Chapter 2: Stranger

718 Words
"Mas lalo ka ngang pumogi. Kitang-kita yang brown eyes mo" ang pagbibigay ni Mama ng compliment sa itsura ko. Hindi pa rin natatanggal ang simangot ko sa mukha. Napabuntong-hininga na lang ako. Masyado nang malungkot si mama; sa ganitong paraan ko napupunan ang kalungkutan niya. Bago ako umalis ay tumingin ulit ako sa salamin. Walang pinagbago; may bonnet lang sa ulo ko na parang bonnet ng bata. Pero tama si Mama; lumutang ang pagkabrown ng mata ko. Bumeso na ako kay Mama at umalis ng bahay. Sa paglalakad ko sa village namin ay naramdaman ko ang ginaw ng simoy ng hangin. Pasalamat na lang ako sa bonnet ni Mama. kung wala ito ay malamang inatake na naman ako ng migraine na namana ko sa kanya. Napahinto ako nang may nasulyapan ako sa hagdan ng isang American type na bahay. Isang lalake na kasing taon ko siguro at nakatingala sa langit. Hindi ko maiwasan ang pagtataka sa nasaksihan. Wala namang makikita sa langit kundi ang makapal na ulap na na nagbabadya ng ulan. Ngunit sa porma niya ay parang stargazing ang ginagawa niya. Napakunot ang ulo ko. Pinagmasdan ko na lang ang mukha niya. Maaliwalas ang mukha; medyo parang square ang shape. Makakapal na kilay at singkit na mata; it reminded me of Xian Lim. In fact, medio kahawig niya nga eh. Gwapo. Maganda rin ang built ng katawan; halatang mas malaki sa akin. Kaagad kong inilabas ang aking camera at pasimpleng kinuhanan siya ng mga litrato habang nakatingala sa langit. Nagulat na lang ako nang maaninag sa lente ng aking camera ang pagpatak ng kanyang luha. Binalik ko ang aking camera sa bag at muli siyang pinagmasdan. Hindi siya gumagalaw at hindi pinupunasan ang mga luha sa pisngi. Nanatili siyang nakatingala sa langit. Hinalungkat ko ang aking bag at kinuha ang isa sa dalawang Armando Caruso kong panyo. Nang tumingin ako sa pinaroroonan niya ay nakasalampak na ang kanyang mukha sa mga kamay at humahagulgol. Kahit na nag-aalangan ay linapitan ko siya. Huminto ako sa harap niya. Napatingin siya sa akin. I offered my handkerchief. "No thanks. I have my own" "Kunin mo na. Ayaw mo naman sigurong ipangpahid sa mga mata mo ang galing sa ilong mo"vang tugon ko sa kanya. "I don't need it, okay. Just go away" ang masungit niyang sagot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napakunot ang noo. "Okay, your call" At lumakad na ako papalayo sa kanya. "Wait!" ang tawag niya sa akin; kaagad naman akong tumigil at lumingon sa kanya. "Coud you just-just sit beside me for a while" Bumalik ako sa kinalalagyan niya at umupo sa tabi niya. Pinanood ko lang siyang umiyak. Gusto ko siyang aluhin kaya lang baka sapakin niya pa ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ikaw ba naman ang tawagin ng isang estranghero para tabihin siya habang umiiyak. Kinalabit ko siya. Tumingin siya sa akin. "Ano bang problema mo?" "Close ba tayo?" ang pagbabalik niya ng tanong. Nawindang ako sa sagot niya. Ang sungit naman ng taong to. Hindi bagay sa mukha niya. "Aba, tarantado to. Nagtatanong ng maayos, babarahin lang ako" ang sigaw ng utak ko. "Sige, aalis na lang nga ako. Hindi naman kita kilala, bakit ba kita pinag-aaksayahan ng oras?" ang naiinis kong pagpapaalam sa kanya. Tatayo na ako nang hawakan niya ang braso ko at binalik sa pagkaka-upo. "Sorry, I'm just having a rough time" ang paghingi niya ng despensa habang nakatingin sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako. Nagsimula na akong mainis sa taong ito. "So, uupo lang talaga ako rito? Alam mo ang kailangan mo aso; hindi tao" ang komento ko sa kanya. "Do I look like one?" "No, an odd-looking tiger" ang kaagad niyang sagot sa akin. Napanganga ako sa sagot niya. At ngayon naman namimilosopo siya. Napakunot ang noo ko. "Para akong tanga sa suot ko, I know" ang sabi ko sabay turo sa tiger inspired na bonnet na suot ko. Aalisin ko na sana nang "No, it looks good on you" ang pagbibigay niya ng compliment sa akin. Napatitig ako sa kanya. "Nagmatch sa kulay ng mata mo" Thank you Xian-este Stranger" hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang nararamdaman ko. Aware naman ako na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake at sa mga babae rin. Bisexual nga tulad ng sabi nila at isa ako sa discreet na sangay nito. I publicly flirt with girls and privately having crushes with boys. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala. t� �_"_7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD