CHAPTER 4

1642 Words
MARY'S POV Maaga akong nagising kinaumagahan at nakita kong marami-raming mensahe ang natanggap ko kagabi mula kay kuya na ngayon ko lamang napansin dahil nga sa nakatulugan ko ito kagabi. Isa-isang kong binuksan ang mensaheng ipinadala niya. 'Good night, my princess.' 'Sleep well, bunso.' 'I love you, sis.' 'Just wait for my big surprise and you'll really love it.' 'Can't wait to see you.' Bigla namang nangunot ang noo ko sa huli kong nabasa. What does he mean by that? Can't wait to see me? How? He's in States while I'm here. We're too far from each other. Magtitipa na sana ako ng mensahe para itanong kung anong ibig sabihin ng huling mensahe niya nang makarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto ng kwarto ko. "Ma'am Sophia, bumaba na raw ho kayo. Nasa baba na po si Ma'am Sheena." Rinig kong sabi ni yaya mula sa labas. "Okay po, yaya. I'll be there," tipid kong sagot at agad na akong nagtungong banyo para maligo. Mabilis lamang ang pagligong ginawa ko dahil nga nasa baba na raw si She. 'Ano kayang masamang hangin ang nagdala sa babaeng 'yon dito?' naitanong ko na lamang sa sarili ko habang nasa ilalim ako ng shower. Matapos kong maligo ay agad din akong nagbihis. Isinuot ko ang uniporme ko na dapat ay hanggang taas lang ng tuhod ang haba pero dahil masyado akong conservative ay lampas tuhod ito at balot na balot ako dahil sa knee sock na suot ko. Idagdag pang long sleeve ang uniporme namin katulad ng sinusuot ng mga Korean. Nang matapos akong mag-ayos ay agad na akong bumaba bitbit lahat ng gamit ko. "Mar, ano ba? Bandila na! Ang tagal mo namang mag-ayos. Wala ka pa rin namang pinagbago," reklamo ni She na may bahid ng pagkainip. "Sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na hintayin mo 'ko? Anong nakain mo at napadaan ka rito?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Bigla na lamang siyang naging maamong tupa at ngumiti nang pagkatamis-tamis na para bang nagpapa-cute na ewan. Natitiyak kong may kailangan siya. Sa paraan ng pagngiti niya ay alam mo na agad na may hihingin siyang pabor. "Sabay na tayong pumasok. Hindi kasi ako mahahatid ng driver namin e," diretsahang sagot niya. Sabi na e. May kailangan nga ang bruha. Sinipag pumunta sa bahay ng sobrang aga e. "I'll just have my breakfast," tipid kong sagot sa kaniya. Magtutungo na sana ako ng dining area nang bigla niya na lamang akong higitin at ipulupot ang kaniyang braso sa braso ko. "Tita, tito, mauna na po kami ni Mar!" malakas niyang sigaw mula sa sala dahil nasa kusina ang mga kausap niya at may kalakihan ang bahay. "Sige! Ingat kayo! Don't forget to have your breakfast in school!" pasigaw ring bilin ni mommy mula sa kusina. Basta na lamang akong hinila ni She palabas ng bahay. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kaniya papuntang garahe kung nasaan ang kotse. "Manong, tara na po," aniya sa personal driver ko at eksaherada akong hinila papasok ng kotse. Nang maipasok na niya ako sa kotse ay saka lamang siya pumasok at tumabi sa'kin. "Kailan kaya tayo papayagan ng parents nating magmaneho?" she asked out of nowhere when the car started moving. Napaisip naman ako sa tanong niya. She has a point. Labing-walong taong gulang na kami pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin nila kaming payagang magmaneho kaya palaging may nakabuntot sa aming personal driver namin. "Kapag nabagok siguro ang mga magulang natin at naalala nilang eighteen na tayo at hindi na tayo mga bata pa," pabirong sagot ko sa kaniya na siyang ikinatawa naming pareho. "E kung pag-untugin kaya natin sila baka sakaling maalog ang utak nila?" natatawang suhestiyon ni She na awtomatikong nagpakilos ng kamay ko na diretso ang dapo sa likod ng ulo niya. "Aray ko naman, Mar! Hindi ako si tita para batukan mo. I'm perfectly fine!" iritang singhal niya sa'kin habang himas-himas ang parte ng ulo niya na binatukan ko. "Perfectly fine? E kung hilahin mo ako kanina, daig ko pa ang nasa ibang bahay at pinauuwi mo. Ni hindi mo man lang ako pinag-almusal. Ang aga-aga mo pang mang-istorbo," sermon ko sa kaniya para matauhan siya. Anong akala niya? Na nakalimutan ko na ang ginawa niyang paghila sa'kin at pagpigil sa akin na mag-almusal sa sarili kong bahay? Tch! Kung hindi ba naman siya muntanga at binanggit niya si mommy na nagpaalala sa'kin ng ginawa niya. "Ayaw mo no'n? Libre kita ng breakfast sa canteen," sabi niya habang nagtataas-baba ang kilay. Libre? It doesn't sounds like her. May sapi nga yata siya. But it's fine, as long as it'll benefit me. "Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, ihuhulog talaga kita rito sa sasakyan para pagpiyestahan ka ng mga kotseng nasa likuran," pananakot ko sa kaniya. Kamuntikan ko naman na siyang masiko nang bigla-bigla na lang siyang kumapit sa'kin. Mabuti na lang at nakapagpigil ako. "Ang harsh mo naman, Mar. 'Wag kang mag-alala dahil kahit buong canteen pa kainin mo, walang kaso sakin 'yon." Tuluyan ko na talaga siyang nasiko dahil sa sinabi niya. "Ginawa mo pa talaga akong patay-gutom. Just shut up, She, okay? Kahit mga five minutes lang. I want a peaceful ride," mariing sabi ko sa kaniya at pinandilatan ko pa siya ng mata nang tangkain niyang magsalita. Umakto naman siya na kunwari ay ni-zipper niya ang bibig niya. Nakahinga ako nang maluwag nang tumahimik nga siya. Pero agad ding umasim ang mukha ko makalipas ang limang minuto. "Hay! Grabe! Ang tagal pala ng five minutes. Ngayon ko lang na-realize. Grabe, Mar! Feeling ko tuloy, panis na laway ko. Ikaw kasi, masyado kang bossy. Ini-entertain lang naman kita para hindi ka ma-bored sa biyahe e..." Marami pa siyang pinagsasabi na mga kung ano-ano kaya mas pinili ko na lang na isalpak sa tainga ko ang earphone ko at mag-play ng music sa phone ko ng sobrang lakas para hindi ko na marinig ang pag-mo-monologue ni She. Napabuga na lamang ako ng hangin nang makarating na kami ng parking lot ng school. Agad ko nang ibinalik sa bag ko ang phone at earphone ko bago ako bumaba ng kotse. Agad napako ang tingin ko kay She na nauna na pa lang maglakad papuntang canteen na may pa-swing-swing pa ng kamay at paa niya. Iiling-iling akong sumunod sa kaniya papuntang canteen para mag-agahan kasama niya. Katulad ko ay hindi rin siya nag-agahan sa kanila dahil sa pagmamadali niyang pumunta ng bahay. Magkatabi lang ang subdivision namin pero malayo siya kung lalakarin o kahit may sasakyan ka pa dahil masyadong malaki at malawak ang parehong subdivisions namin. Nasa pinakadulo rin ang bahay nina She at madadaanan niya ang subdivision namin papuntang school kaya nagagawang makapambulabog ng bruha kahit umagang-umaga. "Carbonara and orange juice pa rin ba sa'yo?" kaagad niyang tanong nang makahanap na kami ng bakanteng mesa. "Nope. I want rice with bacon and egg," pagbigay ko sa kaniya ng order ko. "Iyon lang ba? How about your drink?" muling tanong niya. Aba! Galante ang bruha. May himala. "Fresh milk na lang," tipid kong sagot sa kaniya saka siya humanay na para kunin ang order namin. Sa aming dalawa ay siya palagi ang umoorder. Kapag kasi ako ang umorder ay tiyak na matatagalan ako. Hindi katulad niya na kayang-kayang sumingit sa pila dahil may pagka-warfreak siya. Hindi nga lang halata. Mabilis kaming natapos sa pagkain kaya agad na kaming nagtungong classroom at doon na ipinagpatuloy ni She ang kadaldalan niya. "Good morning, class!" masayang bati ni Ma'am Meg na siyang nagpatahimik sa katabi kong hindi nauubusan ng sasabihin. "Good morning, ma'am!" we greeted her back in chorus. "Since you are already a Grade 11 students, which is supposedly your college year, I assume that you are good enough to be independent, especially that we are now in the 21st century where all of your queries and concerns are being answered with the help of todays advanced technologies," panimula ni Ma'am Meg na umagaw ng aking atensiyon. Umayos ako ng upo at itinuon ang buo kong atensiyon sa sasabihin ni Ma'am Meg. "So from now on, I will not going to discuss anymore. You will be the one to discuss, or should I say, report. I'm just here to help, guide and explain furthermore the lesson that will be given to you once na hindi ito masyadong malinaw na nai-report ng reporter na naka-assign," pagpapatuloy ni ma'am. Looks like I'll enjoy my stay here in this subject. "This reporting is supposed to be done individually. But since we only have limited topics to be assigned to you, I decided to give this task by pair." Mukhang alam ko na kung anong kahihinatnan nito. At alam ko na rin kung sinong bruha ang makakapareha ko. "I will give you the privilege to choose your own partner. Just submit a one fourth sheet of paper with your name together with your partner's name written on it. And I will give you your topics eventually so that you can prepare yourselves and your presentations. The first reporters will begin tomorrow and the rest will follow. One topic per day, which means two students will report each day. Now, choose your partner and give me the copy of your names," ma'am instructed. "Mar, tayo ang partner a," ngiting-ngiting sabi ni She na nakakapit na sa braso ko. "May magagawa pa ba ako? Isulat mo na ang pangalan natin at ipasa mo na kay ma'am bago pa magbago ang isip ko at palitan kita bilang partner ko," may tono ng pagbabantang sabi ko sa kaniya. Sanay na akong siya ang ka-partner ko dahil bukod sa kaibigan ko siya ay magkasunod lang ang apelyido namin – Alcantara at Angeles. Kaya kahit teachers namin ang pumipili ng partners alphabetically ay kami pa rin ang nagkaka-partner. "Miss Angeles and Miss Alcantara?" pagtawag sa amin ni ma'am na siyang umagaw ng atensyon ko. "Yes, ma'am?" takang tanong namin ni She. "You will be the one to present tomorrow. It's all about the introduction of marketing," ma'am informed us. "Let's call it a day. Be ready for your report," pagtatapos ni ma'am ng klase. "Bye, ma'am." Pagkaalis ni ma'am ay magsasalita pa sana si She nang bigla na lang pumasok ang guro namin para sa susunod naming klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD