"Si Jake De Leon ay kakambal ng daddy James mo anak! At siya.... siya ang tunay mong Ama!" Parang isang bombang sumabog sa pandinig ni Micka ang inamin ng ina habang lumuluha ito sa harap niya. "What? Mom... Mommy.... No... Sabihin mong nagbibiro ka lang please Mommy..." "Hindi anak! Siguro panahon na para malaman mo! Ang totoo akala ko ay hindi na mauungkat ito pero, Eto gumawa ang tadhana ng dahilan para malaman mo ang katotohanan. Ikaw ay bunga ng minsang pag-iibigan namin noon ni Jake, magkababata kami nina Jake, Luciana, ako si Lucas na siyang kasa kasama ni Jake sa mga kalokohan niya at ang Mommy ni Andrei. Bata palang alam ko nang inlove na ako kay Jake may kakambal siya at si James nga iyon, kaya lang hindi siya malapit sa amin. Kabaligtaran kasi siya ng ugali ni Jake, tahimik at

