Chapter 1: Coma

1514 Words
ISANG malakas na ingay ang namayani nang itapon ni Kenzo ang baso sa pader. Napaatras si Caleb sa takot na masugatan ng bubog mula sa nabasag na baso. Isang buwan matapos ang aksidente ay hindi pa rin nagigising si Hana. Sa kanilang dalawa ang kanyang asawa ang may malubhang sinapit.  Nagkaroon ito ng severe brain injury na naging dahilan ng kanyang comatose. Mga aparatura ang sumusuporta sa kanya para hindi siya tuluyang mamatay. Ayon sa kanilang doktor kani kanina lamang, imposibleng mababalik sa dati ang kalagayan ni Hana. Kalahating porsyento lamang ang tyansa na magigising pa siya at kalahating porsyento rin ang tyansang mawawalan siya ng buhay. Ikinagalit iyon ni Kenzo, hindi niya lubos na matanggap ang sinapit ng asawa. “Do something!” sigaw ni Kenzo sa doktor. Naka bandeha pa ang kanyang ulo at kamay. Nararamdaman niya ang sariwang sugat sa ilalim ng bandeha ngunit wala siyang pakealam. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa doctor. Ang doctor naman ay nakayuko lamang habang nagkasalikop naman ang dalawang kamay nito sa isa’t isa. Sumisilip naman ang mga iilang nurse sa private room na nakarinig ng malakas na pagbasag ng baso.  “Calm down, Kenzo.” Itinaas ni Mr. Benedict, ang kanyang ama, ang kamay nito para abutin si Kenzo.  “Calm down? You’re asking me to calm down?” hindi makapaniwalang tanong ni Kenzo sa kanyang ama. Hindi pa rin napapawi sa kanyang hitsura ang pagkalisik ng kanyang mga mata. “Dad, nag-aagaw buhay si Hana and you’re asking me to calm down? Hindi ako katulad niyo!” biglang singhal ni Kenzo sa kanyang ama. Napailing na lamang ang matandang Brothers at umiwas ng tingin sa anak. “You let my mom died. Hindi kaming dalawa ang pinili mo! hindi kaming dalawa ang pinaglaban mo! Do you want me to be like you? To follow your decision? Of course, I won’t! Ipaglalaban ko pa rin si Hana kahit na anong mangyari.” Maluluhang bulyaw ni Kenzo. Napatalikod si Mr. Benedict sa kanya, wala siyang magagawa kung iyon ang iniisip ng kanyang anak sa kanilang desisyon ng asawa niya noon. Si Mrs. Ito Brothers, isang pure japanese na maybahay ni Benedict, ay isang mahinang dalaga noong nagbubuntis pa lamang siya kay Kenzo. Mahina ang kanyang pangangatawan at resistensya at nagdulot iyon ng komplikasyon sa kanyang pagbubuntis. Ani ng kanilang doctor, kung sakaling pipiliin ng mag-asawa ang mabuhay ang kanilang anak, walang garantiya na mabubuhay si Ito ngunit kung sakaling piliin man ni Benedict si Ito na mabuhay, mapipilitan siyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Benedict and Ito decided to choose to let Kenzo live kahit pa kasawian ng buhay ni Ito ang kapalit. Hindi naging madali kay Benedict ang desisyon nila ng mag-asawa ngunit alam niyang mahal na mahal ni Ito si Kenzo at mas pipiliin nitong mag sakripisyo para lang mabuhay ang kanyang anak sa magandang mundo. After all, desisyon nilang magkaanak at ang pagkaitan ng buhay ang anak sa kanyang sinapupunan ay hindi kabilang sa ideolohiya ni Ito. At least she lived for 25 years, at least she enjoyed her existence on earth. Ang mga bagay na ito ay gusto niya sanang maranasan ng kanyang anak  na si Kenzo. Hindi naman naging madali para kay Kenzo na tanggapin ang lahat. He live without her mom guiding her, lumaki siya sa puder ng kanyang ama habang hinahanap ang presensya ng kanyang ina. Hindi na rin nag-asawa pa ulit si Benedict dahil para sa kanya Ito is the only woman who can capture his heart. Walang sino mang babae ang makakapantay at makakahigit kay Ito. “Tungkol sa anak niyo ni Hana…” hindi natuloy ang sasabihin ni Benedict at napalunok nang sunod-sunod. “Kaya ba—” “We can make another child.” Sagot naman ni Kenzo habang nakakuyom ang dalawang palad. “As long as Hana is still alive.” Patuloy niya. Napatingin si Benedict sa doctor nang lumabas si Kenzo ng kwarto para silipin ang kalagayan ni Hana sa ibang silid. Sumunod naman sa kanya si Caleb. Kinausap ni Benedict ang tungkol sa anak nila ni Kenzo at ni Hana. Ayon sa doktor ay maaari namang makaligtas ang bata kahit nasa coma si Hana. Marami nang nangyaring instances na ganito at kailangan lamang ng maingat at dobleng pagmamasid sa kalagayan ni Hana, ngunit masyadong delikado para sa kalagayan ng dalawa at walang kasiguraduhan kung mailuluwal ba nang maayos ang bata. Pinakiusapan ni Kenzo ang doktor na kung maaari ay pagtuunan lamang ang kalagayan ni Hana kahit huwag na ang kanilang anak. Ang importante para sa kanya ay si Hana, kahit pa sariling dugo at anak ng binata ang dinadala ni Hana.  Napasapo lamang ng ulo si Benedict at dismayadong umiling. Ginampanan niya ang sinabi noon ni Kenzo na hinding hindi niya susundin ang desisyon at tinatahak ng kanyang ama, na magiging mabuti siyang asawa at magiging mabuting ama. NAKAMASID mula sa labas ng pintuan si Kenzo. Tahimik itong nakapikit at nakahiga, dumedepende ang katawan nito sa life support at sa ibang aparaturang nakakabit sa kanyang katawan. Malapit nang dumilim at mga ilang oras mula sa pagkakataong iyon ay panibagong araw muli ang mararanasan ni Kenzo nang hindi pa nagigising si Hana. “Was it my fault?” tanong bigla ni Kenzo kay Caleb na nakatayo lamang sa kanyang likuran. “No. It was the car’s fault.” Patuloy ni Kenzo at mahinang ngumisi. Tahimik lamang na nakikinig si Caleb sa sinasabi ng kanyang amo, hindi ito nagsasalita sa takot na iba ang makuhang kahulugan ni Kenzo sa kanyang sasabihin. “Ano ang balita, Caleb?” tanong muli ni Kenzo at humarap sa kanya. Ang tinutukoy niya ay tungkol sa nangyaring aksidente at kung bakit nasira ang brake ng kanyang sasakyan. Ni minsan ay hindi siya naging pabaya sa kanyang mga kagamitan. Ang mga sasakyan ay linggo linggong niyang pinapa-check. “Negative, Sir. Wala makitang information sa CCTV footage kung saan nakaparada ang sasakyan niyo bago kayo sumakay.” Tugon ni Caleb sa kanya. “Ang sabi ng nag-ayos ay matagal nang sira ang brake ng sasakyan. Noong ginamit niyo lamang lumitaw ang problema.” Patuloy niya sa kalmadong pananalita. Nagpakawala ng malakas na hininga si Kenzo at umiling. “This is f*****g impossible.” Mahinang bulalas niya at muling napatingin kay Hana. Huwag mo akong iwan, Hana. Hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kapag nawala ka. Aniya sa likod ng kanyang isipan. Napayuko habang nakatukod ang isang palad sa pintuan. Namamasa ang kanyang mga mata, pumasok sa isipan niya ang buhay kapag tuluyan siyang iwan ni Hana. Nakakatakot ang mag-isa, nakakatakot iwan ng minamahal bigla, hindi niya alam kung saan magsisimula kung sakaling bumitaw si Hana. Matapang na tao si Kenzo at sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng pangamba at takot. “Sir, you have to see this.” Biglang sabi ng nurse at niyaya si Kenzo na pumunta sa kanyang silid upang tingnan ang nangyayari sa labas ng hospital. Walang pagdadalawang isip na sinundan ni Kenzo ang nurse patungo sa kanyang silid at sumilip mula sa bintana ang nangyayaring kaguluhan ng mga iilang reporters na gustong makibalita sa kalagayan ni Kenzo at mga empleyado nitong pasimuno sa pag-aalsa labas ng kanilang kompanya. “Ano ang nangyayari?” tanong ni Kenzo saka binaba ang blinds. Binuksan ni Caleb ang T.V. at halos ng mga station ay nagkakaroon ng balita tungkol sa kanya at sa pagkakaroon ng comatose ng kanyang asawang si Hana. “Kasama si Mama sa tinanggal niya sa trabaho. Mabuti nga ‘yon sa kanya! Dapat pagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa mga taong biniktima niya.” Ani ng isang netizen na ininterview. “Kawawa naman si Ms. Hana, dapat si Kenzo’ng ‘yan na lang ang nacoma.” Ani naman ng isa. “Ano Brothers? Tatahimik na lang kayo riyan sa lungga ninyo?” tanong ng isang galit na galit na netizen. Naging kontrobersyal ang nangyaring trahedya. Kasabay kasi noon ay ang pag aalsa ng mga empleyado laban sa biglaang naging desisyon ng kumpanya na magbawas ng mga empleyado. Naging mainit ang dugo at mga mata ng mga netizens sa kanya lalo na naging usapin ito sa kahit na anong social platform sa internet. “Let them. Lahat ng mga ‘yan ay may hangganan.” Malamig na sabi ni Kenzo at napaupo sa katabing upuan. Hindi mahalaga ang sinasabi at hinanaing ng mga tao tungkol sa kanya. Ang importante para sa kanya ngayon ay ang kalagayan ni Hana. Pumasok ang kanyang ama at isinara ang pintuan. Matalim na mga mata ang ipinukol ni Kenzo sa kanya nang matama ang mga mata nilang dalawa. “Let’s move to Japan.” Biglang mungkahi ng kanyang ama. “Maraming magagaling na doktor doon, Kenzo. Kung gusto mong gumaling si Hana, kahit ngayon lang sundin mo ang kagustuhan ko.” Tipid na ngiting patuloy ni Benedict. Kunot noo namang napaisip si Kenzo. Marahil tama ang kanyang ama, marahil sa Japan ay gagaling si Hana. Batid niya rin na suhestiyon ng kanyang ama iyon upang ilayo sila sa iskandalo na nangyayari sa Pilipinas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD