Chapter 4

1476 Words
Pikit na pikit ang mga mata ni Agatha habang nakadipa ang mga kamay. Lulan na sya ng barko. Nagmala-Rose ng Titanic ang drama nya roon, habang ninanamnam ang malamig na haplos ng hanging pandagat sa kanyang katawan. Yun nga lang, walang Jack na nakadipa rin sa kanyang likuran.   Ang “Jack” nya ay nag-aabang sa kanya pagbaba nya ng barkong ito.   Napangiti si Agatha. Naalala nya ang kumustahan nila ni Rod. Mahabang kumustahan siguro ang dapat na itawag doon. Halos dalawang beses yata syang nag-charge ng kanyang phone. Nabanggit daw ng Ninang Rej nya na gusto nya muling tumapak ng Maynila, kaya naman nag-offer ito na doon na lamang muna tumuloy sa kanilang bahay. Natahimik si Agatha sa parting iyon ng pag-uusap nila ni Rod. So yun pala ang pinalabas ng kanyang Ninang.   Agad din naman nawaglit yon sa isip ni Agatha. Enjoy na enjoy sya sa walang humpay na kwentuhan nila ni Rod sa telepono. Halos hindi na nga nya namalayan na mag-aalas-dos na ng madaling araw. Ang ending, nagpresinta si Rod na abangan sya sa pier at ito mismo ang susundo sa kanya.>>>>>Asa!   “A-ang gwapo mo. Hehe.” Haggang ilalim lang sya ng kili-kili ni Rod.   Samantalahin ang pagkakataon. Sinimplehan nya ng singhot ang kili-kili nito. In fairness naman sa amoy, parang gusto nyang doon na manirahan. Charot!   “Tara, na maraming niluto si Mama. Lahat daw yun paborito mo,” pagbibida ni Rod, sabay akbay sa kanya.   Ang possessive naman ni Father.  Ito na rin ang nagbitbit ng kanyang bag. Ipinagbukas pa sya nito ng pinto ng sasakyan at inalalayang makaupo. Yung totoo? Bakit nakakaramdam sya ng kilig sa mga simpleng ginagawa ni Rod?    >>>>>Ang creepy huh, sa isip-isip nya. Nginitian nya na lamang ito nang matamis, at tila naman natauhan ang lalaki sa kanyang ginawa. Agad itong nakabawi at ito naman ang ngumiti sa kanya. Tada! Sya naman ang natulala.   “Halika, Tata, kain na tayo. Nagluto si Mama ng adobong okra. Di ba paborito mo yun?” yakag ni Rod sa kanya.   Di pa man nya nakikita ang adobong okra ay parang maduduwal na sya. Nang lingunin nya ang Ninang ay may nakakalokong ngiti ito sa labi. Yung totoo? Kakampi ba 'to o kontrabida?    >>>>>  Nakuryente si Agatha. Natigilan naman si Rod. Umubo ang mantanda...este ang kanyang ninang. Sandaling katahimikan. Tunog ng humintong sasakyan ang nagpanumbalik sa kanilang tatlo sa kasalukuyan. Whew! Pinagpawisan singit ko don ah!   Iprinesinta sya ng mag-ina sa bagong dating na si Rodolfo. Buong puso naman ang pagtanggap sa kanya ng ginoo. Mahigpit na yakap at halik sa pisngi ang natamo nya rito. Walang mapanghusgang tingin na ginawa ito sa kanya.   Nakaramdam ng kahungkagan sa puso si Agatha. Kailan nya kaya makukuha sa kanyang ama ang ganoong pagtanggap. Mula nang umalis sya sa kanila at mamuhay nang mag-isa ay tila tinotoo nito ang pagtakwil at paglimot sa kanya bilang isang anak...bilang isang Agatha Samonte.   “Agatha, Iha. Hindi ko akalaing magdadalaga ka nang ganyan. Napakaganda mo. Kamukhang-kamuka mo ang iyong Tiya Agnes—ARAY!” Nagkandapilipit si Rodolfo dahil sa kurot sa tagiliran na natamo kay Rejina.   “Ano?! Di ka pa rin maka-move kay Agnes?! Huh!” halos umusok ang ilong ni Rejina sa selos.   Ang Tita Agnes nyang nabanggit ay matagal nang nanirahan sa ibang bansa at may tatlo nang anak. Gayunpaman ay maganda at sexy pa rin ito. Sa lahat ng kapatid ng kanyang ama ay ito naman talaga ang kamukha nya, mas kamukha pa nya kaysa sa kanyang ina.   “Ma, Pa, nasa harap po tayo ng hapag. Nakakahiya po kay Tata na sa harap kayo ng pagkain nag-aaway,” malumanay na saway ni Rod.   Tama ba ang nakikita nya? Isang liwanag mula sa tuktok ng ulo ni Rod na nagmumula sa kisame at isang Halo. Pumikit sya nang mariin at iwinilig-wilig ang ulo. Pagdilat ay wala na ang nakita. Imahinasyon lang pala. Praning lang.   “Ayos ka lang, Tata? Gusto mo na bang magpahinga?” May himig ng pag-aalala sa boses ni Rod.   “Naku, mabuti pa nga at samahan mo na si Agatha sa silid nya, iho.” Ang Ninang Rejina nya iyon na nakasimangot ang mukha.   “Pero, iha, totoo ang sinabi ko. Lumaki ka talagang maganda. Bagay kayo ng anak ko.” May ngiti pa sa labi ng Ninong Rodolfo nya. Nakabawi kaagad. Kanina lamang ay namimilipit ito sa sakit.   “Naku, 'Nong, salamat po. Kaso magpa-pari po itong anak nyo eh.” Bigla syang natigilan.   “Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Rod.   “Huh? Joke lang! Hahaha. Kasi naman yung pormahan mo, tila ka magpa-pari. Hehehe. Saan yung kwarto ko?” pag-iiba nya sa usapan. Muntikan na syang mabuking dun ah.    >>>>><<<<< Sa guest room sya dinala ni Rod. Malawak ang kwarto, may queen-sized na kama, LED TV, mini ref, at may pinto sa bandang kanang bahagi ng kwarto. Iyon daw ang banyo.   “Naks! Taray ng banyo, may bathtub!”   Kelan ba sya huling nakagamit ng bathtub? Ah...noong nasa poder pa sya ng pamilya nya. Sa sariling kwarto nya noon ay may sarili syang bathtub, at may mini LED TV pa.   Pinuno ni Agatha ng tubig ang tub at nilagyan ng nakita nyang rose oil, liquid soap at kung ano pang anek-anek na makita nya. Isa-isa nyang tinangggal ang saplot at ang tanging natira na lamang ay ang kanyang pulang strapless bra at pula ring bikini.   Lulusong na sana sya sa tub nang maalalang wala pa syang nakahandang roba o kahit tuwalya man lang. Lumabas sya ng banyo, kumuha sa cabinet ng roba at isang tuwalya para sa kanyang buhok. Binibbit nya rin ang cellphone, nag-play ng MP3 at itinodo ang sounds. Ikinabit nya iyon sa dalawa nyang maliit na speaker.   Nilukob ng malakas na musika ang banyo. Tuluyan nang inalis ni Agatha ang dalawang maliit na saplot na natitira sa kanyang katawan. Pakendeng-kendeng nyang tinungo ang bathtub. Hahakbang na lamang sya nang sumabit ang kanyang paa sa labi ng tub. Sa takot na madausdos sa loob ng tub ay inalis nya ang paang nasawsaw na sa tub. Napatili si Agatha nang malakas nang mapagtantong titihaya sya dahil sa pagkawala ng balanse.   “Tata!”     Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD