Masayang nag-aasaran pa sina Micka at Andrei ng pumasok ng building, Tawanan dito at tawanan doon tapos maya mayay nagbabangayan naman pero mauuwi ulit sa tawanan. Hanggang sa pagpasok ng elevator akala moy mga teenager na nagliligawan o di kayay mga batang nagtutuksuhan lamang ang tema, Di na rin nila alintana kung pagtinginan man sila ng mga taong nasa paligid o mga nakakakita sa kanila. "Para kang ewan! Ang corny mo talaga!" wika ni Micka sa pagitan ng pagtawa "Ah ganun? Corny pala pero tawa ka naman ng tawa!" "Eh yun na nga sa sobrang ka cornihan nakakatawa na alam mo yun? Yung di ka natawa sa joke pero natawa ka nalang kasi di ko maisip kung bakit mo naisip yung ganun!'' "Ahh talaga ba?" "Oo kaya!" "Edi wow sayo!" "Talaga!" "Ok lang di bale ng corny pogi naman!" "Ay wow! Ang

