Chapter 1

1254 Words
Same "Hay nako, hindi na talaga uso ang gentleman," Halos takpan ko na ang tainga ko dahil sa pagka-rindi sa babaeng kanina pa nagpaparinig dito sa bus. Umirap pa sya sa lalakeng nakaupo sa harap niya. "Kalalaking tao, di na nahiya, may babaeng nakatayo sa tapat niya," pagdidiin niya habang nilalakihan ng mata ang kaharap. "Ano ba naman yung ipaubaya niya na lang yung upuan niya-" "Ate, pwede ba?" sabat ko nang hindi na makapagpigil. "Tao lang tayong lahat dito, pare-parehong napapagod sa buhay. Kahit lalaki yan si Kuya may karapatan yang umupo at magpahinga kung gusto niya." Tumayo ako sa upuan ko. "Oh, umupo ka rito kung gusto mo. Tutal malapit naman na kong bumaba," pabalang na sabi ko. Tinaasan niya ko ng kilay. The b***h really did pass by me to take my seat. Nasagi niya pa ang braso ko. Napailing-iling na lang ako habang umuusog sa pwesto niya kanina para makatayo nang ayos. "Miss, dito ka na lang umupo." Nagulat ako nang ilahad nung lalaking pinaparinggan nung babae kanina ang upuan niya. Winagayway ko ang kamay para tanggihan. "Ay, hindi na po. Mukhang puyat kayo, Kuya eh. Ayos lang po yan para maka-idlip kayo," Napakamot siya sa batok. "Pasensya na, overnight kasi ang shift ko sa trabaho kaya medyo inaantok ako. Pauwi pa lang kasi at wala pang tulog," I gave him a reassuring smile. "Wala pong problema. Hindi niyo naman obligasyong ibigay ang upuan niyo dahil lang lalaki kayo. Nauna naman kayong sumakay kaya may karapatan ka dyan," Ngumiti rin siya nang tipid at nagpasalamat pa. Maya-maya ay nagulat ako nang ialok na rin ng iba ang upuan nila. "Dito ka na lang, Miss oh. Hindi naman ako pagod kaya ayos lang," ngisi ng isang lalaki. Tinanggihan ko lang ang mga naglahad ng upuan nila dahil totoong pababa na rin naman ako. Hindi ko lang talaga natiis na sawayin ang babae kanina dahil parang wala na siyang balak tumigil sa pagpaparinig hangga't hindi siya napagbibigyan. Nakakainis. Kaya hindi pa rin mabigyan ng pantay na pagtingin ang mga babae dahil may ilan pa ring feeling entitled na laging naghahangad ng special treatment. "Oh, PCAST, PCAST, may bababa ba?" "Meron po, Kuya!" sigaw ko habang dire-diretso ang lapit patungo sa pintuan. "Salamat po!" magiliw na sabi ko nang makababa. Malapad na ang ngiti ko habang tumatawid pa lang at nakikita ang labas ng malaking unibersidad. Pinasada ko ang tingin sa nakasulat sa taas kung nasaan ang arko nito. Philippine College of Aeronautics, Science, and Technology Hindi naman ito ang unang tapak ko rito ngunit mas matindi lang talaga ang excitement dahil ito ang opisyal na pagbubukas ng academic year. Bagama't hindi pa magsisimula ang klase ay ramdam na ramdam na dahil suot na namin ang uniporme. Bumagsak ang tingin ko sa suot. Ang pantaas na puting-puting polo ay naka-tuck in sa itim na slacks na hapit sa katawan. Sa balikat na bahagi ng damit ay may itim na telang may nakatahing dilaw na stripes. Naka-itim na sinturon at sapatos din ako habang ang buhok ay maayos na nakapusod. Napangisi ako. Pakiramdam ko'y ngayon pa lang ay piloto na talaga ko. Gumala ang tingin ko sa mga tao sa paligid na naglalakad na rin papasok. Pare-parehas kami ng suot. Ang kaibahan lang sa lalaki'y may itim na necktie sila. Humigpit ang kapit ko sa suot na maliit na backpack. Ito lang ang dala ko ngayon dahil noong nakaraan ay naglipat na kami ng gamit ko sa tutuluyang boarding house. Simula mamaya ay doon na ako manunuluyan. Dumiretso na ako sa main gymnasium kung saan din patungo ang lahat. Ayon sa sinend na schedule of activities ay convocation at campus tour ang magaganap ngayong araw.  Medyo marami nang tao roon pagpasok ko. Nakakainggit makita ang ilang magkakakakilala na maingay na nagkukwentuhan. Sa mga naging kaibigan ko kasi ay wala namang mayroong parehong interes ng sa akin kaya ako lang mag-isa ang napadpad dito mula sa lugar namin. Matapos pumila sa registration ay pumili na ko ng bakanteng mauupuan. Sakto lang ang pwesto ko para ma-appreciate ang magarbong pagkaka-ayos sa stage pati na sa kabuuan ng lugar para sa programa.  May mahabang lamesa sa bawat gilid kung saan may mga nakahaing breakfast buffet ngunit parang ayoko nang tumayo lalo na't nagsimula na ang programa. Gaya ng mga normal na pagdiriwang ay sinimulan ito sa mga pormal na alituntunin. Halos maiyak ako sa inspirational message ng school director. Damang-dama ko ang mga on point statements niya. "And now, to recognize the Top 10 students who obtained the highest scores during the admission exam, may we invite on stage our guests to give the awards..." Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam na may gantong bahagi pala! Ang kaisipang tatawagin ako at aakyat sa entablado kaharap ang maraming tao ay nagpabilis sa t***k ng puso ko.  Nagsimula sa ikasampung pwesto ang pagtawag at habang papalapit na sa akin ay mas lalo lang akong nakaramdam ng pinaghalong excitement at kaba. "For our second placer, we have Mr. Spencer Donovan G. Montero!" Gaya ng mga nauna ay sinundan iyon ng malakas na palakpakan. Hindi ko pa man nakikitang umaakyat sa stage ang bagong tinawag ay nagsalita na ulit ang emcee. "And last but not the least! The one who got the highest score among the thousands of exam takers, the rank one, Ms. Ellie Madeline V. Faustino!" Tumayo ako at lumakad patungo sa gilid ng entablado kung nasan ang hagdan paakyat doon.  Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang pigura ng lalaki mula sa kabilang direksyon at papalapit din sa patutunguhan ko. Mas malapit ang pinanggalingan ko kaya't medyo nauna akong makalapit doon.  Habang naririnig ang malalakas na palakpakan ay nakikisabay din ang kabog ng dibdib ko. Nanlaki ang mata ko nang magkamali ako ng apak sa hagdan.  Buong akala ko ay susubsob na ako ngunit may pares ng kamay na humawak sa magkabilang braso ko. Napahinga ako nang malalim habang inaalalayan niya para makatayo nang maayos. Ang bango. Napalingon ako sa gilid para tignan ang tumulong sa akin. Halos masilaw ako nang magkatapat ang mukha namin ng matipunong lalaki sa tabi ko. Mestiso. Pansin na pansin din ang panga niyang maayos na nakadepina. Blangko lang ang ekspresyon niya at agad din akong binitawan nang maitayo na nang maayos. Hindi niya na ko tinapunan ng tingin nang dumiretso siya sa paglalakad at lagpasan ako. Sinundan siya ng mata ko at nakitang medyo nag-half run pa siya nang makatuntong sa stage para tanggapin ang kanina pa nakalahad na plaque. Ni hindi man lang ako nakapagpa-salamat dahil sa gulat nang makita siya. Lumunok ako at dumiretso na rin sa pag-akyat. Tinanggap ko ang award mula sa naka-ngiting official. Ngumiti rin ako at nagpasalamat. "Once again, let's give a round of applause for these brilliant students!" sigaw ng host. Lumapad ang kurba ng labi ko. At napalingon sa mga kasamang nakahilera sa stage. Binalingan ko ang katabi. "Congrats satin!" nakangiting bati ko. Dumaan lang ang tingin niya sakin. Dumapo lang nang sobrang saglit bago bumalik sa harap. Parang literal na nadaanan niya lang ako ng tingin unconsciously. Hindi niya siguro narinig. Pinagcompress kami para sa picture taking. Hindi maiwasang magtagal ng tingin ko sa katabi. Bagay na bagay sa kanya ng uniporme. Parang inilikha iyon para lamang sa kanya. May suot pa siya ng itim na relo sa kaliwang braso kung saan kitang-kita ang mga nakadepinang ugat niya. Habang pababa sa stage ay nagsabi ang emcee na magpo-proceed na raw sa kanya-kanyang block para sa tour. "Hi! Anong block mo?" nakangiting tanong ko habang sabay kaming naglalakad pababa nung lalaki. Binalingan niya ko ng tingin. Shit! Sabi na hindi naman siya suplado.  "X1," Napatigil ako sa paghakbang nang magsalita siya.  Ang lalim ng boses. Ang gwapo pakinggan. Wala sa sariling gumuhit ang ngiti sa labi ko habang tinatanaw siya na dire-diretso ang lakad palayo. Destiny. Same block pa kami!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD