Prologue

351 Words
Napatungga si A sa hawak na tequila glass nang lumabas mula sa ladies room ang magandang babae na lihim na sinusubaybayan. Lalong lumitaw ang kagandahan nito sa suot na kulay pulang off-shoulder and above-the-knee dress. Kahit sophisticated ang damit ng babae, isang simpleng flat sandals lang ang suot nito. Gayon pa man, hindi iyon nakabawas sa height nito na nasa five seven inches yata. Hindi maikakaila sa mukha ng babae na isa itong Filipina. Kakaiba ang mukha nito sa lahat ng mga Mexican na nasa bar ng mga oras na iyon. Humigpit ang pagkakahawak ni A sa tequila glass nang umupo ang babae sa tabi ng drug lord na kakilala niya, sa sofa na kasunod ng inuupuan niya. Kilala itong most dangerous drug lord sa Mexico, at salbahe pagdating sa mga babae. Iyon ang dahilan kung bakit binabantayan ni A ang babaeng hindi naman personal na kakilala. Ni hindi niya alam kahit ang totoong pangalan nito. Ang gusto lang ni A ay masiguro ang kaligtasan ng babae mula sa drug lord na nakabili rito. "Hola, chika sexy! Te ves increible con ese vestido." Narinig ni A na puri ng drug lord sa babae. Hello, sexy baby! You look amazing in that dress. "Besame, chika sexy," Kiss me, sexy baby. dugtong pa nito na mukhang hindi naman naintindihan ng babae. Nagtagis ang bagang ni A nang maghalikan ang dalawa. Hindi niya alam kung bakit napuno ng pagprotesta ang kalooban niya habang pinagmamasdan ang mga ito. Kahit halatang napipilitan lang ang babae, hindi pa rin kayang panoorin ni A nang matagal ang pagtutukaan ng dalawa. Mabilis siyang umiwas ng tingin. At sunod-sunod ang ginawang pagtungga sa alak. Naiinis siya na hindi niya maintindihan. Gayun pa man, hind pa rin mapigilan ni A ang maawa para sa babae. Dahil alam niya ang totoong dahilan kung bakit ito napunta rito sa Mexico. Hindi man aminin ng binata, alam niyang bukod sa awa, paghanga ang rason kung bakit palihim niya na binabantayan ang babae. Isang paghanga na hindi niya dapat bigyang atensiyon. Dahil magkaiba sila. Magkaiba sila ng mundo ng babae...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD