-Sofia- Birthday na ni Josh bukas kaya tinawagan ko sina Kimberly na pumunta sa bahay para planuhin namin ang sorpresa para sa kanya. At dahil umalis si Josh para kausapin ang kanyang tito Lawrence, I took that opportunity para papuntahin na sila sa bahay. Pero nagulat ako nang makitang pati si Clara ay kasama nila. She said she was okay, so I believed her. Alam kong may pinaplano siyang hindi maganda, pero maingat na ako ngayon. Isang pagkakamali lang at tanggal na talaga siya sa grupo kahit na ako ang bagong salta dito. The boys gave me fist bumps, and Kim hugged me tight as they walked in, but Clara sent me a middle finger. Natawa na lang ako sa pagiging childish niya. Naupo silang lahat sa sofa, at ako naman ay nagtungo sa kusina para kumuha ng coke in can sa ref. “Kim, tulong.” I

