CHAPTER 3

3045 Words
NADIA's POV Tatlong araw na magmula nang naaksidente si Ace pero hanggang ngayon ay 'di pa rin s'ya nagkakamalay kaya masyado na akong nag-aalala para sa totoong kalagayan niya gayong sabi ng doktor ay minor injury lang ang natamo n'ya mula sa aksidente. Hindi ko s'ya halos matingnan nang makita namin s'ya sa gilid ng bangin dahil sa dami ng dugo sa katawan n'ya na nagmula sa sugat n'ya sa ulo. Maputla rin s'ya ng gabing iyon dahil sa natamong sugat.  Kahit may mga katanungan sa isipan ko ay nagpapasalamat pa rin ako na hindi masyado na napinsala ang pinsan ko.  Mas maayos na s'ya ngayon at iyon ang mahalaga sa akin. Bumalik na kasi ang dating sigla ng kulay n'ya pero hindi sapat 'yon dahil ang gusto ko ay ang makita s'yang nagsasalita, tumatawa, ngumingiti, sumisimangot at naninigaw kapag nawalan na ng pasensya dahil sa kakulitan ko.  Hindi ko na napigilan ang luha na pumatak sa mga mata ko hanggang sa naging impit na iyak na ang pumuno sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan namin ni Ace.  "Hush now, hon. He'll gonna be alright," sabi ni Travis na pinisil pa ako sa balikat. Iniharap n'ya ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko sa pisngi. "Parang 'di mo naman kilala ang pinsan mo kaya 'di mo na kailangan ang mag-alala. Kaya n'ya 'yan," pag-aalo n'ya sa akin.  "Bakit 'di pa rin s'ya nagigising hanggang ngayon, hon? Natatakot na ako,” umiiyak pa rin na saad ko.  Narinig ko ang malalim niyang paghinga kaya alam ko na hindi n'ya alam ang sasabihin.  "Kumain ka na ba?" tanong n'ya kaya umiling ako. "Hon?!" nananaway na sabi n'ya. Hinawakan n'ya ako sa braso at iginiya n'ya ako paupo. "Nagdala ako ng pagkain. Alam ko na paborito mo 'to." Sabay abot n'ya sa akin ng styro na may laman na fried chicken kaya inabot ko na rin dahil ayokong mag-alala pa s'ya.  "Thanks, ikaw?" alok ko sa kanya habang abala s'ya sa paghihimay ng sugpo na dala n'ya rin. "Makita lang kita na kumakain..." "Ano? Busog ka na rin?" Putol ko sa sasabihin n'ya kaya natawa s'ya. Tawa na dahilan kung bakit araw-araw ko s'yang minamahal. Ginagap ko ang kamay n'ya. "I love you." Nakita ko ang kislap sa mga mata n'ya kaya naghatid ito ng kilig sa puso ko.  Tumayo s'ya at lumapit sa akin. Hinawi n'ya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko at hinalikan n'ya ako sa noo. "I love you too, hon. You are always my night and day. My moon and my sunshine. There'll be no greater things than you. Mahal na mahal kita, Nadia, higit pa sa buhay ko." Tila pinisil ang puso ko sa mga sinabi n'ya kaya napaiyak ako sa tuwa. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko alam na lalawak pa ang pagmamahal ko sa kanya simula nang ituon n'ya ang mga mata n'ya sa akin. Hindi ko kailan man makakalimutan ang araw na nagkakilala kami sa isang bar. I was with Steve that night while he was alone—drinking in solitude. Nahuhuli ko s'yang tumitingin sa akin kaya nang isang beses na sumulyap s'ya sa akin ay sinalubong ko ang titig n'ya at nginitian s'ya.  Then he got my number.  Tapos hindi ko na lang namalayan that we're already exchanging texts, saying take care and sweet words. Lumalabas din kami hanggang sa niligawan n'ya ako at sinagot ko s'ya nang walang pag-aalinlangan. Masaya ako at kuntento sa relasyon namin kahit ang totoo ay 'di ko pa s'ya masyadong kilala. Hindi ko pa nakikilala ang parents n'ya. Kung may alam ako tungkol sa kanya, hindi rin masyado. Pero hindi na ako nagtanong dahil gusto ko ang pagiging misteryoso n'ya. Sapat na sa akin ang malaman na wala s'yang asawa. Na ako lang ang nag-iisang babae na mahal n'ya bukod sa mom n'ya at kapatid n'ya kung mayroon man.  "Hon, are you okay?" untag n'ya sa akin dahilan upang maputol ang iniisip ko.  "I feel much better now that you're here. Si Steve." Tumingin ako sa kama na hinihigaan ng pinsan ko. "Mapapanatag lang ako kapag nagising na s'ya. Mawawala na ang takot ko." "Sshh... Magigising din s'ya. Kumain ka pa dahil siguradong magagalit si Steve kapag nakita ka n'yang ganyan. Ang payat mo na at nangingitim pa ang ilalim ng mga mata mo." "So, ibig sabihin, pangit na ako?"  "What!? No!" Pumunta s'ya sa likuran ko at niyakap ako. "Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko." "Ewan ko sa iyo, niloloko mo na yata ako n'yan, eh." "Sa tingin mo, kaya kong paglaruan ang puso mo? Wala ka bang tiwala sa nakikita ng mga mata ko at sinasabi ng bibig ko?" "Sus! Ilang babae na ba ang nasabihan mo na ng ganyang mga salita?" pang-aasar ko sa kanya. Dinig ko ang malakas na pagpakawala n'ya ng hangin kaya alam kong seryoso na s'ya. "Hon, nagbibiro lang ako." Itinayo n'ya ako at ikinandong sa mga hita n'ya. "Hon, alam kong marami kang katanungan tungkol sa akin..." Iminuwestra ko ang dalawa kong kamay sa harap ng mukha n'ya. "No, kuntento na ako sa kung ano ang nalalaman ko sa iyo..." "Shhh!" Inilapat n'ya ang daliri n'ya sa mga labi ko. "When the time comes, I'll tell you everything—everything about me. 'Yong makikilala mo ako sa kung sino talaga ako. It's hard for me not to tell you the truth but I'm doing this for your own sake." Nagbaba ako ng tingin subalit hinawakan n'ya ang baba ko at iniangat ang mukha ko dahilan upang magsalubong ang paningin namin. "Mahal kita. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"  Hindi ako sumagot bagkus ay hinalikan ko s'ya sa mga labi tanda ng sagot ko sa tanong n'ya. "Hindi ako nagtatanong ng kung ano tungkol sa buhay mo dahil alam ko na kung handa ka nang sabihin sa akin ang lahat ay kusa mong sasabihin sa akin. Maghihintay ako hanggang sa oras na kaya mo nang sabihin ang lahat." "Do you know how much I'm lucky to have you in my life?"  Napailing ako sabay ngiti. Dahil ang totoo, ako ang masuwerte sapagkat ako ang napili n'yang mahalin. Hindi n'ya tinitingnan ang mga kahinaan ko sapagkat s'ya na mismo ang pumoprotekta sa akin. Ipinaparamdam n'ya sa akin na sapat ako kaya alam kong hindi na s'ya maghahanap pa ng iba.  "Bakasyon tayo minsan?" biglang tanong n'ya sa akin. "Huh? Hmm, saan naman?"  "Ikaw kung saan mo gusto. It's the very first thing to do when he wakes up." Turo n'ya pa kay Ace.  May kumatok at nang bumakas ang pinto ay pumasok si Yuwi.  "Eh! Get a room guys," si Yuwi. Kaibigan s'ya ni Travis kaya malapit din s'ya sa akin. Sinulyapan n'ya pa si Ace sa kama nito. "How's he?" "Stable na. Hinihintay na lang namin ang paggising n'ya." Tumingin s'ya sa akin bago kay Travis. "May pag-uusapan kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Sanay na ako na may inililihim sila sa akin pero hindi na ito bago sa akin. Yuwi is his only friend I know. Marami silang common na ugali kaya marahil nagkasundo sila. They're both not into socializing. "You can come with us, after all, we'll be talking about Steve's accident."  Bigla akong naalarma dahil sa narinig ko. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa reyalisasyon na pumasok sa isip ko! "Ibig sabihin ay may isang tao sa likod ng pagkaka-aksidente ni Ace?" hindi makapaniwala na tanong ko.  "I need you to calm down, hon, please," nakikiusap na sabi ni Travis nang sumilay ang luha ko sa mga mata. "Hindi pa tayo sigurado sa ngayon kaya huminahon ka na muna, okay?" malumanay na saad n'ya.  "May nakita ba kayong tao na lumapit sa sasakyan ni Steve bago magsimula ang laban?" Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakausap ni Ace bago pa man kami makalapit sa kanya. Nakita ko ang matatalim n'yang tingin nang tinalikuran siya ni Ace.  "Ano iyon, hon?" "I'm not sure of this pero, naalala mo ba 'yong babaeng kausap ni Ace bago magsimula ang karera? Iyong magandang babae na sinabi ni Ace na binasted n'ya?" tanong ko kay Travis sa pagbabakasakali na naaalala niya ang babae.  Salubong ang kilay n'ya tanda na pinag-iisipan n'ya ang sinabi ko. At mayamaya pa ay sunod sunod na s'yang tumango. "Yeah, that girl! Naalala ko na." "Sino?" Si Yuwi na halatang naguguluhan sa sinasabi namin. "Hindi ko s'ya kilala pero kapag nakita ko s'ya, makikilala ko s'ya dahil natatandaan ko ang pagmumukha ng babaeng 'yon!" Ewan ko pero ang lakas talaga ng kutob kong may kinalaman s'ya sa nangyari kay Ace. Minsan lang pa naman akong magmintis sa lahat ng naiisip ko. Napatiimbagang ako nang maalala ang sama ng tingin n'ya sa pinsan ko—isang tingin na handang pumatay! "We have to find her, ako mismo ang haharap sa kanya para malaman n'ya kung sino ang binangga n'ya!" "Hon, you have to calm yourself. Hindi makabubuti kung galit ka." "Paano ako kakalma? Sabihin mo sa akin kung paano ako kakalma? Tingnan mo si Ace!" Turo ko sa kinaroroonan n'ya. "Ilang araw na iyang nakahiga? Ilang araw ko na s'yang 'di nakakausap? At dahil lahat sa kagagawan ng malanding babaeng 'yon!" Galit na galit ako! Walang sinuman ang may karapatan na kantihin ang kahit sino sa amin sa sarili naming lugar!  Siguraduhin mo na 'di kita makikita dahil pagsisisihan mo ang araw na ipinanganak ka!  YUWI's POV Matapos ang usapan namin sa hospital ay nagpasya kami ni Travis na pumunta sa kapehan para makapag-usap nang masinsinan. Buti na lang at hindi na sumama si Nadia, dahil alam kong sa lagay n'ya ay 'di n'ya maiintindihan ang pag-uusapan namin.  Hindi n'ya makontrol ang galit n'ya at 'di ko s'ya masisisi sapagkat ako mismo ay ramdam ang pagmamahal n'ya sa pinsan n'ya. Dalawa na lang silang magkapamilya kaya 'di na ako magtataka kung magawa man n'yang makapanakit ng iba para maprotektahan lang ang pinsan n'ya.  Napatingin ako kay Travis. Just like Nadia, he will do anything para makita lang ang kapatid n'ya.  The only princess of their family.  "What do you want to have?" tanong n'ya sa akin habang papalapit ang waitress.  "Kahit na ano." Pagkaalis ng waitress ay agad n'ya akong sinalubong ng nagtatanong na tingin.  Kung titingnan kami sa malayo ay aakalain mong mga negosyante kami na may pinag-uusapan dahil sa suot namin. Pero kung ako ang tatanungin, dahil sa nakikita kong pagkabalisa na makikita sa mukha ni Travis ay aakalain mo na it's a matter of life and death ang dahilan ng usapan namin.  "May balita ka na ba?" Simula n'ya at alam kung magtutuloy-tuloy na kaya may pag-aalinlangan akong tumango. "Tell me." Marahan akong umiling. "I can't." Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at umupo nang tuwid. "I can't tell you everything as early as this."  Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Hindi kita maintindihan. Nakita mo na s'ya, 'di ba?" "Oo." Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha n'ya. "And all I need is your understanding. Hindi ko pa pwedeng sabihin ang lahat sa iyo para na rin sa proteksyon n'ya." "What? Why?!" "Because it's the best thing that we can do now for her own sake." "Hindi kita maintindihan sa gusto mong sabihin." Naputol ang pagsasalita n'ya dahil sa paparating na waitress. "Thanks," nakangiti n'yang saad sa babae na halatang kinilig dahil sa pamumula ng pisngi. Nang umalis ang babae ay agad s'yang tumingin sa akin nang seryoso. "Tell me everything about her." Humigop na muna ako ng kape bago nagsalita, "As I said earlier, hindi mo na muna kailangang malaman ang lahat." Dinig ko ang kutsarita at tasang nag-uumpugan dahil sa ginagawa n'ya. "Listen to me..." "No! You listen to me, Travis. Things are not the same as it was. Sa tingin mo ba ay lalayo ang kapatid mo dahil lang gusto n'ya? Mag-isip ka nga! Kung may nakakakilala man sa ating dalawa sa kapatid mo ay ikaw 'yon. Alam mo na hindi tumatakas sa responsibilidad ang kapatid mo maliban na lang kung may malalim na dahilan. Kung gusto n'ya talagang magpakita sa inyo, matagal na s'yang bumalik sa lugar n'yo." "Maayos ba ang lagay n'ya?" Tumango ako bilang sagot sa tanong n'ya. Relief is written all over his face, at alam kong mas kalmado na s'ya kaysa kanina. "Bring me to her, please." Nahilot ko ang ulo ko dahil sa kakulitan n'ya. Tumingin ako sa mga mata n'ya—isang tingin na humihingi ng pag-intindi. "If I could, I would but I can't. Alam kong alam mo na may mga matang nakasubaybay sa lahat ng kilos mo. Kung makikipagkita ka sa kanya baka 'yon pa ang maging dahilan ng kapahamakan n'ya." Tiim ang bagang s'yang tumitig sa akin. "Teka nga, bakit ba 'yan ang sinasabi mo sa akin? Gusto ko lang s'yang makita para mapanatag ang kalooban ko. 'Yon lang at wala na akong ibang dahilan." Tsk! Ang kulit n'yang kausap...  "Paulit-ulit at paikot-ikot na lang 'tong pinag-uusapan natin, eh. Pero sige, makikita mo s'ya pero hindi pa ngayon." Tinuro ko s'ya nang astang ibubuka n'ya na naman ang bibig n'ya para magsalita. "’Wag ka na munang magtanong kung bakit. Huwag ka na munang magtanong ng kung ano dahil sumasakit ang ulo ko sa iyo, para kang batang kausap." Natawa s'ya sa sinabi ko. “Salamat.” "'Wag kang magpasalamat dahil binabayaran mo ako," natatawang sagot ko pero sa loob ko ay ang pagkakaroon ng agam-agam. Alam ko naman na nakita na nila dati ang sitwasyon ni Iris pero dahil sa pagtakbo ng oras, nagbabago rin ang lahat. "Maiba ako," saad ko matapos ang ilang minutong katahimikan. "Sino iyong sinasabi n'yong babae na maaaring gumawa niyon kay Steve?" "Hindi ko alam ang pangalan, eh. Bakit?" Napaisip ako. "May babae kasi na lumapit sa sasakyan ni Steve kagabi pero 'di ko masyadong pinagtuunan ng pansin sa pag-aakalang isa lang din s'ya sa mga babaeng nagkakandarapa sa pinsan ni Nadia. If I'm not mistaken she was wearing a red, hmm, two piece?" Napakamot ako sa ulo. "Basta, halos nakahubad na sa suot n'ya." "Mahaba ba ang buhok?" "Oo, matangkad at payat. Maganda," paglalarawan ko pa sa babae. "S'ya nga. Sabi ko na nga ba at hindi gagawa ng matino ang babaeng 'yon. Tsk!" napapalatak na turan n'ya.  "Ano ba ang nangyari at umabot sa puntong 'yon?" Ikwinento n'ya sa akin ang sinabi sa kanila ni Steve bago nagsimula ang karera. "Mahirap kumilos kapag hindi pa natin kilala kung sino ba talaga ang babaeng 'yon. Dahil kung pagbabasehan ang ginawa n'ya, sanay s'yang gumawa ng kahit ano." "What's the best thing to do?" Tila segunda n'ya sa sinabi ko.  "Hintayin muna natin na magising si Steve. Doblehin mo rin ang pagbabantay kay Nadia dahil maaari s'yang mapahamak sa kahit anong gawin n'ya. 'Wag n'yo ring hayaan na nag-iisa si Steve hanggat 'di n'ya pa kayang ipagtanggol ang sarili n'ya para na rin masiguro ang kaligtasan n'ya. Saka na natin pag-usapan ang susunod na gagawin kapag maayos na ang kundisyon ni Steve." Matapos ang usapan namin ay bumalik na s'ya sa hospital. Nagpaalam na rin ako kay Travis dahil may aasikasuhin pa ako. Alam kong mas panatag na s'ya dahil sa nalaman n'ya kesa sa mga nagdaang taon na pareho kaming nangangapa ng kasagutan. IRIS' POV "Archimedes' Principle states that an object surrounded by air is buoyed up by a force equal to the weight of the air it displaces," malakas na sabi ni Mrs. Caparan sa buong klase pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi ay nasa pangyayaring naganap ilang gabi na ang nakalipas.  Gusto kong hikayatin ang sarili ko na si Nyx ang nakita pero...  Imposible talaga, eh! Ano naman ang gagawin n'ya rito? Napalingon ako sa upuan ni Steve. Eksaktong isang linggo na pala s'yang 'di pumapasok.  Buti na lang at 'di s'ya namatay. Marami ang nagulat dahil sa nangyari lalo pa at parati s'yang kasali sa karera—ibig sabihin ay kabisado na n'ya ang daan at pasikot-sikot sa likuan.  Usap-usapan dito sa campus ang nangyari. May nalungkot, nagtaka, nagalit at marami ang nabigla.  Hindi ko man sinasadya ay hindi ko maiwasan ang matawa kapag 'yong nag-aartehang mga babae na ang nag-uusap dahil para silang mga tanga na umiiyak pa talaga na akala mo'y namatay ang iniidolo nila na saksakan ang kayabangan sa katawan.  Balita ko ay minor head injury lang ang natamo n'ya pero hanggang ngayon ay 'di pa rin s'ya pumapasok. Iyong yabang n'ya, marupok pala?  Weak… Natapos ang klase namin sa Physics nang 'di ko namamalayan. Papunta na ako sa cafeteria upang mananghalian nang harangin ako ng grupo ni Freya.  Ano na naman kaya ang kailangan ng mga ugok na 'to?  Lima sila. Isang lalaki at apat na babae.  "Ano'ng kailangan n'yo?" walang ganang tanong ko na ikinatawa nila.  Bunch of stupids! "Nakalimutan mo na? May utang ka pa sa akin?"  Natawa ako sa sinabi ni Freya.  "Utang? Ano ka? Hilo? At kailan naman ako nagkautang sa katulad mo?" "Hoy!" Dinuro ako ng lalaki kaya bahagya pa akong umilag. "Kausapin mo nang maayos ang prinsesa ko kung ayaw mong masaktan." Hanep! Ang tapang... "Prinsesa? Ha! At ano ka? Prinsipe? Kupal ka! Lintik sa dream!" sarkastikong sabi ko. "Hoy kayo, ha, ‘wag n'yo akong isali sa kabaliwan n'yo dahil hindi ako natutuwa sa mga pagmumukha n'yo!" Nakita kong umigkas ang kamay ni lalaki kaya agad akong pumaling pakaliwa at hinawakan ang braso n'ya sabay igkas ng isang kamao ko papunta sa mukha n'ya. Sa lakas ng suntok ko ay natumba s'ya. Susugurin ko pa sana s'ya nang may humablot sa buhok ko! Marahas kong hinawakan at pinilipit ang kamay na nakahawak pa rin sa buhok ko.  "Ouch! Let go of me, b***h!" Humarap ako sa kanya habang hawak pa rin ang kamay n'ya.  "Ano uli ang pangalan ko?" "b***h!!!" malakas na sigaw n'ya sa mismong mukha ko kaya itinulak ko s'ya habang hawak ang kamay n'ya na nakabitiw na sa buhok ko. Nang bahagya na s'yang nakadistansya sa akin ay saka ko s'ya hinila at sinalubong ng tuhod ko ang sikmura n'ya.  "YAAAAAAAAAA!!!!!" malakas na sigaw ng papasugod na si Freya habang nakaamba ang hawak n'yang stick sa akin. Dahil naiinip na ako sa kabagalan n'ya ay ako na mismo ang sumalubong sa kanya. Kinapitan ko ang stick na hawak n'ya at hinila s'ya palabit sa akin sabay pakawala ng sipa at suntok sa mukha n'ya.  Tulog!  Hinarap ko naman ang dalawa pang babae na agad nagtakbuhan nang makita akong ngumisi. Nilapitan ko si lalaki at sinabunutan sa buhok.  "Tigilan n'yo na ako dahil lumalaban ako kapag kinakanti! Kapag naulit pa 'tong kabaliwan n'yo ay ihahagis ko kayo sa labas ng pader, nagkakaintindihan ba tayo?" Papikit-pikit s'yang tumango. "Sagot!!!" malakas na utos ko sa mismong mukha n'ya.  "Oo! Oo!" "Ha! Ako pa talaga ang hinamon n'yo!" Pabagsak kong binitawan ang ulo n'ya at dumiretso na sa canteen para kumain na para bang walang nangyaring g**o.  I really don't know why I ended up like this. Ayoko sanang pumatol sa mga kumakanti sa akin pero hindi ko mapigilan ang dumadaloy sa dugo ko.  Napailing ako at nagpatuloy sa pagkain. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD