Episode 2

1144 Words
"Hey, Hannah, wait for me." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Bryan iyon na patakbong lumapit sa akin. May training ngayon si Dice at balak ko sana siyang dalhan ng miryenda dahil sigurado ko na patapos na din sila. Ilang linggo na din kasing hindi nagparamdam si Bryan simula ng kausapin siya ni Dice, ewan ko kung ano ang sinabi niya dito, malamang ay sinabihan niya ito na tumigil na sa panliligaw sa akin.  Muli na sana akong maglalakad dahil wala ng dahilan pa para kausapin ako dahil tumigil na din naman siya sa panliligaw sa akin. Chaka tama naman si Dice, chickboy nga si Bryan. Di nadin naman iyon nakapagtataka dahil kaya niya din namang makipagsabayan sa kagwapuhan ni Dice at isa pa mayaman din ito.  Ng makarating siya sa kinaroroonan ko ay hinahabol niya ang kanyang hininga dahil na din sa pagtakbo niya papunta sa akin. Hinarapan niya ako nang nakangiti.  "What? Matipid kong tanong sa kanya.  "Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.  "Sa gym. Hihahatid ko lang ang miryenda ni Dice."  "Ang swerte naman niya no?" "May kailangan ka ba? " pag-iiba ko.  "I'm sorry." Bigla akong nagtaka kung para saan ba ang paghingi niya ng tawad. "For what?" kuryosidad kong tanong. "Dahil hindi ako nagparamdam ng ilang araw sa iyo. Nagkasakit kasi si mama, at ilang araw akong di nakakapasok." "Talaga? Ang akala ko, tumigil ka na kasi sinabihan ka ni Dice na tigilan mo na panliligaw sa akin." Bahagya pa siyang natawa sa sinabi ko. "Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi mo naman siya tatay o kuya. Ang sabihin mo nagseselos lang siya kaya ayaw niya na ligawan kita." Bahagya akong nabuhayan sa sinabi niya. What? Nagseselos? Talaga? Sana nga. Kasi kung talagang nagseselos siya ay ibig sabihin, may pagtingin na siya sa akin.  "Paano mo naman nasabi na nagseselos siya?"  "Siyempre lalaki ako at alam ko ang pakiramdam ng ganun. Yung ayaw mo na may ibang pumuporma sa taong gusto mo." "Gusto? Magkaibigan lang kami ni Dice. Kaibigan lang din ang turing niya sa akin."  "Talaga? Pero seryoso ako, gusto kita. Alam ko marami ka naririnig na di maganda tungkol sa akin pero sana naman wag mo muna akong husgahan ng basta-basta lang. Hayaan mo na patunayan ko muna ang sarili ko." Hindi ko alam kung dapat ko bang bigyan siya ng pagkakataon dahil sa dami na ng naririnig ko tungkol sa kanya. Tama naman siya na hindi ko dapat siya husgaan kaagad dahil hindi ko siya lubusang kilala. Kaya lang bigla kong naisip si Dice. Baka magalit siya sa akin kapag nalaman niya na pinayagan ko siyang manligaw sa akin. Magtatangka na sana akong magsalita ng napansin ko na palapit sa amin si Dice kasama si Sarah na magkaholding hands Bigla na naman bumigat ang pakiramdam ko. It's been two weeks simula ng maging sila. At sa pagkakaalam ko ay pinakamatagal na ang isang linggo sa mga nagiging nobya niya. Yung iba nga isa hanggang tatlong araw lang tumatagal. Muling may kumurot sa puso ko. Mukhang seryoso na siya sa relasyon niya ngayon.  Nang makalapit na sila sa amin ay bahagya na naiinis ang mukha ni Dice at halatang hindi gusto na nakikipag-usap ako kay Bryan.  Ano bang masama? E siya nga halos si Sarah na ang madalas niyang kasama, ni hindi naman ako nagreklamo, dahil wala akong karapatan dahil kaibigan lang naman ako. Wala naman siguro masama kung makipagkaibigan ako sa iba. "Hi, Hannah." Bati sa akin ni Sarah. Ni hindi naman ako pinansin ni Dice. Basta ang alam ko ay nakikita ko ang pagkainis sa mukha niya.  "Magmemeryenda kami ni babe. Do you want to join us. Sama mo na din si Bryan."  Di na ako nagtataka na kilala din nila si Bryan, dahil sikat din naman ito sa school. Tapos na din ang klase namin at pwedi na umuwi. Tatanggi naman sana ako, nang unahan ako ni Bryan.  "Sure, my treat." sabi ni Bryan. "Gusto niyo ba sa Mall nalang tayo, nood din tayo ng sine."  "What do you think, babe?" tanong naman ni Sarah kay Dice. "Why not." malamig na tugon nito.  "Ok lang naman sayo di ba?" biglang tanong sa akin ni Bryan.  Bago ako sumagot ay tumingin muna ako kay Dice at bakas pa rin sa kanya ang inis. Pero wala na akong magagawa. Nandito na iyon. Tumango na lamang ako sa kanya.  "Dala ko yung kotse ko, gusto niyo ba sa isang sasakyan nalang tayo, o magkahiwalay nalang? I think may sasakyan ka din, di ba Dice?" tanong ni Bryan sa kanya. "Magkahiwalay nalang. Magkita nalang tayo dun." yun lang ang sinabi niya sabay lakad palayo sa amin.  Samantala, nasa loob na kami ng sasakyan ni Bryan at nagbabyahe na papunta sa Mall nang bigla siyang magtanong sa akin.  "Matagal na ba kayong magkaibigan ni Dice?" "Oo e. Since elementary pa." "Kaya pala ganun siya kaprotective sa iyo." "Siguro nga. Para na din kasi kaming magkapatid." "Kapatid lang?" kuryosidad nitong tanong. "Oo naman. Bakit mo naitanong?" "E mukhang naiinis kanina nung makita niya na magkasama tayo e. Mukha talaga siyang ngseselos. Same expression nung kinausap niya ako na layuan na kita." "Nagseselos? Imposible iyan.Kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kita mo naman, madami din naging gf." "E ikaw? Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya?"  Nagulat ako sa tanong niya. Pero bigla ako nablangko sa tanong niyang iyon.  "So, totoo na gusto mo nga ang kaibigan mong iyon?" Hindi ulit ako makapagsalita.  "Wag mo na ideny. Halata naman na may gusto ka sa kanya. I saw you." "Saan?" "Nung minsang magkakasama kayong tatlo ni Dice at yung girlfriend niya. I saw you crying habang papalayo silang dalawa." Bigla kong naalala ang araw na iyon, nung sinagot ni Sarah si Dice at sinasama pa ako para maging chaperon sa date nila.  "Wala lang iyon. Napuwing lang ako." pagkakaila ko. "Wag kang mag-alala, di ko sasabihin sa kanya." "Masyado bang halata? Ikaw lang ang kaisa-isang taong nakakaalam niyan." "Ang swerte naman pala ni Dice dahil may kaibigan siya s***h lover na katulad mo." "Hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin." "No. Alam ko may gusto din siya sa iyo. Ayaw lang niya aminin. Gusto mo paaminin natin?" biglang tawa nitong sabi. "Paano naman?"  "Edi pagselosan natin. Sigurado ako aamin iyan." "Talaga?" "Oo, try natin ah." Tumango lamang ako sa kanya. Sana nga effective iyon at aminin din niya na mahal niya din ako.  "Dapat pala maging magkaibigan din tayo no? Malay natin, pag naging magkaibigan tayo, magustuhan mo din ako." dagdag pa nito.  Hindi na ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Nasa parking lot na din kasi kami at pababa na.  Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng sasakyan bago tuluyang makababa. Eksakto din na nandoon na sina Dice at Sarah.  Hinilahad niya ang kanyang braso sa akin. "Hawakan mo ang braso ko." Napaisip pa ako, bakit ko naman gagawin iyon.  "Nandiyan si Dice oh, nakatingin sa gawi natin." Muli kung naalala ang sinabi niya na pagselosan namin si Dice. Gusto ko din kasi malaman kung totoo nga na may pagtingin din sa akin si Dice.  Hindi na ako nagdalawang isip pa na isakbit ang kamay ko sa braso niya. Pagkatapos kong gawin iyon ay nakita ko ang pagdilim ng paningin ni Dice. Mukhang effective ah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD