Episode 3

1150 Words
Bumili muna kami ng snacks bago pumasok sa sinehan. Kita ko pa rin ang inis sa mukha ni Dice nang mga oras na iyon. Si Sarah ang namili ng papanoorin namin. Sikat kasi ngayon ang love team nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin kaya ang movie nila ang papanoorin namin. Love story ang kwento na iyon.  Sa totoo lang ay hindi ko hilig ang mga pelikula na romance, hindi ako bitter pero mas gusto ko pa manoond ng mga action at horror movies.  Ang pamagat ng papanoorin namin ay "Labs Kita, Okey Ka Lang?" Hindi ko alam kung ano ang plot ng kwentong ito kaya kahit di ko ganon kagusto ay manonood nalang ako  Tuwing nagagawi ang tingin ko sa kinaroroonan nina Dice ay nakikita ko na nakatingin ito sa akin. Hanggang ngayon ay inis parin ang nakikita ko sa kanyang mukha. Napano naman kaya ito? Naisip ko nga bigla ang sinabi ni Bryan kanina na nagseselos ito, totoo kaya yon? May nararamdama na kaya sa akin ang beat friend ko? Sana nga. Dahil kung magkaganoon, edi ako na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.  Itinuon ko na lamang ang tingin ko sa pinapanood namin. Nung naging seryoso ako sa panonood saka ko lamang napagtanto na ang kwento ay tungkol sa magkaibigan. Kwento iyon ni Bujoy (Jolina Magdangal) at si Ned (Marvin Agustin) kapwa sila magkaibigan. Nagulat pa ako dahil ang babaeng bida ay may lihim na pagtingin sa kanyang best friend. Oh no! Bakit bigla kong naisip ang sitwasyon naming dalawa ni Dice. Mistulang kwento ko ang naroon ngayon sa palabas na ito. Mas lalo pa akong nagulat ng biglang magtapat ang babae ng tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Tandang-tanda ko pa ang linya ng babae. "Yes, kaibigan mo ako... kaibigan mo lang ako. And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my bestfriend."  Kahit malamig sa sinehan na iyon ay bigla akong pinagpawisan. This is even real?  Nagulat na lamang ako nang hawakan ako sa kamay ni Bryan at binulungan. "Kwento yata ng buhay mo ang nakapalabas dito e, sabihin mo nga sa akin, ikaw ba ang writer ng pelikulang ito."  Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Halos lingunin din nila kaming dalawa. "Sorry." nasabi ko nalang. Halos lahat ng nanonood ay nagsisiiyakan sa tagpong iyon. Sa totoo lang gusto ko ding maiyak dahil ganun ang sitwasyon naming dalawa ni Dice. Magkaibigan kami at inlove ako sa kanya. Kapag kaya nagtapat ako sa kanya, iyon ang gamitin kong linya. Pero sa loob-looban ko, malabong aamin ako sa kanya. Never.  Nagpaalam ako na pupunta muna ng comfort room. Para kasi ayaw ko ding makita kunh ano ang susunod na mangyayari sa kwento, pero parang nahuhulaan ko na. Ngayong nagtapat na si girl ng nararamdaman niya sa bestfriend niya, sigurado ako na mag-iiwasan sila at masisira na nag friendship, ganun naman talaga di ba.  Ilang minuto din ang itinagal ko sa loob bagi tuluyang lumabas. Nagulat pa ako dahil nasa labas si Dice at ganun pa din ang ekspresyon ng mukha niya. Wow consistent ka ah. "Bakit ka nandito? Nagcr ka din? Tara pasok na tayo sa loob." Nagsimula na akong maglakad nang bigla akong pigilan ni Dice.  "Bakit? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya.  "Pinayagan mo bang manligaw sa iyo ang lalaking iyon?" kita ko pa rin sa mukha niya ang inis. So iyon ang kinaiinis kanina pa? So tama si Bryan, mukhang nagseselos na nga siya. Edi lubusin na natin.  "May masama ba, kung oo." "Hannah, sinabi ko na di ba? Hindi siya matinong lalaki. Gusto mo bang maging katulad ka ng mga naging babae niya?" "Iyon ang sabi ng iba. Ayoko siyang ijudge dahil lang sa sinasabi ng iba." "So, napaikot ka na niya sa mga mabubulaklak niyang salita?" "Stop it, Dice, ano ba ang kinagagalit mo? Hindi kita tatay o kuya para maging ganyan ka." Nalungkot bigla ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay mali ang pagkakasabi kong iyon sa kanya. "Tama ka. Hindi mo ako tatay o kapatid dahil bestfriend mo lamang ako. I'm sorry Wag kang mag-alala, hahayaan na kita sa gusto mo." "Babe."  Napatingin kami pareho sa pinanggalingan ng boses. Si Sarah iyon at kasama na niya si Bryan.  "Anong ginagawa niyo? Nag-aaway ba kayong dalawa?" tanong ni Sarah.  "Hindi babe. May sinabi lang ako sa kanya." "Sigurado kayo?" Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti.  "Kung ganon, let's go na sa loob, patapos na ang pinapanood, wag nating palampasin ang ending ng story."Sabi ni Sarah. "Sorry babe pero mukhang hindi ko na matatapos pa ang kwento, tumawag kasi si dad. May emergency sa bahay kaya balak na sana kitang ihatid bago umuwi sa bahay." "Ganoon ba, sayang naman." malungkot na tugon ni Sarah. "But if you want, tapusin na ninyong tatlo at mauna na lamang ako sa inyo." "No, sasabay na ako sa iyo babe. Bye Hannah and Bryan, sa susunod na lamang." "Sige. Ikaw na ang bahala sa bestfriend ko. Umuwi kayo ng maaga, lalo kana baka hanapin ka ni tita." Sabi nito Tumango na lamang kami sa kanila.  Nang maiwan na kaming dalawa ni Bryan ay sinabihan niya ako na pumasok na muli sa sinehan. "Let's go na. Patapos na ang palabas oh." "Wag na nating tapusin, Bry. Mukhang alam ko na ang ending." "Ahh?" Gulat na tugon niya sa akin.  "Tingin ko hindi sila magkakatuluyan dahil umiwas na ang bidang lalaki simula ng magtapat ng nararandaman ang bidang babae." "Pero----" "Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko aaminin kay Dice ang tunay kong nararamdaman sa kanya." Muli ay masaganang luha ang bumuhios sa aking mga mata.  Samantala, pasado alas onse na ng gabi at hindi pa din ako makatulog. Ngayon lang kasi kami nagkasagutan ng ganoon ni Dice. Sa tagal na naming magkaibigan ay never nangyari ito. Kaya nakapagdesisyon ako na hihingi ako ng tawag sa kanya. At sasabihin ko din na walang namamagitan sa aming dalawa ni Bryan.  Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Hindi ko pa nakikita si Dice malamang my papunta palang ito. Pero dumating na ang first subject teacher namin ay wala pa din siya. Hindi naman siya nalalate, absent siguro siya ngayon.  Lunch time na. Mag-isa akong kumakain dahil wala naman akong kasabay. Yung iba kasi na nakikipagkaibigan sa akin ay may hidden agenda. Syempre gusto nila na ilakad ko sila kay Dice.  May grupo ng mga kababaihan ang lumapit sa akin, sa kabilang section ang mga ito.  "Mukhang mag-isa ka yata ngayon?" "Syempre, echapwera na iyan sa beatfriend niya, e malamang may girlfriend na kaya ganoon." "Hindi pumasok si Dice." tugon ko lang sa kanila. "Anong hindi pumasok, e nandito lang siya kanina at kasama ang girlfriend niyang si Sarah. May training siya ngayon. Hindi ka man lang sinabayang kumain? Kawawa ka naman." Lihim akong nainis sa nalaman ko. Hindi naman ako makapaniwala na nandito pala siya, tapos nakita ako kumakain mag-isa tapos hindi man lang ako sinabayan? Pumunta ako sa gym. Kompirmado nga na nandoon si Dice. Ni hindi man lang siya nagpakita sa akin. Siguro nga ay naechapwera na ako. Sino ba naman kasi ako? Eh kaibigan lang naman niya ako, syempre mas guayo niyang kasama ang girlfriend niya kaysa sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD