This Time It's For Real

1709 Words
Title: This Time, It's For Real By: TaraiShai "DEBI," salubong ni Gabriel sa kaibigan. "Oh, ano namang nangyari sayo at ganyan ang mukha mo?" tanong ni Debi bg makitang parang Byernes Santo ang mukha ng kaibigan. Lumapit ito sa dalaga at niyakap ito saka tahimik na umiyak. "Wala na kami ni Irish, iniwan na n'ya ako!" humahagulhol na sabi ni Gabriel. Naguguluhang inilayo ng bahagya ni Debi si Gabriel para makita n'ya ang mukha nito. "Ha? Bakit? Ano bang nangyari?" "Hindi na daw ako ang Gab na minahal n'ya. Nag-iba na daw ako." Kitang-kita sa mukha ni Gab ang labis na kalungkutan. "Eh talaga namang nagbago ka simula ng makilala mo s'ya," bulong ni Debi pero hindi na 'yon napansin ni Gab dahil sa labis na sakit na nararamdaman. Muli itong niyakap ni Gab at this time ay mas mahigpit na. "Sobrang sakit, Debi. Akala ko kami na hanggang huli, pero hindi na pala mangyayari 'yun." Naawa naman si Debi sa kaibigan kaya niyakap n'ya din ito habang tinatapik ang likod. "Hayaan mo na 'yun, marami ka pa namang makikilalang babaeng magmamahal sayo. Kailangan mo lang tumingin sa paligid mo." Kumalas sa pagkakayakap si Gab at tumitig sa mga mata ni Debi. "S'ya lang ang gusto ko, Deb, at wala ng iba pa. Hindi ako magiging masaya kung hindi s'ya ang makakasama ko." "Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil brokenhearted ka pa, pero I'm sure na isang araw ay magigising ka rin sa kahibangan mo sa babaeng 'yon." "Hindi aki nahihibang. S'ya lang talaga ang gusto ko!" "Oo na, tumigil ka lang," sang-ayon na lang ni Debi. "Umuwi ka na sa inyo at magpahinga ka. Mukha ka ng zombie, halatang kulang ka na sa pahinga," taboy ni Debi at akmang lalagpas na pero pinigilan ito ni Gab. "Ayokong mag-isa. Samahan mo ako, please?" "Pasalamat ka at wala akong gagawin. Hala sulong!" sabi ni Debi at magkasama silang umuwi sa bahay ni Gab. PINAGMAMASDAN ni Debi ang natutulog na si Gab. Halos maghapon na n'yang ginagawa 'yon. "Bakit kasi sa malayo ka pa naghahanap ng mamahalin, eh nasa tabi mo lang naman ako," bulong n'ya at unti-unti n'yang inilapit ang mukha n'ya sa natutulog na si Gab. Gahibla na lang ang lapit n'ya rito ng bigla itong magmulat. Nagulat s'ya kaya agad s'yang napalayo pero agad naman s'yang kinabig ni Gab at masuyong hinalikan. Ramdam n'ya ang pananabik sa mga halik nito. Damang dama n'ya ang pagmamahal sa bawat dampi ng mga labi ni Gab sa labi n'ya. Nag-uumapaw sa tuwa ang na nararamdaman n'ya ng mga oras na 'yon hanggang sa, "Irish!" usal ni Gab sa pangalan ng kanyang ex. Animo'y binuhusan ng malamig na tubig si Debi dahil sa narinig. Muli na namang gumuho ang mundo ni'ya ng dahil sa babaeng 'yon. Agad s'yang lumayo kay Gab at luhaang nilisan ang silid nito. Hindi makapaniwala si Debi na umasa na naman s'yang mapapansin pa s'ya ni Gabriel bilang isang babae. LUMIPAS ang ilang araw at muli na namang nagkita ang dalawa. "Oh, Debi, san ka ba nagpupupunta at hindi kita matagpuan?" tanong ni Gabriel ng maabutan s'ya nito sa bahay n'ya. "Ah, eh, may inasikaso lang. Bakit ba?" "May hihingin sana akong favor." "Sige lang, basta kaya ko gagawin ko." "Gusto kong magpanggap kang bagong girlfriend ko at pagseselosin natin si Irish para marealize n'ya na hindi n'ya dapat ako pinakawalan." "Ha? Seryoso ka? Pwede bang iba na lang ang hingin mong favor?" "Yun ang gusto ko, at 'yun lang ang makakapagpasaya sa akin." "Pero-" "Please! Tatanawin kong utang na loob kung tutulungan mo ako," sabi ni Gabriel at lumuhod pa sa harapan ni Debi at niyakap s'ya sa bewang. "Hindi ko kakayanin kapag hindi bumalik sa akin si Irish!" dagdag nito at nagsimula na namang umiyak. "Hay nako! Baliw ka na talaga, at pati ako'y gusto mo pang idamay!" "Ito na ang huling beses kong hihingi ng pabor sayo, pangako," sabi nito at tumitig sa mga mata ni Debi. Damang dama n'ya ang pagdurusa nito dahil sa nabigong relasyon. "Ipangako mo lang na pagkatapos nating magpanggap at bumalik na s'ya sayo ay hindi ka na muli pang iiyak, maliwanag?" "Oo! Maraming salamat, Debi!" Tumayo si Gabriel at niyakap ng mahigpit si Debi. "Pasalamat ka at mahal kita," bulong n'ya. "Ano 'yon?" "Wala! Sabi ko, huwag mong abusuhin ang kabaitan ko!" "Hindi talaga! Salamat!" MATAPOS pagplanuhan ang kanilang gagawin, na tinawag nilang 'Operation Paibigin si Ex', nagsimula na sila sa kanilang pagpapanggap. "Oh, mukhang nagkamabutihan na kayo ah!" bati ni Irish ng makasalubong sila. "Oo nga eh. Salamat na lang sayo at pinakawalan mo s'ya, nagkaroon kami ng chance na mahalin ang isa't-isa," naka-ngiting sabi ni Debi. "Well, congrats. I'm happy for the both of you," sabi ni Irish at ngumiti pa. "Thank you," sabi ni Debi at lalagpas na sana ng may maalala s'yang sabihin. "By the way, kung darating ka man sa puntong marealize mo na mali pala na pinakawalan mo s'ya at balak mong kunin s'ya, sorry ka na lang kasi wala ka ng babalikan!" nang-aasar n'yang sabi saka iniwan ang nakangangang si Irish. Nang makalayo na sila, agad s'yang kinompronta ni Gabriel na kanina ay tahimik lang. "Bakit mo naman sinabi sa kanya na wala na s'yang babalikan?" "Strategy ang tawag dun. At I'm sure na isang araw, lalapitan ka na n'ya ulit kasi mare-realize n'ya kung ano ba talaga ang sinayang n'ya." "Naks! Hindi talaga ako nagkamali ng ikaw ang piliin kong magpanggap na girlfriend ko." "Ako lang naman ata ang magsisisi sa bandang huli eh." "Ha? Bakit?" "Wala. Hugot lang 'yon. 'Wag mo ng pansinin." MONTHS passed at tama nga ang sinabi ni Debi. Nagsimula na namang magpapansin si Irish kay Gabriel. Ibinabalik nitong muli ang masasaya nilang alaala noong magkasama pa sila. At dahil sa iyon naman talaga ang plano, ang iparealize kay Irish na hindi nito dapat iniwan si Gabriel, kinalaunan ay nagkabalikan na rin ang dalawa. "Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Debi. Masayang masaya ako ngayong kami na ulit ni Irish." "Masaya din ako at nakikita kong masaya ka na ulit. Sana ay hindi ka na ulit umiyak na kagaya ng dati." "Salamat talaga." "Ngayong mission complete na tayo, baka naman pwedeng ako naman ang humingi ng favor?" "Sige lang, ano ba 'yun?" "Pumikit ka at kahit na anong mangyari, huwag kang mumulat hanggat 'di ko sinasabi." "Teka naman, baka gahasain mo naman ako!" reklamo ni Gabriel at niyakap ang sarili. "Wish mo lang, Day! Pikit na, dali." Agad naman ngang pumikit si Gabriel at nakiramdam. "Ano ba kasing-" natigil ito sa pagsasalita ng maramdamang may kung anong nakadikit sa kanyang mga labi. Pagmulat nito, mga labi pala iyon ni Debi. Ang malambot na labi ni Debi. Maya-maya pa ay kusa ng gumalaw ang mga labi ni Gabriel at masuyong tinugon ang halik ni Debi. Nagtagal ang halikan nilang dalawa ng ilang sandali. Bumalik lang sila sa reyalidad ng tumunog ang telepono ni Gabriel. "I'm sorry," sabi ni Gabriel ng kumalas ito sa pagkakahalik sa dalaga at kinuha ang kanyang telepono. Si Irish ang tumatawag. Sumenyas ito na sasagutin ang tawag at tumango lang si Debi. Matapos kausapin si Irish, binalikan ni Gabriel si Debi pero wala na doon ang dalaga. Hindi alam ni Gabriel pero 'yon na pala ang huling beses na makikita n'ya si Debi. 6TH MONTHSARY nina Gabriel at Irish. Nasa beach sila at doon isinelebrate ang masaya nilang araw. Sa kabila ang smooth na pagsasama ng dalawa ay nakakaramdam pa rin si Gabriel na tila may kulang. Tila may kung anong hinahanap ang kanyang puso. "Okay ka lang, Gab?" tanong ni Irish ng makitang malayo ang tingin ni Gab. "Ha? Oo naman. Bakit?" "Ang layo kasi ng tingin mo. At napapansin kong simula ng magkabalikan tayo, hindi ko na nakita pa ang matatamis mong ngiti. Nagsisisi ka na bang tinaggap mo ulit ako?" "Ha? Bakit ka nagsasalita ng ganyan?" "Yun kasi ang nakikita ko sa mga kilos mo. May gusto ka bang sabihin sa akin?" "Wala lang 'to. 'Wag mo na lang akong pansinin." "Hindi na ikaw 'yung lalaking minahal ko noong una tayong nagtagpo, ang lalaking tanging ako lang ang nasa puso." "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?" "Nararamdaman kong may iba ng laman ang puso mo kahit hindi mo sabihin. Nakikita kong may pangungulila sa mga mata mo kahit pa kasama mo na ako," sabi ni Irish at natawa ng maalala ang sinabi noon ni Debi. "Tama nga ang sinabi noon ni Debi, kahit pa sabihing nasa akin ka nang muli, hindi ko na naman magagawa pang angkinin ang puso mo, kaya wala na akong babalikan pa." "I'm sorry, Irish. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Ang gusto ko lang naman ay magbalik tayo sa dati." "Pero hindi na nangyari. Masakit para sa akin ang bitiwan ang kamay mo, pero hindi ko naman kakayanin ang makita kang nagdurusa sa piling ko," sabi ni Irish at hinaplos ang pisngi ni Gabriel. "Puntahan mo na s'ya. Malaya ka na." Biglang nagliwanag ang mukha ni Gabriel at hinawakan ang kamay ni Irish. "Maraming salamat, Irish. Alam kong makikita mo rin ang lalaking makakasama mo habang buhay!" pagkasabi noon ay umalis na si Gabriel at agad na nagtungo sa probinsya ni Debi. "Ate, may naghahanap sayo!" sigaw ng batang pinsan ni Debi. "Sino daw?" tanong ni Debi at lumabas ng bahay. Pagkakita ni Gabriel kay Debi, agad n'ya itong sinugod ng yakap. "A-anong ginagawa mo dito?" "Miss na miss na kita, Debi! Hindi na ako papayag na iwan mo pa ako. Umuwi na tayo!" "Ano bang sinasabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni Debi ng bigla na lamang s'yang halikan ni Gabriel. "Mahal na mahal kita, Debi. Sana noon ko pa nalaman para hindi na natin kinailangang maghiwalay." "Ikaw lang naman itong palaging sa malayo nakatingin, eh nasa tabi mo lang naman ako," may himig nang pagtatampong sabi ni Debi. "Kaya nga nandito ako eh, babawi ako sa mga panahon na sinayang ko at mamahalin kita habang buhay." Masayang masaya si Debi sa narinig mula kay Gabriel. Niyakap n'ya ito ng mahigpit at saka hinalikan. "Ngayong nandito ka na, hindi na kita pakakawalan pa." "At ganoon din ako." ?WAKAS? Thank you for reading. LoveLots.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD