LESSON 04- Agreement

1260 Words
BELLE'S POV "A-ANONG nangyari?" Nahihilong tanong ko habang marahang bumabangon. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko kaya halos wala pa akong maaninag sa aking paligid. Isang lalaki ang sumagot sa tanong ko. "Nawalan ka ng malay. Halika, hawakan mo ang kamay ko," aniya sabay lahad ng kamay. Nakita ko naman ang kamay ng lalaki. Nagpasalamat ako dito ngunit nagimbal ako nang tumagos ang kamay ko sa kamay niya. Doon na tuluyang bumalik sa normal ang aking mata. Nagulantang ako nang tignan ko ang mukha ng may-ari ng kamay. Malakas akong napasigaw. "Ahhh!!! Layuan mo ako! Multooo!!!" Naitutop ko ang kamay sa aking bibig. Hindi ko dapat iyon ginawa. Mas lalo lang naging aware ang lalaking multo na iyon na nakikita ko siya! Mukha man akong tanga dahil naglalaban ang takot at ngiti sa mukha ko ay hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Patay-malisya akong tumayo matapos kunin ang notebook. Tinapik-tapik ko ang aking ulo. "Ano ba naman ito? Nagsasalita na naman ako nang mag-isa. Uuwi na ako. Uuwi na talaga ako--" "Nakikita mo ako. 'Wag ka nang magpanggap." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang muli siyang magsalita. Lalo pa akong natakot nang may makita akong babaeng multo na nakaupo sa may dulong hanay ng upuan. Nakasimangot ito habang nakatingin sa akin. Para bang may ginawa akong masama dito. "Wala akong naririnig. Wala akong naririnig!" Pumikit ako at naglakad. Kakapa-kapa lang ako dahil hindi ko kabisado ang daan palabas. Nabangga ako sa isang upuan kaya automatic akong napadilat. "Boo!" Halos kadikit na ng mukha ko ang mukha ng lalaking multo. Napasigaw na naman ako at napaatras. Oo nga pala. Iyong orasyon na itinuro sa akin ni Lola Saling! Itinaas ko ang dalawang kamay habang tila tinataboy ko ang multo. "Vade retro, exspiravit! Vade retro, exspiravit!" "Anong ginagawa mo?" Parang inosenteng bata na tanong ng multo. Inulit ko ang orasyon. "Vade retro, exspiravit! Vade retro, exspiravit!" Ngunit hindi pa rin nawawala ang multo. "Bakit hindi ka nawawala?" Natatarantang turan ko. Inilagay ng multo ang hintuturo niya sa baba na para bang nag-iisip siya. "Hmm... Pangtaboy ba ng multo ang mga sinabi mo? Baka naman kaya hindi gumagana iyon sa akin dahil... connected na tayo!" aniya sabay biglang tingin sa akin. Napakurap-kurap ako nang bigla siyang tumingin sa akin. "T-tayo? C-connected? Parang... Globe?" Nalilito kong tanong. Mukhang wala nang magagawa ang hindi ko pagpansin sa kanya dahil alam na niya na nakikita ko siya. Nag-isip na rin ako. Inisip ko ang lahat ng sinabi ng Lola Saling ko tungkol sa mga kaluluwa. "Oo. Connected na tayo simula no'ng pansinin mo ako kanina nang pumasok ka dito." Ah, tama! Naaalala ko na. Ang sabi sa akin ni Lola Saling, oras na ikaw ang unang pumansin o kumausap sa isang multo, magkakaroon na ito ng kakayahan na gambalain ka kahit anong oras na gusto nito. Hindi na rin dito gagana ang orasyon para pantaboy sa multo. Lulubayan lang daw siya ng multo kapag natulungan na niya ito sa gusto nito. Nakalimutan ko na sa labis na takot ko kanina. "Ano bang gusto mo? Sabihin mo na agad, please! Kailangan ko nang umuwi at may assignment pa ako sa English, e!" Halos lumuhod na ako sa harapan niya. "Ano bang sinasabi mo?" Humalukipkip siya. "'Di ba, lulubayan mo lang ako kapag nagawa ko na ang gusto mo? May unfinished business ka ba? Pero pwedeng iba na lang ipagawa mo sa akin? Iyong kaya ng over night para bukas hindi mo na ako gagambalain?" "Ganoon ba? Paano kung sabihin kong hindi kaya ng over night ang gusto ko?" "Ha?!" Kulang na lang ay malaglag ang panga ko. "A-ano bang ipapagawa mo?" "Bago ko sabihin, gusto muna kitang makilala. Anong pangalan mo?" "Ako si Belle..." "Ako naman si Prince. Dito ako namatay sa school na ito. Ah, hindi pala namatay kundi nagpakamatay." Napanganga na naman ako. "Nagpakamatay ka?!" Natatakot at hindi makapaniwalang bulalas ko. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang ako nakipag-usap sa isang multo. Snob kasi ako sa kanila sa totoong buhay. Tumango ang multo na si Prince. "Oo. Tumalon ako doon sa rooftop ng lumang building." "Tumalon ka?!" Nakanganga pa rin ako. "Oo. Ang sarap no'ng feeling nang nasa ere na ako tapos... blagh!" Nagulat ako nang suntukin ng multo ang sarili niyang palad. "Unang tumama sa semento ang ulo ko! Basag ang bungo ko tapos sabog ang utak! Tsk! Pero wala na akong naramdaman no'n. Nakita ko na lang ang sarili kong katawan na pinagkakaguluhan ng mga tao." "Ah, eh... Medyo nakakadiri pala," nakangiwing sabi ko. "So, a-ano nga ang ipapagawa mo sa akin? Bilisan mo na kasi hinahanap na ako sa amin, e. Nag-aalala na ang mama at papa ko. Kanina pa ako wala sa bahay." Nababahala na rin ako dahil baka galit na sa akin ang aking mga magulang. Malay ko ba kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Baka nga lumipas na ang isang araw! Mas lalo akong kinabahan sa naisip kong iyon. "Simple lang naman ang gusto ko para lubayan na kita, Belle. Gusto kong tulungan mo akong makaalis sa lugar na ito. Nagpakamatay kasi ako kaya hindi ako basta-basta makaalis dito. May dapat pa akong gawin at kailangan ko ang tulong mo!" "Ang dami mo namang pasakalye! Ano ba talaga ang ipapagawa mo sa akin?!" Sa sobrang takot ko na baka galit na ang aking mama at papa ay napagtaasan ko ng boses si Prince. Mas lalo akong natakot nang sumeryoso ang mukha niya. Baka biglang bumalik ang labas-utak niyang anyo, manghimatay na naman ako. "Anong sabi mo?" aniya sa malalim at seryosong boses. Mabilis akong nag-peace sign sa kanya. "Ah, eh, wala. Ang sabi ko, sige lang... Take your time. Magkwento ka pa. Okay lang kahit mapagalitan ako." Nagkunwari akong kalmado habang nakangiti. "Good! Pero sige, sasabihin ko na ang dapat kong gawin para makaalis na ako dito sa lugar na ito. Kailangan kong tumulong sa mga kaluluwa na tapusin ang unfinished business nila dito sa lupa." Itinuro nito ang suot na kuwintas na ang pendant ay maliit na bote. "Kailangan mapuno ito ng kulay asul na likido. Madadagdagan ito ng likido sa bawat kaluluwang matutulungan kong makatawid sa kabilang buhay. Kapag nagawa ko iyon, makakapunta na ako sa dapat kong puntahan, mas matatahimik na ako. At hindi ko magagawa iyon kung hindi ako tutulungan ng isang tao na may kakayahang kumausap at makakita ng multo." Itinuro ko ang sarili ko. "Ako ba ang taong iyon?" "Wala nang iba. Tutulungan mo ako, Belle." "Magiging partner tayo?" "Parang ganoon na nga. At wala kang choice kundi ang tulungan ako." "Sige na, sige na. Tutulungan na kita pero takot kasi ako sa mga multo lalo na iyong medyo nakakadiri ang hitsura." "'Wag kang mag-alala dahil kakilala ko lahat ng multo dito. Kakausapin ko silang lahat na huwag kang tatakutin o gagalawin. Makikinig sila sa akin dahil iginagalang nila ako dito." "Wow! Gangster na multo ka ba?" "Hindi. Basta ginagalang nila ako dito." Bahagya nang nawala ang takot ko kay Prince kahit na isa itong multo. Sa hitsura naman nito ay mukhang hindi naman ito masama. Natakot lang talaga ako nang ipakita niya ang hitsura niya nang mamatay siya. Isa pa, ang gwapo ni Prince. Parang bida sa isang koreanovela. Uso pa naman iyon ngayon. "Kung ganoon, sige. Pero paano naman tayo pipili ng anim na kaluluwang tutulungan natin?" tanong ko. Nag-isip si Prince. "Paano nga ba?" "Hmm... Alam ko na!" Tila may bumbilya ng ilaw na biglang lumitaw sa ibabaw ng ulo ko. "Iinterviewhin natin sila isa-isa! Parang auditon." "Interview? Audition?" Nakakunot ang noo na tugon ni Prince.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD