chapter one
Kristine's pov
Hi guys ako nga pala si Kristine Lagonera Dela Cruz Ang pinaka -pinaka magandang diyosa sa balat ng lupa,hangin,tubig at apoy hahahha charis lang mga besh so I am 25 years old,at nakatira sa star city ,012 calif subdivision . Tot tot toooot tututot heheheheh budots yarn
Well meron akong tatlong kapatid si kuya Ken yung gwapo,matalino,at masipag bonus pa gentleman yan guys. Pangalawa naman si kuya Migs siya yung matatawag mong workaholic yeah bakit kasi wala na ata ginawa yan kung hindi mag work ng mag work sipag yarn hahaha !sana all na lang ! well mabait,at gwapo yan at yung pangatlo naman si kuya panget este kuya Alex siya yung nakaka bwusit kong kapatid na walang ginawa kung hindi bwisitin ako kaasar y pashnea talaga , pero minsan mabait naman pero minsan lang alam niyo kapag magkasama kami palaging may war sa bahay yung mala Zoro at Sanji o kaya magelan at lapu lapu syempre di niyo pa alam kaya ko nga sinabi pero ngayon alam niyo na hahahhaha!happy yarn.
So dito na magsisimula ang paghihirap ni maria Kristina hahahah drama yarn sorry sorry mag start na talaga ako.
Well nag start yan nung panahon pa ni mga bayani charis hahahhah.
Start nako talaga well nagsimula lahat yan 7 years ago........
(7 years ago)
"Goooooood morning sunshine'. bati ko sa sarili.
Bumangon na ako naghilamos at nag ayos na ako ng kama pagkatapos non ay bumaba na ako.
"Goood morning pops!. Pagbati ko kay papa.
"Good morning din sweetheart! masaya ata umaga mo?bati ni papa na may halong tanong.
"Dalawang araw na lang po kasi papasok na ako sa bagong kong school'. Masiglang
sagot ko.
"Tsk! yun lang masaya kana babaw.
"Paki mo ba hmp!. Mataray kong sagot.
"Oh! Magsisimula na naman kayo. Pagputol sa amin ni papa.
"Sweetheart,gisingin mo na pala kuya ken mo para makasabay na'. Pagtuloy ni
papa
"Opo,ma. sagot ko.
Tok tok tok " kuya, kuya'. Pagtawag ko
kay ay kuya.
Ilang segundo ang lumipas hindi parin
nagbubukas ang pinto kaya kumatok ako ulit pagkatapos ay pumasok na ako.
"Kuya ,kuya ken,.....kuya ken gising na '. Malumanay kong pang gigising ko kay kuya.
Inalog ko siya ng konti tapos yun nagising na bumangon na siya .
"Good morning baby!. Bati sakin ni kuya sabay hinalikan niya ako sa pisngi na may kasamang kurot.
"Aray, kuya naman eh. Pagmamaktol ko.
"Hehehe cute mo kasi' asar ni kuya
"Matagal na pero hindi lang ako cute maganda rin hhihihehhe. Pagmamayabang ko.
"Oh,Sige na baba na ako. Sabi niya.
Nagpaalam na ako at bumaba na.
"Ginising mo na ba ? Tanong ni papa.
"Opo baba na raw po. Sagot ko.
Mga ilang sandali lang nan dito na si kuya at umupo na ito sa tabi ko.
"Pops!Aalis nga po pala ako mamaya, bibili lang po ako ng kulang ko sa school. Paalam ko kay papa.
"Sige,Basta sweetheart mag-iingat ka.sagot ni papa.
"Okey po.
"At huwag kang gagabihin ha dahil mahirap na at bilhan mo rin pala ako ng pang- ahit. Aniya ni papa
"Yes pops!. Masiglang sagot ko.
"Sasama ako may bibilhin din ako at para mabantayan din kita'. Singit ni kuya
"Kuya malaki na ako di na ako baby'. malungkot kong sambit.
"Pero babae ka pa din'. Pagpupumilit niya.
"Oo nga! Nakakapag lakad naman na yan kaya di mo na kailngan samahan yan . Pagpuputol ni kuya panget.
"Alam ko nakakapaglakad ako di tulad mo na hindi marunong maglakad ng diretso.pang -aasar ko sa kanya.
"Ako di marunong mag lakad ng diretso baka ikaw parehas kaliwa ang paa. pang-aasar niya din.
"Ha! Magaling nga akong sumayaw pa ang parehas kaliwa,Ikaw ata yun. Pang iinis ko
"Magsitigil na nga kayo nasa hapag kainan tayo at kaharap niyo si papa,ikaw Alex mas matanda ka ikaw pa itong nag sisimula. Galit na pagsusuway samin ni kuya.
"Sorry ? kuya '. Paghingi ng tawad ni kuya Alex.
"Sorry din po kuya, sorry din po pops !?. Pagsosorry kay kuya at papa.
"Oh!Siya tamanayan bilisan niyo nalng diyan kumain para maaga kayong maka -alis at maaga rin kayong umuwi, sweetheart . Malumanay na sabi ni papa.
Sweetheart isama mo na si kuya mo para maka sigurado ako na walang mangyayari sayo okay. Pagpapatuloy ni papa.
"Okey po' .sagot ko
Kumain na kami at pagkatapos ay iniligpit ko na ang mesa at si yaya na ang maghuhugas tamad ako maghugas eh hahaha sana all na lang masipag no.
Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo na.
"Ay ! naiwan pala yung damit ko. Sabi ko sa sarili.
Nagtapis ako ng twalya na manipis lang kaya kaya medyo bakat yung dibdib ko Yung makapal kasi nasa drawer pa kasi nakalimutan ko palagi kasing may naka sabit doon kaso kakakuha lang ata ni manang ng labahin kong twalya sa banyo kaya yung manipis nalang ang natira. Nag tapis na nga Ako pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo kaso bumangad sakin ang mukha ng panget nato binato ko siya nang suklay na nadampot ko lang sa gilid hanggang sa lumabas siya sempre manipis lang yung twalya ko at kahit kuya ko siya lalaki parin siya kainis talaga tong pangit na to pumapasok ng walang permiso arghh kaasar talaga sa sasusunod i lock ko na ang pinto ayaw kasi ni kuya ken na naglalock ako pag naliligo o kung hindi naman kapag wala naman akong kasama sa kwarto kasi ayaw niyang mangyari ulit yon basta masakit din kapag naa ala-ala ko ang nangyari.
Tapos yon pagkalabas ko nan doon Siya sa harap ng pinto ko naka puppy eyes habang nagsosorry hindi niya daw sinasadya.
Alex's pov
Tok tok tok hoy pandak ! Sigaw ko habang kumatok TOK TOK TOK TOK TOK TOK HOY! PANdak mas lumalakas ang katok ko dahil hindi siya sumasagot kaya walang sabe-sabe pumasok na ako at wala siya don kaya tiningnan ko sa balcony wala din siya pati sa dressing room niya at nung balak ko ng buksan yung cr bilga itong bumukas at nakita ko siya na naka twalya lang manipis pa at nagulat ako ng batohin niya ako ng suklay ng hindi ko namamalayan hanggang sa tumama na ito sa mukha ko. Tinamaan ako pero hindi naman ganon kasakit kaya natauhan ako nang sunod -sunod niyang ibato yung iba pa, madami kasing suklay yan ewan ko ba mag papatayo ata ng tindihan ng suklay nasa dalawangpu ata yun o mas madami pa.
Binato niyo at tumakbo na ako papalabas baka kasi iba na mabato non eh.
Makalipas ang ilang minuto lumabas na siya hinarangan ko ito at humingi ng sorry hays kasalan ko din eh alam ko namang sound proof yung banyo an tanga ko pa hindi ko naalala kaya yun humingi ako ng sorry at pinatawad niya mabait naman to si pandak nakakatakot lang kapag nagalit nagiging dragon hehe pero inaasar ko pa din bakit kasi hindi naman madaling magalit yun eh madali lang mainiis.
Bumaba na kami parehas at nan doon na si kuya ken siya yung may kasalanan eh siya nag-utos na ako na ang tumawag kay pandak sasama na din kasi ako may bibilhin kasi ako na laptop ? para sa school kasi nasira na yung luma ko bumigay five years na rin naman yon sa akin.
"Kuya ,halika na okay na kami ni pandak. Pag anyaya ko sa kanya.
Lumabas na kami habang hinihintay si kuya na mailabas yung kotse sa garahe nang mailabas na niya sumakay na ako katabi ni kuya na nasa driver seat at si pandak naman ay nasa likod mag- isa.
"Kuya !. Tawag ni pandak kay kuya
"Bakit may kailangan ka ba baby?tanong ni kuya
"Pwede ba tayong kumain sa JJr?tanong niya
"Ano gutom ka na naman may sawa ba diyan sa tiyan mo!?. Tanong ko
"Wala anaconda lang hahahahahhaha'.biro Niya
Hays!Hindi na ako tumutol kasi guilty parin ako.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa JJr masarap ang pagkain nila karamihan dito ay puro burger merong beef,pork, chicken at seafood na palaman sulit for 99 pesos.
Natapos na kami kumain nagpahinga muna kami at pagkatapos ay umalis na kami tuloy na naman ang byahe namin. . . . . . . . . . . . .
Makalipas ang oras ay nakarating kami mega mall bumaba kami sa harap at inikot ni kuya ang kotse papunta sa garahe inantay namin siya sa mang chik sa second floor ng mall.
"Kuya ken,kuya panget !punta muna tayo sa arcade kuya may bago silang games yung SS . Tawag niya sa amin .
Siraulo talaga pag kay kuya,kuya ken pag sakin kuya panget well enjoy ko naman kasi kahit may pang asar ang pagtawag niya at lagi kami nag-aaway hindi niya parin kinakalimutan galangin ako. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya pero parehas na kami ng grade kasi matalino siya kaya nag skip na siya ng grade 9 grade 10 na siya kaagad kaya parehas na kami ng grade ngayon 11.
"Sige Sige ,kung saan ka masaya. Sabi ko
"Yehey!! let's go na .masiglang an yaya niya.
Nakarating na kami sa arcade.
"Dito,dito oh. Yaya niya sa amin habang hila hila niya ang kamay namin.
"Sandali,gusto mo maputol yung kamay ko. Sambit ko sa kanya.
Kung makahila naman toh parang batang sabik na sabik sa games.
Kung sa bagay adik pala toh adik sa games at sa mga computer na baril barilan sa kanya ko ata nakuha yung pagiging adik ko sa computer eh hays hayaan na nga lang natin baka mainis na naman yan.
Someone 's POV
Nan dito kami ng mga kaibigan ko sa arcade ako naglalaro ng SS pagkatapos yung mga kaibigan ko naman ay doon sa basketball sempre alam niyo na kung bakit para mang- akit ng girls na kunware tuturuan lang pero bukas o sasusunod na araw babae na nila yan hays sana may magturo sa kanila lalo na don sa isa.
"Um, excuse me . Pagtawag sakin ng isang babae
"Is there something I can do for you. Tanong ko sa kanya .
Hahah d ko alam bakit ba ako nag english siguro nasanay na ako sa country e kasi laging english ang ginagamit nila.
"Um,can you speak tagalog'.tanong niya sa akin.
"Oh!sorry my bad nasanay lang ako pero nagtatagalog talaga ako.sagot ko
"Ahhhh ganon po ba,um pwede po ba namin kayong maglaro kulang po kasi kami ng isa ?
"Anong laro ba yon?
"SS po pwede?
"Sure!.
"Yes oh ayan kuya ha kayong dalawa tapos kaming dalawa gets?
"Oo na oo na .sagot ng tinawag niyang kuya.
Di ko alam kung marunong bato kasi babae siya pagnatalo ako dito baba rango ko pero okey lang ang sigla niya ang cute.
"Okey ready ... set .. go!.
Nagsimula na kami unang una palang sumugod na siya na kakagulat kasi ang bilis niya ang galing pa niyang tumira headshot pa yung iba tapos yung galaw niya pang sniper talaga hah ngayon lang ako nakita ng babaeng naglalaro nito na masgaling pa sa akin baka nga pati yung isa kaya niya rin siguro o hindi magtatie sila Ang lupit niya.
Ayan na matatamaan siya BOOM natamaan ata siya hindi yung kalaban ang natumba Ang lupit nagawa niya yung CT kung magtatanong kayo kung ano yun, yun yung change target yan yung kapag ang kalaban mo ay umatake sayo gagamitin mo yon para imbes na ikaw ang tamaan yung tumira ang tatanggap ng damage. Malapit na kaming matapos ang galing talaga niya hindi alam kung nakakabasa ba siya ng isip kasi halos lahat ng moved nang kalaban nalalaman niya at alam niya kung kailangan ko ng tulong at kung ano yon grabe bilib na talaga ako sa kanya.
"Headshot,double kill! Your dead
Natapos na kami tumaas ako grabe di lang kami nanalo tumaas pa ang rango ko.
"Ang galing ng laban,mister ang galing niyo po kanina. Masigla niyang Sabi
"Sus!di lang ako nagseryoso eh kasi alam kong iiyak ka eh. Pang- aasar ng lalaking katabi niya.
"Wee!patay ka nga lagi wag nga ako iba nalng hays hina kasi. Pang- aasar niya din
"Ah!halika na kuya anong oras na pala magsasara na yung bookstore. Anya niya.
"Halika na,Alex kunin mo na yung gamit.pag -uutos ng kuya niya.
Nagmamadali silang umalis at hindi ko na tuloy naitanong yung pangalan niya hays sayang sana magkita kami ulit.
"Bro !halika na.pagyaya sakin ng kaibigan ko.
Inintay namin yung kaibigan pa namin na matapos at sa ka na kami umalis umuwi na kami kasi maghahanda pa ako sa pagpasok sa lunes at gabi na rin nagpa alam kasi ako kay mama na hindi ako gagabihin sobra kasi mag alala yun lalo kapag hindi ka dumating sa oras kung ano pina alam mo.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa garahe kung saan naka park yung kotse ng kaibigan ko .
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako sa bahay at umalis na rin yung kaibigan ko.
Kristine's POV
"Salamat po ma'am balik po kayo. Pag papasalamat sakin ng tindera.
Ng makabili na ako ng libro para sa advance learning ko at bumili rin ako ng favorite kong novel yung "once in a lifetime " love story yun kaya yan kikiligin na naman ako sa pagbabasa sigurado yan sana all na lang my love life no hays pano naman kasi ako magkaka love life eh may magbigay lang ng love letter sa akin ay agad namang tinatapon ng mga kuya kapag may ka chat naman ako palaging nabubura pano bina block nila ang account ko para wala ng maka pag message sa akin kaasar over protective kasi mga kuya eh alam niyo na hirap talagang ipananganak ka na isang dyosa charis hahahahahha. So sana ,sana mahanap ko si prince charming ko sa bago kong school kaso mukhang malabo kasi doon din nag-aaral si kuya panget hays sana wag siyang umepal kahit ngayon lang.
So nakabili na ako tapos na rin si kuya panget naka bili ng loptop nasira kasi yung loptop yan kasi games ng games tapos ang damot pa yan karma yarn hahaha charis, pinapahiram naman ako nun kaso nasosobrahan ako kaya yun di na ako ulit pinahiram hahah.
Makalipas ang ilang minuto nasa harap na si kuya galing sa garahe,sumakay na kami at umuwi na saglit lang ang byahe dahil walang traffic ang swerte namin kasi pag mga ganitong oras traffic sa kalsada.
"Pops!naka na po Ang maganda niyong anak! Sigaw ko ng makapasok na kami.
Nagmano ako kay papa at umakyat na ako,nagpahinga ako saglit at naligo na ako oo naligo ako dalawang besses kasi ako naliligo kapag umaalis kasi ayokong pawisan sayang naman kasi kagandahan ko kung may amoy naman di ba, at di ba dapat ang mga babae fresh as in fresh kagaya ng bagong relasyon hahah charis hugot na naman no,akala mo naman nagkaroon na ng love life hahah.
Pagkatapos kung maligo nag basa na ako ng novel na binili ko at unti - unti na akong nakaramdam ng pagod at nakaramdam na din ako ng antok.
Ken's POV
Nakatulog na kaya siya sinilip ko si baby kung nakatulog na ba siya kasi parang bata siya kanina napaka likot enjoy na enjoy siya sa arcade at may niyaya pang - iba well sulit ang pagsama ko sa kanya kasi nakita ko na naman ang matamis niyang mga ngiti.
"Ma hah!,ma hah!, huwag hah! ,huwag mo kong iwan maaa ha! ha, ha ,ha ,maaa, maa good girl na ko please wag mo kong iwan hahuhahu ha, ha ,ha ,ma ,ma.
Bago pa ako makapasok yan na ang naririnig ko mula sa kwarto ni baby kaya lumapit ako sa kama kung nasaan si at hinamas ko ang kanyang ulo hanggang sa tumigil na siya.
" Good morning baby' bati ko sa kanya pagkababa niya sa hagdan.
"Gooood morning din !kuya kong gwapo. maligayang bati niya
"Good mood.
"Opo,nakatulog po kasi ako nang masarap.
"Bakit naman ?
"Kasi kagabi napanaginipan ko merong prince charming na sumagip sa akin mula sa tore.
"Hhaahah! Ganun oh siya kumain kana para maka -alis kana.
"Okey.
Nang matapos na kami kumain umakyat na siya at ako din pinaubaya ko na yung mesa kina manang at muli akong nahiga sa kama at unti - unti akong dinapuan ng antok .
Kristine 's POV
Ngayon ay kukuha ako ng uniform at ID sa school nagmadali na ako at umalis na hindi na ako nagpahatid pa kay manong oscar siya yung driver namin.
Sumakay na ako ng taxi at makalipas ang ilang oras ay nakarating na ako malapit sa school, bumaba na ako at naglakad na pagkapasok ay hinarang ako ng guard at hiningi yung authorization letter para sa katunayan na narito ako para sa uniform at ID nang ipinakita ko iyon ay agad naman akong pinapasok at itinuro niya kung saan yun, hindi na ako na hirapan kasi malapit lang yon pumila na ako at ilang minuto lang ay nakuha ko na tatlo kasi silang nagbibigay kaya mabilis lang.
Nang matapos na ako lumabas na ako ng school, habang naglalakad ako sa gilid ay nagulat ako dahil sa maruming tubig na sumaboy sa akin,sumigaw ako sa driver pero tumingin lang ito sa side mirror niya at tuloy parin ang patakbo niya kaasar nga eh sana ma flatan siya bwusit.
Nagpalit ako ng damit at nagpasundo na kay manong oscar dahil hindi naman ako pwedeng sumakay ng taxi dahil may dumi rin pants ko. pagnakita ko kung sino may - ari ng kotseng yon humanda siya sa akin i flying kick ko muka non tsk.
Ilang saglit lang nakarating na si manong Oscar sumakay na ako at umuwi na kami.
To be continued....
Sa mga nagbabasa nito sana na gustohan niyo yung kwento abangan niyo sana yung mga susunod pa .
Inyong author Demin K