EUL 3

1032 Words
- Kean, please. Balikan mo si Eul. Balikan mo ako. - Eul's POV "Wait! Wait! Wait! 'wag mo nga 'kong tignan!" pagtatago ni Spiro sa akin, agad siyang nagmadaling bumalik sa banyo matapos kunin nang madalian ang kaniyang isusuot. Tssss, kapal ng mukha ng gago. "Alam ko naman na ang hot-hot ko, at wala na tayong magagawa doon... Pero let me say this" bungad niya paglabas ng banyo, lumapit sa akin at bumulong. "Pwende mong tikman, kung gusto mo." sabi niya sa malibog na himig. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya't agad ko siyang naitulak. "f**k! Kung gusto mong tikman sarili mo, mag-isa mo! Kapal ng mukha mo!" singhal ko naman sa nakasalampak sa sahig. "Look, alam kong nagustuhan mo katawan ko and ofcourse---you're gay." "May problema ka ba sa mga bading?" "Wala naman." "Wala pala eh" "Okay, ganito nalang. Let's make a deal" "What kind of deal?" - "San ka mag-aaral Eul?" "Anong tanong 'yan?" "Just answer me!" "Okay... okay, diyan sa St. Agustine University" "Diyan lang din ako" "And so?" "Diyan tatakbo ang deal natin..." sabi niya at nagayos ng upo tapat sa akin---siya sa upuan sa kusina, ako sa kama. Ngumiti siya sakin at tinitigan lang ako na wari'y may magandang naisip. "Okay, Spiro, you first." pambasag ko sa katahimikang namayani samin. "Number 1, Don't ever call me 'Spi', you're not even my close friend. Close ko lang tumatawag sa akin no'n." "Number 2, Wag mo din akong tatawagin na 'Eul', hindi din tayo close. "Wait, eh anong itatawag ko sa'yo? Hindi nga kita kilala maliban sa pangalan mo" "Edi wag mo akong tawagin, we're not friends either!" Singhal ko sa kaniya. "Okay, Rule number 3, Kung magkita man tayo sa kahit saan, sa labas nito," sabay ikot ng tingin sa buong kuwarto "hindi tayo magkakilala." "Okay!, Rule number 4, Mind your own business. Wag mo akong pakikialaman sa kahit na anong gagawin ko." Tinitigan niya ako, malalim. As if namang may pake ako sa'yo? "Rule number 5, Sa oras na magkaroon ka na ng kama, wag na wag kang didikit o lalapit sa akin. one meter away ang layo mo dapat sa akin" tumayo ako sa aking kama at naglakad papunta sa ref. "Okay, yun lang ang gusto ko" "And lastly for me, Rule number 6, Don't you dare fall in love with me" "Wow! Sino ka ba? Lakas din ng apog mo eh no? taas ng tingin mo sa sarili mo." "Yes that's right so kung ako sa'yo, stop staring, looking and give even a quick glance at me. Okay?" "Okay na." "So, let's clear things out. Hindi tayo magkaibigan and if ever you feel some infatuation thing behind me, stop it." "Okay." Says who. - "What's up! Kailan pasukan niyo Eul?" bungad sa akin ni Rus nung sinagot ko ang video call niya. "Hmm... Bukas na and I'm preparing my things. Can't you see?" sabi ko at pinakita sa kaniya ang mga ginagawa ko. "Wait! Who's that guy?" turo niya sa taong nasa likod ko. Nilingon ko 'yon. "I don't know him." Sabi ko nalang sabay kibot. "You don't know him and he's with you?" "Yes." "Baliw ka na ba? Hindi mo siya kilala tapos pinapatuloy mo siya sa kwarto mo?" "Room-mate ko siya. Okay na?" "Tsss... Paano kung-paano kung magnanakaw yan-" "Huh?!" rinig kong sigaw mula sa likod ko, matapos noon ay ang tunog ng upuang ginagalaw. "Sinong magnanakaw tinutukoy mo?" nilingon ko pinanggalingan ng boses niya. "Ikaw" diretsang sagot ni Skyrus. "Ako? Bakit? Kilala mo ba ako?" tanong niya naman. Ayaw magpatalo. "Hindi, kaya nga inisip ko na baka magnanakaw ka" "What the hell! Don't conclude when you don't know!" singhal niya naman. "Wait, you-Spiro, Rule 5, Remember the Rule 5." "Well, tungkol dun, pwede akong lumapit kahit gaano kalapit gusto ko, wala pa yung kama. Pwede nga tayong magtabi pagtulog natin eh. Alam mo, Pwede mo naman akong tikman eh. Gusto mo ba?" sunod-sunod niyang sabi. Sabay lapit sa akin. Palapit nang palapit. Slow motion, ika nga nila. Alam kong sa mga sandaling ito ay namumula na ako pero umaayon lang ako sa galaw ng mundo. Palapit na siya nang palapit. Hindi lang ang kaniyang mga hakbang, pati na rin ang kaniyang katawan. "Gusto mo ba?" hindi ako nakasagot sa tanong niyang 'yon. Ang alam ko lang, nakatitig ako sa mapula niyang labi. Nakangiti. Palapit parin nang palapit. Sa ilang sandali ay nakapatong na siya sa akin, titig nalang ng mga mata namin ang nakikita ko. "Eul! You bastard! Stop! Eul! Get up! f**k-" "You know, I think your friend is gay." Sabi niya pagtapos niyang patayin ang video call ni Rus. Tumayo siya at ngumiti. "Paano mo nasabi?" "Kasi may gusto siya sa'yo. Ano bang kagusto gusto sa mga bakla? Pareho lang naman tayong mga lalaki. Siguro, sadyang maganda ka lang pero hindi ka kagusto-gusto" diretsang sabi niya sa akin. Sa sandaling iyon ay tumigil ang mundo ko. Tumigil at napunta sa ibang mundo. Sa ibang mundo na ang lahat ng kaniyang mga sinabi ay hindi totoo. Sa mundong ako ay kagusto-gusto. "Eul!" "Hey Kean!" "Why you're here?" "To see you, Eul." "For what?" "To say-" "What?" "I like you" "What?!" "I like you, Eul." "I like you too kean." "You like me?" "Yes. Being my friend. A bestfriend" "No. Eul, I like you, I like falling in love with you" Naputol ang pagbalik-tanaw ko sa nakaraan nang nag-agaw pansin ang aking laptop. 'Incoming call from 'Skyrus Pogi'' "What?" Medyo naguguluhan ko pang bungad. "What? After what I saw? You just say, what?" "Ano ba kasi yun Rus? ayaw ko ng gulo." "Sorry, why you're crying?" "Hindi ako umiiyak" "Umiiyak ka, sorry. Anong nangyari? Sinaktan ka ba niya?" "Hindi" "Eh bakit ka umiiyak?" tanong niya na nagpatigil sa akin. Bakit nga ba ako umiiyak? Tumingin ako sa kinaroroonan ng lalaking bastos. May kung ano siyang ginagawa sa kusina at wala akong panahon para malaman iyon. Umiiyak ba ako dahil sa sinabi niya? What the hell Eul! Umiyak ka dahil dun?" "Eul! Ano nga?!" "Wala. Wag mo nang alamin Sky. Just shut up and forget about everything you just saw. Nothing happened. Goodnight." Sabi ko lang at pinatay na ang tawag. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya. Pumasok sa cr at nagumpisang basain ang katawan. Hindi ko mapigilang hindi lumuha. 'Hindi ka kagusto-gusto' Kaya niya ba ako iniwan? Kaya ba hindi na niya tinupad yung pangako niya? Kaya ba wala na siya? Naghintay ako. Naghihintay at maghihintay kung kakayanin ko. Pero please. Please pahalagahan mo ako tulad ng dati. Balikan mo ako. Balikan mo si Eul na mahal mo. Yung Eul na boyfriend mo. Kean, please. Balikan mo si Eul. Balikan mo ako. - Itutuloy -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD