Hapon na ng maka received ng text si Micka mula kay Andrei, Ayon dito hindi muna siya nito masusundo dahil bigla di umanong sumakit ang ulo nito pagka galing nito sa field, Kaya naman nag-alala si Micka at dali daling umuwi. Kung kelan pa naman handa na niyang sabihin dito na ready na siyang sagutin ito saka naman biglang nagkasakit ito. Bago siya umakyat ng building naisipan muna niyang bilihan ito ng prutas at makakain baka kasi hindi parin ito naghahapunan. "Infairness sakin Andrei huh! Ngayon lang ako nag effort ng ganito kahit kina Leah at Tanya hindi ako ganito tuwing magkakasakit sila tatawagan ko lang at kakamustahin o di kaya kinabukasan ko na sila dadalawin pero sayo eto ako nagmamadali pa!" Kausap niya sa sarili "Good Evening po Ma'am" Bati pa ng guard ng building na madalas

