bc

That Doctor Is Mine: Tristan Chua

book_age16+
5.0K
FOLLOW
23.3K
READ
family
age gap
arranged marriage
doctor
journalists
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Galing sa isang bilyonaryo na pamilya si Rea. Isa itong tagapagmana ng isang sikat na telecommunications company sa Pilipinas kaya gayon na lamang ang pressure sa kanya ng kanyang ina na si Remedios.

Ngunit mula nang mamatay ang taong importante kay Rea wala na siyang iba pang hinangad kung 'di sundin ang kanyang puso na maging isang tanyag na manunulat. Para kay Rea, sarili niya na lang ang meron siya. Ang taong tunay na nagmamahal sa kanya ay wala na.

Pero lahat nang iyon ay nagbago nang ma-arranged marriage siya sa isang bilyonaryong sikat na doktor na si Tristan Chua.

Subalit, paano kapag nalaman ni Rea na may mas iba pang dahilan kung bakit sila in-arranged marriage?

Paano kapag nalaman ni Rea na may kinalaman pala sa pagkamatay ng taong pinakamamahal niya ang kanyang mapapangasawa?

Kaya ba niyang gumanti?

O susundin na lang niya ang tinitibok ng kanyang puso?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE “Hello po Miss Era! Grabe sobrang ganda niyo po pala sa personal,” bati sa’kin ng taong kakaupo lang sa harapan ko. Kinuha ko ang librong binigay niya sa akin, binuksan ko na ang takip ng marker ko at tumingala sa kanya. I smiled. “Hello! Anong name mo?” tanong ko. Lumawak ang ngiti niya sa labi, halatang tuwang-tuwa itong makita ako. “Honey po!” Natawa naman ako sa way ng pag sagot niya na sobrang energetic, kahit sobrang dami ng book signing na nadaluhan ko eto ang pinakanae-excite na makita ako. Nandito ako ngayon sa Mega Mall atrium dahil sa isang book signing event ko sa bagong publish kong libro. Ngayon lang din ako nagkaroon ng book signing event ng ako lang talaga ang author, dati kasi puro sa MIBF o Manila International Boo Fair lang ako nakakasama. Sumikat na din kasi ang mga nasulat kong nobela. Isa ito sa mga pinapangarap ko, sobrang saya ko maging spotlight. Dati kasi nakasama nga ako sa mga event pero konti lang nakakakilala talaga sa akin. Hindi sa hindi ako kuntento pero pakiramdam ko noon naa-outcast ako, kailangan ko na siguro gumamit ng Ariel. Charot ½. “Ang tamis naman ng pangalan mo Honey,” giit ko habang pinipirmahan ang published book ko na binili niya, nilagyan ko pa ito ng short letter. Hi Honey! Thank you for attending my first ever solo book signing event! Sana magkita pa tayo sa mga susunod na event, your presence really means to me. Love lots! -Era Beatrice Sinara ko na ang libro pagkatapos ko itong mapirmahan at binalik kay Honey. “Sana magustuhan mo yung published version pati yung book cover.” Mahigpit na hinawakan ni Honey ang libro. “Ako mismo nag-edit nyan.” “Thank you po talaga. Ay! May ibibigay nga po pala ako sayo.” Tinaas ko ang dalawa kong kilay, at tumingin sa kinukuha niya sa backpack niyang color pink na Jansport. May nilabas itong blue box na parang lalagyan ng isang necklace. Nilapag niya ito sa lamesa ko at binuksan, isang necklace nga na may swan na design. Binasa ko ang brand ng kahon, Swarovski. That’s why the design is familiar! Ito yung necklace na nasa True Beauty. “Hey this is expensive, are you sure you’re giving this to me?” concern kong tanong sa kanya. She looks like around 17 or 18 years old only kahit na halatang mayaman siya I think this is too much. This is expensive! Honey nodded. “Yes po, you really inspire me to continue life when my mind tells me not to. I’ve suffered from depression for two years because my both parents died in an airplane crash, kami nalang ng big brother ko ang natira. When I read your stories po I find motivation to live because I saw how beautiful life is. Thank you so much po.” Sobrang na-touch ako sa sinabi niya at naawa sa kung anong nangyari sa parents niya but I salute her braveness to fight. Tumayo ako sa upuan ko upang bigyan siya ng isang yakap, nagpicture din kami sa phone niya. “Miss Era next na po,” anunsyo ng security guard sa likod ko. May time limit lang kasi per person para lahat ng dumalo ay makapagpapirma. Ginuide na nila si Honey papuntang exit, tinabi ko naman agad sa bag ko yung box at sinuot agad ang necklace para di na mawala. “Hello po Miss Era.” Ang next reader naman ngayon ay isang lalaki. Nakasuot lang ito ng polo at tokongs, inabot niya sa akin ang librong binili niya. “Fan niyo po ako two years na hehe,” dagdag pa nito. Shy type pala ang isang ‘to. Ngumiti ako kahit na bahagyang nanginginig na ang pisngi ko, nangangalay na kakangiti. Kanina pa kasi akong ala una nandito. Alas tres na oh. “Antagal mo na palang reader, anong name mo?” “Jethro po,” sagot niya. Matangkad lang si Jethro pero baby face pa ito at mukhang bata pa. “Ilang taon ka na Jethro?” tanong ko habang sumusulat sa loob ng libro. “17 po.” Tumango-tango ako. “Ang bata mo pa pala but you have a good taste when it comes to books.” “Y-Yes po! Tsaka may question po pala ako.” Sinarado ko na yung libro dahil tapos ko na itong pirmahan at sulatan ng letter, inangat ko ang tingin sa kanya para ma-entertain yung question niya. “Maliban po kasi dito, may isa pa po akong binabasa which is yung Sea by Aphrodite. Kailan po kaya siya matatapos? It’s been 2 or 3 years I think?” That made me speechless for a moment. Hindi ko din kasi alam ang isasagot. Sea by Aphrodite is one of my most read story but hindi pa siya tapos. Mostly months or year lang ang inaabot ng isang novel ko bago matapos pero yung Sea of Aphrodite hanggang ngayon hindi ko padin matapos-tapos. I still can’t figure out what’s its ending, wala akong maisip at parang nalulutang pa ako dahil sa mga nangyari before. “I’m still trying to figure out what’s the best ending for Aphrodite,” I answered. Jethro’s face became hopeless. “Magkaka-happy ending naman po siguro siya diba?” My smile became smirk. “We’ll see.” Inabot ko na kay Jethro ang libro, nagpasalamat naman ito at may inabot na letter na nasa pink na envelope. Some of the readers give gift while others are letters. I cannot deny the temptation of gifts, but I personally prefer letters especially when it’s pink. “Aww thank you!” Binuksan ko ang letter upang basahin. “Sir this way na po next na po,” anunsyo ng security guard sa likuran ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang umupo na ang next reader sa harapan ko. Nilapit niya sa akin ang librong binili niya, I did not have a chance to look at him dahil kakagaling lang ng mga mata ko sa letter ni Jethro. “Hello! Anong name mo?” masiglang bati ko. “Tristan.” “Ohh kapangalan mo yung kakilala ko. Do you know Tristan---” Nagulat ako nang mai-angat ko ang tingin ko sa taong kaharap ko ngayon, parang tumigil yung mundo nang magtama ang tingin namin. After two years, nagkita muli kami. “Sinong kakilala?” tanong niya. I observed his face, he’s still handsome as before. Naka polo shirt ito na black at nakasuot ng silver na relo, bakat ang biceps niya. Lumutang ang kaputian niya dahil itim ang suot nitong pantaas. “W-What are you doing here?” tanong ko nang mahimasmasan ako at napagtanto kong nasa book signing event nga pala ako. Kailangan ko pading pirmahan ang libro kahit na nandito ang ex-fiancé ko. Hello Tristan! Thank you for attending my book signing event! It is such an honor to be visited by famous Tristan Chua. -Era Beatrice Of course, I did not include that I want to see him on my next events, I don’t even know why he’s here right now. I thought he want me gone. “Let’s fix this Rea.” My head automatically rise thinking that our eyes will met to see if he’s serious but I caught him looking at my necklace… With those cold eyes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

THE WIDOWED CEO’S PROSTITUTE

read
38.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Pagbebenta ng aking pagkabirhen... sa CEO

read
15.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook