The Inner Council

1787 Words
Chapter 02 "So cunning, My Love." Kinintalan ng halik sa noo ni Alpha White Tiger si Selene habang ito ay nasa kanyang mga bisig. Katatapos pa lamang ng kanilang mainit na paniniig. Isang ngiti lamang ang itinugon ni Selene sa kanyang minamahal. Kahit may iniinom na s'ya, hindi n'ya pa rin kinaya si White Tiger. Silang mga vampire, maiinit rin sila kung ang paniniig ang pag uusapan pero nalaos s'ya kung ang kanyang asawa ang pag uusapan. "And you, hindi mo ako tinigilan. Kailangan mong magpasalamat Kay Minerva para sa potion na binigay n'ya." Humarap s'yang patagilid kay White Tiger at isiniksik ang sarili dito. Masarap sa kanyang pakiramdam ang hatid na init ng katawan nito. "Hindi ba't nakakahiya kay Minerva?" Kuno't noong iniangat ni Selene ang kanyang ulo mula sa pagsiksik dito. "Baka isipin ni Minerva, nakukulangan na ako sa'yo kaya kailangan mo panghumingi ng potion sa kanya." "Alam nating dalawa na hindi totoo yan." Isang mabilis na halik ang iginawad ni Selene sa asawa. "Gusto kong mabigyan ka ng anak, Mahal ko, gusto kong magkaroon ka ng taga pagmana." "Salamat, My Love." Hinapit pa palapit ni White Tiger si Selene sa katawan nito. Nasisiyahan s'yang mga effort na binigay nito, kahit na nga madalas na wala ng oras si White Tiger sa kanya, hindi nagrereklamo si Selene. Pinagpapasalamat n'ya sa dyosa ng buwan sa pagbibigay nito ng kanyang kabiyak. "Mag uumaga na Mahal, matulog ka Muna kahit konte, alam kong marami kang gagawing." Isinuklay ni Selene ang mga daliri sa buhok ni White Tiger, maya maya pa ay malalim na ang paghinga nito. Ipinikit na rin ni Selene ang mga mata, mahimbing na rin s'yang matulog, umaasa na ibibigay ng dyosa ng buwan ang kanyang panalangin kahit nagcheat s'ya ng konte... Konte lang naman.. Tanghali na ng magising si Selene, alam n'yang wala na sa kanyang tabi si White Tiger ngunit, amoy naman n'ya ang presensya nito na naiwan sa unan. Niyakap ito ni Selene, inamoy pa n'ya ang unan nito. Makalipas ang ilang minuto, nagpasya na si Selene sa bumangon. Isang simpleng sunny dress ang isinuot ni Selene pagkatapos maligo, pagbaba ay dumiretso s'ya sa kusina. Naabutan n'ya si Ebony na kumakain. Steaks and blood?... Na naman. Silang dalawa ni Ebony, iniinom sila ng dugo ng tao, from the blood bank na kunektado sa pack, every week at dugo naman ng hayop everyday. Hindi kagaya ng sa werewolf, may timespan ang pag consume nila ng dugo, kapag hindi nakainom ng dugo ang isang werewolf sa itinakdang oras, ito ang magiging dahilan ng pagiging mortal nila. Sa ngayon, wala pa naman s'yang nalalaman na maging mortal ang isang werewolf sa hindi nito pag inom sa itinakdang oras. "Ebony, napapansin ko, panay mo ang inom ng dugo ng tao nitong mga nakaraang araw." Ang dugo ng Tao ay magiging purple kapag ito ay nahanginan at mapulang pula ang dugo naman ng hayop. Kumuha ng pinggan, kutsara at tinidor si Selene sa cabinet. Kumuha ng mug para magtimpla ng kape. "Buntis ako." "Buntis ka lang naman pala eh." Natigil sa paglalagay ng kape sa kanyang mug si Selene ng marealize ang sinasabi ng kapatid. "What?? Pakiulit nga ang sinabi mo." May ngiti na sa labi si Selene habang umuupo sa tabi ng kapatid. Humarap si Ebony sa kapatid at nagbigay ito ng malawak na ngiti. "Yes, ate. I'm pregnant." Isang malakas na tili ang umalingawngaw sa kabahayanan ng Alpha. Biglang nagsulputan ang mga Beta at Gamma sa kusina,ang ilang Epsilon ay silip pa ang bawat sulok ng kusina. Humahangos naman na dumating ang Alpha. Puno ng pag aalala ang makikita sa mukha nito, samantalang ang mga Beta naman at ang Gamma ay nakakunot noo. Lumapit si Nickel sa kabiyak upang tignan kung may nangyari dito. "Sorry. Napalakas ata ang tili ko." Hinging paumanhin ni Selene. Lumapit si White Tiger sa kanyang Luna at niyakap ito ng mahigpit, ramdam ni Selene ang bilis ng t***k ng puso nito. Literal na nagbigay s'ya ng kumosyon sa buong pack. "I'm glad your okay." Inilayo ng konte sa katawan ng Alpha si Selene para nagtignan ito ng maigi. Nang walang makitang anumang panganib ang mga Epsilon, nagpaalam na ang mga ito na babalik na sa pagsasanay. Inaya ni Selene na manganghalian na ang mga bagong dating. Tinulungan s'ya ni Prime sa pagkuha ng mga kubyertos, habang si Uno ang nagsandok ng kanin at ulam na bagong luto pa at hindi pa nagagalaw. Agad naman umupo katapat ni Nickel si Rine sa hapang kainan. Iginaya ni Selene na nakaupo si White Tiger sa hapang, sabkanan ni White Tiger pumuwesto si Prime at kaliwa si Selene. Nilagyan ni Selene ang pinggan ng kanin at ulam ni White Tiger. Ang iba ay nagkkanya kanya ng sandok ng pagkain. "Ano na naman kase ang sinabi mo sa Luna at maging masyado atang excited, Baby." Tanong ni Nickel kay Ebony habang ito ay sumusimsim ng dugo sa kopitang hawak nito. "Sinabi ko lang Naman sa kanya na buntis ako." Walang ganang tugon ni Ebony. Balewala lang sa kanya ang maging reaksyon ni Nickel na nanigas sa kanyang tabi. "Wow! Congratulations Nickel, magiging Tatay ka." Bati ni Uno sa nanigas na Gamma. "It's a blessing." Saad ni Selene. A blessing indeed. Dahil silang mga vampire ay literally... As in literally dead na, wala pang ipinanganak sa lahi nila na galing mismo sa dalawang bampira. Unless, ang pagbubuntis nito ay galing sa ibang lahi at gagamitan ng mahika. Silang dalawa ni Ebony, ay mga pureblood pero hindi royals, nagtanong na sila sa mga Elders kung saan sila nagmula at paanong sila ay pureblood, ngunit walang nagbigay ng kasagutan sa kanila. Kung buntis si Ebony... Ahh..kukurutin n'ya sa singit ang kapatid kapag hindi ito nagsabi ng totoo sa kanya. "Humihinga pa ba si Nickel?" Natatawang Saad ni Rine. Nakikita n'ya kasing hindi na gumagalaw ang kaharap. "Check mo nga si Nickel, baka hinimatay na yang dilat ang mga mata." Natatawang wika ng Alpha. Masaya ito para sa kanyang Gamma, ang kanyang Gammang may pagkaisip bata, ngayon, magiging Ama na ito. Paniguradong magiging mabuting mga magulang sila Nickel at Ebony sa kanilang magiging anak. "May kakilala akong ganyan. Hinimatay ng malamang buntis ang asawa." Sabay tingin ni Uno Kay Prime. Napayuko naman ang Beta sa pambubuko nito. Nanlaki ang mata ni Selene na bumaling Kay Prime. "Buntis rin si Dos?! Oh my... Congrats Prime." Maligayang maligaya si Selene, Ang mga importanteng babae sa buhay n'ya ay may mga mumunting pups na sa sinapupunan nito. Mamatay dadalawin n'ya ang kaibigan. "Binabati Rin kita Uno, magiging Tito ka na." Bati ni Selene, nakakabatang kapatid ni Uno si Dos na kabiyak naman ni Prime. "Baby Nickel, humihinga ka pa ba? Wag mo namang ulilain ang mga pups natin. Magiging biyuda na ba ako ng ganito kaaga?" Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Ebony, kahit naman lagi nitong inaaway ni Ebony, alam nilang mahal na mahal nito si Nickel. "Baby, magiging Tatay na ako? May munting pups na sa loob nito?" Nahimasmasan na si Nickel, hinawakan n'ya ang manipis pang tyan ni Ebony. Tinugon naman ng isang lalim na halik sa labi ni Ebony si Nickel. "I'm three weeks pregnant, Baby." Muli, napuno NG pagbati, tuksuhan at pagmamahal ang habag kainan. Bigla namang tumayo si Nickel. "Kailangan ko ng bumalik sa training camp, kailangan mas magsanay pa Ang mga Epsilon, ng sa ganun ay maprotektahan nila ang susunod na Alpha." Bilang isang Gamma, pinamumunuan nito Ang mga Epsilon o ang mga mandirigma ng kanilang pack. "Sasabihan ko ang mga Sentinel na doblehin ang pagbabantay." Si Rine naman ang namamahala sa seguridad ng buong pack. Ang Sentinel ay mga taga pagbantay at taga seguridad ng Crescent Red Moon. Sabay na nagpaalam ang dalawang Gamma. Hinalikan ni Nickel sa ulo si Ebony bago umalis. "Excited naman ang dalawang yun, hindi pa nga ako nabuntis eh." Sabi ni Selene, habang hinahatid ng tanaw ang dalawang Gamma palabas ng kusina. "Mahal ko, kailan pa sila maghahanda? Ganyan ka kaimportante sa kanila, aking Luna, kaya hayaan mo lang sila sa kanilang ginagawa dahil ito ang nagpapasaya sa kanila, na paglingkuran ka at ang susunod na Alpha." Masuyong hinawakan ni White Tiger Ang pisngi ng Luna. Ngumiti na lamang si Selene. "Nakatanggap ako ng ulat sa ating scout, kailangan kong makipagkita sa kanila." Wika ni Prime. "Ako na ang makikipagkita sa kanila, may nalakap akong balita tungkol sa mga rouge na nakikita na nagpupulong sa Avenitez." Tinapos na ni Uno ang kinakain. Sabay ng nagpaalam ang dalawang Beta, dahil si Uno na ang makikipagkita sa mga scouts, uuwi na lamang muna si Prime sa kanila para makita ang kabiyak. "Pakisabi Kay Dos na dadalawin ko s'ya." Isang tango naman ang itinugon ni Prime sa Luna. Naiwan naman silang tatlo sa hapang kainan. "Napaghahalata kung sino ang mabagal sa ating kumain." Taas kilay na tumingin si Ebony Kay Selene. Napatingin naman sa pinggan ni White Tiger at Ebony si Selene, tapos na silang kumain, samantalang s'ya ay hindi pa ngangalahati ang nasa pinggan. "Inuuna kase Ang tsismis bago ang pagnguya." Tukso pa ni Ebony. Humaba naman ang nguso ni Selene. Natawa naman Ang Alpha sa iginawi ng kanyang Luna. "Aking Mahal na kapatid, may sasabihin ka ba sa akin?" Bawi naman ni Selene. Tumikhim muna si Ebony bago tumayo. "Excuse me Alpha, Luna, kailangan kong magpunta sa hunter headquarters para makausap si Chase, ipapaalam ko ang pagbubuntis ko, baka sunugin ni Nickel ang headquarter kapag binigyan ako ni Chase ng trabaho." "Pakisabi na rin kay Chase na magpunta sa blood bank, kailangan natin ng stocks, ngayong nagdadalang pups ka, mas kailangan mo ng dugo." Kahit kailan napakabuti nito sa kanilang magkakapatid, hindi sila nito pinabayaan kahit, ang buong pack. "Salamat." Humalik Muna sa pisngi ni Selene si Ebony at tinapik sa balikat ang Alpha bago umalis. "Tayo na Lang ang naiwan, Mahal ko." Mahahamigan Ang lambing sa tono ng pagsasalita ng Alpha. Tumayo naman si Selene at inumpisahang ligpitin ang mga pinggan, kutsara't tinidor, baso sa hapang kainan. Pagkatapos itong simsimin ay inilagay na nito sa lababo. "Mahal, alam kong marami ka pang gagawing, kaya sige na, iwan mo na ako para makapaglinis na ako dito." Pagtataboy nito sa asawa. Nagulat nalang si Selene ng buhayin s'ya ni White Tiger, lumabas ng kusina at patungo sa hagdanan, sa itaas, kung saan kanilang kwarto. "Kailangang magkalaman na yan." Tukoy nito sa kanyang sinapupunan. "Hindi dapat nagpapadaig ang isang Alpha." Alam ni Selene na nagbibiro lamang ang asawa, alam n'yang masaya ito para sa mga kaibigan. Ikinawit ni Selene ang kamay sa batok ng Asawa at isiniksik ang mukha n'ya sa leeg nito. Nagpapasalamat si Selene sa dyosa ng buwan sa pagbibigay nito ng matatalik na kaibigan sa kabiyak, mga kaibigan na maasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD