bc

The Tradition

book_age16+
297
선작수
1K
독자수
결혼 후의 생활
착한 여자
bxg
유머러스
왕실
전쟁
왕자
like
intro-logo
작품 소개

Kingdom series 1 : The Tradition

(COMPLETED)

"You're about to marry the prince, how could you let someone touched you!"

Veronika Velasques is bound to marry the prince of Silverio but she slept with someone, will that affect the marriage?

chap-preview
무료로 첫화보기
Chapter 1
Princess Veronika Velasquez Everyone is busy. Ang mga nasa kusina ay abala sa paghahanda ng mga pagkain para mamaya. Ang mga kasambahay ay naglilinis ng buong mansyon ng mga Velasquez, habang ako ay malungkot na pinapanood ang mga ito. Mula sa pangalawang palapag ng mansyon, sa bintana ng aking silid ay tanaw na tanaw ko ang mga katulong na naglilinis at nag-aayos sa garden namin. Hindi ko maiwasang malungkot at kabahan. Sino ba naman ang hindi, kung maya-maya ay makikilala ko na ang prinsipe na nakatakda kong pakasalan. Kagabi lamang ay nagsasaya pa ako sa ibang bayan ngunit nagulat ako kaninang umaga nang ako'y ipasundo, hindi pa kami dapat ngayon magtatagpo ng prinsipe ngunit nakakagulat na tila minamadali na nila ang kasal. "Veronika, ano ba iyang mukha na 'yan? Napakapangit!" puna sa akin ng kapapasok lamang na pinsan ko sa aking silid. "Karina sa tingin mo ba ay dapat akong maging masaya?" Ngumisi ito sa akin bago sumagot, "Iyan ba yan dahil sa lalaking kasayaw mo kagabi?" Agad na nanlaki ang mga mata ko at nilagay ang hintuturo ko sa aking mga labi. "Shhh, ano ka ba baka may makarinig sa iyo, pareho tayong mapapahamak!" Agad naman s'yang na tahimik at iginala ang paningin sa paligid, kahit nasa silid ko lamang naman kami. Nang sumapit ang tanghali ay kinailangan ko ng maligo at mamaya ay aayusan na ako. Matapos kong maligo ay inabutan ko ang mga mag-aayos sa akin sa loob ng kwarto ko. Nakangiti nila akong pinaupo sa harap ng aking salamin. Matapos ang ilang minutong pagpapahid ng kung ano-ano sa aking mukha ay nag bihis na ako ng isang puting long-sleeved dress. Pinagmasdan ko ang sarili ko at walang duda na ako nga ang prinsesa ng Alteria, napakainosente kong tignan. Agad na lumukot ang aking mukha ng malala ang nagawa ko kagabi. Parang tinatambol ang puso ko sa kaba, Veronika kumalma ka wala namang nakakaalam kundi ikaw lang at ang lalaking iyon kagabi. Huminga ako ng malalim at agad itong pinakawalan. Kaya ko 'to tiwala lang. Napukaw ang atensyon ko ng isang mahinang katok sa aking pintuan. "Prinsesa bumaba na raw po kayo at parating na ang mga bisita." Mabagal akong lumabas ng aking silid at dahan-dahang bumaba ng hagdanan. Inabutan ko si Karina na hinihintay ako sa ibaba ng hagdan. "Ang ganda, dyosa talaga!" Ngumiti ako kay Karina at kumapit sa braso nito. Sabay kaming naglakad patungo sa garden. Nandoon na ang mga miyembro ng aming pamilya. Ang aking amang hari at inang reyna ay nakangiti akong sinalubong. "Napakaganda ng aking Prinsesa," ang aking ama. "Saan pa ba magmamana?" nakangiting singit ng aking ina. Agad namang natawa ang mga nakarinig noon at hindi nagreklamo, bakit pa tunay naman ang kanyang sinabi, ang ganda ko ay talagang nagmula sa aking ina. "Nandito na ang mga Calderon!" Nanigas ang katawan ko at agad na lumingon sa mga naglalakad papalapit sa amin. Ang mag-asawang Calderon ang nauuna at sa likod nila ay ang prinsesa katabi ang kapatid na prinsipe na marahil ay s'yang papakasalan ko. Nakayuko ito hanggang sa makarating sa aming harapan. Inangat niya ang kanyang mukha at agad na tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at halos patidan ako ng hininga ng magtama ang aming mga mata. Papaanong siya ang prinsipe?

editor-pick
Dreame-PD 추천픽

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

스캔하여 APP 다운로드하기

download_ios앱스토어
google icon
구글 플레이
Facebook