CHAPTER 4

1719 Words
NAPANGANGA pa rin ako habang nakatingin sa chat ni Agustin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa chat niyang ito, pagkatapos kong maghintay ng ilang oras dito at iyong excitement ko na pinaguho niya? “Rebook, babe? Hindi pʼwede! Sobrang mahal ng pa-rebook lalo na sa hotel na binook ko! Nag-promise ka sa akin na matutuloy tayo today! Nandito na ako sa NAIA and naghihintay sa iyo kanina pa!” chat ko sa kanya at pinaramdam ko sa chat ko ang galit at pagiging dismayado ko sa kanya. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan ngayon. Dalawang oras na lang ay departure na namin kaya kinakabahan ako ngayon. Patingin-tingin ako sa paligid ko ngayon at baka kasi ay pina-prank lang niya ako, right?baka naman kasi ay nandito na talaga siya at tinitignan ang reaction ko sa chat niya. Minsan kasi ay ganoʼn si babe! Mapang-asar. “Babe, donʼt joke around me, okay? Two hours na lang before our flights! Please, hurry up and magpakita ka na sa akin! Need mo pang ipa-check in ang baggage mo.” Chat ko muli sa kanya habang hindi pa rin tumitigil ang mga mata ko na lumibot-libot sa paligid ng airport. Napabuga ako at napaupo nang makitang walang Agustin na dumating sa airport ngayon. Hindi siya sumipot sa usapan naming dalawa. Kaya napabuntong hininga na lamang ako sa kanya lalo naʼng marinig ko ang announcement ng airport, tinatawag na kami. Need ko ng pumunta sa boarding gate today. Sa inis ko ay kinuha ko ang duffle bag at mabilis na lumakad papunta sa boarding gate na tinutukoy sa announcement. Ni-ready ko ang aking passport at maging ang visa ko nang makarating ako sa boarding gate ko. May nakasabay pa akong mga ibang tourist, iyon nga lang ay may tourist agency sila. Napaupo na muna ako rito sa may tabi habang hinihintay kaming papasukin sa loob ng plane. Ako lamang ang mag-isa at halos sa paligid ko ay may mga kasama. While I was waiting, I didn't even look at the phone I was holding. I hope that Agustin will change his mind but no! He didnʼt even chat me back. I was frustrated today! Tumayo na rin kami nang papasukin na kami sa boarding gate namin. Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang mahanap ko ang aking designated seat. Umupo ako roon sa tabi ng bintana and ang duffle bag ay nilagay ko na sa itaas, tinulungan nga ako ng isang pasahero. Hindi ko kasi abot. Ang handbag ko naman ay nilagay ko sa seat ni Agustin, na-inindian ako. How dare him! Nagpromise pa siya sa akin then hindi naman niya matutupad! Argh! Napatingin ako sa may window ay ilang minuto na lamang ay aalis na kami. Lilisanin ko muna pansamantala ang Philippines... Na may sama ng loob because of Agustin. I promised myself I wouldn't forgive him when I came back from Paris. He broke our promise. “Good afternoon, ladies and gentlemen. On behalf of Sunshine Airline, it is my pleasure to welcome you aboard flight 69 with service to Manila city and continuing service to Paris City.” I was so excited when I heard the voice of the stewardess. We're flying to Paris. Tatanggalin ko na muna ang sama ng loob ko kay Agustin. Actually, inunfriend ko muna siya sa facetagram account ko. I don't want to see any pain in my account right now. I'm sure if I get a chat from him I'll be annoyed or worse I might not be able to enjoy my trip to Paris. Napatingin ako sa window ko and nakikita ko na ngang lilipad na kami. “Goodbye for now, Phillipines!” I murmured and napasandal na nga ako sa seat ko ngayon. Nilagay ang aking neck pillow ay ang aking airpods at saka ko pinikit ang aking mga mata para ipagpahinga ang aking isip ngayong araw. I need to rest. Especially to my mental and emotional health. Nagising muli ako nang tapikin ako ng ka-linya kong babae. “Miss, are you okay? Pasensya na kung ginising kita pero umuungol ka,” saad niya sa akin at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Napaayos ako ng pagkakaupo ko ngayon. Ngumiti ako sa kanya at kinawag ang aking kamay. “I-itʼs okay... Thanks sa paggising sa akin,” nakangiting sabi ko sa kanya at inayos ang ilang hibla ng aking buhok. “Um, what time is it na? I mean, d-dumaan na ba ang stewardess to serve food?” pagtatanong ko sa kanya. “Um, hindi pa naman,” saad niya at sabay iling sa akin. “Last na daan nila which is two hours ago,” dagdag na sabi niya sa akin. Napatango-tango na lamang ako sa kanya and ngumiti. “Thanks!” sabi ko sa kanya. Inayos ko ang aking composure at pinindot ang tablet na nasa harap ng seat ko. Naghanap na lamang ako ng movie na pʼwedeng panoorin. Mabuti na lamang din ay ang aking kahilera ay isang Filipina at mukhang isa siya sa mga turista na kasama sa isang tourist agency. Naka-focus na ako sa panonood ng movie rito nang kalabitin ulit ako ng kahilera ko. “Um, dadaan na iyong cart...” nakangiting sabi niya sa akin at tinuro iyon. Sheʼs nice. Pinaalam pa talaga niya sa akin. “Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya hininto ko muna ang movie na pinapanood ko. Kinuha ko muna ang aking wallet at inabangan ang cart na dadaan sa linya namin. I've also been feeling hungry. My last meal was lunch. The time on the tablet in front of me is 11 in the evening. So, ilang oras na akong walang kain. Kaya need ko ng kumain today. Nang tumapat sa amin ang stewardess ay agad akong umorder ng pork estofado, vanilla pudding in cup, and bread roll and butter and for my drinks ay water bottled. I donʼt know but naparami ang nabili kong food, isa lang ang dahilan dahil gutom ako. Kaya idadaan ko na lamang sa pagkain iyong nararamdaman ko ngayon. Una kong tinikman itong pork estofado, okay naman angg panlasa sa akin pero wala akong kick na nalalasahan. May hinahanap akong sipa kapag sinusubo ko ito. Agad ko rin naman ito naubos at kinuha ang sunod na pagkain na nabili ko, ang vanilla pudding in cup. Hindi yata ito pʼwedeng patanggalin pa. Nang maisubo ko iyon ay napahinto ako, walang gaanong tamis kaya hindi ko nagustuhan pero inubos ko pa rin. Sayang. Tinabi ko na lang muna ang bread roll and butter ko. Mamaya ko na lamang kakainin. “Um, gusto mo? Dala ko ang snacks na ito.” Kinalabit na naman ako ng babaeng katabi ko. “Mag-isa ka lang? Wala kang kasama?” dugtong na sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at kumuha ako sa potato chips na dala niya. “Thanks!” saad ko sa kanya. “Um, dalawa Sana kami... Pero, hindi siya sumipot,” natatawa kong sabi sa kanya at kinain itong kinuha kong chips, nilagay ko sa tissue. Napatango niya sa akin. “Boyfriend mo dapat?” tanong niya kaya napatango ako sa kanya. “Sucks! I mean, lahat ng lalaki ay sucks! Sorry, ha?” Agad niyang paghingi ng sorry sa akin pero ngumiti lamang ako sa kanya. “I know,” sabi ko sa kanya at tumawa siya nang malakas. “May mahahanap ka rin na lalaking matino at tumutupad sa pangako! Oh, by the way, Iʼm Criza! Student sa Paris! Pero, exchange student lang this year! Ita-try ko kung kaya kong mag-aral doon lalo naʼt may dalawang kapatid akong over protective!” natatawa niyang sabi sa akin. “And, mag-iingat ka pala sa Paris, ha? Lalo na kapag malapit sa Eiffel Tower, alam kong maganda roon pero maraming pick pocket,” sabi niya sa akin at lumingon sa paligid. “Mga snatcher... Marami roon and hindi mo mahahalata kasi magaganda at gwapo ang mga pick pockets doon! So, stay attentive sa mga gamit mo once na lumibot ka na roon lalo naʼt wala kang kasama,” babalang sabi niya sa akin. Alam ko ang tungkol doon. Napanood ko sa facetagram account ko ang tungkol doon. And, sinabihan na rin ako ni Kuya Rash about sa pick pocket na laganap sa may Paris. Kaya nga ang dala kong sling bag ay may lock. “Thanks sa information! Ready ako sa kanila!” natatawang sabi ko sa kanya. “Thatʼs good to hear, Miss?” pagtatanong niya sa pangalan ko. “Um, Rosalie,” banggit ko sa name ko sa kanya. “Rosalie! Sana magkita tayo sa Paris in case! Paglanding pa lang kasi natin doon ay magiging busy na ako. Enrollment na kasi roon,” nakangiting sabi niya sa akin. Hindi ko namalayang nakagaanan ko siya ng loob. Mabait din kasi siya at masayang kausap. Kaya sa buong byahe ko ay hindi na ako nainip at sa buong byahe namin ni Criza ay nag-kʼwentuhan lamang kami habang sinasabi niya sa akin kung ano ang pʼwede kong puntahan na malapit sa hotel ko. Oo, sinabi ko rin ang hotel ko kung saan ako mag-i-stay. Wala naman mawawala and may picture kami sa isaʼt-isa. “Ladies and gentlemen, Sunshine airlines welcomes you to Paris City. The local time is 2:01AM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisles clear until we are parked at the gate.” announce ng flight attendant kaya naging active kaming dalawa. “Oopps, nasa Paris na tayo, ate Rosalie!” sabi niya sa akin at nagsuot na kami ng seat belt. Ate ang tawag niya dahil nalaman naming mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. 19 years old siya then ako ay 21 turning 22 years old sa May. “Yes! Sana magkita talaga tayo! Mag-contact na lang tayo sa facetagram account!” saad ko sa kanya. Binigay namin sa isaʼt-isa ang account namin. “For sure!” nakangiting sabi niya at nagtawanan kaming dalawa. Here I come, Paris! Nasa Paris na ako. My dreame country!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD