Chapter 1
Babala:⚠️ read at your own risk dahil ang mga pangyayari dito ay mga bagay na Hindi talaga nangyayari sa totoong buhay at ang lahat nang iyong mababasa ay maraming brutal na pagpatay ,rape, mga kidnapping, mga pagpaparusa at iba na hindi ka aya aya at ang mga lugar, tauhan, at pangyayari ay pawang imahinasiyon lamang ng author
Plagiarism is crime
⚠️Title:Dangerous Woman
Author Demin K
“Hello this is k2 do you hear me?” sabi ko sa wireless earphone na suot ko. Naghintay ako ng ilang minuto upang madinig ang kanilang sagot habang nasa harap ng office ng target ko para makuha ang private file ngunit lumipas na ang ilang minuto wala parin akong narinig na sagot hanggang nakita ko na lumabas si Mr. miller sa kaniyang office para umuwi na, bago pa sumara ang pinto hinagis ko ang phone na hawak hawak ko upang hindi ito mag lock and then viola perfect napigilan ko at habang wala pang guard na lumilibot mabilis akong pumasok sa office ni Mr. Miller.
Pagkapasok ko ay agad akong pumunta sa computer niya at nag encode ng Ilang minute at boom nabuksan ko na ang computer niya at pagsunod ko naman hinanap ang mga private file niya at di na ako nahirapan pa at nakita ko agad ito, katulad ng front niya ay may lock ito at hindi lang iisa ang folder na meron dito kundi lahat ng folder ay meron pero dahil sa galing ko sa hacking sisiw na sisiw lang ito. Sinimulan ko na ang pagtype type ng kung ano-ano mga code then boom nabuksan ko na ang mga folder ng pashneyang toh.
After kong mabuksan ay I dinownload ko na ito sa usb na dala dala ko at ng madownload ko na lahat ay hinugot ko na ito at sabay sibat na ng walang nakaka alam na may nang galling sa loob.
“hello k2” tawag mula sa earphone ko.
“f**k bakit ngayon mo lang ako sinagot kanina pa kita hinihintay eh “sagot ko
“sorry tangina kasi may nakakita sakin at hinabol ako but inga hindi sila nagpaputok”
“What!!”
“f**k!! hinaan mo naman bosses mo”
“sinisigawan mo ba ko pashneya ka ahh”
“Ay hehehe sorry na hinaan mo po bosses mo pls. sakit kasi sa tenga eh naka tapat”
“So nahuli ka ba “
“ Ayy nahuli ako kaya nakakatawag ako sayo”
“Wag moko pinopolosopo ahh baka gusto mong ilubog kita sa kinatatayuan mo”
“Hehehe joke lang eto nmn oh dina mabiro”
“By the way nakuha ko na yung file kaya halika na baka pa ko maiinis at mabira kita”
“Sige sige go, magkita nalang tayo sa HQ”
“go”
HABANG papunta ako sa HQ ay may nadaanan akong abandonadong building sisilip na sana ako ng biglang may sumulupot sa harap ko bigla, isang lalaki na may katangkaran din nmn, asul ang mga mata niya na itim ang buhok at maputi rin ito hindi matatanggi ang angking ka kgwapohan nito kahit na may bangas ang mukha nito.
Kasunod niya ang mga lalaking balot na balot na itim na tela na kung hindi ako magkakamali ay mga ninja ito. Sabay sabay nilang sinugod ang lalaki pero di ko alam ang dahilan at kung bakit ko siya tinulungan, imbis na hindi ako mapapalaban, napalaban tuloy dahil kay cutie boy
.
“sipa doon suntok sa kanan, suntok sa kaliwa, iwas dito, iwas doon yan ang ginagawa ko pero ni isa sa kanila walang nakatama sakin , halata din ang pagkaprofessional nila pati na si cutie boy kaso wala pa yan sa kalahati ng lakas ko boy kaya sorry nalang sila.
Nabanas na ko kaya tinapos ko na silang lahat may tatakas sanang dalawa kaso binato ko ng patalim ng isa sa mga kasama nila kaya ayun patay as in tegi ganern meron pang isa na kanina pa nakamasid lang pero pinabayaan kona kasi tinatamad nako.
“Salamat” sabi sakin ni cutie boy, pero tumango lang bilang sagot natamad nako magsalita eh tumalikod na ko sa kaniya “ahhmm” may itatanong pa ata siya pero sumampa nako sa motor bike ko tapos sabay kaway sa kaniya habang nakatalikod ako, at tsaka ko na pinaandar ng mabilis. Siya na bahala maglinis nun tutal siya naman hinahabol ng mga yun eh. Nakarating na ko sa HQ at iniabot na ang files kay commander at saka na ko umalis naabutan ko pa si kumag sa labas “oh ang tagal mo ata nakarating” tanong niya. “may nakalaban pa kasi ako” sagot ko. “what! Wag mo sabihin nasundan kanila, pero wait wala nman naka alam na ng galing ka don ah”
“ hindi naman ako pakay nila nakisawsaw lang ako ako kasi na bored lalo na wala namn akong nakalaban sa mission natin” pagpapaliwanag ko sa kaniya “ ahh! Akala ko nasundan ka ehh” sabi naman niya. “ Oh siya uuwi na ko may pasok pako”
“ eh! Seryoso ka pala sa school na yun”
“ oo dahil yari ako sa kanila panigurado, hindi pa naman nila alam tungkol dito”
Tama hindi alam ng family ko ang tungkol sa work kong ito, hindi ko sinabi dahil alam kong tututol sila overprotective pa naman sila.
“ kung sa bagay, sige kita nalang tayo sa next mission natin” saad niya
“yeah,yeah” hindi ko ugaling magtiwala sa kahit kanino pero never din akong sumira ng tiwala ng iba, yeah alam ko nasa isip niyo na hindi alam ng family ko ang tungkol sa work ko pero alam ko na kapag nasa apartment ako meron nakamasid sakin mula paglabas at pag pasok ko pero d nila alam na nakakatakas ako hindi man nila alam ang work ko pero palagi ko naman sinisugurado ang kaligtasan ko dahil yun lang naman ang gusto ng mga family ko ang safety ko kaya masasabi ko na rin hindi ko sinisira ang tiwala nila. NANG maka uwi ako galing sa mission gamit ang motor bike ko ay bumalik nako sa unit ko ng hindi na mamalayan ng mga bantay ko.
KINAbukasan pumasok ako sa school ng naglalakad lang dahil ayaw kong gamitin yung kotseng bigay ni papa at baka may mga peste na nmn lumapit sakin dahil don at suot ko ang uniform ng Alexander Shinozaki Lim school, na may leggings na suot tapos naka messy bun ang buhok at may salamin din ako na makapal pero wala itong grado ganon din ang contact lens ko kasi ayoko malaman ng iba ang kulay ng mga mata ko, kung tatanungin niyo kung bakit wala lang trip ko lang pake niyo hahahah! Charot lang baka magalit naman kayo at yun nan ga ang style ko nag ala nerd. Para naman makita ko kung gaano karami sila, kung tatanungin niyo kung sino, sino paba edi yung mga bully dito, karamihan, ah hindi halos lahat ng nag aaral dito mga spoil brat at yung iilan ay mga scholar lang tulad ko gusto nga nila mama na I enrol ako na gamit ang salapi nila pero hindi ako pumayag,ayaw ko dahil gusto ko pumasok ako dito ng walang bayad hehehe kuripot kasi ako pero sa pagkain wag ka kahit billion payan okey lang matikman ko lang. Ah! Hindi pa pala ako nakakapag pakilala ako ng apala si ay sa next chapter nalang pwede sige na sa next nalang baka d niyo na basahin yung next ehh babush
Inyong author demin K