Prologue

478 Words
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental Thanks.. __________ Prologue "I am what?" gulat kong tanong dahil hindi yata nag-sink in sa lutang kong utak ang sinabi nya.   "You're halfblooded vampire, little lady." ulit nya.   "Vampire? Iyong nilalang na may matatalas na pangil, makinis pero maputlang balat, mababang temperature ng katawan at umiinom ng dugo at may mahabang buhay?" muli kong tanong for confirmation. Aba, sa panahon ngayon, marami ng meaning ang tinatawag na vampire kaya kailangan kong makasiguro.   "Yes." walang gatol nyang sabi. "Idagdag mo na din ang malakas naming resistensya kaya hindi kami basta dinadapuan ng kahit anong sakit at ang mabilis na pag-regenerate ng balat namin kapag nasusugatan."   "Okay. Just like what you said, I am a vampire. Half-blood to be exact." Tumangu-tango ako. "Ibig sabihin, isa ka ding vampire?"   "I am a pure blood vampire. From the origin of the first vampire here in earth." aniya. "And everyone in this room is also a vampire."   Bumaling ako sa mga nakatayo sa likod ng lalaking ito at ipinakita nila ang mga pangil na ikinasimangot ko. "I don't need proof. Naniniwala ako dahil ang boss nyo mismo ang nagsabi." Inirapan ko sila tsaka bumaling sa lalaking ito. "Kung may dugo akong vampire, bakit nagkakasakit ako? At bakit hindi gumagaling itong sugat at pilay ko?"   "Mas nag-over power ang human blood mo kaya hindi nag-a-appear ang kakayahan mo bilang vampire." paliwanag nya. "At ang taging paraan para tuluyan kang gumaling ay baliktarin ang sitwasyon ng dugo mo."   Kumunot ang noo ko. "Kailangang ang vampire blood ko ang mag-over power? Eh paano iyon mangyayari? Sasalinan nyo ako ng dugo nyo?"   Umiling sya. "I will bite you."   Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Kakagatin mo ako? Bakit hindi mo sinabi agad?" Umiling-iling ako. "Ayoko. Kagat nga ng langgam, iniiyakap ko eh. Paano pa kaya kung ikaw ang kakagat." Pero natigilan ako nang maalala ang sinabi nila kanina kaya napabuntong hininga ako.   Kasalanan talaga ito ng babaeng iyon eh. Kung hindi kasi nya sinabi sa gagong lalaking iyon ang kundisyon ko ay wala ako sa sitwasyong ito.   "Fine. Pero dapat mabilis na kagat lang, huh."   "Ang bilis magbago ng isip mo, huh." sambit ng isa sa kasama nito.   "Duh. Nakalimutan mo ba iyong warning nyo kanina? Hindi na ako pwedeng mag-back out kapag nasimulan nyo na ang pagpapaliwanag." Inirapan ko uli sila. "Payag na ako sa plano nyo. Just explain everything to me. Maging ang mangyayaring pagbabago kapag nangyari na iyon."   Kung hindi lang dahil sa gagong iyon, hindi naman ako magpipilit pang mabuhay at ito lang ang tanging choice na mayroon sa ngayon para madugtungan ang buhay kong tinaningan na ng doctor.   Hay nako.   Being a half-blood vampire isn't bad, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD