Prologue

1079 Words
Sa kabila ng matagal kong pagtulog, nakikinita ko ang nakangiti at hinog na buwan, sumasayaw ang itim na kaulapan sa paligid nito habang nasa likuran ang mga nakamasid na tala sa kalangitan. Binalot ng dagim at mapuputing ulap ang buong Cairos kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Tahimik ang paligid habang naglalakbay paikot ang kamay ng orasan. Ilang minuto na lang ay magkukubli na ang harvest moon na nakahalik sa malaking kabundukan ng Cairos. Magsisimula na ang pagsikat ng sanguine o ang blood moon, ang unang bilog at hinog na buwan pagkatapos ng harvest moon. Naramdaman ko ang banayad na pagdapo ng mainit na sensasyon sa aking katawan. Tila unti-unti nitong ginigising ang ang lahat ng enerhiyang nahimlay sa napakahabang panahon. Isang malamig na boses ang gumising saakin. Naramdaman ko ang unang kabog ng aking puso na tila isang kuryenteng gumising sa mga hiblang nagkalat sa katawan ko. Nasundan iyon pagkatapos ng ilang segundo hanggang sa nadama ko ang pagdaloy ng dugo sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga mukha, alaala at tanawin sa aking balintataw. Tapos na ang hibernation period. Alam kong kaakibat ng paggising ko ang isang nakaantabay na panganib. Isang misyong kailangan kong harapin. Narito na ako sa panahong nakatakda at sana'y ito na ang huling beses na nanakawan ako ng pagkakataon at oras ng makapangyarihang tadhana. Sana'y ito na ang huli. Unti-unti kong naramdaman ang pag-usli ng mga buntot kong bumalot at nagsilbing pananggalang ko sa panahong ako'y nakahimlay. Nagulat ako nang hindi ko maiunat ng diretso ang aking mga binti at bisig sa kahang gawa sa ginintuang bunga ng palmyra. Halos hindi na ako magkasya sa tinulugan kong caveam o kaha. Anong nangyari sa katawan ko? Bakit parang lumaki ako ng husto? Masyado bang naging matagal ang pagtulog ko? "Gising na siya!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Si Amber iyon na sa tingin ko'y hinihintay ang paglabas ko mula sa kaha. "Miranda!" tawag saakin ng kapatid kong si Laurent. Nanabik akong muling makita ito kaya pinilit kong itulak ang takip ng ginintuang kaha kung saan ako naroon. Nanggigil ako nang hindi ko ito kaagad nabuksan. Nakarinig ako ng mga boses ng bata na parang walang pakialam sa nangyayari at abala sa paglalaro. Mga nasa edad lima o anim na taong gulang ang mga 'yon na sa tingin ko'y mga anak na ng A-Team. Sa wakas ay naitulak ko ang takip ng tinutulugan ko. Kumalat at nagsiliparan ang mga hibla ng bulak nang tangayin sila ng paikot na hangin dulot ng paglabas ng aking keep. Bumungad saakin ang sinag ng umagang araw na halos takpan ng mga berdeng dahon sa kagubatan. Natigilan ang lahat ng naroon dahil sa paglabas ko. Rumehistro sa paningin ko ang mga mukhang punong-puno ng galak. Si Laurent na katabi si Lara. Nakatago sa likuran ni laurent ang isang batang babae na parang kahapon ko lang nakasama sa pakikipaglaban, si Blaire. Nakakapit sa kamay ni Lara ang gwapong batang lalaki na marahil ay si Peorion. Nasa kanan nito sina Amber na may kargang sanggol na nabalot sa kulay asul na tela habang nakapatong sa balikat ni Silex ang isang batang babaeng may itim na buhok at binudburan ng palamuti sa ulo. Nasa kaliwang banda nina Lara sina Priam at Ophelia. Nakahawak sa kamay ng babae ang isang batang lalaki na tila nagtataka at nagtatanong kung sino ako. Malaki ang pagkakahawig nito sa mercenary chief kaya napagtanto ko kung ano ang mga nangyari habang tulog ako. Nakangiti naman si Alvis sa likuran ni Laurent habang karga-karga ang isang batang may matang sing-kislap ng diyamante. Katabi nila si Herina na may bitbit ng malaking basket na naglalaman ng mga prutas. Nasa loob din ng basket si Jolly na tila wala sa paggising ko ang atensyon dahil abala sa pagnguya ng carrots. Paaapak na ako sa lupa mula sa cavean nang biglang sumulpot mula sa kumpol ng mga dahon ang isang nagmamadaling lalaking may ginintuang roba at damit. Tila nahuli ito ng dating. Nagtama ang aming paningin. Wala itong pinagbago. Malamlam parin ang mga mata nitong napapalibutan ng makapal na pilik-mata. Magkasalubong ang makapal at maitim na kilay. Ang perpekto nitong ilong ay pawisan habang binabasa ang kulay dugong mga labi. Mas lalong nadepina ang panga nito nang magtiim siya ng bagang at tumitig saakin. Nagkatotoo nga ang gift of youth na ipinaubaya sa kanya ng time keeper. Walang nagbago sa kanya maliban sa kasuotan niyang punong-puno ng simbulo ng kaharian ng Cairos. "Sorry I'm late!" Paumanhin nito saka ako ginawaran ng ngiti at kinawayan na tila matagal na akong hinihintay. Tumalon si Jolly mula sa buslo nang mapansin ang pagtitig ko kay Cael. Pumatong ito sa balikat ng lalaki na humakbang saakin palapit. Nagliwanag ang mga mata nitong kulay ube na tila nakahanap ng sagot sa katanungang matagal nang bumabagabag sa lahat. "Cael! W-wala sa karatig isla o sa karatig bansa ang kasagutan! Wala sa mga lugar na pinuntahan natin ang hinahanap niyong reyna na magiging katuwang mo sa pagpapanatili sa katahimikan ng Cairos! N-nandito lang siya! Gising na ang magiging reyna mo!" Natigilan ako sa narinig. Wait. What? Ako? Ang reyna ng Cairos? Ang magiging asawa ng Cael na 'to na ayaw tumanda? "Jujuwag kang magbilo sha ba-bagong gishing J-Jolly!" nabubulol pang sambit ng batang karga-karga ni Silex. Tumawa ang anak nina Ophelia at Priam pati na rin si Peorion na kaagad inawat ng masungit paring mercenary chief. "I am sure! Si Miranda ang itinakda ng mga tala upang maging reyna ng Cairos! Nakikita ko mula sa mga mata ninyong lahat ang mangyayari!" Jolly's voice echoed all over the forest. Wala ni isa sa A-Team ang umimik. Nakangisi si Cael na parang wala ring pagtutol sa sinasabi ng kulay ubeng pusa. Lahat ay nakatingin saakin na tila hinihintay ang sasabihin ko. Tumututol ang utak ko. Ang nasa isip ko lang noong tulog ako ay sa oras na magising ako'y kakain ako ng mainit na mushroom soup habang ngumunguya ng malambot at mainit na tinapay! Wala pa sa isip ko ang ikasal! Natulog ako pero paggising ko ikakasal na ako? Naputol ang pagtatalo ng mga ugat sa aking utak nang marinig ko ang boses ni Amber sa aking utak. Jolly saw chaos Miranda. Marrying Cael is the only option to keep the both of you alive. The union will keep Cairos safe. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Amber. Nakatitig din ito saakin -seryoso at may bahid ng takot at pangamba ang kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD