CHAPTER 1

1198 Words
CHAPTER 1   Having a luxury life isn’t easy.     Kahit na ang mayayaman hindi ligtas sa mga problema maliban sa pinansyal. Madalas, sila pa nga ang pugat ng problema. Lalo na kapag tungkol sa pamilya.     Sinara ni Rea ang kanyang laptop. Tumayo na ito sa kanyang gaming chair para i-unat ang katawan. Tumingin ito sa orasan at napansing alas nuebe na pala ng umaga, oras ng agahan nilang pamilya.     Sa kanilang mansyon ay tila ba may schedule na sinusunod, bawal ito labagin dahil mahigpit na ipinag-uutos ito ng kanyang ama.     Ang oras ng agahan ay alas nuebe, ang tanghalian naman ay saktong alas dose, habang ang hapunan naman ay saktong alas sais din ng gabi.     Hindi na rin nagtaka si Rea dahil half Chinese sila. Ang apilyedo nilang Lim ay mula sa ama ng kanyang daddy na kung tawagin niyang lolo.     Pagmamay-ari ng mga Lim ang isa sa mga pinakamalaking tele-communications company. Isang businessman kasi ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay dating teacher.     Tamad na naglakad palabas si Rea sa kanyang kwarto. Tila siya nasa eskwelahan na may naka schedule na break.     Sa agahan at hapunan lang sila nagkakasabay kumain ng kanyang ama, ang madalas na kasama ni Rea ay ang kanyang ina na bihira lang din makipag-usap sa kanya.     “Good morning Miss Rea,” bati ng mga katulong na makakasalubong siya.     Nais man ni Rea na kilalanin sila ngunit masyado silang madami. Rea thinks it is unnecessary to hire 10 maids for a mansyon who has only three people, well, four before.     Tinanguan lang ito ni Rea at dumiretso na sa dining room. Agad nitong naamoy ang bacon na nakahanda sa lamesa kasama ang tatlong iba pang putahe. Isang mahabang lamesa at magkakalayo silang nakaupo, minsan nga naiisip ni Rea na ang agwat nila sa upuan ang dahilan kung bakit tahimik palagi tuwing hapag kainan, walang gusting mangamusta.     Tamad na umupo ng lamesa si Rea, siya palang pala kasi ang unang bumaba para kumain.     “Where’s mom?” tanong ni Rea sa kasambahay.     “Pababa na daw po siya,” tugon ng isa.     Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rea, kumuha na agad siya ng pagkain.     Maya’t maya pa ay dumating na sa hapag kainan ang kanyang ina, tila ba sa itsura nito ay para lang silang magkapatid kahit na 50 years old na ito.     “Good morning Madam,” bati ng mga kasambahay.     Hindi naalintana si Rea na kumakain padin na tila walang narinig.     “Ang aga mo ata?”     Doon na lumingon ang ulo ni Rea. Pinagmasdan niya muna ang suot ng ina bago sumagot, naka putting bestida ito halatang kanina pa siya gising para mag-ayos.     “Maaga ako nakatulog kagabi,” sagot ni Rea sa ina. “Saan ka pupunta?”     Umupo na sa dulong lamesa ang kanyang ina. Pinanuod niya ito habang pinagsisilbihan ng mga katulong. Nilagyan siya ng blanket at hinainan pa ng pagkain. Napa-iling nalang si Rea, wala bang kamay ang nanay ko?     “It’s Beatrice’s death anniversary today and you did not remember?” may halong galit sa tono ng boses ni Remedios.     Remedios Buenaventura-Lim is a University of the Philippines professor that majors in Social Sciences. Sikat ito dahil anak siya ng isang senador. Nag retire ito two years ago dahil sa kanyang hypertension.     Tama ang nanay ni Rea, nakalimutan niya ito. Dahil nadin  sa madaming ginagawa si Rea magdamag kaya nasa loob lamang siya ng kwarto.     Isang tanyag na manunulat si Rea at ito ang gusto at gugustuhin niya lang gawin. For her, writing is her way of expressing herself since nasa bahay lang din naman siya tanang buhay niya.     “I do remember,” pagsisinungaling niya. “I just think you are too early to visit.”     “So you are not coming with us?”     Napatayo ang mag ina nang dumating ang padre de pamilya na si Maximo Lim. Naka-suot ito ng black tuxedo at pulang necktie. Hinintay muna nilang umupo ito bago tuluyang bumalik sa pwesto.     In this mansion and their culture, they need to respect the man of the family. There are no exemption kahit asawa ka pa o anak.      But Rea is not scared of him. In fact, she’s spoiled with his father’s luxuries. His father always got her back, kumbaga siya ang kakampi nito sa bahay at ang nanay naman niya ang kontrabida.     “Nope. Mauna na po kayo daddy, ako nalang po mag-isa bibisita mamaya.” Rea smiled and started to slice her bacon.     “Okay. I’ll tell my driver to fetch you here later.”     “Can’t your daughter just go by herself?” sumingit sa usapan si Remedios.     “Oh come on Remedios,” ani Maximo. “It is not a big deal.”     “You’re already twenty Rea, you’re not a child anymore! Try to be independent sometimes.”     Napahinto sa paghiwa ng bacon si Rea, tinignan niya ang kanyang ina. “What do you mean?”     “I think you should start to live on your own and do some adulting stuffs.”     Natawa naman si Rea. “Like what? Marrying?”     “Maybe!”     Rea scoffed.     Agad na umawat si Maximo. “I got your point Remedios but let her live her life muna. Besides, magiging empty ang mansion kung wala ang anak natin.” Paliwanag niya na ikina-luwag ng dibdib ni Rea. “Tsaka childrens at her age is still at college.”     “Yes but she’s not!” alma ni Remedios. “Why she can’t be like Beatrice na nineteen years old palang nagtratrabaho at nag-aaral na? How can your daughter learn if you spoil her like that?”     Napantig ang tenga ni Rea nang marinig niya ang pangalan ng kapatid, lalo na nang ikumpara siya dito.     The late Beatrice Lim is her half-sister. Anak siya sa unang asawa ni Remedios at kinuha nalang din ang apilyedong Lim. Namatay siya noong dalawang taong gulang palang si Rea.     “Hindi naman ata magandang ikumpara mo si Beatrice sa anak natin,” lumalim ang boses ni Maximo.     “Yes Maximo but she can use her sister as a good role model---”     Padabog na binaba ni Rea ang kusara at tinidor.     Rea forced her smile. “I know you are now affected because of her death and it’s my sister’s death anniversary today but you should also acknowledge that you have an alive daughter who has also feelings, and that is me.”     Tumayo na ito at akmang aalis na. “Mauna na po kayo sa sementeryo, ako nalang mag-isa bibisita mamaya. Don’t worry about my transportation dad, I can commute.”     Habang papaalis ng hapag kainan si Rea, narinig niya pa ang kanyang ina na nagsalita.     “See? It’s effective to pressure her. She should be independent like her sister!”     Kinuyom ni Rea ang kanyang palad sa galit.     Mahal na mahal ni Rea ang kanyang kapatid ngunit sa tuwing kinukumpara siya rito tila ba nandidilim ang kanyang paningin…     Na hindi niya kinakayanang marinig kahit ang pangalan nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD