Kabanata 1
Sa wakas at nakauwi na rin.
Nakahinga ng maluwag si Blair nang pumasok siya sa pinto. Nitong mga nakaraang araw kasi,
hindi niya maintindihan ang kaniyang boss na si Roman. Utos dito, utos doon. Halos wala silang
naging pahinga! Mabuti na lamang at nakauwi siya ng mas maaga ng isang araw. Iyon na siguro
ang pinakamagandang nangyari sa linggong ito.
Sa totoo niyan, akala niyang balik-opisina sila agad. Ngunit nang ihatid siya nito, binigyan siya ni
Roman ng natitirang oras sa hapon para makapagpahinga. Posibleng napansin nito na pareho
silang pagod. Sino ba namang hindi mapapagod? Nitong nagdaang araw, waring naglalakad sa
manipis na yelo si Blair kapag kasama ang boss. Napansin din niyang mabilis uminit ang ulo nito,
mapang-asar at mapangmata pa.
Kanina nga, habang bumababa si Blair ng kotse, halos itaas niya ang gitnang daliri. Kung hindi
lang niya naisip na baka mahuli siya sa rear-view mirror, baka nagawa na niya ito.
Magandang lalaki ang kaniyang boss na si Roman. Pero kung ano ang kinagwapo ng mukha nito
ay siya namang ikinasama ng ugali. Sa kabilang banda, alam na alam ni Roman kung paano
gamitin ang itsura para manipulahin ang mga tao sa paligid niya. At karamihan ay madaling
mabiktima.
Kahit ganoon, tanggap ni Blair na maraming magagandang benepisyo ang Kingston Company.
Mayroong medical, dental at childcare sa mismong gusali ng kompanya. Kaya naman kahit
naiinis sa boss, nagtitiis si Blair sa trabaho.
Bitbit ang maleta, napapabuntong hininga si Blair papasok sa townhouse – ang bahay na
tinitirhan niya, ng pinsan niya na si Laura, at ng fiancé niyang si Dan.
Blair looked at her watch. Mayroon pang natitirang oras bago umuwi ang nobyo! Sopresahin
kaya niya ito ng masarap na hapunan?
Isa pa, maaaring wala rin ang pinsan niyang si Laura. Laura is a model. Hindi man sikat pero
kabog parin sa ganda at hubog ng pangangatawan. Marunong manamit, palaging mabango at
maayos ang postura. Ngunit kabaligtaran naman si Blair. Mas pipiliin pa niyang magbabad ng
libro kaysa ubusin ang oras sa pag-aayos.
Iniwan ni Blair ang handbag at maleta sa paanan ng hagdan at masayang lalakad patungo ng
kusina. Subalit nakakaisang hakbang pa lamang siya ay napahinto na ito sa mahina ngunit
malinaw na ingay mula sa itaas.
Halos napako ang kaniyang mga paa sa sahig bago tumigin sa direksyon kung saan nanggaling
ang ingay.
Inaasahan niya na walang tao sa bahay!
‘Baka si Laura lang. Maaga siguro siyang umuwi,’ ang naisip ni Blair sa sarili.
Pero, paano kung hindi?
Nang mapatingin sa paligid, nakita nito ang baseball bat ng yumaong ama na palagi niyang
inilalagay sa tabi ng pinto. Dali-dali niyang hinablot ang baseball bat at marahang nagtungo
papataas ng hagdanan.
Habang maingat na naglalakad, nanalangin siya na, “Please, sana si Laura lang ‘to.”
Sa wakas ay nakarating siya sa ikalawang palapag ng bahay. Napansin niya na sa pasilyo, tanging
ang pinto ng kwarto nila ni Dan ay bahagyang nakabukas.
Makaisang hakbang papalapit, napahinto si Blair nang marinig ang nakakapanindig balahibong
tawa ni Laura. Malambing ito at nakakaakit. Kasunod ng halakhak ay ang mababang ungol ng
isang lalaki.
Parang may malamig na tubig na dumaloy sa ugat ni Blair. Gayumpaman, gusto niyang isipin na
baka may dinalang lalaki lamang ang pinsan sa bahay.
Pero bakit sa kwarto nila ni Dan? Dahil ba sa sobrang kalasingan?
Iniling ni Blair ang ulo.
‘No. That’s impossible.’
Aatras na sana siya nang marinig niya ang boses ng lalaki.
“God… yes…”
Blair stood still.
“Ang hot mo talaga Laura.”
At doon na siya natigilan.
Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Ito ay walang iba kung hindi
ang kaniyang pinakamamahal na nobyo – si DAN!
At ngayon, sa mismong kwarto nila ay naroroon si Dan at ang pinsan si Laura.
Nanlalamig ang mga palad, dahan-dahang lumapit si Blair sa pinto. Isang hakbang pa at
mararamdaman na niya ang init na nagmumula sa loob ng kwarto! Itinulak niya nang bahagya
ang pinto… at nang makita ang laman nito, muntik na niyang makalimutang huminga!
Kitang-kita niya ang nobyo sa higaan; walang saplot habang nakasaklang naman sa kaniya ang
hubo’t hubad na si Laura. Napanood ni Blair kung paano dumausdos ang balakang ni Laura.
Bawat galaw ay mabagal pero madiin, habang nakapikit ito at kagat ang labi.
Samantalang nakabaon naman ang mga kamay ni Dan sa balakang nito, waring ginagabayan
ang bawat indayog.
“Oh… yes… f**k me harder…” ungol ni Laura.
Itinaas ni Blair ang isang kamay sa bibig para pigilan ang sariling mapasigaw. Hindi… hindi…
hindi…!
Lalo naman humigpit ang hawak ni Dan kay Laura, waring nais pasukin at tikman ang bawat
anggulo sa kaloob-looban ni Laura.
Bawat pagpasok at paglabas, parang nabibilaukan si Blair ng sariling hininga.
Hindi niya inaakalang aakitin at ikakama ni Laura ang lalaking nakatakda na sana niyang
pakasalan!
Bakit?
Paano?
Bakit nagawa ni Laura ang bagay na ito yamang alam niya kung gaano kasakit ang
mapagtaksilan?!
Pareho nilang nasaksihan kung paano paulit-ulit na niloko ng ama ni Laura—si Peter—ang ina
nito. At noong naulila si Blair matapos ang plane crash sampung taon na ang nakalipas, sa
pamilya nina Laura siya tumira.
Kung may isang tao na makakaintindi sa sakit ng pagtataksil… akala ni Blair, si Laura ‘yon.
‘Bangungot lang ‘to…Tama. Isang… masamang panaginip!’
Pinisil niya nang madiin ang sarili—at nang sumakit agad, alam niyang hindi siya nananaginip.
Noon pa man, galit si Dan kay Laura. Tinawag niya itong malandi, nilait ang mga damit at sinabi
pang mababaw at walang kakayahan para sa totoong usapan.
Puro kasinungalingan lang ba ang mga iyon?
O baka nagseselos lang siya sa mga lalaking dumadaan sa buhay ni Laura?
Isang bagay lang ang sigurado—hindi kailanman tatanggapin ni Paula, ina ni Dan, si Laura bilang
asawa para sa anak niya.
Pero ngayon, wala na itong saysay.
Ano’ng gagawin niya ngayon? Paano niya haharapin ang pangyayari?
Pakiramdam niya ay nasa eksena siya ng mumurahin at nakakadiring pelikula.
Isa ang tiyak – hindi siya puwedeng magkunwari na walang nakita. Ayaw na niya kay Dan. Paano
niya mamahalin ang lalaking ito matapos ng lahat ng kaniyang nakita?
Labis na pandidiri na lamang ang nararamdaman niya para rito. Isang tanong na lamang ang
nabuo sa isipan ni Blair.
‘Kailan pa?’
Limang buwan na silang magkakasama sa bahay. Lumipat si Dan para makatipid bago ang kasal.
Ibig bang sabihin, ikinakama na ni Dan si Laura mula pa noong una?
“You are so tight, Laura,” nanginginig na ungol ni Dan.
“Is my p***y better than Blair? Huh.. Dan?” hingal ni Laura sabay bilis ng pag-indayog.
Parang binagsakan ng langit at lupa si Blair.
Sinadya ba ni Laura na sabihin iyon para marinig niya?
Sa pagnanais na maitago ang pagnanais na sumigaw ay mahigpit na kinagat ni Blair ang kamay.
Nanlilisik ang kaniyang mata habang tinitignan ang nobyo na lango sa pagnanasa.
Ibinigay niya ang p********e kay Dan kahit pa na napakahalaga nito sa kaniya. At ngayon, ito
ang isusukli ni Dan?!
May plano pa sana siyang sorpresahin ang nobyo. Subalit mukhang siya pala ang nasopresa.
Nanlalamig ang sikmura, napaabot ang kaniyang isang kamay sa hamba ng pinto para hindi
matumba. Doon niya naalala ang baseball bat na kaniyang bitbit. Sa isang iglap, naisip niyang
gamitin ito: wasakin ang kama, ang mga gamit at pati na ang dalawa.
Ngunit hindi siya ganitong tao.
Kaya naman, ipinatong ni Blair ang baseball bat sa hamba. Huminga siya nang malalim. Itinuwid
ang likod at saka nagpakawala ng malamig na boses.
“Habang tinatapos n’yo ‘yan… gusto n’yo bang ipagluto ko pa kayo ng hapunan?”