Chapter 3

1497 Words
Ibig mong sabihin, meron ka na lamang ilang buwan para maipa-realize sa kababata mo s***h kinakapatid mo na masaya ang mundo, masarap ang mga babae at mahirap ang tumanda mag-isa, kaya mas dapat na mag-asawa sya kaysa mag-pari? At ang pinaka-main role mo kamo dito sa palabas na ito ay ang akitin sya?” sabi ni Maggie habang isa-isang dinadampot at tinitiklop ang mga nagkalat na damit ni Agatha. Nasa kwarto nya sila.   “Pinagulo mo lang eh. Si Rod, magpapari. Ayaw ng mama nya dahil nag-iisang anak lang sya at gusto ni Ninang Rej ng maraming apo. Ngayon, meron na lang akong ilang buwan para baguhin ang mga pananaw nya sa buhay. Binigyan kasi sila sa seminaryo ng isang taong palugit. Meaning, sa loob ng isang taon na yon, gawin nila lahat nang gusto nilang gawin. Kapag bumalik sila sa seminaryo after one year, ibig sabihin desidido silang magpari. Kapag di na sila bumalik, ang ibig sabihin ay nabihag na sila ng mga Eva at makamundong gawain,” litanya nya habang isinisiksik sa maleta ang mga damit na tiniklop ng kaibigan.   Patuloy pa rin ang pagbabayad ni Agatha ng renta sa Beauty Apartment. Doon pa rin sya nakatira. Ang pagpunta sa bahay ng Ninang nya ay itinuturing nyang bakasyon, at sana rin ay matagumpayan ang kanyang misyon. Bibigyan naman daw sya ng ginang ng allowance. Kaya kahit huminto na muna sya sa pagta-tattoo at pagbabanda sa gabi ay buhay na buhay sya.   “Ah...eh...gaano ka naman nakakasiguro na magkakagusto sa'yo yung Rod? Ikaw na rin ang nagsabi kanina na baka kaya mas pinili na lamang magpari non kasi di pa rin nakaka-move on don sa mala-dyosang jowa na natsugi sa aksidente,” si Maggie ulit habang sapatos naman nya ang isa-isang nililinis.   “Bahala na. Ang sabi naman ni Ninang ay magbago raw sa hindi ang desisyon ni Rod, bayad na ko sa utang ko, at yun ang importante sakin sa ngayon.” Sinabi nya yon na tila ba walang pakialam. Wala nga ba? Aminin man nya sa hindi, nakataya rin ang kanyang feelings doon. What if magkagusto sya sa kaibigan ngunit di sya nito nagustuhan, or paano kung nagustuhan sya ng kaibigan ngunit di naman nya iyon kayang suklian? In short, hindi totoong wala syang pakialam.   “Oh sya, malinis na dito sa bodega mo...este kwarto mo. Basta ikaw bhe huh, kapag need mo ng tulong, mahihingahan ng anumang kinikimkim mo, tawagan mo lang ako,” sabay ngiti nang matamis sa kanya ni Maggie. Ang cute-cute talaga ng babae.   “Teka, nasaan si George?”   “Andon, tulala na naman.” Nawala ang ngiti nito sa labi at napalitan ng lungkot.   Haaayyy.  Ramdam nya si George. Broken-hearted ang kaibigan nya at naiintindihan nya ito. Maraming beses na rin nyang naranasan ang magmahal at mabigo. At tuwing nabibigo sya sa pag-ibig ay minamarkahan nya ang kanyang balat, kaya masasabing bahagi ng pagkatao nya ang kanyang mga tattoo.   May tatlong tattoo si Agatha sa katawan. Lahat nang iyon ay may kanya-kanyang kwento ng mga lalaking dumaan at umalis sa kanyang buhay. Sa pagta-tattoo nya ibinabaling ang sakit na nararamdaman. Sa bawat paglapat ng karayom sa kanyang balat, sa bawat pagkirot noon at walang katumbas na hapdi, sa paraang iyon nya naiibsan ang sakit.   Una syang nagka-tattoo noong mabroken-hearted sya sa kasintahang si Jelo noong first year college nya. Heartthrob ang lalaki sa campus nila at isang varsity player. Ipinagpalit sya nito sa isang cheerleader na di hamak naman na mas maganda sya. Sa sobrang sama ng loob ay sumama sya sa isang kaibigan sa isang kilalang tattoo shop. Nagpa-tattoo ang kanyang kaibigan sa bandang dibdib ng pangalan ng nobyo.   Well, hindi pa sya ganoon katanga para ilagay ang pangalan ni Jelo sa kanyang katawan na alam nyang panghabambuhay na. Kaya imbes na pangalan ng ex ang ilagay nya sa balat ay isang quote na inilimbag nang dikit-dikit ang ipina-tattoo nya. Ipinalagay nya iyon sa kanyang tagiliran, kapantay ng kanyang kanang dibdib.            Wala na sana syang balak pang dagdagan ang tattoo sa kanyang katawan dahil nang makita iyon ng kanyang ina ay umiyak ito at sinabing saan daw ba ito nagkulang sa kanya at kung bakit nagrerebelde sya nang ganon. Katakut-takot na sermon din ang inabot nya sa kanyang ama at Kuya Arthur; inggit at paghanga naman sa kanyang Kuya Marvin, ang kapatid nyang beki.   Ngunit nang muli na naman syang mabigo sa ikalawang lalaking kanyang minahal ay nabago ang kanyang desisyon. Iyon ay si John, si John na may itinatago palang lihim. Nakipagrelasyon lamang pala sa kanya si John dahil gusto nitong mapalapit sa kanyang kuyang si Arthur. Bakla pala ang hudas na si John. Di na sya magtataka na sa tuwing nagme-make out sila ay kuya nya ang iniisip nito.   Nang mag-break sila ay nagpatattoo sya ng maliit na ibon na malayang lumilipad. Ipinalagay nya iyon sa bandang ibaba ng kanyang batok.   Ang pinakaminahal nya nang todo ay ang huli, si Mac. Tumagal sila ng lalaki ng tatlong taon. Isang tattoo artist si Mac, at nakilala nya ito isang araw nang wala si Bon na syang nag-tattoo sa kanya. Napakagandang lalaki ni Mac. Natagpuan na lamang nya ang kanyang sarili na ikinukwento rito ang dahilan ng pagpapa-tattoo nya. Masayang kausap si Mac. Palabiro ito kahit wala sa hitsura. Ito kasi ang tipo na bihirang ngumiti at parating nakakunot ang noo sa tuwing nagta-tattoo.   Napadalas ang pag-uusap at pagkikita nila ni Mac, hanggang sa nahulog ang loob nila sa isat-isa. Tinutulan ng kanyang mga magulang ang lalaki dahil na rin sa panlabas na anyo nito, kahit pa kung tutuusin ay may kaya ang lalaki. Puno ng tattoo ang kanang braso ni Mac. Ang binti nito ay ganon din, pati na rin ang leeg. May malaking butas ang tainga at may kahabaan nang kaunti ang buhok nito. Ngunit kahit ganoon ay bumagay dito ang tarasa nito. Hindi nagmukhang mabaho ang lalaki sa paningin. Sa halip ay tila nakadagdag pa iyon sa kagwapuhan nito.   Napakabait na tao ni Mac, malambing ito at maalalahanin. Mahal na mahal nya ang lalaki kaya naman doon nya isinuko ang Bataan. Ngunit nagising na lamang isang araw si Agatha na wala na ito sa kanyang tabi. Isang liham ang iniwan nito na nagsasabing aayusin ang buhay nito at papatunayan sa kanyang mga magulang na karapat-dapat ito para sa kanya.   Inintindi nya ang pasya nito. Ngunit dumaan ang buwan, taon, at ilan pang mga taon, wala nang Mac na bumalik. Isang tribal tattoo ang itinatak ni Agatha sa ilalim ng kanyang dibdib, ganoon din sa kanyang balakang. Kung ano man ang meaning niyon ay sya lamang ang nakakaalam.   Doon natuklasan ni Agatha na mahal nya rin pala ang art. Tattoo is an art. Pinag-aralan nya ang mga mechanics, unti-unting nagpundar ng mga kagamitan. Puhunan ang husay nya sa pagpipinta at pagdradrawing ay pinasok nya ang mundo ng pagta-tattoo.   Ngayon nga ay marami-rami na rin ang nakakakilala sa kanya. Sa tulong ng mga taong natuwa at humanga sa kanyang gawa, nagsanga-sanga na ang mga nagrerekomenda sa kanya. At ang nasa likod ng mabilis nyang pagkakakilala sa larangan na yon ay walang iba kundi ang kanyang Kuya Marvin, ang kapatid nyang mula pa man noon ay parati nang nasa kanyang panig at naniniwala sa kanyang kakayahan.   >>>>>Closer ng The Chainsmokers. Unknown number.   Nagmamadali syang lumabas upang doon sagutin ang tawag. Baka customer iyon na magpapa-tattoo, sayang ang kita. Pang-laman tyan din yon. Isa pa ay bukas pa naman nang tangahli ang sakay nya ng barko.   “Hello? Agatha speaking.” Pinalambing nya ang boses. Marami ang nagsasabi sa kanya na kaakit-akit daw ang boses nya sa telepono. Isa rin iyon sa kanyang mga special powers, ang mangumbinsi ng customer.   “Tata...”   Kumabog ang dibdib ni Agatha nang marining ang baritonong boses na iyon. Inalis nya ang aparato sa tainga at pinakatitiginan ang numerong nakarehistro sa screen ng telepono.   “Si-sino 'to?” Kainis! Bakit ba sya nauutal? Dahil ang gwapo ng boses sa kabilang linya. Sigaw ng isang bahagi ng utak nya.   “This is Rod. Rodrigo, remember?”   Kung makikita lamang sya ng kausap ay matatawa ito sa kanyang reaksyon. Halos magkasabay na namilog ang kanyang mata at bibig. Nang makabawi ay nagtitili sya at nagpapadyak. Bahala nang mabingi ang lalaki sa kabilang linya. Lalo naman syang napatili nang maranig nyang humalakhak ito.   Pati halakhak, ang gwapo! s**t!   “Holy shitttt!!!”   “Tsk! Bad, Tata. Watch your mouth. Hahaha!” Napakalambing ng pagkakasabi nga mga salitang iyon sa kanya.   “R-Rod --”   “Na-miss kita.”    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD