TBW SERIES6: ONE

426 Words
Magiliw na dinidiligan niya ang kanya mga alagang rosas. May pagkakataon pa nga kinakausap niya ang mga ito. Sabi kasi nila kapag daw kinausap mo ang mga bulaklak maganda daw ang magiging tubo nila. Ewan lang niya pero nakasanayan na rin niya gawin iyun. Malawak ang taniman niya ng mga rosas sa iba't-ibang kulay ang bawat hanay ng mga ito. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga rosas naisipan niya gamitin ang mga ito sa paggawa ng inumin at pagkain. Nagtagumpay naman siya sa pag-iimbento. Nakilala na ang Rose Wine niya ng ibang tao dahiL may isa siya regular na nirarasyunan ng alak. Ang kaibigan raw ng Kuya Dave at Kuya Tyron niya. "Oh mga kaibigan,may maganda akong balita sa inyo!" kausap niya sa mga ito. "Malapit na magbukas ang G's winery company!" Sa tulong ng kanya Kuya Dave mas mapapadali na ang pagpoproseso niya sa paggawa ng alak dahiL sa mga makabagong teknolohiya. May mga prospective client na rin siya na maaari niya suplayan ng alak. Excited na siya roon. Magiging abala na rin siya dahiL ngayon may kanya-kanya ng partners ang mga Ate niya nag-iisa na siya sa bahay pero hindi naman siya kinakalimutan ng mga ito bisitahin at madalas naman nasa siyudad bumibisita sa kambal. May pagkakataon na naiinip siya lalo na at mag-isa na lang siya ngayon sa Sagradong-gubat. Kaya minsan naaattempt siya gamitin ang pinakakatago-tago niya kakayahan. Hindi naman niya ginagamit iyun dahiL hindi naman kailangan. Pero minsan naiisipan niya gamitin since wala naman mawawala kung gawin saka siya lang ang may kakayahan niyun,ang makapagteleport sa ibang lugar na hindi kinakailangan gumamit ng sasakyan. Ngunit kinakabahan siya baka maligaw lamang siya lalo pa nga't hindi praktisado ang kakayahan niya iyun. Bumalik na siya ng kabahayan matapos niya madiligan ang mga alagang rosas. Gaya ng dati,tahimik ang buong kabahayan. She sighed. Wala siya pagtatampo o sama ng loob na iniwan na siya ng mga kapatid niya dahiL pinili ng mga ito manirahan sa mundo ng mga tao kapiling ang kani-kanila mga mate. Paano kaya kung mag-isip siya ng lugar na Pwede niya puntahan ng sa ganun eh,malibang siya habang tinatapos pa ang construction ng winery niya. Napangiti siya sa excitement. Tama! Nagmamadali hinanap niya ang isang travel magazine kung saan may mga magaganda pasyalan na nakafeature roon. Marami maganda lugar pero sa tingin niya baka hindi niya kayanin umabot. Lalo pa nga hindi naman niya ginagamit. Hindi,alam niya kaya niya,hindi siya isang Stonex kung mahina siya. Lumakas bigla ang loob niya. May napili na siya lugar. Pero bago yun kailangan muna niya paghandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD