Chapter 2

4053 Words
"Ma'am here's your order. Calamares, Sugpo and a bottle of our finest tequila. Please do enjoy them!" masayang sabi ng waitress na inilapag expertly ang aking mga in-order.   Napatingin ako sa tissue na inilagay niya malapit sa akin dahil may nakasulat dito.   "Pwede po ba makahingi ng autograph? Idol ko po kayo since elementary student pa ako! Please po!"   Napatawa na lang ako at bumunot ng ball pen sa aking bag at sinulatan ang tissue na may message niya.   "Hoy ate! Magtrabaho ka! Fan girling mode ka eh oras ng shift! Bad yan! Pero dahil mabilis mo nailabas ang order ko eh pagbibigyan kita! More power at kendengan mo na lang pag may buraot na customer! With so much love nakakasuka na, DJ Kyria~~ Pautang ha? Xoxoxo<3"   Iniabot ko dito ang tissue at napatalon ito at napairit sa tuwa sabay takbo pabalik sa kitchen at doon ko nakinig magsisigaw.   Napangiti na lang ako sa kanyang ginawa. Hanggang ngayon hindi pa rin totally nag sisink-in sa akin na ang dami ko na talagang fans.   Kinikilig pa din ako sa tuwa pag may mga gaya niya na nagpapaautograph sa akin. Nagsimula lang na kuyugin ako ng mga tao nung nag live webcast ang station namin. Required kaya napilitan na din ako.   Ayun, akala ko hihina ang dagsa ng mga listeners ko pag nakita nila ang aking not so special na mukha. Idagdag pa ang pagsa-sideline ko habang nagsasalita sa ere gaya ng panggagawa ng mga beads, designs ng t-shirts o cross-stich na pinagkakakitaan ko habang nasa college ako noon.   Ang kalat ng booth ko at tambak ng mga snacks at mga paraphernalia ko sa pagtitinda so hindi ko talaga ineexpect na lalong namayagpag sa takilya ang aking show after the first live show.   Sabi ng mga amo ko, mas bumenta daw ako sa tao dahil sobrang relatable daw lalo ako.   Yung tipong hindi naman kagandahan, tapos todo sideline para makahabol sa gastusin. Naaprecciate daw ng mga listeners ang pagiging down to earth at nasemento ang aking reputasyon bilang isang tunay na pangmasa hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa.   And the rest is history...   Sa pagtaas ng aking ratings eh kasabay din ang pagdami ng aking pera coming from endorsements and talent fee.   Kaya nga naaafford ko ang ganitong mga mamahaling luho.   Tinungga ko straight from the bottle itself ang mayamaning alak. Walang ibang makakakita sa akin dito at kilala sa privacy ang Fat Singer's sa aming mga media personalities at maging sa mga pulitiko. Kaya nga itong restaurant na ito ang pinili ng "contractor" ko na meeting place.   Bukod sa malayo sa Kamaynilaan eh very low profile ang restaurant na ito kahit very expensive and high class.   Ang nakinig ko kila DJ Fasha and DJ Marcus eh isang kilalang expat from U.K ang isa sa may-ari nito. Connected to the monarchy ng England or something.   Tumungga ulit ako ng alak sabay subo ng calamares habang pinapanood ang mga nagaganap sa t.v. Wala na talaga. Panalo na. Uwian na. Finished na.   End of the world na lang ang makakapigil sa pagkapanalo ng manok ng "contractor" ko.   Napalingon ako sa aking paligid at nahalata ko na ako lang ang customer dito. ‘Yong nakita ko pa lang nakaupo kanina at nakain eh mga trabahador din dito na nananghalian.   Napadaan sa tapat ng lamesa ko ang isang waiter na tinawag ko.   "Kuya. Bakit ako lang ata ang customer n’yo? Mamaya pa ba ang dating ng ibang nagpareserve dito?"   Napakurap ito sa akin at parang nagtaka sa aking tinanong, "Actually po, nakareserve po hanggang closing ang restaurant for your meeting Ma'am."   Napatango na lang ako at umalis na ang waiter sa aking harapan.   Well sinabi nga ni DJ Marcus na sobrang bigatin ng "contractor" ko eh kahit ang mismong may-ari ng K.O.R eh hindi makatanggi sa special request nito. Ang tanging nasabi na lang sa akin ni DJ Fasha eh foreigner daw from somewhere in the Pacific Islands.   That's it.   Sobrang bigatin na ‘yung may-ari na mismo ang isa sa mga nakiusap sa akin na tanggapin ang trabaho.   Tumungga ulit ako ng tequila at tumira ng pusit sabay tingin sa mga blinds na nakaharang sa mga bintana ng restaurant. Talagang tagong-tago ako at kahit mag-gugulong ako dito eh walang makakakita sa akin maliban sa mga employees.   "Here is my Letter of Introduction, kuya. Nagkaroon ng change sa schedule kaya ako na ang pumunta instead. I hope your management will understand."   "Not a problem, Ma'am. We received notification of the change before you arrived. Please, do come in. Naghihintay na po sa loob ang ka meeting ninyo."   "Oh. Late na siguro ako. Matagal na ba siyang naghihintay?"   "Not more than thirty minutes."   "Hay, salamat. Sige kuya, una na ako."   Mabuti na lang dumating na ung "contractor" ko bago ko maubos itong bote ng tequila. Medyo tinatamaan na ako ng kauntian pero matino pa naman ako.   Mostly...   "Hello. You must be our contact from K.O.R Station?"   Napatingala ako at napataas ang kilay sa aking nakita.   Twinning ba ito?   Halos walang pinagkaiba ang get-up naming dalawa. Pantalon at black blouse with matching black shades.   "Saan ba ang burol na paglalamayan natin fren?"   Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa bago ito nagtanggal ng suot na shades at napatawa.   "Mukhang wala namang namatay maliban sa mga eyebags ko," nakangiting sagot nito sa akin sabay turo sa kanyang malalaking eye maleta na ata, "Verna by the way. You are Kyria right?"   Napailing na lang ako at iniabot ang aking kamay sa kanya, "Please call me Elesa. Kyria only exists in name sa apat na sulok ng radio booth ko. Halika, upo ka."   "As you wish. The name Elesa though," manghang sambit nito sa akin.   "May problema ba sa name ko, Verna?"   "Kapangalan mo ang soul-sister ko," masayang sagot niya sa akin.   Napataas ulit kilay ko, "Madaldal din ba?"   "Lobby Receptionist ang work niya."   "Cheers!" nakangiti kong wika sabay taas ng bote ng tequila, "Mukhang hindi ka nag-iinom pero aalukin na din kita. Tagay?" alok ko sabay tungga na nagpangiwi sa babaeng kaharap ko.   Hindi nag-iinom ang babaeng ito. I know her type very well.   Why?   Dahil we are more or less from the same stereotype.   Introvert, may pagkamahiyain at reserved. Kung di siguro ako nagtatrabaho sa istasyon eh baka ganto din ang pagdadala ko sa aking sarili.   Umoorder ngayon si Verna sa waiter na nag-abot ng menu. While I am quietly observing her movements.   Sa dami ko nang taong nakabungguang siko. Mula sa mga streetsweepers na kakwentuhan ko sa labas ng office hanggang sa mga pulitiko na nagpapa plug ng advertisement sa akin eh nakadaupang palad ko na.   Mataas ang posisyon nito from where she came from or whom she represents. Bawat kilos niya ingat. Bawat galaw kalkulado at wala kang kakakitaang pwedeng ipula.   If I will make a wild guess, sa Embassy siguro ito nagwowork or somewhere similar. Sa mga diplomats at envoys ko lang nakikita ang galawan niya.   Galawang takot may makitang nakakahiya ang datingan.   "So Elesa, let me thank you on behalf of my employers for cooperating with us," pormal na sabi nito sa akin sabay inom ng iced tea na sinerve ng waiter, "Without your help, we will not end our endeavor on a high note."   "Oh c'mon. Wala lang ang ginawa ko compared sa kanya," sabi ko sabay turo sa tv screen sa likod niya na pinapakita si Alyssa na nagmamacarena sa stage with her millions of followers.   Napailing na lang at napatawa si Verna sa akin, "Iba siya ng ginawa, iba ka ng ginawa, Elesa. If not for your subtle help hindi namin mamimislead ang karamihan sa mga kalaban ni Lycan into believing that the polls we are feeding them are true and not a fabrication."   "Well now that you said that, medyo ginalingan ko ang acting ko kanina sa show ng "malaman" kong nangunguna si Lycan. Shookt na shookt ako kunwari pero deep inside alam kong ilang buwan na silang pinapakain ng pekeng survey results," I said matter-of-factly sabay subo at nguya ng posit, "By the way about my payment?"   Tinapik ni Verna ang kanyang fone, "I just need your account number and I will wire the money in an instant."   "At ang presyo?"   "Kung ano ang napag-usapan. I will throw in a few more m's as a bonus. My employers are pleased with your work. They will continue to provide partnership with K.O.R as a sign of gratitude."   "Very well, send all the money here pati ‘yong bonus," iniabot ko sa kanya ang isang piraso ng papel at napakurap lang si Verna pero mabilis na tinype sa fone niya ang account number.   Wala pang isang minuto eh ibinalik niya sa akin ang papel at tinanguan ako, "Done Elesa. Funds sent anonymously. It will appear in one to two minutes at the latest."   "Thank you very much. By the way, siguro naman sa sobrang nadumihan na ang mga kamay ko gawa ninyo eh pwede ko na malaman kung sino ang "contractor" ko, Verna?"   Saglit na nag-isip ito bago tumango sa akin, "Of course, it's the least we can add for your excellent service. Lycan Fortalejo is secretly backed by the Kingdom of Akimrea and Theocracy of Hyillia," malinis nitong sagot sa akin.   "Wow. Bigatin ha? So ano ka? Ambasadora nila or something? Hmm?" sunod na tanong ko sa kanya na halatang nagulat sa sinabi ko.   "You can say that. Paano mo nalaman iyan, Elesa?"   Winave ko ang kanang kamay ko sa hangin na parang nagpapaalis lang ng langaw, "Tamang hinala lang. Kasi sa linya ng trabaho ko, lahat ng klase ng tao eh nakakasalamuha ko na. You strike me as someone who are from that level."   "Nice observation. Anyways, kung wala ka nang tanong pa, hindi na kita abalahin pa. You can leave as you wish, Elesa. Ubusin ko lang ung inorder ko aalis na din ako."   To her surprise ay tumawa ako ng malakas pagkatapos kong lumagok ulit ng alak, "Oh c'mon Verna! Wag kang k.j! Panalo tayo today. Might as well join the festivities, ‘di ba? Samahan mo ako uminom. Mamulutan ka na lang at magkwentuhan tayo. Maaga pa lang naman at mukhang wala ka namang importanteng gagawin after this. Why not humor a girl like me?"   "And if I refuse?"   Tinitigan ko siya straight into her eyes. If I am correct on my assumption eh iisa kami ng takbo ng utak. She will know what I can and will do if she refused.   "When you looked at me that way, I have this feeling na mukhang madami tayong pwedeng pag-usapan. Very well, you have my time until magsara ang resto na ito," amused na sagot niya sa akin.   Bingo.   Tama ako. We are kindred souls. Awfully different but astonishingly close as a person and as a woman.   "Ayos! Sagarin ko na ang paid leave ko na mas madalang pa sa blue moon maaproove na hanggang bukas. Masarap talaga food dito at inumin," napatigil ako sa pagsubo ng calamares at napangiwi, "Ikaw magbabayad ha?"   Napahalakhak ito at napailing sa akin, "Kung hindi lang kita ramdam, iisipin ko kaya mo ako inalok na samahan ka eh para ako lahat ang magbayad. Pero why not? I will just put this sa miscellaneous expenses namin na surprisingly eh hindi pa nangalahati sa expected threshold ng gastusin for this election."   "Glad to hear that, Verna. In that case," itinaas ko ang kamay ko para kuhanin ang atensyon ng nakaantabay na waiter, "Dalhan mo pa nga kami dito tatlong bote ng tequila tsaka kung anong pwedeng mapulutan ninyo diyan! Hindi ako choosy!"   Tumungo naman ang waiter sa sinabi ko at mabilis na inasikaso ang order ko bago ko hinarap ulit si Verna na tinitira na din ang pusit ko.   "Sabi ng mga babae kong empleyado, mga gwapo daw ang mga may-ari nitong Fat Singer's," natatawang share niya sa akin.   "Well, ‘yan din sabi boss ko. Magpapakita kaya sila sa atin? Hmmm. Oy, kuya," malakas kong tinapik ang braso ng waiter na nagbababa ng orders naming na muntik nang matapon kung hindi naalalayan ng natatawang si Verna, "Kailan dadating ang amo n’yo? Hindi man lang ba kami bibigyan ng standing ovation? Aba, nireserve nitong kasama ko ung resto from opening to closing tapos no show ung owners? Kahiya, ‘di ba?" tapon kong tanong kay Verna na napangiwi at napilitan na lang tumango sa sinabi ko.   "An appearance will be appreciated. To say the least," matipid na sunod ni Verna sa sinabi ko na halatang sinasakyan na lang ang trip ko.   "Oh, ayan, Kuya! Nagsalita na ang sponsor ko. So dadating nga ba? Balita ko, gwapo! Sana masilayan ng malanghap!" tudyo ko dito.   Napatawa na lang si Verna sa aking pinagsasasabi.   "Nothing to worry po. Sila na po nagpasabi na if you can spare some time so they can meet you two personally," mabilis na sagot ng waiter sa akin, "Sir Gaius and Sir Rycen will be here in an hour."   Napangiti naman ako nang malapad at tumango agad, "Ay masaya ‘yan, kuya! Take their time kamo. Hanggang closing kami manginginain dito. Pero of course the earlier the better. Para naman matubigan na ang aking tuyot na katawan!" Napahagikgik pa ako.   Napatawa na lang sa akin ang waiter na tumungo sa amin bago umalis na at iniwan na kaming dalawa ni Verna.   "So, I think I am at your mercy bago dumating ang owners, Elesa?" seryosong tanong ni Verna sa akin.   Naramdaman ko na lang na nawala ang tingin sa aking mga labi ng makita ko ang kanyang mga mata na same na same ng way ng pagtingin sa akin, "I think it's the other way around, Verna. Ako ang nag-iinom so ako ang taya ata sa kwentuhan."   "My thoughts exactly. So where to begin?" sambit niya habang nag-iisip ng itatanong, "Oh, how about we start with, "who are you, Elesa"?   As expected mabigat na tanong agad-agad.   Hindi ko agad siya sinagot. Bagkos, kinuha ko ang iniabot nyang bote ng tequila at tinungga ito. Mahaba-habang interrogation ito.   And maybe this is exactly what I need after all these years of solitude.   Ang may taong magtanong kung sino ba talaga ako...   Dahil kahit ako, hindi ko na rin alam ang tamang sagot.   -0-     Day of the Elections...   Gaya ng nangyayari sa Pilipinas sa araw na ito ay gano’n din ang nangyayari ngayon sa loob ng embahada ng Hyillia at Akimrea.   All hell breaks loose.   Napakagulo, napakaingay at literal na nagliliparan ang mga papel sa ere ng walang tigil. Fax machines printing out papers non-stop. Mga empleyadong naghahalungkat ng mga salansan ng files ng walang tigil at walang pakundangan kung saan nila itatapon ang mga papel na hindi nila kailangan.   Kahit ang mga suot nila ay hindi na nila inisip kung appropriate pa ba o hindi na.   Ang iba naka suit pero naka pajama sa ibaba. Ang iba yapak na nagtatakbo dala-dala ang mga servers samantalang ang mga babae ay hindi na inabalang magsuklay o magtuyo ng buhok dahil sobrang busy sa pagdodouble check ng data sa computers o pag tawag sa mga field agents namin na nagkalat ngayon sa mga voting precincts.   Kahit ako ay hindi na nag-abalang magayos o magsuot ng pormal na damit. Basa pa din at natulo pa nga ang aking buhok na di ko na din tinuyo dahil sayang ang oras at nakapambahay lang ako habang pilit kong hinahanap kung saan ko naipatong ang papeles na kailangan ni Maggie for double checking.   "Ambassadress?"   "Ano Kowru? Pakibilisan at hindi ko pa mahanap kung saan ko naisangat ang papel na hawak ko lang kahapon," mabilis na sabi ko sa batang gwardya ko na kita ko ang anino na nakataklob sa akin habang nakasalampak ako sa sahig at iniisa-isang kapain at tingnan isa-isa ang nag halo-halo nang mga papel sa aking harapan.   "Ambassadress nagsisimula ang botohan, I advise na iwan mo na yan sa ibang empleyado," matigas na utos nito sa akin na nagpatigil sa aking paghahalungkat.   Napatingala ako sa expressionless kong gwardya at napakunot ang noo, "And who are you to order me that?" maanghang kong tanong dito.   This boy is very close to me but this time, he is clearly overstepping his boundary.   "She is there to observe the elections not to lay on the floor at magsalansan ng mga papeles," malamig bordering robotic na wika nito and I don't even need to ask kung saan nanggaling ang mga katagang iyon.   Tumayo na ako sa aking pagkakaupo sa sahig at nakita ko si Maggie kasama ang ilang sundalo na nagvolunteer na maghanap para sa akin.   "Kailan siya tumawag?" inis na tanong ko sa binatilyong naglalakad sa unahan ko.   "Actually, sa sobrang distracted mo, Ambassadress hindi mo ata nahalatang ilang minuto na siyang nagmi-misscall sa cell phone mo," sagot nito sa akin.   Kinapa ko naman ang fone ko sa aking bulsa at napangiwi ako ng makita ko ang lampas fifty missed calls at messages ni Hoshiro sa akin.   "Alam na alam naman niya na this is a very important and demanding day, ano pa ba ineexpect nya? Nakahilata ako at nagkakape?" galit na sagot ko kay Kowru na napamaang sa akin sabay lingon kay Doreen na kasukasunod namin na nagsusulat ng pinaguusapan namin.   Napatigil sa paglalakad ang aking gwardya at hinarap ako, "Are you sure you wanted that to be written in the record?"   "Wait Doreen. Wag mo ilagay, please," pakiusap ko sa aking empleyado na mabilis ginurihan ang aking huling sinabi, "Masyado lang ako stressed and pressured but that's not even a valid excuse so just remove it dahil utos ko hindi sa dahil may kwenta ung dahilan ko."   Napakurap ang babae sa akin bago mabilis na ginurihan ang mga huling katagang binitawan ko kani-kanina lang at alalang umimik sa akin, "Ambassadress, you're not looking good. Magpahinga ka kaya muna?"   "Tama si Doreen. Kung lahat kami ay nasa binggit na ng pagwawala, lalong lalo ka na, Ambassadress," alalang sunod ni Kowru na inakbayan ako at inalalayan papasok sa akin opisina, "You've done more than enough. Hayaan mo na kaming magtapos nitong trabaho para sa araw na ito."   "But I can't... Kailangang nandito ako. Hindi ko kaya ng walang ginagawa habang nagkakagulo kayo sa labas!" tanggi ko sa alok ng dalawa na saglit na nagkatinginan bago tumango sa isa't isa at sabay na hinarap ako.   "Ambassadress, how about this? Ikaw na lang ang makipagkita doon sa contact namin sa K.O.R station. Actually, dapat ako ang lalakad pero sa nangyayari sa iyo, sa halip na makatulong ka eh mas nadidistract mo kami," malamig na sabi sa akin ni Kowru na nagpakurap sa akin.   Napatingin ako sa aking mga tauhan na mga nagsitigil sa kanilang mga ginagawa at mga alalang nakatingin sa akin.   Nilingo ko ang bintana kung saan nagreflect ang hitsura kong hagas na hagas at mukhang any moment now ay magbebreakdown na.   He is right. At this moment liability na ako dito. Wala na akong control sa sarili ko at nagpalamon na ako sa stress at panic. Akala ko malapit pa lang yun pala natuluyan na akong magmeltdown sa sobrang pressure at anticipation.   I collected my thoughts at huminga ako ng malalim bago tumango sa aking personal guard, "Maybe you are right. I believe I can no longer help here anymore than join you all in distress. Give me the place and brief explanation on what I am expected to do there, Kowru."   "At once, Ambassadress. I'll write down the details shortly," mabilis na sagot ni Kowru sa akin sabay talikod at naghanap ng papel at ballpen.   Lumingon ako kay Doreen na iniisa-isang tingnan ng masinsinan ang hawak na papel habang nakatayo pa din sa tabi ko.   "You handle everything Doreen here while I'm away," utos ko sa babaeng mukhang na eskandalo sa sinabi ko.   "Ambassadress seryoso ka?" gulat na tanong niya sa akin.   "That's an order, Doreen. Sa kalagayan ko ngayon, mas maganda ikaw muna ang tumayong in-charge while I am away," seryoso kong sabi sa babaeng head ng Consulate of the Theocracy of Hyillia in the Philippines, this very office bago ako dumating dito sa Pilipinas, "By tomorrow ay ikaw na ulit ang de-facto na hahawak ulit nitong embassy natin. All of you know that I am just an Ambassadress by name bago ako dumating dito at binulabog kayo."   Napakurap ako ng makita ko ang mga malulungkot nilang ekspresyon sa sinabi ko. I know what they are feeling.   Maiksi man ang halos kalahating taon naming pagsasama pero sa hirap ng trabaho eh naging sanggang dikit na kaming lahat. Employees and soldiers alike. We all move and work as one.   And yes... It's all gonna end tomorrow.   "Maybe I will just stay around for a few days or so and then I will present my credentials hopefully to Lycan. After that balik Akimrea na kami," I said matter-of-factly while trying to keep a professional tone pero nagcroak na halos boses ko, "After ko maipasa ang credentials ko, ieelivate na to a full pledged Embassy sa pangalan at sa gawa ang office na ito. Napagusapan na namin ito nila Hoshiro, Yishein at High Priestess Yella bago pa ako pumunta dito. All of you will head different departments of the embassy at magpapadala ng karagdagang mga tao ang Akimrea at Hyillia. So everybody should do their best starting tomorrow dahil dumating man akong may dalang trabaho, aalis naman akong may iwan pang mas mahirap na trabaho."   Silence. Shocked faces. Hindi makapaniwalang mga eskpresyon ng mga empleyado ko.   "But at least malaki ang salary increase ninyo," basag ko sa ilang saglit na katahimikan at nagsigawan na silang lahat sa tuwa.   "Ambassadress yan ba ang surprise good news na sinasabi ninyo?" mangiyak-ngiyak na tanong sa akin ni Doreen.   "Well actually I decided na unahing sabihin ang bad news bago ang good news. Never thought na matutuwa pa kayo sa balitang iyan to be honest," I said dismissingly sabay kuha sa inabot na papel sa akin ni Kowru.   "So may mas maganda pang news para sa kanila, Ambassadress?" tanong sa akin ni Kowru.   "Of course. Good news will be announced tomorrow everyone so wag muna kayo mag-celebrate," paalala ko sa mga ito bago dumeretso sa opisina ko para magbihis na for my meet-up, "You will stay here and monitor things for me. Hindi ko na dadagdagan ang trabaho ni Doreen na mag update sa akin hourly ng mga kaganapan."   "Then take half of the regiment guards with you."   "Very well Kowru. Medyo mabilis lang siguro itong meeting na ito, ‘di ba?"   Umiling sa akin ang personal guard na pinalinya sa harap niya ang mga sasama sa aking mga sundalo, "Why not take your time? I've talked to our contact once and I've got the feeling na magkakasundo kayo. Sa pinapakita mo ngayon I think it's best na wag ka munang magpakita ditong hagas hanggat hindi pa tapos ang botohan, Ambassadress. You take a break. Balita ko first-class daw ang restaurant at very private so you can really relax."   "Ay oo nga! Ang gagwapo ng mga may-ari nung resto!" kilig na sabi ni Lyra na ginagawa nang pamaypay ang folders na hawak.   "Ay girl sinabi mo pa! At ang best news is mga single! My stars! I swear uubusin ko ipon ko sa pesteng mahal na restaurant na iyon masilayan lamang kahit sandali ang very elusive na hot na hot na owners na iyon!" irit ni Maggie kasabay ang ibang mga babae kong empleyado.   "Kayo talaga mga marurupok! Nung isang araw lang pinagpapantasyahan n’yo  ung anak ni Senator Lacerna! Magtrabaho na tayo at mamaya na ang kakirihan pag nanalo na si Lycan!" natatawang utos ni Doreen sa mga katrabaho na mga nagsipulasan na papunta sa kani-kanilang mga kumpulan ng kalat, "Please do relax Ambassadress Verna. Magulo man tayo pero our victory is all but assured."   "I really envy your positivity, Doreen. I just feel that everything that I did was not enough."   "It's more than enough, rest assured. I mean kung hindi pa ba kasobrahan si Mrs. Alyssa eh ewan ko na kung ano pa ang sorba? Just leave everything to us."   Bumuntonghininga na lang ako at tumango bago hinayaan na siyang bumalik sa trabaho at siya na ang nagmando na hindi ko na nagawa pala kanina. Grabe, gano’n na pala ako ka sabog.   Tiningnan ko ang papel na iniabot sa akin Kowru pagkasara ko ng pintuan ng opisina.   Fat Singer's Restaurant   DJ Kyria
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD