CHAPTER 1- THE BEGINNING

2120 Words
KATE'S POV Nakadungaw ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Minsan, habang nagkakatinginan ang bawat isa sa atin ay biglang may kung anong pumapasok sa isipan natin. Mapapaisip tayo sa kung ano ang kwento ng bawat isa sa atin. Sa araw-araw, maraming pwedeng mangyari dahil walang kasiguraduhan ang bawat araw sa buhay natin. In this world, something can make changes to us, either for good or bad, still change is inevitable. Hindi natin maiiwasan na kung minsan ay kailangang may magbago para sa sarili man o sa ibang tao. "Kate? Handa na ang breakfast.", pagtawag sa akin ng katulong na si Manang Flora. Nasa labas siya ng kuwarto ko at nakatayo ito sa tapat ng pintuan kaya naman rinig ko ang boses niya. "Sige po Manang, susunod na ako sa baba.", sagot ko. Ako nga pala si Stephanie Kate Alonzo, ay oh parang pang Little Miss Philippines lang. I'm 20 years old, maganda, sexy with almost perfect body shape, charming at mayaman. Oo, mayaman kami at sagana sa mga materyal na bagay but I'am very kind, hindi katulad ng iba na porket mayaman, maarte na at mga matatapobre pa or 'yung iba naman masyadong matataas ang tingin sa sarili. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko kaya siguro ganito ako, marunong akong makisama sa mga tao na kung saan hindi ko itinanim sa isip ko na, hindi nga pala lahat ng tao ay pare-pareho ang ugali. May mga taong mapagpanggap o plastic ika nga nila. Isang tao ang tinanggap ko ng buong puso at pinagkatiwalaan, na para bang tunay ko nang kapatid. But, she brought not only pain but a big trauma to me. Okay, wait. Should I say "She" only? or I must say '"They." Simpleng tao lang naman ako, isang nerd na kilala ng karamihan NOON na malumanay, mahinhin, mabait at madaling magtiwala sa ibang tao. Oo NOON iyon, isa akong nerd na boring NOON. Isang nerd na nakadepende sa pamilya ang mga plano sa buhay, nakasunod sa mga rules ng magulang, hindi marunong mangatuwiran at higit sa lahat madaling naloko ng ibang tao. Swerte naman ako sa aking pamilya, mayroon akong Kuya na si Kaizer at siya ang panganay sa aming magkakapatid kaya naman siya ngayon ang pinagtra-training ni Daddy na magmanage sa business namin in the future, habang si ate Cassandra naman ang pangalawa namin na nagmamanage naman ng mall, at ako? estudyante pa lamang ako, isang 3rd year business management student. "Sige babe hanggang dito nalang. Bye!", sabi ng laki sabay halik sa noo ng babae. Nakita ko lang naman ang nakatirang babae sa harap ng bahay namin, siguro nasa 15 years old pa lamang ito. Hinatid siya ng nobyo niya sa kanila sakay ang kotse nito. Umaga na siya inuwi? "Bye babe!", pagpapaalam ng babae sa kaniyang nobyo at pumasok na rin ito sa loob ng bahay nila. Napailing-iling naman ako, ang bata pa niya para magkaroon ng nobyo. "Hay, pag-ibig nga naman.", sambit ko. Ayokong nakakakita ng ganoong senaryo. Don't ever mention anything connected about love because my heart was broken by someone before. Pagmamahal? oo masaya sa pakiramdam pero mas marami ang sakit na naramdaman ko sa pagmamahal na 'yan. Kaya may naisip akong paraan para naman makalimutan ang mga masasakit na nangyari in my past. Kaya ngayon, heto ako ngayon, na kung saan kapag tinignan niyo, sa unang sulyap pa lamang isang NERD pa rin ang makikita niyo. Yes, a nerd but not your typical nerd na boring pa rin ang life. And yes, ganito ang itsura ko, eh bakit ba? This is what I want, ganito na ako simula pa noon, this is my looks and no one can change it. I don't know, kontento na ako sa mukha ko o itsura ko. All I want now is that everyone will know me as a nerd, a nerd na subsob sa studies but may social life na hundred percent times two happier than what I used to have before. Before may mga taong nag-take advantage on me and they deserve to be punish from what they have fu*cking did to me. When I got hurt, I was broken into pieces where no one can fix me up until NOW. No one can erase the trauma that I have got in the past. Nakakalungkot. Nakakalungkot na kung saan wala akong nagawa kung hindi umiyak ng umiyak, sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari sa akin, kuwestyunin ang lahat ng bagay, at magmukmok sa isang sulok na para bang mababaliw na. "Tama na...", I said. Naalala ko na naman ang mga nangyari noon. I used to give my all to the person who I loved before. I know you know what I mean with that "ALL". And yes, I give all the love and myself to him. But, it's not worth it. Still, I am not enough. Ramdam niyo ba 'yun? Akala mo sapat kana para sa isang tao, pero hindi pa pala. I'm not even enough for myself, naaawa ako sa sarili ko na kahit siya hindi ko naunang mahalin ng lubusan bago ako magmahal ng iba. Then from that? I've learned a lesson na dapat sa buhay, maging matatag ka, dahil kung mahina ka? Talo ka. Lalo na kung may mga taong hihilahin ka talaga pababa hanggang sa lumubog ka. Just like what my best friend done to me. "F*ck you, b*tch.", madiin na sambit ko. There was a best friend of mine who confidently steal my boyfriend. My bestfriend that I totally treat like my real sister. Masakit 'yun diba? I know na hindi na common ang ganitong scenario but, wala eh, ako ang napili na maagawan ng minamahal. Alam ko marami pang katulad ko diyan na inagawan. Ang dami dami kong pinagseselosan na babae, 'yun pala nasa tabi ko lang ang ahas. May mga ahas talaga na nagsasatao lang no? My God! And worse? Nagpapalandi naman ang taong minamahal natin ng sobra sobra na kung minsan ay higit pa sa buhay natin. "Ma'am handa na po ang almusal niyo. Baka po lumamig ang pagkain", tawag ulit ng maid ko dito sa bahay. Huminga ako nang malalim, ang aga aga drama na agad ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ang hirap makalimot, paggising, siya pa rin ang nasa isip ko. Hay. "Okay Manang, bababa na po.", sagot ko. Okay, judge me if you want base sa mga kwento ko. But, I don't know if how I did that, siguro nga mahal ko siya, nagmahal lang ako. At nagtiwala lang ako sa taong hindi ko inalam ang buong pagkatao nito. Malalaman niyo rin ang mga dahilan kung bakit ako naging ganito. Kung saan nanggagaling ang mga hinanakit ko. Lahat naman tayo may kaniya-kaniyang pinanghuhugutan 'di ba? Mag-isa lang naman ako dito sa bahay. I mean I'm living with the life that I wanted to have for now. Malayo sa pamilya ko. Ilang araw nalang ang bakasyon at malapit na rin ang pasukan and I need na sulitin na ang isang araw na bakasyon because it's been three months since the first semester ended. And I hope na maging masaya ang school year na ito for me, or should I say this will be the start of the NEW me. Third year na ako, so... konting kembot nalang and I will be able to reach my dreams. I'm excited kung anong ang maidudulot nito sa akin. Panigurado akong kilala nila ako, kilala nila kung ano ang ginawa sa akin ng ibang tao, but I'm not the girl or the nerd rather that they've used to know. Hindi na ako 'yung nerd na kilala nilang hindi marunong lumaban. Ang haba na ng pasensya na ibinigay ko. Ang dami nang sakit na pinagdaanan ko. Alam ko, hindi talaga ganoon kadaling makalimot. Sana nga may potion or something na pwedeng gawin para instant na mawala 'yung pain na naramdaman at nararamdaman ko pa din. Kasi t*ngina lang, pagod nako masaktan at mag-overthink. Kaya kailanagan ko talaga ng lakas ng loob. Now? I'm bolder, braver, and wiser than before. Umalis na ako sa tabi ng bintana kung saan ako nakadungaw at inayos ko na din ang pinaghigaan ko at ilang minuto lang ay biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko naman ito sa aking right side kung saan nakapatong ito sa isang maliit na cabinet. Ate Cassandra is calling. Kaya sinagot ko ito. "Yes, ate.", bungad ko sabay bukas ng pituan ng kuwarto ko at nagsimula nang lumakad pababa. "Isn't it the next semester for your studies will be the day after tomorrow?", tanong niya. "Yhup.", matipid na sagot ko. Alam kong nag-aalala ito sa akin. "Okay, I just want to let you know that if you need something just call me okay?", bilin pa niya kaya naman napangiti ako. Nakita ko naman si Manang na nakatayo sa kitchen habang nagpupunas ng lamesa sabay ngiti sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya pabalik. "Okay, thank you ate. Don't worry about me. I'm fine here.", sagot ko naman. "And if you want to come back here, with me, it will be great for me and for our family.",malungot naman na sagot ni Ate. Kami kasi ni Ate Cassandra ang magkasama noon sa bahay. At ngayon dahil nga sa napagdesisyunan kong maging independent, malayo ang bahay na tinitirahan namin ni Ate sa tinitirahan kong bahay ngayon. I want to handle my life, my own life with my own rules and heal the wounds of my heart. "I'll be back Ate, but it's not the right time. I still haven't forget everything.", I said sabay tumingala ako dahil biglang nanggilid ang luha ko sabay nagpaalam na ako kay ate. "Sige na ate.", pagpaalam ko. I don't want to talk much about it because I've decided already, which is to live just by myself and they'll do support me financially. "Okay, Kate. Takecare, goodbye.", sagot ni Ate sabay baba na ng phone. Tumingin naman ako sa orasan at alas-otso pa lang pala ng umaga. Medyo napapapikit pa ang mga mata ko. "Kain na po kayo, Ma'am.", sabi ni Manang. "Salamat po. Nag-almusal na din po ba kayo?", tanong ko naman sa kaniya. Tumango naman ito. "Sige po Ma'am kain lang po kayo, maglilinis na po ako sa garden.", pagpapaalam ni Manang sabay lumakad na ito palabas ng kusina. Habang kumakain ay nagiisip ako kung ano ang susunod kong gagawin. Mamimili pa nga pala ako ng gamit for school bukas. Kaya naman, after kong kumain ay pumunta ako sa sala at nanood muna ng movies habang naglilista na din ng mga bibilhin kong gamit sa school. Hanggang sa lumipas ang maghapon at gabi na, napapapikit na ang mga mata ko pero gising na gising naman ang diwa ko. You feel me? Kaya naman bago ako umakyat sa kwarto ko ay pumunta ako sa may kitchen area sabay binuksan ko ang refrigerator at kumuha ako ng alak. Ito ang way ko para maaga na di akong makatulog. Habang umiinom naman ako ay nagi-scroll din ako sa news speed ko sa social media. Ilang minuto lang ay may nag-pop up sa notification ko so I opened it. It is said in here, "you have memories 1 year ago." "F*cking memories.", I said. Then I saw a picture. A picture of me and him. Bumabalik pa din ang lahat automatically. Nakakag*go naman f******k, bakit ganito. Hindi ko alam at ako naman itong si tanga at tinitigan ko naman 'yun. "Why?" "Anong nangyari sa 'tin?" "Is this what I deserve from loving you unconditionally?" Kinakausap ko ang litrato na nasa phone ko. Baliw lang? Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak hawak ko pa din ang cellphone ko. "Ako ang kasama mo ng ilang taon, pero hindi pala ako ang talagang laman ng puso mo.", malungkot na sambit ko. Hanggang sa pumatak na ang luha ko. I just loved someone, but why am I experiencing this kind of pain? I know I'm not a bad person but why? "T*nginang pagmamahal 'yan.", inis na sabi ko sabay ibinaba ko na ang cellphone. Hanggang sa ilang minuto pa at nakaramdam na ako ng pagkahilo sabay lumapit ako sa switch ng ilaw at pinatay na ito at nahiga na ako sa kama. Now? It's time to rest and take a sleep. "Araw- araw nalang ba ganito? Naiisip kita, malungkot ako, pero ikaw? Masaya kana. Masaya kana sa piling ng iba. F*ck!", sigaw ko sabay hawak sa ulo ko at tumitig sa kisame. Huminga ako ng malalim sabay sinindihan ko na lamang ang lamp shade sa aking left side at tsaka pumikit na. Ramdam ko pa din ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko, hanggang sa hindi ko na din namalayan na nakatulog na din pala ako. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD