Chapter 2

2214 Words
TWO Risha I can hear murmurs from somewhere. There are voices I cannot recognize and I can tell by the way they talk that they aren't happy with what they are discussing. Dinig ko pa ang ilang mga salitang unti-unting nagpapagising sa aking diwang tila matagal na panahong nahimlay. Sumasabay ang kanilang usapan sa malakas na buhos ng ulan. Pag-atake. Labanan. Hunters. Zenios. Zenios... Ang aking bayan. Ano na ang nangyari sa pack? Nasaan ako? Si Luhence? Ano na ang nangyari? Iminulat ko ang aking mga mata at pilit pinasadahan ng tingin ang silid kung nasaan ako ngunit hindi ko makilala ni isang gamit na naroroon. Even the scent seems different... This is not my home. The paint may be similar with my room's but I can clearly say that I do not belong here. Nanginginig ang mga kalamnan akong bumangon. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig ngunit ang panunuyo ng aking lalamunan ang una kong naramdaman. Nilingon ko ang mesang nasa tabi lamang ng kama. Nang makita ko ang pitsel ng tubig doon ay mabilis kong sinalat ang baso sa tabi nito ngunit dala ng panlalata ng aking mga kalamnan, nabitiwan ko ang baso at bumagsak ito sa konkretong sahig at nabasag. Bababa sana ako ng kama nang madinig ko ang ilang yapak na tila patungo sa silid kung nasaan ako. Dala ng kaba ay nagsimulang kumalabog ang aking dibdib ng doble sa normal nitong t***k. Ibinaba ko ang aking mga paa sa sahig ngunit doon ko lamang napansing may kadenang gawa sa pilak na nakakabit sa aking kanang paa. Bahagya pang namamanhid ang aking mga hita kaya hindi ko kaagad nadama ang hapdi ng pagkakapaso ng aking balat dahil sa pilak. A restrain... Hindi maaari... Lalong binalot ng kaba ang aking dibdib. Alam kong kung nasaan man ako ngayon, hindi ako ligtas. Pilit kong inalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Hindi na malinaw ang mga imahe sa aking isip ngunit nang maramdaman ko ang kirot sa aking tiyan, ilang alaala ang pumasok sa isip ko. I was shot twice by the hunter. Sumakay ako kay Lufi hanggang sa tuluyang bumigay ang aking katawan. Nawalan na ako ng lakas at tuluyang bumagsak sa mga tuyong dahon. ...Tapos nakita ko siya. Lumapit siya sa akin...at sinabi niyang nasa teritoryo niya ako... Napasabunot ako sa aking buhok nang tuluyan kong naalala ang mukha ng taong huli kong nakita bago pa ako nawalan ng malay. "Callus..." I muttered, with a hint of horror in my voice. With that, the door swang open and the brutal and ruthless Alpha of Claivan pack entered the room wearing his black shirt and faded jeans. His manly and intimidating brow c****d at me while his jaw is locked in a way nobody would wish to see.  Dangerous... The only word I could use to define this man. I've heard tales about him, and no matter how strong I am, his presence can still scare the s**t out of me. "It's Alpha Callus, pup." May awtoridad nitong sabi. Hindi ko nagugustuhan kung papaano niya ako pangalanan. Wala akong naging tugon kun'di ang lumunok. It's as if I suddenly ran out of words to utter and my eyes are just locked with his brown and mysterious-looking pools. Callus folded his perfectly-toned arms in front of his chiseled chest. Tila maging ang tela ng kanyang damit ay hindi sapat upang itago kung gaano kaganda ang hubog ng kanyang katawan. "How was your week-long sleep, hmm? You seem too comfy in that bed..." May matipid na ngisi nitong sabi.  Hindi kaagad ako nakakibo. Kumunot ang aking noo habang pinagmamasdan ko kung paano niya ako tignan. May kakaiba... At nakakatakot ang pagiging malumanay niya. The ocean can be more dangerous if it's calm... Just like this man. Mas nakakatakot siya kapag ganito siya makipag-usap. Tila may kung anong tumatakbo sa kanyang isip na dapat kong ikabahala. "Ah--I... I have to g-go h-home..." Namamaos kong sabi. Lumawak ang kanyang ngisi dahilan upang lalo akong gapangan ng takot. Damn it! I cannot be easily scared but there's really something about this man. Ultimo ang simpleng pagkunot ng kanyang noo at pagdilim ng kanyang ekspresyon ay nagdala ng takot sa aking sistema. "Who said you aren't home yet?" Malumanay ngunit may bahid ng inis nitong tanong. Lumunok ako at kinuyom ang aking mga kamao sa tela ng puting bistidang suot ko.  "Hindi ako tanga. This is not Zenios. This ain't my home." I said, trying to sound stronger than how I look right now.  Sumipol siya at kasabay ng kanyang naiinis na mahinang halakhak ay ang pagtaas ng aking mga balahibo sa batok. Napasinghap ako nang humakbang siya palapit sa akin. Ang aking dibdib ay lalo lamang nagwala at nang tuluyan niya akong narating, halos tumigil ako sa paghinga lalo na nang mahigpit niyang hinawakan ang aking panga. The expression in his pools became more intense that I almost felt my knees trembling. Napakalakas ng kanyang epekto sa akin na ultimo titig pa lamang na ganoon katindi ay nanlalambot na ako. Hindi pa ako natakot ng isang tao ng ganito katindi. "You got a filthy mouth, pup. You should consider yourself lucky." He said softly but there's a hint of warning in his tone. Lumunok ako at pilit na nilakasan ang aking loob. "W-Why? Because you saved me?" Kinilabutan ako nang unti-unting gumuhit ang isang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. Bumaba ang kanyang tingin sa mariing nakasara kong bibig saka siya umiling. His head went closer until his hot and minty breath finally fanned the side of my head. "No... You're lucky 'cause I spared your life..." He whispered right in front of my ear, like a predator teasing its prey. Nanginig ako ng bahagya at napapikit dahil sa kakaibang dulot ng kanyang boses. Ngayon alam ko na kung bakit pinangingilagan siya ng marami. Hindi pa man siya gumagawa ng kahit ano, ngunit tingin at salita pa lamang niya ay sapat na upang ipanalangin ng sinumang sana ay namatay na lang siya kaysa makita ito.  Humugot ako ng malalim na hininga at iniwas ang aking mukha palayo sa kanya. Dahil sa ginawa ko'y muli siyang mahinang natawa. Callus took a couple of steps backwards but his eyes remained gazing at me as if I'm a prey he's about to attack in no time. "I didn't know that a girl from such weak pack would have the guts to do that to me." Tila namamangha niyang sabi habang nakangisi. I seriously hate that smirk. Tila nagbabadya ito ng paparating na karahasan. Lalong humigpit ang pagkakakuyom ng aking mga kamao. Tinaasan ko siya ng kilay upang ipakitang hindi ako natatakot sa kanya. "Zenios is not weak. We just happened to have a better Alpha. An Alpha who rules his pack with mercy and compassion... The things I can clearly say that you lack." Sagot ko habang mahigpit na nakahawak sa tela ng aking damit. My knuckles almost turned white with my grip. Kitang-kita ko ang pagguhit ng inis sa kanyang mga mata ngunit ang ngisi sa kanyang mga labi ay hindi naglaho. Tumalim ang kanyang tingin sa akin hanggang sa tuluyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Sandali kaming binalot ng katahimikan. Ang tipo ng katahimikang tila nagbabadya ng isang delubyo... Mayamaya ay may dinukot siya sa kanyang bulsa saka siya naglakad palapit sa akin. Yumuko siya at sinusian ang kadenang nakakabit sa aking binti saka siya muling umayos ng tayo. Sa pagkakataong ito, nakaigting na ang kanyang panga at mapanghamon na ang tinging ipinupukol niya sa akin. "You think your Alpha had led his people the right way? You think those shits will matter in the real world? Well then prove it, pup." Untag niya saka yumuko hanggang sa tumapat sa aking tainga ang kanyang bibig. "...run...don't let me catch you or else..." he whispered in a dangerous and terifying manner. Mabilis akong tumayo at pilit humakbang palabas. Panay ang lingon ko sa kanya ngunit nangunot lamang ang aking noo nang makita ang makahulugan at nakakakilabot niyang titig habang may matipid na kurbang nakaguhit sa kanyang mga labi. He held his head high then licked his lower lip before bitting it. "Run, pup. You'll regret it once I catch you..." Napalunok ako dala ng mabilis na pagtibok ng aking puso. Sapo-sapo ko ang sugat kong hindi kaagad gumaling dala ng balang ginamit sa pagbaril sa akin ngunit kahit nahihirapan, pinilit kong magbago ng anyo upang mas mabilis na makaalis sa lugar na iyon.  I ran towards the woods with no sign of direction to take. Ang gusto ko lang ay ang makaalis sa teritoryo ng Claivan. Alam kong hangga't naririto ako, hinding-hindi ako magiging ligtas. I ran as fast as I could in my wolf form. Kahit na iniinda ko ang kirot sa aking tiyan, nagpatuloy ako sa pagtakbo ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga yapak na papunta sa aking direksyon. Tumakbo ako ng mas mabilis dala ng kaba ngunit kahit ano yatang pilit ko sa sarili ay mananaig ang sakit na nadarama ko. Bumubuka na ang sugat at kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang pagpatak ng aking dugo sa mga basang dahon. I pushed myself to ran faster. His scent is already mixing with the woody scent of the place and that's not good. Ibig sabihin lamang no'n ay nasa paligid lamang siya. Mayamaya'y bigla na lamang may dumamba sa akin. Dinagan niya ang kanyang sarili sa akin at mahigpit akong hinawakan sa aking batok dahilan upang mapaalulong ako. "Shift!" Galit nitong utos ngunit nagpumiglas ako. Muntik na akong makatakas sa hawak niya ngunit bago ko pa man magawa, naikabit na niya sa aking leeg ang restrain collar. "You're gonna shift or you'll stay in your wolf form forever?!" Mariin nitong tanong.  Napaalulong ako sa hapdi. Napapaso ang balat ko dahil sa pilak at dahil sa restrain ay mas nadama ko ang sakit ng bumukas kong sugat. Wala na akong nagawa kung hindi ang itango ang aking ulo. Inalis muli ni Callus ang collar upang makapagpalit ako ng anyo. I felt like a hopeless child. I hugged myself to cover my naked body but the pain is really intolerable. Parang pinupunit ang bawat himaymay ng aking katawan at hindi sapat ang lakas ng aking wolf para pagalingin ko ang aking sarili. Callus knell in front of me. Hinawakan niya ang aking panga at pinaharap niya ako sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata ay tumaas ang isa niyang kilay at mariing lumapat sa isa't-isa ang kanyang mga labi. "Look where mercy and compassion brought you, hmm?" Tila nanghahamon nitong sabi. Umigting ang aking panga at pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kahit baliktarin mo ang mundo, hindi ako kabilang sa pack mo. You cannot consider me as a part of your property, Callus. We both know the rules of Nirvana. I will only vow to one Alpha and that's--" "Cut the crap. f**k the rules of this land. You are here, so you are mine. Either you'll bow to me or you'll dig your own grave. Mamimili ka lang. Hindi ako mahirap na kausap." Mariin nitong sabi habang may masamang titig sa akin. Hindi ko nagawang sumagot. Alam kong sa oras na may masabi akong masama, kayang-kaya niya akong tapusin. He is that ruthless. He shows no mercy to anyone. What else should I expect from Callus Grivence? Brutality runs in his blood. Binitiwan niya ang ako saka niya hinila pataas ang laylayan ng kanyang damit. Lumantad ang kanyang may magandang hulmang katawan dahilan upang hindi ko maiwasan ang mapalunok nang mapasadahan ito ng tingin. Ang bawat patak ng ulang humahalik sa kanyang katawan ay malayang lumalandas sa bawat kurba nitong tila winangis ng isang mahusay na iskulptor. Ito ba ang nagagawa ng pagiging mapanganib? Isinuot niya sa aking ulo ang kanyang t-shirt saka niya ako iniangat mula sa lupa. Sa pangalawang pagkakataon ay binitbit niya ako sa kanyang bisig ng hindi na magawang makapalag. Hindi ako mahina...pero hindi rin ako tanga. Alam ko kung kailan dapat magmatapang at kung kailan dapat sumuko. Sa mga oras na ito, kailangan ko munang mabawi ang lakas ko. Sa oras na gumaling ang aking sugat, makikipagpatayan ako sa kanya makaalis lamang dito. Dama ko ang mga matang matalim na nakatitig sa akin habang pabalik kami sa kanyang bahay. Akala ko ay didiretso siya sa loob ngunit pagdating sa pinto ay lumapit sa kanya ang isang lalakeng may katangkaran ding gaya niya at may tattoo ng lobo sa leeg. Maayos ang gupit ng buhok nito at masasabi kong maganda ang hulma ng mukha. Kasing kisig ito ng walang puso niyang Alphang may bitbit sa akin sa mga oras na ito. "Alpha." Untag ng lalake. Ipinasa ako ni Callus sa lalake saka niya tiniklop ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib. "Take her now, Lynel. You know what to do." Mariin niyang utos saka ako matalim na tinignan. Tumango ang lalakeng may buhat sa akin. Si Callus naman ay tumalikod at binuksan ang pinto ng kanyang bahay ngunit bago pa siya nakapasok ay muling nagsalita si Lynel. "After taking her to Jessy to get her stitches, saan ko siya dadalhin?" Malumanay nitong tanong. Callus looked over his shoulder but his eyes gazed intensely at me. Kinilabutan akong muli nang makita ang bahagyang pagkurba ng sulok ng kanyang labi. "Chain her. That bad pup needs to learn to bow to her new owner..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD