PROLOGUE

1767 Words
“READY ka na ba?” tanong ni Hana sa kanyang asawang si Kenzo na ngayon ay hindi mapakali. Pabalik balik ang ginoo sa kanyang nilalakaran habang kinakagat ang sariling kuko. Nakasuot na siya ng boxer at napapansin na ni Hana ang umbok sa loob nito. Si Hana naman ay nakasuot ng manipis na night lingerie. Pinagsadahan siya ng tingin ni Kenzo mula ulo hanggang paa.  Tumaas-baba ang kilay ni Hana at makahulugang ngumisi. Pinagpapawisan naman nang matindi si Kenzo, nakakailang ulit na niyang pinupunasan ang pawis na tumutulo sa giliran ng kanyang mga mata. Hindi naman ito first time na mangyari sa buhay niya pero sa isang babaeng totoong mahal niya’y hindi niya maiwasan ang hindi mailang. Bilang isang gentleman, at higit sa lahat, matinong tagapagmana ng Nomith Motor Corporation — one of the largest automotive manufacturer na ang headquarter ay nasa Yokohama, Japan, nakakakaba pero at the same time nakaka excite na may mangyari sa kanilang dalawa pagkatapos ng sampong taon na magkasintahan.  Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magmukhang kengkoy sa harap ng kanyang asawa! “Tinatanong pa ba ‘yan?” tanong niya at ngumisi. Napawi ang kahihiyan niya ilang sandali at saka tumakbo sa direksyon ni Hana. Napahiyaw si Hana nang akayin siya ni Kenzo at binagsak sa malambot na kama na parang isang sako lang ng bigas.  “Kenzo!” sigaw ni Hana at sinundan ng tawa nang naunang angkinin ni Kenzo ang ibaba nito kaysa ang kanyang labi. One month pagkatapos ng wedding, dumiretso agad sila sa Kyoto, Japan para sa kanilang honeymoon. Ito ang pangako niya sa asawa na bibigyan niya ito ng memorable honeymoon mismo sa winter season. Naging memorable nga iyon para kay Hana dahil parang sa lahat ng lugar na pinuntahan nila ay may nangyari sa kanila. Hindi lang isang rounds iyon, mahigit sa tatlo tuwing gabi. Di na baleng mang-hapdi sulit naman. “Hopelessly devoted to you!” halos balutin ang buong ktv bar sa boses ni Hana. Nakapatong pa ang isa nitong paa na para bang sinasadyang ipakita kay Kenzo ang mapuputing legs nito. Itinaas ni Hana ang mikropono na parang singer sa isang concert. Naging dahilan iyon ng palakpakan ng kanilang mga kaibigan at tawanan. Si Kenzo ay napailing na lamang pero natatawa sa pinapakitang kahihiyan ng asawa sa kanilang mga kaibigan. “Ano ba kasi ang announcement mo, Hana?” tanong ni Jasmin sa kanya. Isa ring pinoy sa dugo ngunit japanese sa citizenship na walang permanenteng address dahil sa trabaho nitong International Aid Worker.  Nagkatinginan ang mag-asawa. Si Kenzo ay nag-aabang sa sagot ni Hana. Kumindat naman si Hana at kinuha mula sa kanyang bulsa ang pregnancy kit at saka ito binigay kay Kenzo na siyang tinanggap niya naman. “Good job, bro. I’m so proud of you.” Bati sa kanya ng babaerong kaibigan na si Youta habang tinatakip nito ang kanyang likuran. Japanese-Filipino rin katulad ng mag-asawa.  Hindi naman makapaniwala si Kenzo. Gulat na gulat ang kanyang mukha nang itinaas nito ang pregnancy kit. “What is this thing?” tanong nito na para bang hindi ma proseso sa kanyang isipan ang katotohanan. Napawi ang ngiti sa labi ni Hana at humakbang palapit kay Kenzo para batukan ito. “Aw!” hiyaw ni Kenzo sabay himas ng kanyang ulo. “Buntis ako. Three weeks,” tugon ni Hana sa kanya. Unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Kenzo at nagawa pang mag lumundag sa itaas ng sofa dahil sa saya. Lumapit siya kay Hana upang buhatin ito na siyang ikinatuwa naman ni Hana.  Masayang inalagaan ni Kenzo si Hana, parang batang ayaw padapuan ng lamok ang asawa. Hindi naman gusto ni Kenzo na mawalan siya ng oras kay Hana kaya kahit maayos naman ang pakiramdam ni Hana, inaalagaan naman nang mabuti ang kanyang katawan, iniiwan ni Kenzo ang kanyang responsibilidad sa opisina para pagtuunan ng pansin si Hana. Sa sampong taon nilang pagsasama at tatlong taong kasal sa isa’t isa, doble ang naranasan niyang ligaya nang binayaan sila ng langit ng anak. Para kay Kenzo, wala na siyang halos hinihiling pa kung hindi ang patuloy na maayos na takbo ng kanilang negosyo at masayang pamilya kasama si Hana. Ngunit lahat ay batid niyang may hangganan… Marso, taong 2021 MARAMING mga empleyadong nagkukumpulan sa labas ng building sa Manila, Philippines sa kabila ng kalmadong ulan. Tatlong araw matapos sila makauwi mula mahabang bakasyon sa Japan. May iilang may dala-dalang karatula na may mga maliit na mensaheng pabalikin sila sa kani kanilang mga trabaho. Si Hana ay napatigil sa corridor para tingnan ang mga taong nag we welga sa labas ng building. May ibang nakasuot ng mga weirdong kasuotan at may iilan namang hindi  “Anong meron, Kenzo?” tanong ni Hana sa kanyang asawa. Napatingin si Kenzo sa direksyon na tinitingnan ni Hana at napailing na lamang. “I ordered employee retrenchment since covid-19 affected our production. Hindi na natin sila kayang pasahurin base sa kinikita ng kumpanya at isa pa, matagal na ang iilan sa trabaho. Siguradong marami na rin silang naipon kaya ang mga bagay na ito ay hindi na mahalaga sa kanila.” tugon ni Kenzo sa kanya at inayos ang kanyang necktie. “Don’t mind them. They have already received their retrenchment pay. Hindi ko alam kung makapal lang ba ang pagmumukha nila para tanggapin ang bayad sa kanila at ngayon ay mag we welga sila sa labas na parang walang natanggap na pera.” Patuloy ni Kenzo at ngumisi. Nauna siyang naglakad at sumunod naman sa kanya ang kanyang sekretarya. “Sir, I have received an appointment request from the Department of Labor and Employment with you.” Sabi ni Caleb, ang kanyang sekretarya niya. “Decline it.” Tipid na sabi naman ni Kenzo. Ang dalawang kamay nito ay nakatago sa kanyang magkabilang bulsa.  “What about the Local Government Unit sir? Nakikiusap sila na kung pwedeng gawan ng paraan ang mga nagtutumpukang tao sa labas. Kaninang umaga pa po ang mga taong ‘yan at parang walang planong tumigil.” Mas lalong ngumisi si Kenzo. “Hayaan mo ng magkahawaan, para maubos ang taong matitigas ang ulo sa mundo. At the end of the day, mare-realize nilang walang kwenta ang pinaggagawa nila.”  Napatingin naman ni Hana sa kanyang asawa habang nakasunod lamang sa kanya. Walang mahanap na awa si Hana sa salita ng asawa. Nang maging CEO ng Nomith, mas lalong naging mas lalong dominante ang asawa at tila walang empathy sa kapwa niya. Hindi niya lubos maisip kung dahil lang ba sa trabaho ito o di kaya dahil sa kapangyarihan na pinagkaloob sa kanya bilang CEO. Naging laman siya ng balita sa telebisyon man o sa dyaryo. Ang mga empleyadong nakakagawa ng kamalian ay basta basta lang niyang tinatanggal sa trabaho nang hindi man lang pinag-iisipan nang mabuti. Matagal nang kilala ni Hana si Kenzo, alam niya ring may ikakatindi pa ng ugali niyang makasarili ngunit gayunpaman, mahal niya si Kenzo. Maging sino man siya. Napatingin siya muli sa mga taong nagkukumpulan. Nakita niyang nakatayo ang dating COO sa likod ng mga tao sa labas. Nakakunot ang noo nito at nakatitig lamang sa gawi nila. Mabilis na umiwas si Hana sa takot na makita sila kahit alam niyang hindi naman siya direktang nakatingin sa kanila. MAS lalong lumakas ang ulan nang sumapit ang gabi. Binaba ni Hana ang blind curtains nang maisipan ni Kenzo na umuwi pagkatapos ng kanyang overtime. Naramdaman niya ang yakap ng asawa mula sa kanyang likuran kaya bahagya siyang napatalon sa gulat. “Kenzo!” hiyaw ni Hana na natatawa nang kilitiin siya ng asawa gamit ang pagdampi ng labi nito sa kanyang leeg. Pilit na humarap si Hana kay Kenzo para salubungin ang halik nito gamit ang kanyang labi ngunit hindi nagpatinag si Kenzo. “If you are not pregnant, siguradon nakaisa na tayo dito sa opisina ko.” Ani ni Kenzo. Sa pagkakataong iyon hinayaan niyang humarap si Hana sa kanya. Ipinatong naman ni Hana ang kanyang dalawang kamay sa balikat ni Kenzo at dinampian ang halik ang asawa. “Kenzo, I have a favor to ask.” Ani ni Hana at ngumiti. Napataas naman ang dalawang kilay ni Kenzo. “As long as it’s not about my work and my company, I don’t mind.” Tugon naman ni Kenzo sa kanya. Unti unting napawi ang ngiti sa labi ni Hana. Balak niyang pakiusapan ang asawa na ibalik sa trabaho ang mga empleyadong pinasibak niya ngunit sa sagot ng asawa, alam niyang imposible. “Let me cook your favorite steak once we get home.” Ibang pabor na lang ang hiningi ni Hana sa kanya. Ngumiti naman si Kenzo at mas lalong humigpit ang yakap sa beywang sa asawa.  “Sure. Kung gusto mo, tulungan pa kita.” Sagot naman ni Kenzo sa kanya. Wala ng nasagot si Hana, palipat lipat na lang ang kanyang tingin sa mga mata ni Kenzo at hindi alam kung saang mata ipipirmi. Nilapit ni Kenzo ang kanyang mukha at hinalikan sa labi ni Hana na siyang sinalubong naman ng asawa. Mas lalong lumakas ang ulan habang nagmamaneho si Kenzo ng kanyang sasakyan. Si Kenzo ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan, ni minsan ay hindi siya nagtiwala sa ibang driver. Si Hana ay hinihimas ang kanyang tyan, sa tingin niya, sa paraang iyon ay maiibsan ang lamig na nararamdaman ng supling sa kanyang sinapupunan. Mas lalo lamang pinaharurot ni Kenzo ang sasakyan dahil hindi niya gustong nilalamig ang kanyang asawa. Binaba niya rin ang temperatura sa loob para hindi masyadong lamigin si Hana.  “Kenzo, slow down.” Ani ni Hana at hinimas ang braso ni Kenzo. Biglang tumibok nang mabilis ang puso ni Kenzo. Hindi niya maintindihan kung bakit tila kinakabahan siya sa mga oras na iyon. Dahil ba sa lalim ng gabi at malakas na pagbuhos ng ulan? Malayo na sila sa gawi ng nagtataasang building, may mga kabahayan ngunit malawak ang pagitan sa isa’t isa. Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili. May naalinag siyang liwanag mula sa sasakyan sa unahang direksyon kaya tinapakan niya ang brake. Kaso biglang bumalik ang kanyang kaba nang hindi man lang humihinto ang sasakyan. “Kenzo? Anong nangyayari?” tanong ni Hana sa kinakabahang tono nang makitang paulit ulit na tinatapakan ni Kenzo ang break kaso walang nangyayari sasakyan, patuloy ito sa pagtakbo nang mabilis. “Hana!” sigaw ni Kenzo at kasabay ng hiyaw ng asawa ay ang pagbangga niya sasasakyan na nakaparada. Ang huli niyang namalayan ay ang paggulong ng sasakyan kung saan siya at si Hana nakasakay, paibaba ng malalim na bangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD