bc

The Sixth Girl Book 6

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
revenge
independent
decisive
brave
queen
drama
bxg
mystery
royal
like
intro-logo
Blurb

The curtain will finally close by the end of The Sixth Girl Book 6.

After a successful endeavour in the Philippines, she finally returned to the Kingdom of Akimrea and finally accepted the marriage proposal of Hoshiro and became the Queen Regnant of the Kingdom of Akimrea, wielding equal powers of her husband on her own right and began massive reforms not only on her kingdom but also to the Theocracy with the blessing of the High Priestess.

With the threat of the Uyghurustanians on the horizon, she tried to pursue a diplomatic approach to find a solution and common ground with the country that Akimreans and Hyillians hated the most while her husband is busy building up their military forces preparing for what seemed to be an inevitable war against their hated nemesis.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Binabagtas ko ang kahabaan ng kalsada sakay ng aking itim na Mercedes Benz b180 na kakabili ko last week.   Matagal ko ding pinangarap na magkaroon ng ganitong sasakyan. Dati tinitingnan-tingnan ko lang ito sa mga carshows na napupuntahan ko because I'm an invited guest sa mga opening gala o auctions.   Pero ngayong nakaupo na ako sa loob nito at minamaneho na ito ay feel na feel ko na maybe, just maybe, malapit ko na marating if not narating ko na nga ang rurok ng tagumpay na hinahangad ko dati pa.   Ang magkaroon ng sapat na pera para basta-basta na lang bumili ng mga luho na dati lang ay sa mga panaginip at ilusyon ko lang matatagpuan.   Halatang napakaimportanteng araw ngayon dahil napakadaming tao ang nasa labas ng kanilang mga bahay at walang pasok ang karamihan sa mga establisyemento ng bansa dahil national elections today.   Yes, ang isa sa pinakaimportanteng kaganapan sa bansa once every six years ay nangyayari na ngayon. Parang may pyesta lang sa ingay at dami ng mga nagkalat na tao sa lansangan na mga papunta sa mga presinto sa mga malalapit na school para bumoto.   Thankfully, naging matagumpay ang "Lakad Halalan" program ng gobyerno dahil sa halip na gumamit ng sasakyan ang mga Pinoy ay minabuti nilang maglakad kung kaya naman papunta sa mga eskwelahan para bumoto.   Medyo proud din ako dahil isa ako sa tinap ng government para ipromote ang initiative na ito. Kahanay ko ang mga prominenteng mga artista, singers, idols at radio announcers na nagpupush ng idea na ito.   Kaya ngayon parang may laban lang ni Pacquiao dahil mangilan-ngilan na lang ang mga sasakyang kasama kong bumabyahe sa daan.   Dapat siguro bumoto din ako pero ano nga ba ang magagawa ng isa kong boto?   Alam na alam ko na kahit nahuhuli sa surveys si Lycan Fortalejo, it's just a fake news release in reality.   Bakit ko alam?   Kasi isa ako sa mga taong nag-propagate ng kasinungalingan na iyon. I was commissioned by a certain country (or countries) para i-manipulate ang public opinion para ma-mislead ang mga kalaban sa karera sa pagkapresidente.   Actually, wala talaga akong balak tanggapin ang offer pero malakas yata sa radio station na pinagtatrabahuhan ko ung nag request kaya tinanggap nila at sa akin specifically pinasa ang trabaho.   I'm not really a politically inclined person and I for one believed na wala nang pag-asa pang magbago ang gobyerno naming kahit pa daanan ito ng ilang daang dosenang bagyo o ng gyera.   Napatingin ako sa tarpaulin ng kalaban ni Senator Lycan at napatawa na lang ako sa slogan nito na wala na daw mahirap pag siya na ang nanalo.   Mas maniniwala pa ako sa wala nang yapak na bata ‘pag si Lycan ang nanalo kaysa sa gasgas na linyahan nitong kulugong presidentiable na ito.   At least achievable pa ‘yong target niya. Kudos sa kung sino mang nag-isip no’n. Madali tandaan at ‘pag naalala ng botante, madaling gawan ng paraan para matupad.   Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa restaurant na designated place ng meeting naming ng aking contractor.   Himalang hindi trapik sa Olivarez Binan na years and years ago eh daig pa ang edsa sa karambola ng mga sasakyan.   I should give myself a pat on the back.   Effective nga talaga ang kampanya na maglakad na lang. Bukod sa good for the health, eh nakakaluwag pa ng kalsada at bonding moments pa dahil magkakabarkada o grupo ang mga nakikita kong tao.   Sa wakas ay nakarating na din ako sa restaurant at mukhang kakaunti lang ang customers dahil pangalwa pa lang ang sasakyan ko sa nakaparada sa parking lot at wala halos laman ang loob.   Bumaba ako ng aking sasakyan at inayos ang aking medyo nagusot na black blouse. Sinigurado ko din na taklob ng aking malaking Rayban shades ang kalahati ng aking mukha 'cause I don't want to take any chances.   Ayoko na gumawa ng eksena at pagkaguluhan ng mga tao dito.   Hindi sa pagmamayabang pero halos ka level ko na ang mga sikat na artista sa t.v kung fame and popularity din ang paguusapan. Hindi man ako kagandahan eh kung sa hatak din sa tao ang paguusapan eh di ako papahuli.   Ilang beses na akong naawardan dahil sobrang benta ng aking show at ang lawak ng impluwensya ko sa madla.   Oo.   Buhay na buhay pa din ang aking one and only show na "Kyria-Ang" through the years. Naging susi ang show na iyon para makatapos ako ng kolehiyo with honors at mangalaykay ng limpak-limpak na pera at papuri.   "Good afternoon, Ma'am, do you have a reservation? Our restaurant is exclusively for customers with reservations for today."   "Yes, may reservation ako. Here," inabot ko ang isang sobre at binuksan niya iyon at mabilis na binasa.   "Thank you. May I have your National I.D for verification purposes please?" tanong ng guard sa akin.   Iniabot ko naman agad ang naka ready ko nang I.D at chineck niya ito at ibinigay sa akin pero bago niya ako papasukin eh binuklat nito ang kanyang logbook at iniabot ang ball pen niya sa akin, "Pwede po pahingi autograph? Student pa lang ako avid listener mo na ako. Please?" pakiusap nito sa akin.   Napangiti naman ako at mabilis ko namang pinirmahan ang logbook niya at nagiwan pa ng kwelang message na nagpaligaya sa kanya.   "Naku, salamat ng madami! Sige po, pasok na po kayo. Ni radio ko na po sa loob arrival n’yo, Ma'am. Enjoy your dining here at Fat Singer's!"   "Walang anuman! Abangan mo bukas ng gabi! Batiin kita ng bonggang-bongga!" sagot ko dito sabay pasok sa pinto at sinalubong ako ng isang waitress at inihatid sa aking designated seat.   "Would you like to order something while you wait Ma'am?"   Napatingin ako sa inabot nitong menu sa akin at naglaway agad ako sa calamares, "Ate, ‘yong calamares tyaka ung sugpo, bigyan mo na din ako tequila. ‘Yong ano bang meron n’yo  dito?" binuklat-buklat ko ang menu at napunta ako sa parte ng mga drinks. "Clase Azul Extra Anejo. Ung Ultra, okay?" masaya kong sabi sa waitress sabay balik ng menu sa kanya.   "So, it's calamares one serving and also our special sugpo also one serving. Got it. How many glasses of tequila?"   Napangisi ako uncontrollably, "How about you give me the whole bottle?"   "Of course. Coming right up Ma'am. Will you use your credit card for payment?"   "Ay di ako nagcredit card ate. Allergic ako sa utang. Debit card," inabot ko ang card sa kanya na kinuha naman niya agad at mabilis nagpaalam.   Naiwan niya akong nakaupo at naghihintay habang nanunuod sa live broadcast ng nagaganap na halalan at may partial results na.   Natawa na lang ako ng makita kong nangunguna na sa halalan si Lycan Fortalejo at ang lamang niya eh triple sa kasunod niya. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kalaban habang sitting pretty naman si Lycan na ini-interview ngayon ng press dahil it is all but assured ang kanyang pagkapanalo.   Ilang saglit na lang at lalagpas na sa threshold ang mga boto at pag siya pa din ang nanguna, eh, wala nang pag-asa ang kanyang mga kalaban.   Well, if you ask me, his victory was all but assured simula ng pinangampanya siya ni Alyssa, isa sa war heroes ng Pilipinas ng nakaraang giyera at ang isa sa pinakamaimpluwensyang tao dito sa aming bansa.   Matagal itong nawala sa paningin ng media at bigla na lang sumulpot para ipangampanya si Lycan and as expected, the elections are already finished the moment she stepped up into the stage.   Walang black propaganda o kahit anong klase ng paninira ang makakapigil kay Alyssa. Nilamon niya lahat ng ginawa ng oposisyon laban sa kanya at isinuka ito pabalik sa kanila with interest.   Even right now, milyon-milyong mga kababayan ko ang nagse-celebrate sa victory party ni Alyssa na shown simultaneously sa major cities ng Pilipinas.   Well, I can't blame them from celebrating early.   May nanalo na talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook