CHAPTER 2

1614 Words
MARY'S POV "Mar!" Rinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ng kung sino mula sa pinto ng classroom. Kahit na hindi ko tingnan kung sino ang may-ari ng boses na 'yon ay alam kong si She ito. Siya lang naman ang may ganoong enerhiya sa katawan. "She, bunganga mo. Pinagtitinginan na tayo," pasimpleng saway ko sa kaniya nang makalapit na siya sa upuan ko at maupo siya sa tabi ko. Bigla naman siyang napalibot ng tingin sa kabuuan ng classroom at doon lamang niya napansin na ang sasama na ng tingin ng mga kaklase namin sa kaniya. "So-Sorry. Excited lang," natatawang paghingi ng paumanhin ni She sa mga kaklase namin na ang sasama na ng tingin sa kaniya. Inirapan lamang siya ng mga ito bago bumalik sa kani-kanila nilang ginagawa. "Aba! Irapan daw ba ako. Dukutin ko kaya mga mata nila," iritang sambit ni She at susugod na sana ngunit mabilis ko siyang nahawakan sa kaniyang braso. "She, huwag mong pairalin ang pagiging amazona mo. Please lang. Unang araw pa lang ng pasukan ngayon. Baka ma-guidance ka nang wala sa oras," pagpapaalala ko sa kaniya bago pa magkagulo. She just heaved a sigh as a sign of defeat. "Pasalamat 'yang mga 'yan at inawat mo 'ko. Kung hindi, baka manghiram sila ng mata sa unggoy kapag nagkataon," nanggigigil niyang sabi. Lihim naman akong natawa dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, ang ikli ng pasensiya ni She. Tingnan mo lamang siya nang masama ay talagang makakalbo ka niya. Marami pa siyang pinagsasabi na kung ano-ano tungkol sa mga kaklase namin nang biglang dumating ang aming magiging guro. Ilang saglit lang ay para na siyang dahon ng makahiya na bigla-bigla na lamang tumiklop. Tss! Si Ma'am Alyson lang pala ang katapat niya. Dahil nga unang araw pa lang ng pasukan ay orientation lang ang naganap. Wala pang talakayan. Nang sandaling i-dismiss kami para sa maagang break time ay basta na lamang akong kinaladkad ni She papuntang canteen. Nasa may hallway pa lamang kami nang makarinig kami ng mga bulungan na may kasamang tilian mula sa kumpulan ng kababaihan hindi kalayuan sa amin. "Gosh! It's them!" "They're so handsome!" "Be mine, Peter!" "Marry me, Chris!" "I love you, Justin!" "Why so gwapo, Stanley? "Be my prince, Ryan!" Hindi ko naman maiwasang mapairap dahil sa mga naririnig ko. Ganiyan ba sila kadesperada? Kulang na lang ay sambahin nila ang varsity players ng university lalo na iyong MVP nila na si Christopher John Rodriguez. Magmula noong nakaraang taon ay sila na ang sikat sa buong campus at halos lahat ng mga babae rito ay nagkakandarapa sa kanila kaya hindi na lingid sa kaalaman ko ang mga pangalan nila. Halos araw-araw ko ba namang naririnig ang pangalan nila sa bawat sulok ng school. Kaya imposibleng hindi ko makabisado. Sa pagkakatanda ko ay Accountancy, Business and Management (ABM) students din sila. Pero nasa kabilang section sila dahil masyadong marami ang ABM students kaya hinati ito sa dalawa. "Grabe! Ang gwapo talaga ng Oppa ko," kinikilig na sambit ni She habang nakahilig sa balikat ko at nagde-daydream. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan niya at mabilis ko siyang binatukan nang makita kong iyong Peter Luis ang tinitingnan niya. One of the heartthrobs in this campus. "Aray naman, Mar! Panira ka talaga! Nakita na ngang pinagpapantasyan ko pa 'yong love of my life ko e," iritang sabi niya at bahagyang ngumuso habang himas-himas ang ulo niya. "Mamaya ka na mag-daydream. Gutom na ako," wika ko at basta ko na lamang siyang hinila papuntang canteen bago pa matunaw katititig niya iyong Peter. Patay na patay na si She sa Peter na 'yon mula pa noong nakaraang taon. Nagmumukha na nga siyang stalker sa pinaggagagawa niyang pag-follow kay Peter sa lahat ng social media accounts nito, pagkuha ng mga stolen pictures, panonood ng bawat game nito at kung ano-ano pang kabaliwan. Ewan ko ba kung anong nakita ni She sa lalaking 'yon. Yes, he have the looks. Lahat naman silang lima ay may angking kagwapuhan na malakas makahatak ng atensiyon ng kababaihan. Pero masyado silang lapitin ng mga babae at natitiyak kong masasaktan lang sa Peter na 'yon ang kaibigan kong wagas kung umasa. Ayoko rin namang dumating ang araw na dumugin si She ng fans club ni Peter na siya mismo ang presidente. Kaya hangga't maaga pa ay gusto kong pigilan na niya ang kung ano mang nararamdaman niya para sa lalaking 'yon bago pa ito lumalim. "Hoy! Mar, saang planeta ka na nakarating? Mind to take me with you?" natatawang tanong ni She na may kasama pang pagkaway-kaway sa harapan ko na siyang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Napatulala na pala ako. Hindi ko man lang namalayan. "Are you saying something? Sorry, She. May naalala lang kasi ako," pagpapalusot ko. "Tinatanong lang naman kita kung anong order mo," may diing sagot niya na mukhang pinapamukha pa sa akin kung gaano ako kalutang kanina para hindi marinig ang tanong niya. "Carbonara and orange juice na lang," tipid kong sagot at nagpaalam naman na siya na pupunta na sa pila ng mga oorder para bumili ng snacks namin. Ilang saglit lang ay bumalik na siya dala ang order namin. "Here's your order, miss," sarkastikong aniya saka inilapag ang food tray na dala niya sa mesa at naupo sa katapat kong upuan. "Thanks," tipid kong sagot bago kami nagsimulang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain nang makarinig na naman kami ng mga bulungan sa paligid. Huwag mong sabihing nandito ang mga itinuturing na heartthrobs ng campus? Oh, come on. Does fate really wants to annoy me? All I want is peace. But with them around, I guess it's impossible for me to have some peace. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at agad kong nakumpirma na tama nga ang iniisip ko. They're walking with their heads held high. Sa paraan ng paglalakad nila ay para bang kanila itong buong canteen. Binalingan ko naman ng tingin ang kasama ko. Halos malaglag ang panga ko nang makita si She na titig na titig na naman kay Peter habang nilalaro-laro ang spaghetti na inorder niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at mas binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil naiirita na ako sa mga nakaririnding bulungang naririnig ko. Natapos na ako't lahat pero nasa ganoong ayos pa rin si She nang muli ko siyang tingnan. Iyong ngiti niya ay hindi mawala-wala habang titig na titig doon sa ultimate crush niya nang hindi man lang kumukurap. Sa madaling salita, nagmumukha na siyang bangag. "She, busog ka na ba katititig sa lalaking 'yon?" sarkastikong tanong ko sa kaniya na may bahid na ng pagkairita. "Busog na busog," ngiting-asong sagot niya. "Halata nga! Kulang na lang mapunit 'yang pisngi mo sa lapad ng ngiti mo e," muli kong tugon na puno ng sarkasmo. Pumangalumbaba siya sa harapan ko habang ngiting-asong nakatingin sa bandang likuran ko kung saan nakaupo ang grupo ng kalalakihang pinagpapantasyahan ng karamihan. "Mar, usog ka! Hindi ko siya makita!" reklamo niya habang pilit akong pinapausog pakanan. Tae! Daig ko pa ang langaw kung ipagtabuyan niya. Hindi na ako nakatiis pa at mabilis kong kinuha ang lahat ng gamit ko. "She, sumunod ka na lang kapag nagsawa ka na katititig diyan sa man of your dreams mo," seryosong sabi ko sa kaniya at iniwan na siyang nakatunganga sa kinauupuan niya. Iyon naman ang gusto niya, hindi ba? Ang umalis ako para malaya niyang mapagpantasyahan ang crush niya. "Hi, miss." Binalingan ko ng tingin ang nagsalita. To my surprise, it was one of the most annoying creatures on Earth. Heartthrob my a*s. Tss. "Mind to join us?" Stanley asked in a playful manner. Alam kong pinagtitripan nila ako dahil natatawa sila habang pare-parehong nakatingin sa akin. Tss. They can't fool me. I'm not an idiot to believe with their lies. At mas lalong hindi ako baliw o tanga para sakyan sila sa kung ano mang trip nila sa buhay. Nagkunwari na lamang ako na hindi ko sila narinig at tumuloy na ako sa paglalakad pabalik ng classroom. "Sh*t, bro! Snob ang kagwapuhan mo!" tumatawang pang-aasar ng nagngangalang Justin na rinig sa buong canteen. Hindi ko na lamang pinansin ang tawanan nila at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni She sa baywang ko. "Mar, ano 'yon? Iniwan mo lang ako saglit tapos makikita na lang kitang nakikipag-usap sa mga naggagwapuhang nilalang na 'yon." May tono ng pagtatampo sa tono ng boses ni She. Teka nga. Bakit naman siya magtatampo? For what? For being the next target of the kings of bullying? Tss! Mukhang nerds pa rin ang puntirya nila. Ang masama pa nito, mukhang muli na naman nila akong pag-iinitan. Palibhasa hindi sila nagtagumpay dati na buwisitin ako dahil ako na mismo ang umiwas sa g**o. "She, iba 'yong nakikipag-usap sa umiiwas sa g**o. Kaya bitiwan mo ako dahil baka mapagkamalan pa kitang tomboy," sabi ko bago ko siya inilayo sa akin. Bigla naman siyang nagpaawa at ngumuso sa harapan ko dahil sa ginawa ko. "Ito naman! Para naglalambing lang, tomboy na agad. Hindi ba pwedeng friendly hug lang o ikaw 'yong natotomboy, hindi ako?" natatawang sagot niya. "Ewan ko sa 'yo, She. Ang dami mong sinasabi. Halika na nga!" Ako na ang humigit sa kaniya pabalik ng classroom dahil ilang minuto na lang ay magkaklase na para sa susunod na asignatura. I don't want to be late. I prefer to be early than late. Sobra kong pinahahalagahan ang pag-aaral ko kaya kahit isang minuto lang ay ayokong mahuli sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD