Chapter 3: Rumor

1398 Words
Ria   MAHIGIT isang oras na ang nakalipas. Naubos ko na yata lahat ng pagkaing nakahanda pero hindi pa rin bumabalik ang mga guards na nagdala samin dito.   Bwisit na lalaking ‘yun! Imbes na tulungan ako, talagang iniwan pa ako! Pinagana nga niya ang utak niya kaso sarili lang ang inisip! Dumaan sa kitchen para makatakas dahil sigurado raw na nagbabantay ang mga guards sa labas. Nasayang lang ang effort kong magpa-cute kanina! Nakakainis!   Para tuloy akong tanga ditong mag-isa. Pero ayos lang, marami namang pagkain.   "Madam," Bigla akong napalingon sa tumawag sa’kin. Sa wakas!   "Nasaan si Mr. Falermo?" Umikot ang tingin nila sa paligid.   Tinaasan ko sila ng kilay. "Hindi ako tanungan ng mga nawawala. Pakawalan niyo na nga ako!" I demanded.   Sinunod nila ako at kinalagan ang posas. Padabog akong tumayo pagkatapos at naglakad palabas ng restaurant.   Bwisit talagang lalake ‘yun! Sa oras na makita ko siya ulit, lintik lang ang walang ganti!   Nang makita ko ang pamilyar na kotse namin ay agad akong sumakay. Sumunod naman sila sa’kin at nagsimulang mag-drive pauwi.   ***  "WELCOME home, anak! Kumusta ang date?" bungad sa’kin ni Mom pagpasok ko ng bahay at sinalubong ako ng yakap. Hindi ako sumagot at nilampasan siya ng lakad nang kumalas siya sa yakap.   Sinundan naman niya ako. "Hey, mag-kwento ka dali! Nagustuhan mo ba—"   "Mom!" Humarap ako sa kanya. "Kapag hindi pa kayo tumigil sa ginagawa niyo, lalayas ako!" pananakot ko. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya at naglakad na paakyat sa kwarto ko.   Hindi naman totoo ang sinabi ko, at hindi ko magagawa ‘yun. Mamumulubi ako, hindi ko keri! Sinabi ko lang ‘yun para matigil na siya sa mga kahibangan niya! Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha. Nagpalit rin ako ng kumportableng damit pagkatapos at kinuha ko ang laptop ko para bisitahin ang social medias ko.   Balak ko lang sanang mag-tweet about sa nakakainis na nangyari sa araw ko ngayon pero nang mapadaan ako sa sss, bumungad agad sa newsfeed ko ang isang post. Actually, habang ini-scroll ko pababa pare-pareho lang ang laman ng post nila.   Marielle Dominique ‘Yung feeling na naglalakad ka lang, tapos makikita mo nalang bigla si Mikael Falermo! Lalapitan ko sana para magpa-picture kaso nagulat nalang ako may humila sa kanyang mga lalaking naka-itim. Is this k********g?   Pinagmasdan kong mabuti ang litratong nasa post niya. Hindi ko makitang mabuti ang mukha nung lalake dahil naka-shades ito at naka-side view sa camera. Pero nasisiguro kong ang mga guards na kasama niya ay ang mga tauhan ni Mom.   Mikael Falermo.   "So, Mikael Falermo pala ang name niya?" Napatango ako. Sus, akala mo naman kagandahan. Pero bakit parang mas bagay kung Mikael Feelermo? Tutal saksakan naman ng yabang.                                               Ang corny mo talaga, Ria.   Tiningnan ko pa ang ibang mga post. Bakit ba puro tungkol sa kanya lahat ng 'to?   Ashley Dauz I can't believe this! Nasa pilipinas ngayon ang sikat na model na si Mikael Falermo! Nananaginip ba ‘ko?!   So, model pala siya?   “Baka bold star,” natawa ako sa naisip ko.   "Ayos ah. Buti nalang may pakinabang siya sa mundo kahit wala siyang isip."   Naiinis na ako sa pagmumukha niya kaya nag-log out nalang ako. Nahiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot, matutulog na sana ako nang bigla namang nag-ring ang phone ko.   Inis ko itong kinuha sa side table ko.   Number lang ang nakalagay. Baka pinagti-tripan lang ako nito ah.   "Hello? Sino 'to?" bungad ko sa kabilang linya.   "Hey couz!"   Bigla akong napaupo sa kama nang marinig ang pamilyar na boses niya.   "Rianne? Problema mo at napatawag ka?" Pinsan ko siya. Anak siya nung tita ko sa school, ‘yung principal.   "Grabe naman couz. ‘Di ka ba masaya na kinakamusta kita?"   Natawa ako. "Kilala na kita, isa ka pang budol eh.”   Natawa naman siya. “Kaya lang naman talaga ako tumawag ay para itanong kung anong nangyari sa date mo."   Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "How did you know?"   "So totoo nga?! Yiee, dalaga na talaga siya!”   Halos mapairap ako. "Saya ka? Eh, si Mom lang naman may pakana nun. Pinakidnap pa ‘ko, amp.”   Malakas siyang humalakhak sa kabilang linya. “Kakaiba talaga si tita.”   “Sinabi mo pa! Minsan nagtataka na ‘ko kung sino ang anak sa amin eh.” Napailing nalang ako at saka bumalik sa pagkakahiga.   "Gwapo naman ba?"   Napangiwi na naman ako nang maalala ang pagmumukha nung lalakeng ‘yun, “Malaking pagkakamali na nakilala ko ang gagong ‘yun.” Hindi ko na sinabi ang ginawang pang-iiwan sa’kin nun dahil siguradong pagtatawanan lang ako ng babaeng ‘to.   "Hay nako, ‘wag ako ha! Magaling pumili si Tita kaya alam kong yummy ‘yang ka-date mo!"   "Tss. E di kainin mo,” irap ko. Yummy daw eh.   "Yan! Alam mo kung bakit wala kang jowa? Attitude ka kasi! Kaloka ka. Kung gusto mo pumayag ka na lang sa inaalok ko sa’yo—"   “Sabi ko na budol ‘to eh,” I murmured. “Ayoko nga mag-model. Ilang ulit pa? Gusto mo record ko na lang boses ko tas paulit-ulit mong pakinggan, tutal paulit-ulit rin tanong mo eh.”   “Ang tino mo talagang kausap,” she said sarcastically.   Natawa naman ako. “Salamat and goodnight!” mabilis kong paalam.   "Wait—“  Pinatay ko na ang tawag at nagtalukbong ng kumot para ituloy ang pagtulog ko. Hindi kasi titigil ‘yun ng pangungulit. Baka abutin pa kami ng madaling araw jusme.   ***  "WEH? ‘Di nga? Totoo? Babae ka na? Oh my Gosh, congrats friend!" Niyakap niya ako at biglang nagtatalon.   "Lumayo ka nga sa’kin! Oo, nakipag-date ako kahapon pero hindi ko ginusto ‘yun." Pilit akong kumawala sa bisig niya, siya naman ay bumalik sa pagkakaupo. Obviously, nandito ako ngayon kila Rina. Wala naman kasing pasok ngayon dahil linggo kaya dumiretso ako dito. Ilang araw na rin matapos ang insidenteng ‘yun pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ikwento sa kanya.   "Bakit, panget ba? Bad brea—“   “Conceited,” I cut her off.   "Ha?”   "Hatdog,” irap ko. She glared at me.   “Sikat daw siya, kaso hindi ko naman kilala,” I explained.   "Ano bang pangalan niyan?" nagtataka niyang tanong.   "Mikael. Mikael Falermo."   "WHAT?!" Napatayo siya sa kinauupuan at niyugyog ako. "Ang swerte mo! Sana hindi mo na pinalampas ang pagkakataon, nilaplap mo na agad! Dream come true ‘yun!”   "Yuck! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!” Bahagya ko siyang itinulak palayo.   Napapailing siyang bumalik sa upuan. “Hindi mo alam kung anong sinasayang mo. Kung ako lang ‘yan, naku! Hindi lang laplap ang aabutin namin.”   Halos malukot naman ang mukha ko sa pag-ngiwi.   Natawa siya. “Charot lang! Pinapakita ko lang sa’yo kung sino ang sinayang mo! Echuserang ‘to.”   Inirapan ko lang siya.   “Pero seryoso, baka pwedeng i-suggest mo rin kay tita na ihanap rin ako. For school purposes lang kamo.” Sabay taas-baba ng kilay. Binato ko nga ng throw pillow sa mukha.   "Jowain mo teacher mo, baka sakaling pumasa ka pa,” inis kong sabi.   Pagkatapos ng mahabang araw ko kila Rina ay napagpasyahan ko rin na umuwi nang sumapit na ang gabi. Pagpasok ko palang ng bahay, bumungad agad sa’kin ang mukha ni Mom na mukhang aligaga.   "Problema mo? Para kang hindi matae," puna ko.   Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin kaya napataas ako ng isang kilay.   "Kung ayaw mong sabihin, edi wag." Nilampasan ko siya ng lakad pero bigla niya akong pinigilan sa braso.   "We have a problem."   Napaisip naman ako. Sa pagkakaalam ko, wala pa naman akong ginagawang kalokohan at hindi pa ulit ako bumabalik sa Principal’s office. "Baka ikaw lang? Hindi pa naman ako napapabalik sa office ah.” Unti-unti ko na ngang tinutupad pangako ko kay tita eh. Ganun ako kabait.   "No. Hindi ‘yun," iling niya.   "Eh ano ba kasi ‘yun?" takang tanong ko. Hindi siya agad makasagot, parang nagda-dalawang isip pa kung sasabihin ba sa akin o hindi.   "Ano, tatayo na lang tayo dito?” naiinip kong tanong.   She cleared her throat. "Remember Mikael Falermo? ‘Yung naka-date mo," nag-aalangan niyang tanong.   Hindi ko maiwasang mapairap nang marinig ang pangalang ‘yun. “Hindi.”   Binura ko na sa memorya ko ang mayabang na pagmumukha ng lalakeng ‘yun.   “Kumakalat na sa social media ang mga pictures niyo."   Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Paano nila malalaman ‘yun?” nagtataka kong tanong. “Sa pagkakaalam ko wala naman kaming ibang kasama dun bukod sami—“ Bigla akong natigilan nang may kung anong pumasok sa isip ko. Posible kayang isa sa mga tumutugtog ng violin ang kumuha ng litrato sa amin?   "This is all my fault," she murmured. Oh well, pareho pala kami ng nasa isip.   “What’s the problem with that?" I asked cluelessly. Para namang ikamamatay ko kapag sumikat ang pagmumukha ko.   “Hindi mo ba gets? Malamang maraming rumor na kakalat at sasabihin nilang may namamagitan sa inyo kahit wala naman talaga!"   "Duh? E di sabihin niyo wala naman kaming kahit na anong ugnayan ng lalaking ‘yun. Period!" Ang liit na problema pinapalaki. Tss.   "At sa tingin mo maniniwala sila sa simpleng dahilan mo?"   "Why not? Yun ang totoo, bahala sila sa buhay nila kung ayaw nilang maniwala," I shrugged.   Depende na lang kung makikitid ang isip nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD