihan kung bakit ganun na lang ang pagka-ayaw ni Xander sa mga taong katulad ko. Paano kung ganun ang nangyari kapag nagtapat ako kay Mikael?             “Hoy, ang aga-aga; nageemote ka diyan,” ang komento ng isang boses. Napatingin naman ako. Gising na si Nico.             “Inaalala ko lang yung mga nangyari kagabi,” ang tugon ko naman.             “Yung landian niyo ni Mikael?” ang tanong naman niya. Napasimangot naman ako.             “Si Blue,” ang tugon ko naman. Napabuntong-hininga naman siya.             “Kawawa nga siya,” ang tugon naman ni Nico.             “Sa totoo lang,” ang pagsisimula ko. “Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang pagkamuhi ng ibang tao sa amin. Ano bang meron sa amin kaya hindi kami matanggap?”             “May mga tao lang talaga na hindi pa handa para tanggapin kayo,” ang tugon niya.             “Hanggang kalian kami magtitiis?” ang retorikal ko naming tugon. “Kasalanan ba namin ni Blue at ng mga taong katulad ko na mag kaganito kami? Do we even deserve all this hate?”             “You don’t, Xavier,” ang tugon naman niya. “Gutom na ako. Tara sa labas, bumili ng makakain”             Napatango naman ako.             “Kailangan ko rin ng kape,” ang tugon ko. “This hang-over. Mabuti na lang weekend.”     “Sinabi mo pa,” ang pagsang-ayon naman niya. “Siya nga pala, naaalala mo ba ang ibang nangyari kagabi?”     “Bukod sa naging pag-uusap naming ni Mikael at ang nanyari sa pagitan ni Xander ni Blue;  uhm… wala na,” ang tugon ko naman.     “Sigurado ka?” ang tanong naman niya. Napakunot naman ako ng noo.     “Bakit? May kailangan ba akong matandaan?” ang tanong ko pabalik.     “Meron,” ang tugon naman niya. “Pero bago yan, halika na muna.” Lumabas naman kami ng dormitory at nagtungo sa kainan. Habang nag-aalmusal ay pinagpatuloy naming ang pag-uusap tungkol sa mga nangyari kagabi.     “Tinawag mong Kuya si Xander kagabi,” ang sabi niya. Natigilan naman ako.     “Hindi yun ang ibig kong sabihin,” ang tugon ko naman. Nakita ko naman ang reaksyon ng kanyang mukha, yung tipong hindi naniniwala. “Ang ibig kong sabihin ay katulad niya yung Kuya-kuyahan ko. Homophobic.”     “Aaah, yun pala yun,” ang tugon naman niya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Mukhang naniwala naman siya sa naging palusot ko. Tahimik naman naming pinagpatuloy ang almusal.     "Pwedeng makisali?” ang tanong ng isang boses. Napatingin naman kaming dalawa. Napanganga ako nang makita kung sino yun. Si Mikael.     “Mikael!” ang bulalas ko. “Anong ginagawa mo rito?”     “Uhm, breakfast?” ang hindi niya siguradong pagsagot sa tanong ko. Natauhan naman ako nang batukan ako ni Nico.     “OA. Akala mo naman kung sino ang nakita,” ang komento naman ni Nico. Napasimangot naman ako.     “Maupo ka na riyan” ang sabi naman ni Nico kay Mikael. Tumabi naman siya sa akin. Napatingin kami sa isa’t-isa. Napangiti naman siya. Ngumiti naman ako pabalik. “Sabado ngayon. Bakit narito ka?”     “Soccer Team Practice as usual,” ang tugon naman niya. “Siya nga pala, Nico; pumunta ka sa field ngayon.”     "Ha? Bakit naman ako pupunta sa field?” ang reaksyon naman ni Nico.     “Narinig ko na naging forward ka ng Soccer Team niyo noon.”     “So?”     “Sumali ka na Soccer Team, please,” ang paki-usap naman ni Mikael. “Malapit na ang University Meet at hindi biro ang mga kalaban natin.”     “Ayoko,” ang malamig na tugon ni Nico.     "Bakit???” ang tanong naman ni Mikael.     “Tinatamad ako,” ang tugon naman ni Nico. Napabuntong-hininga naman si Mikael. Kita sa mukha niya nag pagkasiphayo.     “Nico,” ang pagtawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. “Sumali ka na.”     “Ayoko.” ang muli niyang tugon. Hinila ko naman ang ulo niya papalapit sa akin. Bumulong ako sa tenga niya.     “Sumali ka na,” ang bulong ko. “Bibigyan kita ng skin sa Mobile Legends.”     Nanlaki naman ang mga mata niya at napatingin sa akin. Napatango naman ako.     “Kahit ano?” ang bulong niya sa akin. Tumango naman ako. Napangiti naman siya.     “Isang epic skin,” ang pagpapatuloy ko.     “Sigurado ka,ah!” ang tugon naman niya. Muli naman akong tumango.     “Call!” ang maligalig niyang pagpayag sabay tingin kay Mikael. “Anong oras?”     “10 am,” ang tugon naman ni Mikael. Napatingin naman si Nico sa oras.     “s**t. 9am na!” ang tugon naman ni Nico. Kaagad namang tumayo si Nico. “Maghahanda na muna ako.”      "Paano 'tong kaibigan mo?” ang tanong naman ni Mikael sabay tingin sa akin.     “Ikaw na bahala mag-alaga sa kanya; mabait yan at masarap magmahal,” ang komento naman ni Nico sabay takbo.      “Nico!!!” ang reaksyon ko. Pakiramdan ko ay natabunan ako ng matinding hiya sa sinabi niya. Natawa naman si Mikael. Napakamot naman ako ng ulo. Napatingin kami sa isa’t-isa. “Huwag mong pansinin yun; kung ano-ano lang talaga pinagsasabi nun”             “Alam ko namang mabait ka,” ang komento niya. “Hindi ko nga lang sigurado kung totoo na masarap ka magmahal.”             “Ah.. eh..” ang tugon ko.             “Gusto mo, subukan natin?” ang tanong niya.             “HA?!” ang reaksyon ko.             “Itong dessert na binili ko; hindi ko pa kasi natitikman kung masarap,” ang paglilinaw niya. Napatingin naman ako sa binili niyang kung ano man yun.             “Mukha namang masarap,” ang komento ko.             “Ito o ako?” ang tukso naman niya.             “Yung dessert!” ang komento ko naman. Natawa naman siya.             “Tinutukso lang kita,” ang tugon naman niya. “Anyway, kailangan ko nang pumunta sa soccer field.”             Tumango naman ako.             “Sayo na itong pagkain,” ang bilin niya. “And, uh; can I get your number? Since, magkaibigan na rin naman tayo.”               Inalok naman niya ang kanyang phone. Kinuha ko naman yun at linagay ang phone number ko.             “May gagawin k aba ngayong araw?” ang tanong naman niya. “Kung libre ka; punta ka sa field. Manood sa practice namin nila Nico."             “O, sige,” ang kaagad ko namang pagpayag.             “So, I’ll see you later then,” ang huli niyang sinabi bago umalis. Napangiti naman ako at napayakap sa hawak kong phone. Hindi ko inaasahan ang pagkakataong ito. Na muli siyang maka-usap. Napatingin ako sa pagkaing iniwan niya. Tinawagan ko naman si Samantha at kaagad binalita ang nangyari ngayong umaga. Napagkasunduan naming dalawa na makipagkita sa Soccer Field. Panigurado kasing mababagot lang ako dun. Kinuha ko naman ang pagkain na binili ni Mikael bago bumalik ng dormitory. Sa entrance ay nakasalubong ko si Xavier, kapwa naman kami natigilan at napatingin sa isa’t-isa.             “Tabi,” ang utos niya. Napaka-spoiled talaga nito.Napa-ikot naman ako ng mata. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid ay kanina ko pa siya sinapak sa kahambugan niya.             “Sorry, Kuya,” ang sarkastiko kong tugon sabay tabi. Nanlaki naman ang mata niya sa inis at tinitigan ako ng masama. Napangiti naman ako. I’m too happy to be bothered. Iniwas naman niya ang kanyang tingin bago tuluyang umalis. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Dumeretso ako sa aking kuwarto at linapag ang dessert sa mesa. Kaagad naman akong nag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng T-shirt at skinny jeans. Sinuot ko rin ang aking baseball cap; mainit sa labas. Nang makapag-ayos ay kinuha ko ang body bag ko sa tabi ng kama; tuluyan naman akong lumabas ng kuwarto at naglakad patungo sa Oval. Naroon naman na nga ang buong Soccer Team. Naaaninag ko si Nico at si Mikael. Nag-wawarm up sila. Kaaagad naman akong sinalubong ni Mikael nang mapansing papalapit ako.             “Mabuti naman, narito ka na,” ang komento niya.             “Meron bang nangyari na hindi ko naabutan?” ang tanong ko.             “Wala naman,” ang tugon naman niya. “Nabahala lang ako; baka kasi hindi ka pumunta.”             “Sinabi ko naming pupunta ako, di ba?” ang retorikal kong tanong. Tumango naman siya.             “Mikael,” ang pagtawag sa kanya ni Xander. Kapwa naman kami napatingin. Nakamasid siya sa aming dalawa. “Oras ng practice; bakit ka nakikipagdaldalan?”             “Sorry,” ang paumanhin ni Mikael. “Babalik na muna ako.”             “Sige,” ang pagpayag ko.             “Ikaw,” si Xander sa akin.             “Anong ako?” ang tanong ko naman. Natigilan naman ang lahat at napatingin sa aming dalawa.             “Hamak lang na narito ka; ikaw na muna ang gumawa ng trabaho ng waterboy,” ang utos niya. Leche.             “Sige,” ang simple kong tugon bago naupo sa bench. Sinimulan ko silang panoorin. Kaagad namang lumapit sa akin si Nico nang matapos ang warm up exercises nila.             “Bestfriend!” ang malambing niyang pagtawag sabay bukas ng mga kamay niya para yakapin ako.             “Huwag,” ang sabi ko naman kaya natigilan siya.             “Ha? Bakit naman?” ang tanong niya sabay upo sa tabi ko. Pawisan na agad siya.             “Amoy pawis ka na!” ang tugon ko.             “Narito ka ba para suportahan ako o…” ang mapanukso niyang tanong sabay tingin kay Mikael. “Dahil sa kanya?”             “Yinaya ako ni Mikael,” ang paliwanag ko naman. Napangiti naman siya ng nakakaloko.             “Sandali… anong meron sa inyong dalawa?” ang tanong niya.             “Magkaibigan na kami,” ang nakangiti kong tugon.             “Heto na ang pagkakataon mo!” ang maligalig niyang komento. “Teka, kaya mo ba ako pinasali sa Soccer Team dahil gusto mong mapalapit sa kanya? Ginawa mo akong kasangkapan sa kalandian mo, bes! Nasa loob din ang kulo mo, no?”             Kaagad ko namang hinampas sa kanya ang hawak kong pamaypay na kinuha ko sa tabi.             “Sira,” ang komento ko. “Pinasali kita sa Soccer Team dahil naniniwala sila sa kakayahan mo; sayang naman kung hindi mapapakinabangan.”     “O siya, naniniwala na ako sayo,” ang tugon naman niya. Sakto namang dumating din si Samantha. “Oh, andito ka rin?”     “Oo naman!” si Samantha. “Sa ngalan ng pag-ibig ni Xavier.”     “Huy, ano ba?” ang natatawa ko namang pagsuway sa kanya. “Ang lakas ng boses mo.”     “Maglalaro ka ba?” ang tanong naman ni Samantha kay Nico.     “Hindi ko pa sigurado; depende sa mood ni Xander,” ang tugon naman ni Nico. “Siya naman ang Team Captain; kaya siya ang magdididesisyon.”     Tinawag naman silang lahat. Hinati sila sa dalawang grupo. Maglalaro sila.     “Ang pogi ni Mikael, no?” ang tanong ni Samantha. Napangiti naman ako at tumango.     “Samantha, hindi ako makapaniwala.”     “Na ano?”     “Na nag-uusap na kaming dalawa,” ang tugon ko.     “Eh, di maganda. At least, may chance ka na sa kanya,” ang tukso naman niya.     “Eh, paano kung hindi naman niya ako magugustuhan?” ang retorikal kong tanong,     “Paanong hindi? Eh, jowa material ka naman.”     Napailing naman ako.     “Hindi yun ang ibig kong sabihin,” ang komento ko. “Paano kung babae lang naman ang gusto niya?”     “Yun lang,” ang tugon naman niya. “Pero it’s a risk that you should take. Ang tanong naman talaga diyan eh… Handa ka na bang harapin ang katotohanan? Ang mga posibleng mangyari sa kinabukasan?”     “Hindi ba nakakabaliw isipin na tatlong taon na akong nagkakagusto sa kanya?” ang tanong ko habang nakamasid kay Mikael. “Siguro oras na rin para mabigyan ng closure itong nararamdaman ko para sa kanya. Ano mang mangyari; masaya pa rin ako kung magiging magkaibigan kami.”        Napatango naman siya. Humanga naman kami ni Samantha sa pinakita ni Nico. Ang bilis niyang tumakbo at ang galing niyang maglaro. Mukhang mas magaling pa kaysa kay Xander. Nang matapos ang laro nila ay nagtungo sila sa direksyon namin. Kaagad ko namang binuksan ang styrobox at inabutan ang bawat isa sa kanila ng bote ng tubig. Naupo naman sa pagitan namin ni Samantha si Nico.     “Kamusta ang napanood niyo?” ang tanong naman niya sa pagitan ng kanyang hininga.      “Ang galing mo!!” ang sabay naming papuri sa kanya.     “Ako pa!” ang pagbubuhat naman niya ng kanyang sariling bangko.     “Pwedeng makisali sa uspan niyo?” ang singit ng isang boses kaya naman natigilan kami at napatingin. Si Mikael. Ang gwapo niya talaga pag nakangiti.     “Oo naman. Sure!” ang kaagad na pagpayag ni Samantha. Naupo naman si Mikael sa tabi ko.     “Hi,” ang pagbati niya sa akin.     “Uhm, hello,” ang hindi ko siguradong pagtugon. Napangiti naman siya. “Anong pinag-uusapan niyo?”     “Yung performance ni Nico sa laro kanina,” ang tugon ko. “Magaling si Nico.”     “Kaya nga hindi ako nagkamaling isama siya,” ang tugon naman niya. “Eh, sa laro ko? Anong masasabi mo?”     "Magaling,” ang tugon ko.     “Talaga?” ang muli niyang tanong. Napangiti naman kami at tumango.     “Siyempre mas magaling pa rin ako” ang singit naman ni Nico.     “Nagyayabang ka na naman” ang komento naman ni Samantha.     “Masama bang magsabi ng totoo?” ang argyumento naman ni Nico. Nagsimula naman silang magtuksuan.     “Xavier,” ang pagtawag sa akin ni Mikael. “May gagawin ka ba mamayang hapon?”     “Uhm, wala naman,” ang tugon ko. “Bakit mo naitanong?”     “Gusto mong manood ng movie sa sinehan?” ang yaya niya. “Kasama ako?”     “Tayo lang?” ang tanong ko. Tumango naman siya. Napatingin ako kila Nico at Samantha na abala pa ring nakikipagtalo sa isa’t-isa. “Uhm, sige.”     “Sunduin kita mamaya sa dormitory around 2pm,” ang bilin niya bago nagpaalam umalis. Natigilan naman sila Nico at Samantha at sinundan siya ng tingin bago binaling ang kanilang mga mata sa akin.     “Did we miss something?” ang tanong naman ni Samantha.     “Wala naman,” ang pagsisinungaling ko.     “Kilala ko yang mukhang yan,” ang komento ni Samantha. “May tinatago ka sa amin! Umamin ka na!”     “Huy, wala!” ang tugon ko.     “Umamin ka na kasi,” ang tugon naman ni Nico. “Basang-basa ka na namin, Xavier.”     “Yinaya ako ni Mikael lumabas,” ang tugon ko. Napanganga naman sila sa kanilang narinig.     “Yinaya ka ni Mikael makipag-date?” ang gulat na tanong ni Nico.     “Hindi yun date!” ang pagtatama ko naman.      “Pwes, anong tawag mo dun?”     "Uhm, just hanging out,” ang tugon ko.     “Oo na lang,” ang tugon naman ni Samantha. “Pero masaya ako sa’yo, beks!”     “Ssssh! Boses mo!” ang suway ko naman.     “Sorry,” ang paghingi naman niya ng paumanhin.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD