LESSON 03- Connected

1304 Words
BELLE'S POV NAKATAYO ako sa harapan ng nakasaradong gate ng Wellington High. Nakakadagdag ng takot na nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang kadiliman ng paligid ay tila may mga itinatago. Ayaw ko mang gawin ito dahil alam kong maraming multo sa school na ito ay wala akong choice. Kailangan kong bumalik sa classroom namin dahil baka naroon ang aking English notebook. Naglakad ako palapit sa gate habang akay ang aking bisikleta. Isinandal ko iyon sa may gate. Naka-lock na ang gate kaya naman inakyat ko na lang iyon. Tagaktak ang pawis sa aking mukha nang makapasok ako sa Wellington High. Kitang-kita ko na agad ang napakaraming kaluluwa sa school ground. Ang iba naman ay nasa loob ng ibang classroom. 'Wag mo silang papansinin, Belle! Kunwari, wala kang nakikita! Ani ko sa aking sarili. Nagsimula na akong maglakad. Isang matandang babae duguan ang mukha ang agad na sumalubong sa akin. "Hoy! Anong ginagawa mo dito?!" Nakakatakot ang sigaw nito. Nanginginig man sa takot ay hindi ko na lang pinansin ang matandang multo. Diretso lang ako kahit na ilang multo ang nagtangkang harangan ako. Nang nasa hallway na ako papunta sa aming classroom ay napatigil ako sa paglalakad dahil may mga sundalong multo na nagmamartsa doon. Napakaraming sundalo na sabay-sabay na naglalakad. Mukhang hindi Pilipino ang mga iyon kundi mga Hapon. Baka namatay ang mga iyon noong giyera. Mapuputla ang mukha ng mga iyon at walang itim ang mata. Puro puti! Nilampasan lang naman ako ng mga ito ngunit nagtaasan ang aking balahibo dahil sa malamig ang mga multo. Nang mawala na sa aking paningin ang mga sundalo ay naglakad na ako papunta sa aming classroom. Ganoon na lang ang tuwa ko nang pagpihit ko ng door knob ay bumukas ang pinto. Nakalimutan sigurong i-lock ng adviser namin. Dinumog man ako ng mga multo ay sinwerte naman ako ngayon. Pagpasok ko ay napasigaw ako sa gulat nang may makita akong lalaki na nakatayo sa may upuan ko. Nakatalikod ito sa akin. Mukhang estudyante rin ito dahil nakasuot ito ng uniform. Matangkad ito at may tamang pangangatawan. Nagulat man ako nang makita siya, kahit papaano naman ay masaya ako na hindi na ako nag-iisang tao dito. Atleast, may kasama na ako. "Ikaw ba ang nagbukas ng pinto? May naiwanan ka rin bang gamit dito?" tanong ko sa lalaking estudyante habang papalapit dito. "Wala akong naiwan. May hinihintay ako..." Malamig ang boses nito. "Hinihintay? Ano naman ang--" Natigilan at nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan na humarap sa akin ang lalaki. Maputla ang mukha niya at walang buhay ang mga mata. May kakaiba rin akong naramdaman nang magsalita siya. Para bang may napakalamig na hangin na humampas sa aking mukha. Nagkamali ako na tao ang lalaki. Hindi ito isang tao kundi isang... multo! Tinignan ko ang paanan niya at nakumpirma ko nga na tama ako dahil nakalutang siya ng isang pulgada mula sa sahig. In all fairness, gwapo ang multong ito, ha.. Sa tantiya ko ay kaedad ko lang siya. Nakita ko ang notebook ko sa ilalim ng aking upuan na katabi naman ng lalaking multo. Marahan akong naglakad upang kunin ang notebook. Kagat ko ang aking labi. Alam ko na sa oras na iyon ay nagkaroon na kami ng connection ng lalaking multo dahil sa pinansin ko na siya at ako pa ang nauna. Magkakaroon na ng kapangyarihan ang multong iyon na gambalain ako, sundan at kausapin. Sa pagkakaalam ko, ayon na rin kay Lola Saling ay may pagkakataon na pwede akong mahahawakan ng multo and vice versa. Patay na! Bakit kasi hindi ko napansin na isa siyang multo?! paninisi ko sa sarili. Ah, hindi. Kailangan kong magpanggap na hindi ko siya napansin. Patay-malisya na kinuha ko na lang ang notebook pero sa gilid ng mata ko ay tinitignan ko kung ano ang gagawin ng lalaking multo. Sinundan lang niya ako ng tingin hanggang sa damputin ko ang notebook. Pagtalikod ko dito para umalis na ay naramdaman ko ang tila isang malamig na kamay na humawak sa aking balikat. Sando kasi ang suot ko kaya damang-dama ko. Parang may yelong nakapatong doon. Pinagpawisan na sako. Gusto ko nang tumakbo pero feeling ko ay maiihi na ako sa takot kapag ginawa ko iyon. "Iiwanan mo na lang ba ako dito?" At nagsalita na naman siya. Leche! Leche! Leche! Mura ko sa aking utak. Huminga ako nang malalim at pilit na kinalma ang aking sarili. Ang kailangan ko lang gawin ay huwag siyang lingunin. Maglalakad ako nang diretso na parang hindi siya nakikita. Hahakbang na sana ako nang impit akong mapasigaw dahil biglang lumitaw sa harapan ko ang lalaki. At iba na ang hitsura niya, hindi na siya gwapo. Basag na ang bungo niya at kita ang utak. Duguang ang ulo niya at nakalabas ang isang mata. "Alam kong nakikita mo ako. Ikaw ang matagal ko nang hinihintay..." Pati ang boses niya ay nagbago na. Parang nanggagaling na iyon sa ilalim ng malalim na hukay. First time kong maka-face to face ang isang multo nang ganito kalapit kaya naman umikot ang aking paningin at nanghimatay. Patihaya akong bumagsak sa sahig at matapos iyon ay wala na akong naalala pa. -----***----- PRINCE'S POV NABIGLA ako nang manghimatay ang babae sa aking harapan. Sasaluhin ko sana siya pero tumagos ang katawan nito sa aking kamay. Mabuti na lang at hindi tumama sa kung saan ang ulo niya. Alam ko naman kung bakit siya nanghimatay. Natakot siya sa anyo ko. Iyon kasi ang anyo ko noong mamatay ako. Sa hindi malamang dahilan, paminsan-minsan ay nagiging ganoon ang anyo ko pero bumabalik din naman agad sa normal. Define normal. Iyong maputla lang ang balat ko at walang emosyon ang mukha. Iyon ang normal kong anyo. "Prince! There you are--" Natigilan ang bagong dating na si Baby sa paglapit sa akin nang makita niya ang walang malay na babae sa sahig. "Sino iyan? Pinatay mo ba siya sa takot?" "Hindi ko siya pinatay. Nawalan lang siya ng malay." Nilapitan ni Baby ang babae at pinagmasdan ang mukha nito. "Nakikita ko siya dito. Student siya dito..." "Siya ang matagal ko nang hinihintay. Bukas ang third eye niya. Kinausap na niya ako kanina kaya connected na kami sa isa't isa." "What?! This girl?! Siya ang tutulong sa iyo para makaalis dito?!" Mariing umiling si Baby. "No! Hindi mo ako iiwanan dito, Prince. Hindi ako papayag!" Bigla niya akong niyakap na halos ayaw na akong pakawalan. "Ano ka ba, Baby?! Bitiwan mo nga ako!" Inalis ko ang nakapulupot niyang braso sa beywang ko. "Hindi lang ako ang matutulungan ng babaeng iyan para makaalis dito sa Wellington High kundi pati ang ibang kaluluwa na nakakulong dito!" "What do you mean by that?" Sandali akong natahimik bago ko sinagot si Baby. "Alam mo naman na ang mga kaluluwang katulad ko na namatay dahil nagpakamatay ay hindi nakakaalis nang basta-basta dito sa lupa. Nananatili kami sa lugar kung saan kami namatay hangga't hindi namin nagagawa ang dapat naming gawin." "H-hindi ko alam iyan. Ano ba ang dapat mong gawin para makaalis dito?" "Gusto mo ba talagang malaman?" Mabilis siyang tumango. "Yes! Tell me!" "Kailangang may mga kaluluwa akong matulungan na tapusin ang unfinished business nila dito sa lupa! Nakikita mo ba itong suot kong kuwintas?" Hinawakan ko ang suot na kuwintas na ang pendant ay parang maliit na bote. "Habang may natutulungan akong kaluluwa ay magkakaroon ito ng kulay asul na likido at kapag napuno ko na ito ay saka lang ako makakaalis dito sa lupa. Kapag nagawa ko iyon ay makakatawid na ako sa kabilang-buhay. Ngunit hindi ko iyon magagawa nang hindi ako tinutulungan ng isang tao na bukas ang third eye. At ang babaeng iyan..." sabi ko sabay turo sa babae sa sahig. "Ang babaeng iyan ang makakatulong sa akin para mapagtagumpayan ko ang aking misyon, para makaalis na ako dito sa Wellington High!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD