Chapter 2

1486 Words
Lulan si Agatha ng isang motorsiklo. Halos lumuha pa sya ng dugo para ipahiram lamang sa kanya ni Georgina ang motor na iyon. Wala sya sa mood magbyahe dahil kagagaling nya lamang sa isang gig. Suot nya ang isang fitted tube na umabot lamang sa itaas ng kanyang pusod, fitted na leather pants at boots na umabot sa kalahatian ng kanyang binti, samahan pa ng leather jacket na iginapos nya sa kanyang balakang.   Nililipad ng hangin ang kanyang buhok na kulay pula. Walang ulong hindi napapalingon sa kanya, mga ngusong hindi mapigilang mapasipol, at mga matang halos tumunaw sa kanyang katawan. Napapangisi na lamang si Agatha sa mga nakikita sa likod ng itim na antiparang suot nya. Hindi nya masisisi ang mga ito. Kahit kailan ay di pa siya nakarinig ng kapintasan base sa kanyang pisikal na anyo.   Feel na feel nya ang senaryo. Gustong-gusto nya ang mga nahahangong paghanga sa mga taong nakakakita sa kanya. Humahaplos ang pang-umagang hangin sa kanyang mukha at malayang nilalaro ng hangin ang kanyang buhok... hanggang sa pituhan sya ng isang pulis at patabihin sa isang bahagi ng kalsada.   “Takteng buhay 'to. Yung pang-almusal ko, makokotong pa ata ah,” bulong nya sa sarili.   “May sinasabi ka, miss?” sabi ng matandang pulis. Nakalapit na pala ito sa kanya.   “Wala po, sir. Good morning po. May violation po ba ko?” Pinakurap-kurap pa nya ang kanyang mga pilikmata at sinabayan ng kagat sa ibabang labi. Mukha namang tinablan ang pulis dahil napalunok ito nang dalawang beses. Wala syang helmet, hindi nya feel magsuot non. Naiinitan sya at hindi makahinga.   “Ah...aherm...eh...ayun helmet! Bakit wala kang helmet, iha? Highway itong nilalandas mo, wala kang helmet. Dalawang beses pa kitang nakita na nag-overtake. Tsk, tsk. Lisensya na lang, miss.” Nang makabawi ay sinunod-sunod sya ng violations ng pulis. Pero ang hula nya ay gusto lamang nito na magtagal pa sya sa kanyang kinatatayuan, dahil kahit naka-shades din si manong pulis ay sinag nya pa rin ang paglalakbay ng mga mata nito sa kanyang katawan.   Parang gusto nya tuloy magsisi kung bakit hindi na muna sya nagpalit ng damit pagkagaling sa gig. Sa bagay ay wala pa rin naman syang pamalit dahil di pa sya nakakapaglaba. Kung malalaman lang siguro ng dalawa nyang kasama sa bahay na halos wala na syang maisuot na damit dahil tambak na ang labahin nya, malamang ay kataku-takot na sermon na naman ang aabutin nya.   Napapakamot na lamang ng batok na iniabot nya sa pulis ang kanyang lisensya. Late na sya sa ka-meet nya. Ayaw na ayaw ng taong iyon ang pinaghihintay. Naiimagine na ni Agatha na sa mga oras na yon ay umuusok na ang ilong ng kanyang Ninang Rejina.>>>>><<<<< “May dala kang palakol?” bungad sa kanyang Ninang.   “Ano naman pong gagawin nyo sa palakol, 'Nang?” patay malisya nyang sagot, sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan nito.   “Dahil tinubuan na ko ng ugat dito sa inuupuan ko,” bagot na sagot nito. Mukha ngang kanina pa ang kanyang ninang. Tambak na ang tasa ng kape sa kanilang mesa at maliliit na platito na tila pinaglagyan ng cake.   “Ha. Ha. Last mo na yan, 'Nang?” pabiro nyang sabi rito.   Pinaikutan lamang sya nito ng mga mata. Naroon sila ng ginang upang pag-usapan ang kanilang napagkasunduan, na hindi pa rin nya lubos maisip na napapayag sya sa kasunduang iyon. Makakaya ba nya? Paano kaya yon, eh may laman na ang kanyang pusong bubot. Charot!            Si Vic. Gustong-gusto nya ang ka-bandang si Vic, at feeling naman nya ay ganoon din ang nararamdaman ng lalaki sa kanya. Ang kaso ay may nobya ito. Ang malupit pa ron ay hindi mahiwalayan ng lalaki ang nobya nito dahil anak ng may-ari ng bar na tinutugtugan nila ang babae. Pero wala pa naman syang inaamin sa lalaki. Hanggang ngitian at tinginan lang sila. Selosa si girl, kaya mas maigi nang dumistansya kaysa ma-ambulansya sya.   “Eto nga! Nakikinig ka ba? Punyemas ka naman eh!”   Mabilis nyang nailagan ang inihagis na  balat ng cupcake ng kanyang ninang. Kanina pa pala ito dakdak nang dakdak, at dahil malayo na ang narating ng kanyang imahinasyon ay wala syang naintindihan sa mga sinabi nito. “I repeat!” huminga muna nang malalim ang ginang. “May girlfriend si Rod noon. Masaya sila at nagplaplano nang magpakasal. Ang kaso, may nangyaring aksidente. Naaksidente yung babae, car accident. Nagfifty-fifty. Araw-gabi, walang ginawa ang anak ko kundi ang magdasal, at kulang na lamang ay sa simbahan na manirahan. Pero wala rin, kinuha pa rin ng langit...si Joan,” maluha-luhang kwento ni Rejina.   “Eh, ‘Nang, anong kinalaman ng pagpapari ni Rod don?” curious nyang tanong sa ginang.   “Hindi na sya umibig pang muli sa iba, hanggang sa sabihin nya sa amin ng ama nya na gusto nga raw nyang mag-pari.” Tuluyan nang umatungal ang ale. Halos nasa kanila na ang atensyon ng mga parokyanong kumakain din sa lugar nang mga oras na iyon.   “Tsk! Ninang, tahan na po. Nakakahiya na eh. Tulo na sipon at laway nyo oh.” Totoo naman yon. Halos magkasabay na tumulo ang sipon at laway ng ginang. Biglang nawala ang poise nito. Di nya naman maiwasang makaramdam ng awa para rito. Malamang ay gustong-gusto na nga nitong magka-apo kaya ganoon na lamang ang pag-iyak nito.   “Ikaw lang ang makakatulong sakin!” pagsusumamo nito sa kanya.   Luh! Nabuang na ang ale.   “Ninang, matutulungan ko po kayo. Pero syempre, nasa anak nyo na yun kung magugustuhan nya ko.”   “Hindi ka nya kailangang magustuhan, iha. Ang kailangan mo lamang gawin eh ipa-realize sa kanya na mas dapat na magbuo sya ng sariling pamilya at mag-anak nang marami. Pero mas okay din kung magkagusto sya sa'yo. Napakaganda mong bata.”   Nag-blush naman sya agad nang very, very light.   “Ninang Rej, may ano ho kasi...may...may nagugustuhan po akong lalaki --”   “What?! Baka naman mukhang tukmol yang lalaki na yan. Kuko lang ng anak ko yan, Agatha! Jusmiyo, mag-isip ka!”   “Eh mukha rin naman pong tukmol yung anak nyo eh, ampayat pa at iyakin!” pagtatanggol nya kay Vic.   “Teka huh, may picture si Rod dito. Ah eto!” Dinukot nang maigi ng ginang ang kanyang kamay sa dala nitong bag. “Oh! Gwapo noh? Ano ka ngayon?” pagyayabang nito.   “Ninang, bakit ho ang kapal ng bigote ni Rod, tsaka umedad?” pagtataka nya sa larawan na iniabot ng ginang sa kanya.   “Patingin. Ay nyeta, ama nya 'to, si Rodolfo! Nagkamali ako ng dukot. Teka.” Dumukot ulit ang ale. “Oh eto!”   Nanlaki ang mga mata ni Agatha. Hindi sya makapaniwala sa lalaking nakikita sa larawan. Napakatikas na ng dating patpatin na kaibigan. Hindi na ito katchupoy, naka-brush up ang buhok nito, may eyeglasses, napakatangos ng ilong, namumula ang labi, kitang-kita ang kalaparan ng balikat, at napakilinis tignan sa suot nitong long-sleeved na polo at light brown na slacks.    “Oyyy! Tulo laway mo! Ano, ingrown lang ba ng unico iho ko ang taong nagugustuhan mo?” Humalakhak pa ang ninang nya na tila ba kontrabida. Muli, nakuha na naman nila ang atensyon ng mga parokyano. Iniisip siguro ng mga ito na baliw ang kanyang kaharap. Kanina lamang ay iyak nang iyak, ngayon naman ay tawa nang tawa.   Biglang nakaramdam ng lungkot si Agatha dahil sa kaalamang ingrown nga lang talaga si Vic. Pero para sa kanya ay gwapo si Vic, kahit pa may kahabaan ang mukha nito at manipis ang katawan. Gwapo si Vic in a diffrent way.   “Oo nga po, ang laki na ng ipinagbago ni Rod. Eh si Joan, may picture ba kayo dyan?” kung ganoon kagwapo ang kaibigan, malamang ay dyosa ang ex-nobya nito. Malamang hindi ito papatol sa puchu-puchu.   Dukot ulit ang Ninang nya sa bag. Inilabas nito ang touchscreen na phone. “Oh, ikaw na ang humusga.”   “Eeewww. Nakuha nyo pang mag-two piece sa edad nyong yan?”   Dali-daling inagaw ng ginang ang phone sa kanya. “Punyemas na daliri 'to ah. Pasensya, pasmado eh. Eto oh.” Muli nitong iniabot ang aparato.   Hayun at lumantad sa kanyang mga mata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Mahaba ang buhok, balingkinitan. Kasing puti nya ang babae. Maliit ang mukha at may maamong mga mata, makipot na labi at matangos ngunit maliit na ilong. Medyo hawig nya. “Ganda naman this girl. Kamukha ko,” sabi nya nang hindi inaalis ang mga mata sa larawan.   “Pansin mo rin? Kaya nga ikaw ang unang pumasok sa isip ko para muling buhayin  ang namatay nang puso ni Rod, may darling.” Lumamlam ang mga mata ni Rejina.   “Kilala pa po kaya ako ni Rod?” Baka naman kasi limot na sya ng kababata. Halos di na sila nagkita mula nang mag-migrate sila sa ibang bansa, at nang bumalik naman sa Pilipinas ay sa Cebu na sila napirme. Walang kahit anong komunikasyon. Hindi pa naman kasi uso noon ang mga social media. Beeper lang ang meron noon, at wala sya non nang mga panahon na yon.   “Sumama ka sa akin sa Maynila...”   Sa maliit na bahagi ng puso ni Agatha ay nakaramdam sya nang kakaiba. Pananabik. Kaba. Kasiyahan. Lahat nang iyon ay nauukol lamang sa isang tao.   Nasasabik na syang makitang muli ang kababata. Kinakabahan sya sa magiging reksyon nito kapag muli silang nagkita, at hindi maipaliwanag na kasiyahan dahil sa laki ng ipinagbago ng dating payat at iyaking kababata.   Si Rodrigo De Jesus, her first kiss.    Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD