CHAPTER 2

3721 Words
IRIS' POV Nag-inat agad ako nang magising kinabukasan. Monday.  Lunes.  First day of school.  Month of June. Good morning new life! Maaga akong nagising ngayon. Anong oras? Alas siete y medya! Kung sasabihin mong late na ako, well, tama ka! Nagmamadali akong naligo para mas mahaba ang oras ko para kumain. Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina. Laking pasalamat ko nang may madatnan na mga pagkain. Alam kong nakaalis na si Chris pero 'di na ako nag-abalang gumising dahil anong oras na kaming natulog kagabi.  We spent our night talking and talking and talking.  Matapos ang ilang minuto ay agad kong isinukbit ang bag ko sa likod at kinuha ang skateboard ko at mabilis na pinaandar 'yon sa abot ng makakaya ko.  Ilang minuto pa ay narating ko na ang room namin.  Nagsasalita ang lecturer pero nagtuloy lang ako sa pagpasok. Naagaw ko ang atensyon ng lahat pero hindi ko na 'yon pinansin. "You are??!!" Dumagungdong ang galit na boses ng lecturer habang nakatingin sa akin.  "I am late. I had troubled sleeping last night that's why I came here fifteen minutes late," sabi ko habang naghahanap ng bakanteng upuan. Tangan ko pa rin sa kamay ko ang skateboard ko. "I'm asking you if who you are!"  May mga tao talagang 'di napapagod kasisigaw which is very irritating in my part! Nagtuloy ako sa likurang bahagi kung saan may bakanteng upuan at doon ay nakita ko ang isang estudyante na nakayukyuk sa upuan na halatang natutulog. Inilapag ko na muna ang skateboard at bag ko bago tuluyang humarap uli sa titser na animo'y tigre na lalapain ako dahil sa galit. "I'm Iris Deaths Summer. Please teach me well," maikling pakilala ko at tuluyan nang umupo. Ramdam ko ang tingin ng mga bago kong kaklase pero 'di ko na sila binigyan ng pansin.  "Is that your real name?" nakangising tanong sa akin ng lecturer. "Kailangan ko na bang magpapalit ng pangalan o dapat ko nang sisihin ang magulang ko dahil ganito kaganda ang pangalan ko?" "You're rude!!"  "No doubt about that, ma'am," malamya kong tugon matapos ay humikab. Rinig kong nagpakawala ng malalim na paghinga ang teacher at nagpatuloy sa pagsasalita. Dahil unang araw ng klase, wala s'yang ginawa kundi dumada nang dumada kahit halata naman na walang nakikinig sa kanya. Matuling lumipas ang minuto kaya naman nagpaalam na rin ang titser namin na 'di ko man lang nakilala.  "So, are you the walking reaper or the messenger of the gods? Which one are you?" That voice!  Kaya naman pala pamilyar sa akin ang amoy n'ya. Hindi ko na s'ya pinansin kaya tumayo na lang ako nang biglang... "Aagghh!!" Kamuntikan nang masubsob ang mukha ko sa kasunod na silya kung 'di lang ako nabangga sa kaklase kong babae. "Ano ba, b***h?!" At walang pasubaling sinampal naman ako ng babaeng nabunggo ko.  What's wrong with these kids?! Sasampalin n'ya uli sana ako pero agad kong sinalag ang kamay n'ya at sinuntok s'ya sa mukha! Natumba s'ya kaya nagsilapitan ang tatlo pang kababaehan para alalayan ang naunang babae. Tinalikuran ko agad sila at hinarap ang sumipa sa akin.  "Ow? Galit k-" Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita at buong lakas na sinipa ang upuan n'ya kaya napunta ito sa tabi ng dingding. Naglakad ako papalapit sa kanya at kwenelyohan s'ya! Nanatili s'yang kalmadong nakatingin sa mga mata ko. "Ano ba'ng kaya mong gawin?" nakangising tanong n'ya sa'kin. "Marami! At kaya kung baliin ang mga buto mo sa loob ng isang segundo!" Sumeryoso ang mukha n'ya at nakita ko ang paggalaw ng bagang n'ya. "Masyado kang mayabang, babae!" This time, inilibot ko ang paningin ko sa buong mukha n'ya at inilapit ang mukha ko sa mismong taenga n'ya. "'Wag mo nang pangarapin na magyabang ako dahil baka magsisi ka, PHANTOM!!" mahina kong saad pero binigyang diin ko ang huling salitang sinabi ko. Alam kong nagulat s'ya dahil sa paggalaw ng balikat n'ya.  "Ano'ng alam mo?" tiim ang bagang n'yang tanong sa akin. I gave him a blank stare. Binitiwan ko na ang pagkakahawak sa kwelyo n'ya at tinalikuran s'ya subalit mabilis n'ya na nahawakan ang braso ko at walang kahirap-hirap na iniharap ako sa kanya. Kinulong n'ya ang bewang ko sa isang bisig n'ya at ang isa ay ipinanghawak n'ya sa batok ko. Tiningnan ko lang uli s'ya sa mga mata.  "Wag mong ugaliin na titigan ako dahil baka hindi mo namamalayang minamahal mo na pala ako." Hindi ko napigilan ang matawa nang sarkastiko dahil sa sinabi n'ya. Sa ilang taon ko sa mundo, ngayon lang ako natawa dahil sa napaka-imposibleng biro na narinig ko. "Lintik sa lakas ng loob!" bulong ko pa at ngumisi. "Manigas ka dahil wala kang kwenta!" singhal ko sa kanya sabay tanggal sa bisig n'yang nasa baywang ko ngunit mas humigpit ang yakap n'ya sa akin.  "Ten days..." anas n'ya sa gawing tainga ko kaya naramdaman ko ang hininga n'ya sa balat ko. "I'll make you fall in love with me in ten days," puno ng kumpyansang sabi n'ya. "Ipupusta ko lahat, mapaibig ka lang!"  "Die now, Romeo, because I will never be your Juliet!" Itinulak ko s'ya kaya nakabitiw ako sa mga bisig n'ya. "Dahil kahit ipusta mo ang buhay mo, hinding-hindi ka mananalo. Naiintindihan mo?" Tinapik ko ang pisngi n'ya at tuluyan nang tumalikod at lumabas.  Boyset! Dinala ako ng mga paa ko sa parte ng eskwelahan na maraming puno. Rinig ko ang huni ng mga ibon dahil sa katahimikan ng lugar. Pumwesto ako sa isang matandang puno at doon naupo.  "Nakakapagod ang isang 'yon! Sobrang lakas mang-trip!"  "Sino?" Otomatiko na tumaas ang kilay ko nang may nagsalita sa bandang kaliwa ko kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Did I scare you?" Lumingon din s'ya sa akin at tipid na ngumiti.  "Not a single bit." Binuksan ko ang bag ko at inilabas ang chips, cookies and soft drinks in can at ibinato ang iba sa kanya na agad n'ya rin naman na nasalo. "Mabilis ka, ah. Nice." "Maybe we're the same." Binuksan n'ya ang nasa tupperware na cookies at kumuha ng isa. "Mmm, masarap. Ikaw ang nag-bake?" Umiling lang ako. "Madalas ako rito para magpahinga. Payapa kasi ang lugar dahil walang naliligaw sa parteng ito ng gubat. Have you heard the rumors about this place?"  "Nope. I'm a new student here. It is my very first time to be in this place." "One year ago, may magkasintahan na ikakasal sana sa lugar na ito pero hindi natuloy dahil sa hindi sumipot ang babae. Though it's a heartbreaking scenario, some people say that it's bound to happened not because they're not belong to each other but because of this place itself. May nakakita raw sa ikakasal na babae rito the night after their wedding day kaya sabi ng matatanda sa lugar, baka may nangyari noong gabing iyon base na rin sa naging kilos ng babae sa sumunod pang mga araw," kwento n'ya sa akin at sa totoo lang ay naging interesado ako sa kwento ng taong ito na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. "Hindi kaya nagbago lang ang damdamin ng babae sa lalaki kaya hindi s'ya sumipot? Pwede rin naman na ganoon ang nangyari. Mahina sa tukso ang mga tao. At sa tingin ko, mahina sila sa lahat ng bagay kaya hindi malabong mangyari ang bagay na 'yon." "Sa isang iglap, pwede bang magbago ang pagmamahal ng isang tao?" balik tanong n'ya sa akin na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.  Ano ba ang sasabihin ko?  Tumingin s'ya sa akin na para bang hinihintay n'ya ang sagot ko. Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi ko alam ang pakiramdam ng magmahal," tipid kong sagot sa kanya kaya bahagya pa s'yang natigilan. "Five years ago, may pitong estudyante na nakitang walang buhay sa lugar na ito—lahat mga babae. Isa lang ang dahilan ng pagkamatay nila kaya idinudugtong ang pangyayaring 'yon sa kasalan ng magkasintahaan." Tumayo s'ya at ipinagpag ang puwetan ng pantaon n'ya. "I have to go, napahaba ang kwento ko kaya 'di ko namalayan ang oras, may klase pa ako." He gave me a friendly smile na mas lalong nakadagdag ng kagwapohan n'ya.  "Dito ka nag-aaral?" Ewan ko kung bakit ko naitanong ang bagay na 'yon sa kanya.  Itinuro n'ya ang kabilang pader na animo'y nakikita namin ang nasa labas ng lugar. "Sa Nagizaki Boys School ako nag-aaral. I'm Yuwi Hirushima. Ikaw?" Lumapit s'ya sa akin at inilahad ang kamay n'ya kaya tumayo na rin ako at inabot ang kamay n'ya.  "Iris Deaths Summer." "Nice name, Deaths. Nice meeting you. Hope to see you again. Bye." Tumalikod na s'ya at kumaway bago tuluyang nawala sa paningin ko.  May kakaibang lamig sa balat n'ya. Tulad ng sa akin.  Interesting... Hindi na ako nabigla nang pagtingin ko sa wrist watch ko ay dalawang oras na pala ang nakakalipas simula nang magawi ako sa lugar na 'to. Nag-inat lang ako at dinampot na ang mga gamit ko at tinahak ang daan papunta sa canteen ng paaralan.  Malaki at malawak ang canteen nila na pawang salamin ang mga dingding. Komportable at malamig.  "Hey, skater girl? You're the new student here, right?" Lumingon ako sa may pinto at tumambad sa akin ang isang napakagandang babae. "I'm Tracey Albert, the President of Student Council." Inilahad n'ya ang kamay n'ya. "I heard what you did to the King, you are really a badass. Kung may kailangan ka, don't hesitate to approach me. See you around." Tulad na lang ng biglaang pagdating n'ya, biglaan din ang pag-alis n'ya.  Dumiretso na ako sa counter at um-order ng spaghetti at juice. Ramdam ko ang tinginan ng ibang estudyante pero binalewala ko na lang. Inilibot ko ang paningin ko at naghanap ng bakante na mesa. Maswerte naman at nakahanap ako sa bandang sulok ng canteen ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Naglakad ako papunta sa bakanteng mesa at inilapag ang pagkain ko. Hihilain ko na sana ang upuan ngunit nang hawakan ko ang sandalan nito ay kamay ang nahawakan ko imbis na bakal.  "Mukhang nauna ako sa'yo, ah?" Kahit hindi ko lingunin ang nagsalita ay batid ko na kung sino ang isang ito.  Hinila ko uli ang upuan subalit mas hinigpitan n'ya pa ang pagkakahawak kaya hindi ako nagtagumpay.  "Ano na naman ba'ng problema mo?" mahinahon kong tanong sa kanya. Tumingala muna s'ya na tila nag-iisip bago inosenteng ngumiti. "Nagugutom na kasi ako." "At?" tanong ko at tumuwid ng tayo. "You know what? I have no time for this nonsense, boy. So, if you'll excuse me, I have to take my lunch." Iniabot n'ya sa akin ang upuan at nang aasta akong aabutin na ay bigla n'ya namang inilayo.  "Akala ko pa naman mabilis ka, hindi naman pala." Ayan na naman ang ngisi n'yang masakit sa mata.  "Type mo ba ako?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya.  "Ha! Hanep!" Tumawa s'ya at biglang sumeryoso. "Alam mo ba ang sinasabi mo?" "Malamang! Dahil bago ko itanong sa iyo, pinag-isipan ko na muna nang husto!" Napailing s'ya. "Nakikita mo ba ang sarili mo?" nakakainsultong tanong n'ya pero alam ko ang pinupunto n'ya.  "Malamang! Unang-una, may mata ako. Pangalawa, may salamin din naman kami," sarkastiko kong saad sa kanya.  "Alam mo naman pala pero pinili mo pa rin na ipahiya ang sarili mo." Nilaro-laro n'ya ang daliri n'ya sa labi n'ya at tiningnan ang kabuuan ko. "Makapal ang kilay mo, maitim ka, makapal ang salamin na suot mo at binakuran mo pa ng alambre ang ngipin mo. Sa tingin mo, sino ang magkakagusto sa iyo?" malakas na singhal n'ya sa mismong mukha ko kaya narinig ko ang malakas na tawanan ng ibang estudyante pero sadyang wala akong pakialam.  Bumuntong hininga ako at pahablot na hinala ang silya at astang uupo nang sinipa n'ya ang upuan kaya hindi natuloy ang pag-upo ko. "I really hate when someone is turning back on me while I'm still talking. It's rude. Real rude. Hindi ka ba natatakot sa akin?" "Natatakot? Nagpapatawa ka ba? Naaawa nga ako, eh. Sa totoo lang." "Oh. Really? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may malambot na puso ka pala." Humakbang ako papalapit sa kanya at binulungan s'ya.  STEVE's POV Matapos ng sagutan namin ng bago kong kaklase ay umalis s'ya at 'di na pumasok sa iba pa namin na subjects. Nilingon ko si Freya at nakita ko ang putok n'yang labi. One thing I had noticed about that girl—she’s lifeless and cold. Idagdag pa ang pagiging maangas n'ya. Akala mo ay nakikipag-rebuttal s'ya kanina sa akin. Hindi s'ya iyong tipikal na babae na mabunganga at... Malakas s'ya. Paano n'ya ako nasipa nang ganoon na lang?  May kalayuan kasi ang upuan ko sa dingding.  Natapos ang pang-umagang subjects at ngayon nga ay nasa canteen ako at nakikipag-asaran sa kanya. Hindi s'ya kakikitaan ng pagkapikon sa kabila ng pagsagot n'ya sa akin.  "I really hate when someone is turning back on me while I'm still talking. It's rude. Real rude. Hindi ka ba natatakot sa akin?" sarkastiko kong tanong matapos kong sipain ang upuan na pinag-aagawan namin.  "Natatakot? Nagpapatawa ka ba? Naaawa nga ako, eh. Sa totoo lang," mahinahong sagot n'ya sa kabila ng tensyon sa pagitan namin. "Oh. Really? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may malambot na puso ka pala." Kunwari pa ay natatawa ako. Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang balikat ko at bahagyang hinila ako palapit sa kanya at binulungan.  "Wala akong puso kaya kung ako sa iyo ay mag-iingat ako, doble o triple sa pag-iingat na ginagawa mo sa masasamang tao na nakakasalamuha mo. I am worse than your nightmares."  Ramdam ko ang sunod-sunod na naging paglunok ko kahit pa pakiramdam ko ay natuyuan ng laway ang lalamunan ko. Naging eratiko rin ang t***k ng puso ko na animo ay may naghahabulan na daga sa dibdib ko. Alam ko sa sarili ko na 'di ako natatakot sa sinabi n'ya kaya 'di ko mabigyan ng pangalan ang kabang naramdaman ko sa aking sistema.  What the heck, Steve? What the heck? Nakasunod lang ako sa bawat galaw na ginagawa n'ya pero nanatili na nakapako ako sa kinatatayuan ko. Nang makabawi ako ay pahablot na hinawakan ko ang braso n'ya.  "Are you threatening me?" inis na tanong ko sa kanya. Alam ko na nasa amin ang tingin ng mga estudyante dahil sa ginagawa namin.  "Do I look like one? Are you even threatened?" Hinila n'ya ang braso n'ya at itinulak ako. "Sa susunod na hawakan mo ako, ipapakita ko sa iyo ang kahulugan ng pangalan ko!" Tuluyan na s'yang lumabas ng canteen kaya 'di ko na s'ya hinabol.  Ilang minuto yata akong naiwan na tulala matapos umalis ng bago kong kaklase.  "May drag racing sa Eureka mamaya, baka gusto mong sumali?" Boses ng kaklase kong si Daryl kaya napalingon ako.  "Magkano ang pustahan?" walang interes na tanong ko habang papunta sa counter at umagapay naman s'ya sa paglalakad.  "Malaki. Marami ang pupunta na ka-eskwela natin. Taga-Nagizaki ang mga kalaban at kabilang na si Viper at Yuwi."  "Sige," matipid na sagot ko at nilingon ang tindera. "Tulad pa rin ng dati, Manang, doblehin mo na lang. Salamat," nakangiti kong saad sa kanya at tumalikod. "Ilan ang mga kasali?" "Hindi ko pa sigurado, eh. Pero isang laro lang tapos diretso alis na. Mainit tayo ngayon sa mga pulis, eh."  "Bakit kasi pinapayagan n'yo na may magdala ng drugs doon?" Napakamot s'ya sa ulo na tila problemado. "'Yon na nga, eh. Lintik kasi dahil ang gagaling magtago ng ibang nagpupunta roon. Ang lupet magpuslit." "Pupunta ka?" Nilingon n'ya naman ako at sumimangot. "Salamat, Al," sabi ko sa nag-abot sa amin ng pagkain. "Oh, kain ka na."  "Tatakas ako mamaya, nandiyan sila lola at lolo. Alam mo naman ang mga iyon." Bahagya akong natawa sa inasta n'ya. S'ya lang ang matigas ang ulo na nakilala ko pero takot sa mga magulang. Alam ko kung gaano ka-istrikto ang mga grandparents n'ya kaya 'di na ako nagtaka.  Matapos ang usapan namin ay umuwi na ako para makapaghanda sa karera. Simula nang iwan ako ng dalawang babaeng minahal at pinagkatiwalaan ko, I became a person I never expected me to be. Miserable, senseless, lifeless—tila kumikilos lang ako dahil 'yon ang dapat kong gawin. Pero 'di na katulad ng dati na puno ng buhay at saya.  "Hello?" salubong ang kilay na tanong ko sa tumatawag sa phone ko. Galing sa isang unknown caller. "Who's this?" tanong ko uli pero hindi pa rin sumasagot ang kung sino na nasa kabilang linya. "If you-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang impit na hikbi ng isang babae kaya mas lalong nangunot ang noo ko sa matinding pagtataka. "Hey! Who are you?" "S-so-sorry," putol-putol na saad n'ya at ibinaba ang linya.  Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa misteryosang tumawag. Mantakin mong tumawag lang para mag-sorry?! Sinubukan kong tawagan ngunit out of coverage na kaya mas nagtaka ako.  Weird... Gusto kong matulog muna pero hindi ko magawa dahil binagabag ako ng tawag na 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng trip ng tumawag pero bakit kailangang umiyak at mag-sorry pa? So strange and unusual lalo na at walang gaanong nakakaalam ng number ko. Ang isa pang nakakapagtaka ay pamilyar ang boses n'ya, hindi ko lang maalala kung saan ko narinig.  Ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi sa isipan ko ang babae. Pumunta ako sa practice room at doon nagpatay ng oras.  Sipa, tadyak, suntok ang ginawa ko sa punching bag. Talon dito, sipa roon, tumbling, lakad at takbo. Inoorasan ko rin ang pagtakbo habang hindi gumagawa ng ingay upang ma-monitor ang bilis ko. Gusto ko ay mapanatiling magaan parati ang kilos ko—sa anumang bagay na gawin ko.  Araw-araw ay nag-eensayo ako upang mapanatili ang pagiging aktibo ng katawan at utak ko. Gusto kong lumakas pa at kung maaari ay mahigitan ko pa ang limitasyon ko.  Dahil ito sa kanya. S'ya na naniwala at gumabay sa akin.  Ang aking ama.  Hindi ako susuko hanggang mahanap ko s'ya.  Matapos ang aking pagpapawis ay sakto naman na isang oras bago magsimula ang karera kaya nagmadali na akong kumilos.  Pagkarating sa Eureka ay madami na ang nandoon. Karamihan ay mga estudyante. Mga sexy na mga babae at mga lalaki na nakasuot ng maluwag na shorts at t-shirts na naka-cap ang mga nandoon. "Hey, Steve! How are you?" tanong ni Sieko na schoolmate ko.  Nakipagkamay ako sa kanya. "I'm good. Nice to see you here," nakangiti kong saad at tinapik s'ya sa balikat. "See you around." Tinalikuran ko na s'ya.  Ramdam ko ang mga tingin ng iba lalo na ng mga kababaihan. Rinig ko ang impit na mga tili ng naggagandahan na nakakasalubong ko. "Oh! The chief is here."  "He's so gwapo talaga, noh?" "Of course! That's why we're lucky dahil schoolmate namin s'ya." "Ibibigay ko lahat, makasama ko lang s'ya kahit isang gabi." Narinig kong turan ng isang babae. Nakita ko rin ang paglapit nito. Agad nitong ikinawit ang bisig nito sa baywang ko at ang isa ay sa batok ko kaya napahinto ako. "Hi chief!" malandi nitong bulong sa puno ng tenga ko.  Binigyan ko s'ya ng isang tipid na ngiti at tinitigan. Napakaganda nito at napakabango. Halos dibdib na lang nito ang may takip dahil sa kapiranggot na tela na suot nito kaya nakalantad ang sobrang puti n'yang balat.  Hindi ko alam kung bakit nauso ang ganitong kasuotan. Sa tantiya ko ay mas malapad pa ang panty sa suot n'yang short.  Nagdamit pa. Tsk! "Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko sa kanya at ewan ko kung bakit nagliwanag ang mukha n'ya.  "Yeah, nilalamig ako. Can you do something to ease the coldness inside me?" Inilapit niya pa ang mukha n'ya sa mukha ko.  Gusto kong matawa dahil sa reyalisasyon na pumasok sa isip ko.  Mga babae! Mga babae nga naman...  "Kung nilalamig ka, bakit 'di ka magdamit nang matino?" Umiling ako at inilayo s'ya sa katawan ko. "You're not my type." Nakita ko ang pagkagulat at pagkadismaya sa mukha n'ya kaya tinalikuran ko agad s'ya. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang mga babae na nagsusuot ng kapiranggot na tela sa katawan lalo na iyong mga babae na halos ibenta na ang sarili sa mga lalaki.  "You'll pay for this!" Matalim ang mga tingin na ipinukol n'ya sa akin nang sulyapan ko s'ya ngunit binalewala ko na lang.  "Ace!" "Chief!"  Napalingon ako sa magkapanabay na tawag sa akin. Si Nadia at si Travis. Hinalikan ko sa pisngi si Nadia at nakipagkamay kay Travis.  "Alam mo ba na ikaw ang pinakamagandang babae na nandito?" Malakas na tumawa si Travis. "'Wag mo ngang binu-bola ang girlfriend ko." "Hoy! Baka pinsan ko 'yan!" natatawa ko rin na sagot sa kanya at nagtawanan kami.  "Ano'ng nangyari sa babae na 'yon?" Turo ni Nadia sa babae na nakausap ko.  "Binasted ko kaya nagalit," kibit-balikat na sagot ko. "Tara at malapit nang magsimula."  Sabay na kaming tatlo na nagpunta sa sasakyan na gagamitin ko. Kumunot pa ang noo ko nang makasalubong ko ang babae kanina. Ilang segundo lang kasi ang pagitan mula nang makita ko s'ya sa pinag-iwanan ko sa kanya kanina pero hindi ko na lang binigyan ng pansin. Tiningnan ko ang mga makakalaban ko, pero 'di ko nakita si Viper—which is unusal dahil parati 'yong nasa ganitong paligsahan. "You ready?" Nilingon ko si Travis. "I'm always ready!" Sumaludo pa ako sa kanya.  Sumakay na ako sa gagamitin kong sasakyan at pumila sa iba pa na nangangarera. Sanay ako na ganito parati ang buhay ko: Basagulero; Walang magawang matino sa buhay; At higit sa lahat, 'di ko kailangan ng mga taong maghihigpit sa akin.  Travis and Nadia—they are my only family. When we're together, parang lahat kaya kong gawin. Walang takot pero may pag-iingat kong ginagawa ang mga bagay na bumubuhay sa akin hanggang kasama ko silang dalawa. Kuntento at masaya.  Pumagitna na si Erika sa kalsada hudyat na magsisimula na ang karera kaya mas naghiyawan ang mga manonood. Lumapit pa si Travis sa sasakyan ko at tinapik ito. Napangiti ako at itinuon ang atensyon sa kalsada nang magbilang na si Erika.  "In 3, 2, 1! Go!" malakas na saad nito kaya pinaandar ko na ang sasakyan ko.  Sa una ay swabe ang pagmamaneho hanggang sa naging mabilis. Kabisado ko na ang daan kaya wala na akong magiging problema subalit ayoko pa rin na magpakampante dahil alam kong may ibubuga ang mga kalaban ko.  Pang-apat... Pangatlo... Pangalawa... Hanggang sa ako na ang mauna pagdating sa parte ng bangin.  It's a life-risky but I feel so good about it.  Nasa kalagitnaan na ako ng karera nang may maramdaman akong kakaiba sa sasakyan ko.  Napakunot ang noo ko nang may makita akong papel sa tabi ng upuan ko na agad din namang napalitan ng kaba nang nabasa ko ang nakasulat sa papel. ‘AU REVOIR, MONSIEUR!' Naghatid ng kakaibang takot sa sistema ko ang nabasa ko. "What the f**k?!" mura ko kasabay ng pahirapan na makontrol ang kotse kaya nagpagewang-gewang na lang ito. Dahil sa takot ay hindi ko na napansin na pabulusok na ang minamaneho ko sa bangin at nagtuloy-tuloy na ito pababa! Nauntog ang ulo ko sa salamin kaya nakaramdam ako ng matinding hilo. Bago pa tuluyang mawalan ng malay, naaninag ko sa nanlalabong mga mata ko ang bulto ng isang tao na biglang lumitaw sa tabi ko at niyakap ako.  Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan na lamunin ako ng kadiliman.  Ang huling nakita ko ay ang kulay ng papalubog na araw na mga mata ng taong sumagip sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD