Chapter two: Brother.

1330 Words
"What does the floor tastes like? Loser!" Mas lalong lumakas ang tawanan sa loob ng cafeteria. I closed my eyes and try to calm myself. Relax self. Relax lang. Napakuyom ako ng kamao at paulit-ulit na huminga ng malalim. Unti-unti akong tumayo kahit na naramdaman ko ang pagkirot ng tuhod ko at pinagpagan ang sarili. Marami pa ring mata ang nakatingin sa bawat galaw ko. Ang iba sa kanila ay nagpipigil pa ng tawa habang ang iba ay palihim na tumatawa sa isang gilid. Napatingin ako sa babaeng may kagagawan sa pangyayari but she just raised an eyebrow at me and smirked. Umiwas nalang ako ng tingin bago ko pa maisipang ibato pabalik sa kanya ang tray ko na hindi ko na alam kung saan lumipad.  Kawawa naman ang plastic niyang mukha kapag ginawa ko yun, baka hindi na magpantay. Tsk. Nagsimula akong maglakad palabas na parang walang nangyari habang ang iba ay nakamasid pa rin sa'kin habang ang iba naman ay bumalik sa kani-kanilang pag-iingay. Buo na naman ang araw nila. Congrats sa inyo! Leche! Hindi pa man ako nakakalayo ay nakasalubong ko pa bigla si Kuya. Napasimangot nalang ako ng makitang mag-isa lang siya at hindi kasama ang crush ko. "What happened to your knee?" tanong nito kaya napatingin din ako sa sariling tuhod. Namumula na ito ngayon. "Ah w-wala. Nadapa lang ako," palusot ko. Isa pa sa mga dahilan ko bukod sa gusto kong mamuhay ng normal ay dahil ayaw ni Kuya na malamang may kapatid siyang ganito kapanget. Tss. Oo sinabi niya mismo sa'kin yun, hindi naman kasi kami close dahil naiirita daw siya sa itsura ko. Really? Bakit ba mukha ko ang laging problema? He just nodded at nagpatuloy sa paglalakad. Minsan lang din kami mag-usap sa school, tuwing nagkakasalubong lang gaya ngayon. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at nagtungo pabalik sa room namin.  Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pagbato ng papel sakin ng isang grupo ng mga lalake kaya nagmadali agad ako upang makalayo sa kanila. Narinig ko pa ang malalakas nilang tawa habang papalayo ako. Veronica I was awakened by the knock on the door. Napapikit ako ng mariin sa inis at napabaling ng higa. Fvck! Alin ba sa magpahinga ang hindi nila maintindihan?! I tried to cover my ears with a pillow pero patuloy pa rin sa pagkatok ang kung sino mang nilalang na 'yun kaya padabog akong bumangon at binuksan ang pinto. "WHAT?!" bulyaw ko sa maid. Mabilis na napalitan ng takot ang mukha nito sa biglang pagsigaw ko. Daig pa niya niya ang nagpipigil maihi sa kinatatayuan at hindi mapakali. "S-sorry po. Pinapatawag po kasi kayo ng magulang niyo para maghapunan," nakayuko nitong sabi. Napatingin naman ako sa bintana at dun lang napansin na madilim na. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Don't ever show your face to me again," mariin kong sabi bago siya iniwan at nagtungo sa dining.  Habang papalapit ako sa dining ay unti-unti kong naririnig ang malakas na tawanan nila. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. I can't believe they forgive him just like that after ruining my fvcking life. What a great parents. They deserve an award for that! Walang imik na pumasok ako ng dining at naghila ng upuan. They fell silence nang makita ako na mas lalong nagpa-inis sakin, but I remained acting like I didn't care. Naglalagay ako ng pagkain sa plate ko. I can see his stares from my peripheral vision that made me smirked. "Don't you know that staring for a long time makes someone uncomfortable?" I asked habang patuloy sa ginagawa. Lumingon ako sa kanya na bahagyang ikinagulat niya. The corner of my lips rose up because of that before I continued eating. "Why did you come back?" he casually asked that made me stop. "Adrian," suway ni Mom. Lumingon ako sa kanya and formed a fake smile. "Why? Don't you miss me? Nakaka-sad naman," I pursed my lips. "I felt so lonely kasi there so I decided to go home. Wag mo naman masyadong ipahalatang ayaw mo 'kong makita." Hindi siya sumagot at nanatiling nakatitig sakin so I did the same. Kung akala niya magagawa niya kong gaguhin ulit, he choose to mess with a wrong person. "Stop you two. Nasa harap kayo ng pagkain," seryosong sabi ni Dad.  Wala nang nagsalita sa amin matapos nun kaya mabilis akong natapos sa pagkain. I just can't bear being with him at the dinner table kaya umalis agad ako kahit hindi pa sila tapos kumain. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin, nakakawalang gana kasi ang lalaking 'yun. I went to my room at dumiretso sa banyo para gawin ang skin care ko bago ako mahiga sa kama. After doing my skin care, lumabas ako at kinuha ang laptop ko para bisitahin ang social media ko. Dumapa ako sa kama at pagbukas ko palang ng sss account ko ay bumungad agad sakin ang sunod-sunod na notification. I checked my messages at nakita ang gc namin ng mga kaibigan ko. We met in Korea dahil sa isang incident at dun ko nalaman na may lahi silang Pilipino. Alexa: @Veronica Salvador nakalapag lang sa pinas nakalimot na! Suzy: Miss mo naman agad. Parang hindi tayo susunod ah. Alice: omg can't wait to see the Philippines! I miss eating Jollibee : (( Suzy: Srsly? Ayoko makikipag date dun di kami magtatagal HAHAHA Alice: Duh. Wala naman talagang tumatagal sa'yo Alexa: SmoOth Suzy: Duh. Is it my fault na masarap lang sila sa unang tikim? Bigla akong napalingon sa pinto nang may kumatok. Akala ko yung lecheng maid na naman pero narinig ko ang boses ni Mom mula sa labas. "Can I come in?" "Go ahead!" nilakasan ko ang boses ko para marinig niya. I was typing a reply to them when my Mom entered the room at umupo sa gilid ng kama ko. Bumangon ako at umupo sa kama upang magkaharap kami. She stared at me for a while before she smiles and caresses my hair. "I'm glad that you've grown into a beautiful and mature woman sweetie. I know this day would come, na mabubuo tayong muli. I'm so proud of you." I smiled and leaned on her. Patuloy ang paghaplos niya sa buhok ko. "I'm sorry Mom," I whispered. "It must've hurt a lot." Natigilan ako sa sinabi niya and the memories from the past suddenly comes back to my mind. "I-i'm sorry if I wasn't there when you need me the most. Pakiramdam ko wala akong kwentang ina dahil hinayaan kitang mag-isa after everything that happened." Her voice broke and I can feel my tears forming in the corner of my eyes. I cleared my throat para pigilan ang pagtulo ng luha ko. I made a promise to myself na hindi ko na iiyakan ang mga gagong 'yun. They are not worth my tears. Hindi ang mga gaya nila ang magpapa-bagsak sakin. "Stop bringing up the past Mom. And please, don't blame yourself dahil desisyon kong lumayo. Naka move-on na 'ko," Humiwalay ako sa kanya at umupo ng maayos. "But you can't blame me if I still hate him." I murmured. She sighed heavily and nod. "I know. What they did was unforgiven. But I still hope na balang araw mapapatawad mo ang kapatid mo." Hindi na ako sumagot. We are quiet for I don't know how many seconds before I decided to bring up a topic. "Listen. Uhm.. I have some friends in Korea who insist to follow me here," panimula ko. "Kaso wala pa silang matitirahan sa ngayon kaya pwede bang.. dito muna sila? Tatlo lang naman sila," I pleaded at nag-puppy eyes pa para hindi niya ako tanggihan. She pinched my cheek. "Sure, no problem. Ipapalinis ko na ang mga guest room para sakanila." Napangiti naman ako ng malawak sa sinabi niya. "Thanks Mom! I love you!" I kissed her in the cheeks at natawa naman siya. Namiss ko ng sobra ang ganitong moments namin. "Is that all? Baka may gusto ko pa, as long as you're happy ibibigay namin." Natigilan naman ako sa sinabi niya at doon pumasok sa isip ko ang matagal kong pinag-isipan bago pa ako bumalik. "Actually there is one thing," I said. "I want to continue my studies in Salvador University."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD