Chapter 3: Phone Call

839 Words
Kahit na nasasapladuhan ako sa kanya ay parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Napaisip ako ng malalim at pilit na hinalungkat ang storage ng 128Mb na utak ko. Wala talaga, ngayon ko lang siya nakita. Batid kong bagong-lipat siya dahil hindi ko naman siya nakikita rito sa village namin. Nasa exclusive village kami nakatira. May kotse kami pero mas pinipili kong magcommute; may pagka-adventurous kasi ako. Ganun ako pinalaki ni Mama; kailangan kong maging simple sa harap ng iba. Hindi yung pinagsisigawan na mayaman. Naniniwala kasi ako na ang tao ay parang pera, kapag barya ka malakas ang ingay na ginagawa mo samantalang kapag papel naman ay kahit anong gawin mo wala kang maririnig mula rito. Once your value increases, you should learn how to keep quiet and be humble. Napatingin ako sa aking relo; maaga pa naman para sa una kong klase. Kumukuha nga pala ako ng Mass Communications at nasa Junior Year na ako. napatingin ulit ako sa kanya at nahuling nakatitig sa langit. "Excuse me." napatingin siya sa akin. "Do you mind if I'll ask you something?" "Shoot" "Have we met before?" ang tanong ko sa kanya. Rumihistro sa kanyang mukha ang pag-iisip. Tinignan niya ako; inaalala siguro kung nakita niya na ako sa kung saan man. Mas lalo siyang gumawapo nang sumeryoso ang itsura. Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya. Napatitig ako sa labi niyang mamula-mula. Napalunok ako para kasing ang sarap tignan, parang lips ng baby. Nadistract ako ng magsalita siya. "Actually, you look familiar. But I'm not sure if nagmeet na tayo" "Same here. Pakiramdam ko parang nakasama na kita kung saan man. Wala naman akong maalala" Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad ko itong kinuha galing sa bulsa ko at sinagot. "Hello?" "Hi, Stefan!" ang bati sa akin ni Cassandra Miranda o Cassie in short. Isa siya sa mga kabarkada ko sa University. Maganda siya; model material ang itsura. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at maganda ang hubog ng katawan. Bumagay din sa itsura niya ang ugali niya. Well, may pagkamaldita, spoiled, co ña at masyadong sosyal. Siguradong may kailangan na naman sa akin ang nagpapaka-Anne Curtis na hitad. Siya ang unang naka-amoy sa pagkatao ko. Nahuli niya kasi akong nakatitig sa isa pa naming kabarkada na si Evo o Primitivo delos Santos. Malaki ang paghanga ko sa kanya dahil talaga naman kasing gwapo siya. He's a campus head turner. Sa una ay dinedeny ko ang pagka-pamin ko pero nasupalpal ako nang ituro niya ang likod ko sabay sabing "Si Evo oh!" Napalingon ako agad at napahiya nang wala naman siya. Ayun buking! Kaagad ko namang inexplain sa kanya na weather-weather lang ako; pwede ako sa kanya at pwede ako kay Evo. Natawa naman siya at open-hearted niya akong tinanggap. "Yes, Cassie?" "May photo-shoot ka ngayon. Now na!" Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong photo-shoot? Photographer ka rin katulad ko di ba? Kaya mo na yan!" "Shunga! Ikaw ang model at ako ang photographer!" ang bulyaw niya sa akin. "Para saan na naman ba yan?" ang tanong ko. "Para sa portfolio ko, bakit? May Angal?" "Bakit ako na naman kasi ang gusto niyong pinang-momodel? Last week si Colleen, nung isang araw si Daniel. Problema ko nga yung sa akin. Leche naman yan oh! Landscape pa ang kinuha ko; makulimlim pa! How would I get a good shot of the city? Bakit ba kasi sa Portraiture kayo nahilig?" ang mahaba kong pagmamaktol. "Stefano Rodriguez" ang mahinahon niyang pagsabi sa pangalan ko. Masama na ang kutob ko rito. Hindi kasi natural sa kanya ang mahinahong pagsambit ng buo kong pangalan. Natatakot ako sa kanya. Hindi dahil sa alam niya ang dirty secret ko kundi dahil takot lang talaga ako sa kanya. Minsan nga naisip ko na reincarnation siya ng demonyo sa lupa kapag nagalit. "Kapag hindi ka pa pumunta rito; malilintikan ka sa akin! I so swear!" "Fine! Fine! Ano pa kaya kung girlfriend kita? Baka mamatay ako sa'yo nang wala sa oras!" ang sigaw ko naman sa kanya. Nababad-trip na talaga ako sa mga kaklase ko. Ako na lang palagi ang kinukuha nilang subject para sa portfolio nila. Ewan ko ba kung saan ko nakuha itong Bohemian Complex ko. Hindi ako makatangi sa mga nanghihingi ng tulong sa akin. "Paano nga pala yang photo-shoot na yan? Paano yung wardrobe" "Ako na ang bahala roon" ang matino niyang sagot. "Akala mo wala kang prize dahil tutulungan mo ako, no?" "Ano pa nga ba? Kailan ka ba naman nagbigay ng prize sa akin kapag tinutulungan kita? Not even a simple thank you" ang pang-iinis ko sa kanya. "Eh, kung isampal ko kaya itong Chanel kong bag sa mukha mo pagdating mo rito? Pa-chicks ka na naman!" "O siya, papunta na ako para maramdaman ng mukha ko ang pinagmamalaki mong mamahaling bag. You know what? You really have an odd way of testing your things if it's fake" "kay" ang walang ganang niyang sagot sa akin ngunit dinig ko pa rin ang kasusyalan sa pagkakasambit niya sa one syllable word na yun. Sinasabi niya lang yun kung wala siyang interes sa usapan o kaya sa taong kausap niya. Pambasag kung baga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD