Chapter three: Best Friends.

1268 Words
Another day, another trip na naman. Ano na naman kaya ang katawa-tawang mangyayari sa araw ko ngayon? Kahapon sa library ako napag-tripan, nasira kasi nung mga naunang gumamit sakin yung computer, wala naman akong kamalay-malay na ako pala yung itinuro nila sa librarian na nakasira sa computer dahil ako ang sumunod na gumamit.  Eh ni hindi ko pa nga nahahawakan yung mouse ng computer! Kaya ang ending, ako pa tuloy ang napagalitan. Tss. It's our PE day. Maingay ang lahat sa bleachers habang ako ay nasa isang sulok lamang, waiting for the teacher to arrive. Nilalaro ko lang ang strands ng buhok ko dahil wala akong ibang mapagtuunan ng pansin. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang teacher namin, 'yun nga lang hindi siya nag-iisa. Mabilis na nagtilian ang mga kababaihan nang makitang kasama ng teacher namin si Kuya na kasama ang mga kabarkada niyang si Vince, Alex at si.. Lucas! Kyaaa! Tumili ako sa loob-loob ko habang nakatitig sa perpekto niyang mukha. Ang hot niya sa suot niyang jersey! I bit my lower lip to stop the urge to shriek. Siguradong mananagot ako sa mga fans nila kapag nalamang pina-pantasya ko din ang crush nila. That's a big NO NO! "Omg Vince! Notice me please!" "Alex! Why aren't you responding to my messages?!" "Adrian date me please!" "Lucas anakan mo na 'ko!" Hindi ko mapigilang mapangiwi sa huling narinig. Kadiri ka naman girl! Veronica It's already 9 in the morning. Katatapos ko lang gumayak dahil may kailangan pa akong sunduin sa airport. I am looking myself at the mirror nang mapasulyap ako saglit sa study table ko. Napukaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na bagay na nakapatong doon kaya nilapitan ko ito only to find out na picture pala naming dalawa ni Lucas na naka-frame ang nakita ko. I scoffed. "Nandito pa pala 'to." It was our last monthsary together. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa sa picture na siguradong kahit sinong makakakita ay maniniwalang totoo ang pagmamahalan namin. Tss. Pathetic. Ibinalik ko ito sa table at itinaob. Masyadong masakit sa mata ang litratong 'yun. The only problem now is, hindi pa dumadating ang kotse na ni-request ko kay Mom kaya paano ako pupuntang airport? Something suddenly came up to my mind that made the corner of my lips rose up. Nagtungo ako sa tapat ng kwarto ni Adrian at sinubukang pihitin ang doorknob pero ganun nalang ang panlulumo ko ng malamang naka-lock ito. Tumawag ako ng isang maid at inutusang kunin ang susi ng kwarto niya. Nag-alangan pa ito sa una pero nang tingnan ko siya ng masama ay napilitan siyang sundin ang utos ko. When I enter his room, a familiar manly scent welcomed me. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto pero sa kanya napako ang tingin ko, tanging boxers lang ang suot niya habang nakadapa sa kama at g**o-g**o ang kama. I shook my head at nag-focus nalang sa paghahanap ng car key niya. Inuna ko ang side table ng kama niya at dahan-dahan itong binuksan upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Doon ko natagpuan ang hinahanap ko kaya ngiting tagumpay ako. I was about to leave pero bigla akong napaisip, sayang naman naman ang pagkakataon na 'to kung sasayangin ko. I tilted my head a little bago nilingon ang mukha niyang mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa study table niya at saktong nakakita ng isang marker, hindi ko na tiningnan kung permanent ba ito o hindi. Bumalik ako sa gilid niya at binuksan ang hawak na marker. "Say goodbye to your poor handsome face," I smirked. *** One of the most things I hate to do is waiting. Kanina pa ako tingin ng tingin sa wristwatch ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadating ang hinihintay ko. Baka naman ibang bansa na ang binabaan nila? Kainis! "Oh. There she is. Nicaa!" I sighed in relief. "Finally." I rolled my eyes in annoyance and stood up. Sinalubong nila ako ng yakap na hindi ko nagawang suklian dahil naiinis pa rin ako. Pero hindi ko mapigilang mapangiwi nang makita ang suot ni Alexa. Seriously? "Hah! Look at those people. Kung makatitig akala mo ngayon lang nakakita ng maganda sa paningin." Alexa said confidently. Agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Suzy na labis niyang ikinagulat. "What the hell?!" "Bukod sa pagiging maganda natin, isa pang tinitingnan nila ay 'yang suot mo! Sukat ba naman kasing mag-coat ka sa ganitong panahon, sinong hindi mapapalingon sayo?" She just pouted. "Eh favorite ko 'to eh." "Let's just go. Masyado ka nang nakakahiya." I said and starts to walk. Bigla namang kumawit sa braso ko si Alice habang palabas kami. "Can we eat first? I'm hungry na eh." I nodded. "I want Jollibee!" she said with joyfulness. "Tss. Childish." I murmured. "Who said it was meant only for kids?" inis niyang tanong. "Me." Gaya ng napag-usapan. Kumain muna kami sa nadaanan naming Jollibee bago kami dumiretso sa bahay. Hindi pa nakuntento ang Alice dahil nag-take out pa talaga. Hinayaan nalang namin dahil halata namang namiss niya talaga ang pagkaing pinoy. Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa bahay. Pagka-park ko ng kotse sa garage ay pinatay ko na ang makina at lumabas habang sila ay kanya-kanyang buhat ng maletang dala. "A little help here!" pinaringgan ako ni Suzy pero hindi ko sila pinansin at dumiretso papasok ng bahay. Humanap ako ng ilang maids na mauutusan kong tulungan sila pero nakakapagtakang wala akong makitang pakalat-kalat maski isa. Buti nalang ay lumapit sakin ang family driver namin kaya siya ang inutusan ko. "Nasan pala yung mga katulong? Bakit wala akong mahagilap?" tanong ko. "Ay pinapagalitan ho ni Sir Adrian." Tanging sagot niya bago umalis. I raised a brow. I think I know the reason. Tama nga ang sinabi niya dahil naabutan ko silang nakahilera malapit sa hagdan at mga nakayuko ang ulo habang nasa harap nila si Adrian at nakapameywang. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya ako napapansin. "Wala talagang aaminin sa inyo?! Kung wala pa ring aamin this instant tatanggalan ko kayo lahat ng trabaho!" mabilis na napaangat ng tingin ang ilan sa kanila at hindi makapaniwala sa sinabi niya habang yung iba ay mangiyak-ngiyak na. I just shook my head and sighed. "Wow! Ang ganda ng bahay niyo Nica! Astig!" biglang sumulpot sa gilid ko ang tatlo.  Dahil sa lakas ng boses ni Alexa ay naagaw namin ang pansin ng iba. Pagkaharap samin ni Adrian ay automatic na nagulat ang mga kasama ko pagkakita sa mukha at napa-impit agad ng tawa. I bit my lip a little to stop the urge to laugh pero ang katabi kong si Suzy ay hindi na napigilan ang sarili at natawa na ng mahina. Pano ba naman kasi, kinapalan ko ang kilay niya gamit ang marker tapos pinuno din ng dot ang magkabilang pisngi na parang pimples and lastly, may nakasulat na asshole sa noo. "Sino ang mga 'yan?" tukoy niya sa mga kasama ko. "Pakielam mo?" pagtataray ko and crossed my arms in front of my chest. "Nice make up by the way. Bagay sa'yo." I sarcastically said. I saw him pissed by my words and even rolled his eyes. "Ikaw ba ang gumawa nito?" he asked and pointed his face. I raised a brow. "Do you have evidence?" "Sino pa ba ang may galit sa'kin dito bukod sa'yo?" he ask sounds pissed. I shrugged. "Aba malay ko. Bakit sa'kin mo tinatanong?" He was about to answer pero inunahan ko agad siya. "Let's go na nga girls. Ayokong nagsasayang ng oras sa mga walang kwentang tao." I said and walk towards the stairs. Nakasunod lang sila sakin pero hindi pa man ako nakakalayo ay muli akong lumingon kay Adrian na nag-iigting na ang panga sa inis. "I almost forgot!" I throw his car keys to him na mabilis naman niyang nasalo. His forehead crease in confusion. "Thanks for letting me borrow your fvcking car." I smirked and continue climbing upstairs. "s**t. I knew it was you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD