Prologue

1012 Words
Take that "Mahuli may tae sa pwet!" "Maniwala tanga!" "Hindi maniwala panget! Period. No erase. Padlock. Tapon susi." sabay hagis niya kunwari ng kamay sa ere. Hinihingal na huminto ako sa pagtakbo habang tanaw ang lumilipad na eroplano. "Ano? Ano?" hamon sakin ng pinsan kong si Nash. "Wala na, tangay na ng airplane yung susi," asar niya sabay labas ng dila para mang-belat. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magiging driver naman ako ng eroplano balang-araw kaya makukuha ko pa yun tapos maa-unlock ko yang sinabi mo," Tinignan niya ko nang matagal bago siya bumulanghit ng tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa sobrang kakatawa. Halos hindi na rin siya makahinga habang tinuturo ako na parang isang malaking biro yung sinabi ko. Kumuyom ang kamao ko sa inis at tumakbo papasok sa bahay. "Uncle! Uncle!" nilapitan ko siya na kasalukuyang nagtatanggal ng mga dahon ng malunggay kasama si Lola. "Oh? Oh? Ang pawis mo na naman Ellie!" sabi niya sabay kapa sa likod ko. "Uncle! Paglaki ko po gusto kong maging piloto ah," seryosong sabi ko. Bumaling siya kay Lola. "Nay, ba't ganto 'to? Akala ko ba maging cashier ang laging pangarap ng mga batang babae?" bulong niya. Simpleng humalakhak si Lola. "Hayaan mo na at bata pa! Hindi pa niyan alam ang mga sinasabi niya," Tumango-tango si Uncle bago muling humarap sakin. "Oh sige sige. Magpalit ka na roon ng damit dali," Sa tuwing may mga bisita at tatanungin kaming magpipinsan kung ano ang gusto naming maging paglaki ay hindi nagbabago ang sagot ko. Kinukurot lang nila ang pisngi ko habang tumatawa at sinasabing magbabago pa naman daw ang isip ko.  Nakakailang pangarap pa naman daw ang isang tao bago tuluyang maging permenante ang isip. Pero iba ako. Alam kong yun lang ang gusto ko at wala nang iba. Noon pa lang ay iyon na talaga. Nung grade four ako ay pinasagot ako ng classmate kong si Chelsea sa slambook niya. Siningkit niya ang mata habang binabasa ang mga sinulat ko. "When I grow up I want to be a... pilot?" binalingan niya ko. "Bobo, flight attendant ata ibig mong sabihin," Kinunotan ko siya ng noo at umiling. "Hindi. Pilot talaga ang gusto ko," Lumukot ang mukha niya. "May babae bang ganon? Hindi ba pang-lalaki lang 'yun?" Inirapan ko siya. "Meron no. Ang dami na nga eh." bumaling na ko sa mga gamit ko. "Ano ba yan mga hindi kasi nagre-research," sabi ko atsaka niligpit ang lapis sa pencil case. Nakita ko pa kung paano niya kinwento ang tungkol doon kina Trina at kung paano nila ako binigyan ng weirdong tingin. "Third year high school na kayo sa darating na pasukan hindi ba?" tanong ni Uncle habang kumakain kami ng hapunan sa hapag.  Sabay kaming tumango ng pinsan kong si Sienna. "Balak niyo bang magkolehiyo?" "Opo,"mabilis na sagot ko. "Anong kurso ang naiisip niyong kunin?" "Education sakin, Pa." sagot ni Sienna. "Anong magiging trabaho mo non?" "Teacher po," Tumango-tango si Uncle at bumaling sa akin. "Aeronautical science po sakin," saad ko. Kumunot ang noo niya. "Ano yun?" "Para sa pagpipiloto po," Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Nash. Si Lola ay napatitig sakin habang si Uncle naman ay binitawan ang mga hawak na kubyertos. "Ellie, malaki ka na. Panahon na para mamili ka ng trabahong nakikita mo talaga ang sarili mo na gagawin 'yon sa hinaharap," "Seryoso po ako 'ron. Dun ko po talaga nakikita ang sarili ko," mariing sabi ko. Binaba niya ang tingin sa plato niya bago umiling-iling. "Hindi naman ata inaalok ang kurso na yan dito sa eskwelahang malapit sa atin. Pumili ka na lang ng iba," "Mag-aapply po ako sa isang malaking Unibersidad sa Maynila,"  Sa seryosong boses ko ay napatitig silang lahat sakin at napamaang.  Tumuwid ako ng pagkaka-upo. "Huwag po kayong mag-alala, gagalingan ko para makalibre sa tuition. At isa pa, kukuha rin po ako ng exam para sa scholarship kung saan makakatanggap ako ng allowance kada buwan. Magiging sapat na po iyon para sa gastusin at pambayad sa boarding house," Sa kabila ng mga plano ko ay wala sa kanilang agad na sumang-ayon o naniwala. Duda sila na magiging madali lang ang lahat. Duda sila na magiging posible ang lahat. Duda sila sa daang pinili kong tahakin. "Ellie, ano 'tong sinasabi ni Sienna na wala ka raw sa klase kanina?" salubong sa akin ni Uncle pagdating ko sa bahay. Huling taon na namin sa high school at kasagsagan na ng mga college admission tests. Nagmano ako at hinubad ang suot na bag. "May excuse letter naman po ako. Lumuwas ako para kumuha ng entrance exam," Dumilim ang tingin niya. "Nang hindi man lang nagsasabi sa amin?" Bumagsak ang mata ko. "Sorry po. Hindi naman po kasi kayo pumapayag tuwing nababanggit ko ang tungkol dito," Nasapo niya ang kanyang noo. "Ellie pwede ba? Tigilan mo na yang mga pinaplano mo. Ni hindi nga ata pang-babae yang propesyon na gusto mong pasukin! Mabuti pa, iba na lang-" "Hindi po." mariing sabi ko habang kumukuyom ang palad. "Desidido na po ako. Alam ko pong hindi magiging madali pero hindi rin naman imposible." tiim-bagang na sabi ko. Sarkastiko siyang nagpakawala ng isang halakhak.  "Magpapakahirap kang mag-aral tapos ano? Darating ang panahon na magiging alipin ka lang naman ng asawa mo. Pag nagka-anak ka ay mapupunta rin naman sa wala ang lahat. Kayong mga babae, dapat ang pinag-aaralan niyo na lang ay paghuhugas ng plato, paglalaba, paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng anak dahil dun din naman kayo papunta-" "Eh ano naman po? Ano naman kung sakaling ganun nga? Anong masama sa pagiging isang may bahay?" mariing tanong ko. "Kita mo na, aminado ka rin namang-" "Hindi po iyon ang ibig kong sabihin." tiim-bagang na sabi ko. "Gusto ko lang malaman niyo na ang pagiging housewife ay isang marangal na tungkuling hindi niyo dapat maliitin-" "Ah basta!" putol niya sakin. "Bihira lang naman sa mga babae ang may nararating sa buhay. Manatili ka na lang dito sa bahay at huwag nang mag-aral-"  "Hindi, Uncle." mariing sabi ko. "Itutuloy ko po ang pag-abot sa pangarap ko. Darating ang panahon na makakapagpalipad ako ng eroplano sakay ang daan-daang pasahero." unti-unting kumuyom ang kamao ko.  "Papatunayan ko po sa inyong may pantay na puwang sa lipunan din kaming mga babae." saad ko habang nakatitig sa mga mata niya. Five months after that incident, the results came out with my name on top of the list. I didn't just quailify. I aced it. Take that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD