CHAPTER 3

1366 Words
MARY'S POV “How was your first day in school, princess?" pagbubukas ni daddy ng usapan sa kalagitnaan ng aming hapunan. “It's fine, dad. Nothing much happened," tipid kong sagot. This is the usual scenario at home every dinner during weekdays. They will ask me some questions about school and some stuffs that happened within the day and within the school premises. "Kinulit ka na naman ba ni Sheena? Pinasakit na naman ba niya ang ulo mo, Pia, anak?" pagtatanong din ni mommy na kilalang-kilala na si She mula pa pagkabata kaya alam na alam niyang hindi matatapos ang isang araw na hindi ako kinukulit o binibigyan ng sakit ng ulo ni She. "Naku, mom! Nagtanong ka pa. Kilala mo naman 'yong babaeng 'yon. Hindi buo ang araw niya kapag hindi niya ako nabubuwisit," natatawang sagot ko kay mommy na siyang ikinatawa rin naman nila ni daddy. "Basta kapag may ginawang kabaliwan 'yong si Sheena, sabihin mo kaagad sa akin. Babatukan ko talaga 'yon para magtanda," bilin ni mommy habang nagpipigil ng tawa. Ngiti na lamang ang naging tugon ko sa sinabi ni mommy dahil alam ko namang nagbibiro lang siya. "Princess, pagkatapos mong kumain, umakyat ka na sa kwarto mo. I have a surprise for you," nakangiting sabi ni daddy. Bigla naman akong na-excite kung anong sorpresa ang sinasabi ni daddy kaya mas binilisan ko pa ang pagkain ko na siyang ikinatawa ni daddy. "Princess, be careful. Baka mabulunan ka," natatawang pag-awat sa akin ni daddy pero patuloy pa rin ako sa pagkain. Sunod-sunod ang naging pagsubo ko hanggang sa mahirapan na akong nguyain ang lahat ng pagkaing magkakasabay kong isinubo. Bumara ito sa lalamunan ko, dahilan para mapaubo ako. Natataranta akong inabutan ni daddy ng isang basong tubig habang patuloy pa rin siya sa pagtawa dahil nagdilang anghel ang kaniyang sinabi. Agad ko naman itong inabot at mabilis na ininom. Geez. That was close. "Sabi ko naman kasi sa 'yo, princess. Dahan-dahan lang," sabi ni daddy habang patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Ikaw naman kasi, hon. Alam mo namang mahilig sa sorpresa itong bunso natin," natatawa ring sabi ni mommy habang marahang hinahagod ang aking likod. Ipinagkibit-balikat lang naman ito ni daddy at saka niya pinuno ang aking baso ng tubig mula sa pitsel. "Princess, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni mommy habang patuloy pa rin sa ginagawa niyang paghagod sa aking likod. "Yes, mom," tipid kong sagot at nginitian na lamang silang pareho para hindi na sila mag-alala pa. Saka lang ni mommy itinigil ang paghagod sa likod ko nang masiguro niyang ayos na ako. Bumalik na rin siya sa pagkain niya. "By the way, dad, what's your surprise?" nananabik kong tanong na may kasama pang pagpapa-cute sa harapan nila. "Surprise nga, princess, 'di ba? Just go to your room and you'll find out," nakangiting sagot ni daddy. "Okay. I'll just go upstairs," paalam ko saka sila hinalikan sa kanilang pisngi. "Enjoy your food!" sigaw ko pa bago tuluyang lisanin ang dining area. Kaagad akong dumiretso sa kwarto ko para tingnan kung ano ang sorpresa na sinasabi ni daddy. Patakbo akong umakyat sa taas at halos magtatatalon ako sa tuwa nang makita ko kung ano ang sorpresang naghihintay sa akin. Mabilis kong tinakbo ang human-size na pink teddy bear at mahigpit itong niyakap. Habang yakap ko ang malaking teddy bear ay may napansin akong note na nakadikit sa bandang tiyan nito. Kunot-noo kong kinuha ang note at binasa ang nakasulat. ‘Hey, sis. How are you, my princess? Did you like my gift? Do you miss me? Come on. Open your skype. I'll wait for you.' ‘So, this is from Kuya Sky, not from Dad,’ I thought to myself. Nagmamadali kong kinuha ang laptop ko na nasa study table at ipinatong ito sa hita ko. Mabilis kong binuksan ang skype ko at halos mapunit ang labi ko kangingiti nang makitang may na-miss akong video call mula kay kuya. Pero mas lalo akong natuwa nang muli na namang tumunog ang laptop ko at may video call ulit ako galing kay kuya. Mabilis kong sinagot ang tawag ni kuya at inilapag sa bandang dulo ng kama ang laptop para mas makita ako sa camera. "Hey, sis," masayang bungad sa akin ni kuya at kumaway pa sa harap ng camera. "Hey," masigla ko ring bati sa kaniya. "Natanggap mo ba ang gift ko?" malambing na tanong niya. Inabot ko ang teddy bear na nasa bandang gilid ko na binitiwan ko kanina. Mahigpit ko itong niyakap sa harap ng camera. "Ito o. Yakap-yakap ko na. Thank you for this, kuya. I really love it," nakangiting sabi ko habang yakap-yakap pa rin ang teddy bear na bigay niya. "Mas magugustuhan mo ang isa ko pang sorpresa," sabi niya ng may ngiting makahulugan. Bigla naman akong na-excite nang marinig ko ang kaniyang sinabi. "Talaga, kuya? Anong sorpresa 'yon?" tanong ko at mas lumapit pa sa laptop para makita ko siya nang malapitan. "Just wait for it. I promise, matutuwa ka." He winked at me to assure me that he meant what he just said. "Sinabi mo 'yan a. Kapag ako hindi natuwa, ipapatapon talaga kita sa Bermuda Triangle," may tono ng pagbabantang sabi ko. "Teka. Wala ka bang assignments? Baka may gagawin ka pa?" nag-aalalang tanong ni kuya na ayaw na ayaw na inuuna ko ang ibang bagay kaysa sa pag-aaral. He is somewhat strict when it comes to my studies. Pero hindi naman sobrang istrikto. Iyong sakto lang. "None. Orientation lang kami kanina kaya walang assignment o activity," panay ang iling kong sagot sa kaniya. "E ikaw, kuya? Hindi ka ba busy sa trabaho mo?" pagbabalik ko ng tanong sa kaniya dahil baka mamaya ay nakakaabala na pala ako sa mga gawain niya. "I'm almost done with it. Don't worry, bunso. I just want to enjoy this moment with you," sagot niya sa malambing na boses. This is one of the reasons why I don't feel his absence. Kahit kasi napakaabala niya sa trabaho ay naglalaan pa rin siya ng oras para sa akin. Kahit nga wala siya rito ay nakakatanggap pa rin ako ng kung ano-anong regalo mula sa kaniya sa pamamagitan ni daddy. "Kaya love kita e. Can I talk to you for the whole night?" pagpapa-cute ko sa kaniya para lamang mapapayag siya. "No, you can't. You still have a class tomorrow. We will just talk until 8:00pm and after that, you'll go to sleep. Understand?" maawtoridad na sabi niya na ikinanguso at ikinasimangot ko. Mag-a-alas siyete na kaya humigit-kumulang isang oras ko na lang siya makakausap. But I don't really have a choice so I just nod in return. "Okay," labas sa ilong kong sagot. "Huwag ka nang malungkot, bunso. Hayaan mo, babawi si kuya," pagpapagaan niya ng loob ko. "E bakit kasi hindi ka pa umuwi?" nakasimangot kong maktol. Now, I'm having a tantrums. Kasi naman e. Tch. "You know how busy I am, right?" malungkot na sagot ni kuya. Marahan na lamang akong tumango sa sinabi niya. Yeah, I know and it upsets me. At the age of twenty three, he shouldn't spend much of his time on business matters. He should give himself a break and learn to enjoy life while he can. He might regret it at the end of the day. "Just tell me everything I should know about your life there abroad," pilit ang ngiting sagot ko. Pinilit ko ang sarili kong kalimutan ang tampo ko at i-enjoy na lang ang moment na magkausap kami ni kuya. I badly wanted to be there with him. But mom and dad didn't allow me. Malayo na raw kasi sa kanila si kuya at ayaw nilang pati ako ay mawalay sa kanila. Hindi kasi pwedeng umalis ng Pilipinas sina mommy dahil sa business namin dito kaya nga si kuya ang nasa States para asikasuhin ang business namin doon. Sinimulan naman na ni kuya na magkuwento katulad ng sinabi ko. Paminsan-minsan ay ako naman ang nagkukuwento ng tungkol sa akin hanggang sa makatulugan ko nang nakabukas ang laptop ko at ka-video call pa rin si kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD