Chapter 2: Date

1330 Words
Ria   "MA naman! Tigilan niyo na kasi ‘yung ginagawa niyo!" pagrereklamo ko. Kauuwi ko palang pero as usual, sermon na naman ang inabot ko.   "At bakit, aber?” katuwiran niya. Nakapameywang na pinanlakihan ako ng mata. “Anong masama sa ginagawa ko? Tinutulungan na nga kitang makahanap ng gwapong lalak—"   "Tch. Hindi ko kailangan ng gago sa buhay ko, okay?! Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa inyo ‘yan?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.   "I just want you to be happy!” sigaw niya na nagpatigil sa akin. “Ayoko naman tumanda kang dalaga! Paano nalang kung wala na ‘ko? Mamumuhay kang mag-isa? Ganon?"   Napabuntong hininga nalang ako.   "Mom, problema ko na ‘yun. Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon." Ano bang hindi niya maintindihan dun? Paulit-ulit nalang!   "Alin dun? ‘Yung araw-araw kang laman ng Principal’s office? Ha?”   I pouted. "At least may pakinabang sa academics," katuwiran ko.   That's true. Kahit na minsan may pagkapasaway ako at hindi nakikinig sa klase, kahit kelan hindi ko naman hinayaang bumagsak ang grades ko. Siguro namana ko rin ito kay Mom. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino talaga siya.   Kaya nga gumanda ang buhay namin kahit na wala na ang Papa ko.   "Fine,” pagsuko niya. “Pero pwede bang pagbigyan mo muna ako kahit ngayon lang? I will buy anything you want!” she urged more.   I arched a brow. “Hindi mo ako madadala sa ganyan.” Tinalikuran ko siya at naglakad paakyat sa kwarto ko.   ***  KINABUKASAN.   Kasalukuyan akong nasa loob ng cubicle. Tapos na lahat ng klase ko pero hindi pa ako makakauwi dahil hindi pa tapos ang paglalaro ko ng ML.   "Pucha." Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro nang biglang may tumawag. Kung minamalas ka nga naman! Argh!   "What?!" bungad ko sa kabilang linya pagkasagot ko ng tawag. Siguraduhin lang talaga nilang importante ang sasabihin nila dahil kung hindi..   "Madam, ‘wag ho sana kayong mabibigla.." Bigla akong natigilan sa ibinungad ng tauhan ni Mom.   "Why? What happened?" I asked cluelessly.   "Ang mama niyo ho..”   Biglang napantig ang tenga ko sa narinig at napatayo. "What? Why? Anong nangyari sa kanya?!" I asked nervously. Lumabas ako mula sa cubicle. Ano bang klaseng mga guards sila? Bakit pinababayaan nila ang nanay ko?!   "Nandito na ho kami sa gate. Dadalhin namin kayo sa kanya."   "What happened to her?!” Mabilis akong lumabas ng restroom dala ang bag ko at nagtatakbo palabas ng school.   "Hinimatay ho."   "s**t!" Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Nang makarating ako sa gate ng school, naabutan ko roon ang mga susundo sa’kin kaya agad akong sumakay ng sasakyan.   "How is she?" kinakabahan kong tanong sa kanila. Nagsisimula na rin na manginig ang mga kamay ko at hindi maiwasang mag-alala sa nanay ko.   Wala akong nakuhang sagot mula sa kanila kaya tiningnan ko sila isa-isa.   "Sumagot kayo!” Lumingon sa’kin ang guard na katabi ko at may kung anong hinugot sa kanyang bulsa. Mabilis ang kamay niya kaya bago ko pa makita ang hawak niya, nagulat nalang ako nang bigla niyang tinakpan ng tela ang ilong ko.   Sinubukan kong magpumiglas pero unti-unti nang binabalot ng kadiliman ang paningin ko kasabay ng panghihina ng katawan ko. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.   ***  NAGISING lang ang diwa ko nang marinig ko ang isang kakaibang tunog. Tunog na napaka sarap sa pandinig. ‘Yung mas gugustuhin mo na lang na matulog buong oras. Pero biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kanina kaya mabilis akong napamulat at napaangat ng ulo mula pagkakadukdok.   Umikot ang tingin ko sa paligid.   Wait.   “What the hell?!” bulaslas ko.   Bakit ako nasa loob ng isang restaurant?!   Doon ko narealize na sa isang table pala ako nakadukdok at may mga nakahandang iba’t ibang putahe sa harap ko.   Pero ang tanong, anong ginagawa ko dito?!   Ramdam ko ang biglang pangangati ng katawan ko kaya bumaba ang tingin ko sa suot ko, at pucha!   Bakit ako naka-dress?! Napahawak din ako sa mukha ko, naka-make up rin ako!   Napapikit ako ng mariin nang may ma-realize ako. “Mom,” mariin kong bulong.   Siguradong siya ang may pakana nito!   "Could you fvcking let go of me?!" Napadilat ako bigla nang marinig ang isang hindi kilalang boses mula sa kalayuan.   Nakita kong may mga guards na papalapit sa kinaroroonan ko at may bitbit na isang lalake. Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa huminto sila sa table kung saan ako nakaupo. s*******n nilang pinaupo ang lalaki sa katapat kong upuan.   "W-wait. What is the meaning of this?" tanong ko sa isa sa kanila kahit alam ko na ang isasagot nila.   "Pasensya na po, napag-utusan lang kami."   “You fvcking—“ I stood up pero napaupo rin nang may kung anong pumigil sa kamay ko. Napaawang ako ng labi nang makitang nakaposas ang isang kamay ko sa table.   They bowed at us. "Enjoy your date."   "Wait!" I panicked.   Fvck!   Napatingin ako sa lalakeng kaharap ko. "Sino ka naman?”   “Who are you?” we asked in unison.   He glared at me na para bang pinapatay ako sa simpleng tingin niya. Anong problema nito? Tinaasan ko lang siya ng kilay.   “Who are you?” he asked with furious. “Why the fvck am I here?”   "Aba, anong malay ko? Eh ikaw sino ka?" balik kong tanong.   "Ako ang unang nagtanong, una kang sumagot," pagsusungit niya.   Ay demanding.   Pairap akong umiwas ng tingin. "Ria," tanging sagot ko.   "And what the hell are we doing here?"   Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa tanong niya. Medyo nakakabobo kasi.   "Uh. Nakaupo habang nakaposas?" nag-aalangan kong sagot.   "Mukha ba akong nakikipag-biruan?" Napairap naman ako. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?   "Alam mo, Miss. Pa-prangkahin na kita. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa’yo, hindi ako interesado sa’yo."   Napakurap ako ng ilang beses, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napaawang ako ng bibig at nanunuyang ngumisi. "Wow, medyo makapal rin ang mukha mo ha?”   Ipinatong niya ang mga kamay sa table. “O kung gusto mo, ganito nalang. Para naman hindi masayang ang oras, papayag na akong makipag-date sa’yo," he smirked.   I gritted my teeth. "Sinabi nang—"   “Alam mo kasi, maraming babae ang nangangarap na mapunta sa posisyon mo ngayon. Biruin mo, nagawa niyo akong kaladkarin papunta dito? Sayang naman ang effort niyo kung hindi ko kayo pagbibigyan.” He shook his head in disbelief.   Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon sa pinagsasabi niya. Daig pa ang nakasinghot ng rugby eh!   "For your information Mr. whoever you are, hindi rin ako interesado sa’yo,” Tinaasan ko siya ng kilay. “As you can see naman, pareho tayong biktima sa punyetang set-up na ‘to."   Ang kapal ng mukha akala mo kung sinong gwapo!   Slight lang.   Mas lalo akong nakaramdam ng matinding inis matapos niya akong hindi pansinin sa halip ay itinuon ang atensyon sa pagkain. Bubulyawan ko na sana siya kung hindi ko lang napansin na wala siyang posas sa kamay di tulad ko.   Bakit ako lang ang nakaposas?   "Hindi matatawag na date ito kung sa akin lang nakatuon ang atensyon mo." Bigla akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya. Kapal nito, sa kamay kaya niya ako nakatingin.   "Kumain ka na. Baka naman hinihintay mo lang na subuan kita?" Halos mapangiwi ako nang makita ang ngisi sa mukha niya.   Wala na akong nagawa kaya padabog kong kinuha ang tinidor at nagsimulang kumain. Mas mabuti kung ikain ko muna ang matinding inis sa loob ko para mabawasan kahit papano.   Pano naman kaya akong makakakain ng matino kung nakaposas ang isa kong kamay?   Napaka-awkward ng pakiramdam ko ngayon. Una, dahil sa posas sa kamay ko, pangalawa sa suot ko at sa koloreteng inilagay nila sa mukha ko. At panghuli, ito ang unang beses na kakain ako kasabay ng isang hindi ko kilalang lalake, at kaming dalawa lang ha. Buti na lang may mga nagv-violin sa isang gilid, bawas sa awkward atmosphere.   "So, Miss Ria." Napalingon ako sa kanya.   "Hindi ko naman na siguro kailangang magpakilala, diba?" he said proudly.   I arched a brow. "Huh? Anong palagay mo sa’kin? Manghuhula? Sa ganda kong ‘to?" Ayan nahawa na tuloy ako sa kayabangan niya!   Siya naman ang napaawang ng bibig ngayon. "Weh? Hindi mo ‘ko kilala?"   I scoffed. "Ano namang pakielam ko sa pangalan mo? Ikakayaman ko ba bawat letra niyan at parang napakahalaga?"   "Saang bundok ba ‘to galing?” hindi ko marinig ang binubulong niya.   “May sinasabi ka?”   Hindi siya sumagot. “Pwede ba, tigilan na natin ‘to. Tutal wala ka namang posas, tulungan mo na lang akong makawala dito." I smiled at him cutely.   "How?" walang kwenta niyang tanong.   Amputa.   "E ‘di paganahin mo ‘yang utak mo! Kaloka."   Puro yabang wala namang isip!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD