EUL 2

971 Words
- "s**t may abs!" - Eul's POV "Oh, anong nangyari sa'yo?" gulat na bungad ng nasa video call "Wala. Bakit ka nanaman napatawag?" "Hmm... I would like to apologize. Sorry Eul." "Apology accepted!" "Hmm..., Eul, may pina-deliver ako diyan na pizza for you, alam kong noodles lang ang kakainin mo so, ayun, kunin mo nalang ah? Bye! Take care!" sabi niya at pinatay na ang tawag. After ng call, nawalan ako ng gana na humarap sa taong nasa likod ko ngayon. Pero no choice ako kaya humarap at pumunta ako sa lamesa para kunin yung kinakain ko. Umupo agad ako sa kama ko nang makuha ko iyon. Hindi ko siya pinansin, maya maya'y kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas. "Hay! San ba galing yung lalaking yun? Kapal ng mukha!" - Spiro's POV "Titoooo! Bakit may tao sa kwarto ko?!" bungad ko sa tito ko pagpasok ko sa kwarto niya. Naabutan ko pa siya na nakahiga sa kama, natatakpan ang ibabang katawan niya ng kumot pati na rin ang katabi niya. kakatapos lang siguro. "Oh, ang paborito kong pamangkin! Nandito ka na pala? Kamusta ka na?" "Tito naman, iniiba usapan. Bakit may ibang tao sa kwarto ko!?" "Spiro, wala naman kasing tao tapos may naghahanap ng kwarto. Eh, lahat kasi occupied na, so binigay ko yung sa'yo" "Tito naman!" mukhang pera talaga! "Spi, alam mo namang kailangan ko ng pera eh". "Tito naman! Ang dami mo nang boarders! Bakit mo pa binigay yung kwarto ko?!" irita kong pagrereklamo sa kaniya. Nakakainis! Ipagpalit ba naman ako?! "Spi, kailangan ko ng pera! Kung gusto mo, bumalik ka nalang sa mommy at daddy mo!" sabi ni tito at bumangon sa kama niya. Tumayo at pumunta sa kusina ng kwarto niya. "Tito, alam mo namang hindi ko pwedeng gawin 'yon!" "Edi magtiis ka!" "Saan ako tutuloy?" "Doon sa kwarto mo!" "Tito, may pinatuloy ka na doon eh!" "Edi magtabi kayo?" "Tito! Bading yun!" "Oh..., looks like you've found out!" "Tito! Please ayaw kong kasama yun!" "Ayaw mo? Eh? Ang gandang bakla nga nun eh-" "Tito!-" "Ang kinis pa-" "Who are you?!" bungad ko sa kung sinong tao man ang nakikita ko ngayon. Binaba ko muna ang lahat ng mga dala ko at lumapit sa kaniya "Me?" tanong niya naman. "Yes, you idiot! Who are you?! Why are you here in my room?!" sunod-sunod na tanong ko. May hawak pa siyang plastic na tinidor na nakaturo sa akin. "Put down your cheap fork!" "Well, shut up! Ikaw ang dapat na tinatanong ko! Bakit ka nandito sa kwarto ko?!" bigla niyang singhal sa akin. Ang tapang nitong bading na ito! Nanliit ang mga mata ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Bading nga, nakashorts pa. pero pang babae ang legs. Saglit akong napatitig sa kinaroroonan ng mga kamay niya. "Hey you! You-man, take your sight away from my legs!" nagising nalang ako sa sigaw niya. Tumayo ng maayos at tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Tinanggal ko ang sombrero ko at nginitian siya. "Bading ka no? Oh! I knew it! You're gay! HAHAHA ang lakas naman ng loob mo na sigawan ako! You-gay don't know me?" kahit na alam ko ay tinanong ko parin siya. Ang lakas ng loob niya, sino ba siya? "Well, for your information, mister, I don't know you and I don't wanna know you!" "You don't know this face? This handsome face?" tanong ko habang dahan dahang lumalapit sa kaniya "I don't" "f**k! You should know this face!" turo ko sa nag-uumpisa ko nang mapikon na mukha. "Hoy mister! You stubborn! I guess, galing ka sa mayamang pamilya but let me remind you na nandito ka sa kwarto ko!-" "Kwarto ko ito!" "Akin 'to!" "Akin!" "Hoy bakla! Akin ito!" "Spoiled brat!" "Anong sabi mo?!" "Spoiled brat!" "You don't know me huh?!" sa inis ko ay kinuha ko ang baba niya at hinawakan ng mahigpit upang ipaharap sa akin. "Magpapakilala ako sa'yo, bading!" sinabi ko iyon habang dahan dahang gumagapang ang kamay ko sa binti niya, panakot ko na sa tingin ko ay tumalab. "You don't have to!" "Well, I'm the one who'll kill you!" - "Sa tingin ko, nakilala mo na siya?" "Oo, ang tapang niya! Nakipagsigawan ba naman sa akin! Lakas ng loob ng bading na 'yon!" "Malamang, Spi, ngayon lang iyan napunta dito eh. Ni hindi ko nga siya kilala. Mukhang galing pa iyan sa malayong lugar at dito lang nag-aral." Sabi ni tito. "Tito, san ako ngayon? Nahihiya na tuloy ako sa kaniya" "Bakit? May ginawa ka bang masama Spiro?" "Wa-wala tito." "Okay, samahan kita" - Eul's POV "Eul, he's Spi. Makakasama mo dito sa room na ito." "huh? Sir? Why? Ako nagbayad ng boarding fee dito". "Oo nga pero wala na siyang matutuluyan. Eul, please cooperate" lumapit sa akin si Mr. Salcedo at bumulong "Ulila na siya at kawawa naman, five thousand mo, for four months, deal?" "Hmmm. Okay sir. Maglagay ka nalang ng isang kama dito. Para sa kaniya" "Okay, pero for now, tabi muna kayo. Bukas pa kasi ilalagay ng maintenance yung kama" sabi niya at biglang umalis. Yung Spiro naman ay pumasok sa kwarto at nilapag ang mga gamit. Lumapit sa akin at humiga sa kama. hindi ko alam kung ano ang purpose niya pero naiirita ako na malapit siya sa akin. Sa irita ko ay tumayo ako at pumasok ng cr para magpalit ng pajama. Paglabas ko ng cr, nakita ko siya na nakatingin sa laptop ko. "Hey! lumayo ka diyan!" singhal ko sa kaniya. Lumayo naman siya gaya ng sinabi ko. Pumwesto agad ako sa harap ng laptop ko at tinignan kung may nagbago. Wala namang nagbago maliban sa aura na nakakainis. Umupo ako ng maayos at tumitig lang sa laptop ko. Naramdaman kong tumayo siya at pumunta sa mga gamit niya, maya maya'y pumasok siya ng CR. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Kung ano ano lang ang ginagawa para maialis ang sarili ko sa awkward na feeling na nararamdaman ko ngayon dahil sa lalaking bigla bigla nalang sumusulpot. Nang tumunog ang door knob sa CR ay agad kong kinuha ulit ang laptop ko. Lumabas ang lalaki na iyon na nakatapis lamang ng tuwalya sa bandang ibaba niya. "s**t may abs!" biglang sabi ng bibig ko. - Itutuloy -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD