-Sofia- It was Josh’s birthday! Habang nagbibihis sa kuwarto ko, nasa sala siya at kausap ang kanyang buong pamilya through phone. His mom, dad, and ate Bianca. Gusto niya akong ipakilala sa kanila, but I am not ready yet. Saka na siguro kapag alam na ni kuya Vaughn ang tungkol sa amin. Ayokong sa iba pa malalaman ni kuya na kami na ni Josh. Ako mismo ang magsasabi sa kanya. At ipapakilala ko na siya sa daddy ko. Alam kong hindi iyon tatanggi sa relasyon namin dahil kilala niya naman na si Josh. I decided to wear a peach satin dress that stopped just above my knees, sleeveless and simple yet elegant. I paired it with black heels and a matching black purse. Itinaas ko lang ang buhok ko at hinayaang maglaglagan ang ilang hibla. I kept my make-up light, with just a touch of soft red lip

